Chapter 35
NAGDADABOG si Bibi pataas ng hagdan. Nabastusan siya sa ginawa ni Isagani kay Leandro. Nag-uusap pa silang magkaibigan sa bakuran nang patayin nito ang ilaw doon at lumabas ito. Ang sabi nito, oras na raw ng pagtulog. Diretsahan nitong sinabi sa kaibigan niyang pagpahingahin na raw siya nito.
Si Leandro naman ay parang nagkaka-phobia na kay Isagani. Nauunawaan naman niya ito. Mas matangkad dito si Isagani, mas malaking lalaki rin. Isang buntal lang dito ay tatalsik na ito. Ayaw daw nitong majombag. Hindi raw ito marunong manapak; manampal at manabunot, puwede pa.
Alam niya, inis na inis din si Leandro kay Isagani. Baka daw nai-insecure dahil ang nanay niya ay nakita nitong malapit dito, samantalang parati nang nakataas ang kilay kay Isagani. O baka naman daw nagseselos dahil hindi pa man ay parang mas malapit na ito sa bata, kaysa rito.
Sabi niya rito ay huwag itong pasisindak, siya ang bahala, miss na miss na niya kasi ito. Pero ayaw na nitong magtagal doon. Mahirap na raw.
"Nagagalit ka dahil lang doon?" Nakasunod si Isagani sa likod niya. Sa tono ng pananalita nito ay para bang siya pa ang nagpapalaki ng issue.
"Hindi ako nagagalit. Tuwang-tuwa nga ako. Ang husay-husay mo pala kasing makipagkapwa-tao." Ni hindi niya ito nilingon. Nagtungo na siya sa silid at naupo sa kama. Inabot niya ang librong bigay ni Nate sa kanya, isa sa mga kaibigan ni Isagani na isang sikat na manunulat. "Magbabasa pa ako."
"Totoo namang bawal sa 'yo ang mapuyat, ah? Bakit parang ako pa ang lumalabas na masama?"
"Kailan ka ba aalis?" pag-iiba niya. Dalawang linggo na ito doon. Wala na itong ibang ginawa kundi mang-seduce o kung hindi naman ay ganoonin si Leandro. Kapag ka-text niya ang kaibigan, panay ang pintas nito sa bakla. Para bang ang tanging rason kaya ito naroon ay guluhin ang mundo niya.
"Pinapaalis mo na ako?"
"Nagtatanong lang ako. Isara mo ang pinto paglabas mo." Nahiga na siya at nagsimulang magbasa.
"Bakit ba gustong-gusto mong nakikita ang taong 'yon? Ang pangit-pangit naman no'n! He has the biggest, most disgusting gut I have ever seen. Take off his pants and he'd look exactly like Winnie the Pooh!"
Laglag ang kanyang panga. Ni minsan ay hindi pa niya ito narinig na namintas sa ganoong paraan---nakadirekta sa pisikal. Noon ngang nasa apartment pa siya nito ay siya ang madalas mamintas sa mga napapanood nila sa TV. Pinagsabihan pa siya nitong hindi daw magandang pakinggan ang ganoon. Ano't sobra ito ngayong makapanlait?
"Sobra ka!"
"Totoo lang ang sinasabi ko. Mukha siyang bear."
Hindi niya alam kung matatawa o maiinis pang lalo. Napangiti siya. "Cute si Winnie the Pooh. Pero mas kamukha siya ni Tinky Winky, the rumored gay teletubby. 'Wag mo siyang pintasan. Baka maging second father ng anak mo 'yon."
"No way! Never! That baby is mine and I will never let him come near my baby ever. Don't speak to him again. Don't text him, don't see him. Forget about him completely."
Muli ay napanganga siya rito. "Excuse me?"
"You heard me!"
"And if I don't do as you please, King Isagani? Would your soldiers kill me? What's the big deal, huh? 'Wag mong sabihing nagseselos ka sa kanya? Bakit, na-in love ka na ba sa akin?" Nakakaloko siyang tumawa.
"Ang hirap-hirap mong mahalin."
Tila may dumagan na malaking bato sa kanyang dibdib. It was not enough for him to say bad things about her friend. It was not enough that he made it crystal clear before that Amber was his life. It was true, too. Ilang ulit na niya itong nakitang kausap ang babae sa telepono. And she figured he was but a man with a large appetite for sex. And since Amber was not around, he needed her.
It was also enough that he refused to marry her even if she begged. He still had to tell her that he found it hard to love her, like cold sore or fungus or a roach.
She swallowed the lump that formed in her throat. Her heart was clearly still on his hands. He could break it just like that. Oh, he was so cruel.
"'Wag mo nang subukan. Wala rin namang mangyayari. Mayroon ka nang Amber. Isa pa, hindi naman kita mahal, eh. Anong purpose? Bakit gusto mong mahalin ako? Alam mo, nakakatawa ka."
"Mas nakakatawa ka. Desperada ka na na pati si Leandro, gusto mong pakasalan. Gawin mo kung anong gusto mo, pero 'wag mong idadamay sa kalokohan mo ang anak ko." Iyon lang at tumalikod na ito.
Mabuti na lang at ganoon ang ginawa nito. Hindi na nito nakita pa ang pag-uunahan ng luha niya sa pagpatak.
---
Don't forget to vote, leave a comment, and share.
Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro