Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

"How are you?"

"Ayos ako," tugon ni Bibi kay Isagani. Tumawag ito sa kanya. Hindi niya alam kung saang lupalop ito naroon. Ang sabi lang nito bago umalis may dalawang linggo na ang nakakaraan ay tutungo itong New York.

"Si Baby?"

"Ayos kami. Napatawag ka?"

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"

"Kumusta ka?" matabang na wika niya.

"Nakakainis kang kausap." Nasa tinig nito ang iritasyon. "For your information, I have been sick for the past few days."

"Ngayon, kumusta ka na?" Hindi niya pinahalata ang pag-aalala niya.

"You can't even sound interested, can you? Wala ka na ba talagang interes sa akin, ha? You used to beg me to marry you, in case you've forgotten."

Doon bumulusok ang galit niya. Nais niya itong sigawan pero nagpakatimpi-timpi siya. "Isang malaking kalokohan. Sinabi ko na sa 'yong natural na reaksiyon ng babae iyon kapag nalamang buntis."

"So if I ask you to marry me, you'd say no? Is that it?" Napakayabang ng tono nito. Tila ba nagmamalaki pa. Tila pa nga nakakaloko, sarkastiko, parang hindi naniniwala, nanlilibak.

She would never give him the satisfaction of knowing he turned her mad her tears started to fall down. Sarkastiko rin siyang tumugon. "Yes. Bakit kita pakakasalan, eh, wala ka namang binatbat?"

"Excuse me? Sino ba'ng pinagmamalaki mo? Si Leandro? Honey, that fag can't even start your fireworks. Can he give it to you right like me? Honey, I could make you wet in a single kiss. I can make you beg for more. I can make you beg for me to go deeper and faster... Do you remember, honey?"

"Go to hell." Marin niyang naipikit ang mga mata. How pitiable she was. He was miles away and yet here she was, starting to tingle all over with just his words. Did she remember? She did. She remembered every night. There were wild nights when she remembered his fast thrusts. There were empty nights when she remembered his loving, warm strokes.

What the hell did he want from her anyway? Hindi matanggap nito na ang ina ng anak nito ay may posibilidad na magkaroon ng buhay na hindi ito kasama? Madamot din pala ito. Ito lang ang gusto nitong lumigaya.

"You wanted me, you still do. You were in love with me. You still are."

"Oh, yeah? You're so arrogant that you think I was and still am in love with you? I never was, for your information. Nadala ang ako sa 'yo, na-impress, na-overwhelm. Gunny Realado---sports icon---daring, gorgeous, rich, larger than life. For a while I wanted you. For a while I obsessed about you. Natural lang, babae ako. Trophy boyfriend ka, eh. Pero naisip ko ngayon, in the long run, hindi naman ako masisiyahang kasama ang isang taong hindi ko naman mahal. Alam mo---"

"Nagpunta na ba diyan si Mommy?" kabig nito, parang hindi na interesado pa sa sinasabi niya. He never took her seriously. And she guessed he never would.

"Oo." Dalawang ulit nang nakabisita doon ang ina nito. Wala namang natanong sa kanya ang matanda tungkol sa kanila ni Isagani. Basta't nagtungo ito doon na alam nang nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa ito at ang daming pasalubong sa kanya, maging sa sanggol.

Nagtungo na rin doon ang mga kaibigan nito. Pati ang mga ito ay walang sinasabi sa kanya tungkol kay Isagani. Naisip niyang marahil ay alam na ng mga ito ang sitwasyon nilang tatlo nina Amber. Hindi nga niya inaasahang bibisita ang mga ito doon. Naisip niyang sadyang inililihim ni Isagani sa lahat ang pagdadalang-tao niya, pero mukhang hindi naman pala.

"Nagpunta na rin dito sina Joaquin. Sinabi mo na pala sa kanila."

"Of course."

Of course ka diyan. "Sige na."

"I'll be there soon."

"Bahala ka." Ibinaba na niya ang telepono at napabuntong-hininga. Hindi pa man siya nakakahuma ay muling nag-ring iyon at agad naman niyang sinagot. "Hello?"

"Don't put down the phone when I'm still talking to you!"

"Ah, may sasabihin ka pa ba? Akala ko kasi wala na."

"'Akala ko kasi wala na.'" Pinaliit nito ang tinig, ginagaya siya. Imbes na mainis ay biglang napatawa siya. Parang gigil na gigil ito. "Nakakatawa pa ako?"

"Sige na, may ginagawa pa ako."

"Ano'ng ginagawa mo?"

Napatawa na naman siya. Parang hindi na niya ito kilala. He sounded very idiotic, but nonetheless cute. "Ano pa ba ang sasabihin mo?"

"Nandiyan na ako next week."

"Sige, okay."

"Sige, okay? Anong klase 'yon? Ano ba'ng gusto mong pasalubong? Tsk!"

"Parang bata 'to." Napatawa na naman siya. "Ikaw yata ang naglilihi sa ating dalawa. Kahit anong pasalubong. Kahit wala. Sige na."

"Bakit ka ba ganyan? Ikaw na nga ang tinatawagan, ikaw pa ang ganyan? Parang gustong-gusto mo nang ibaba ang phone. Sino ba'ng kasama mo diyan? Naiinis ako sa 'yo, Bibi."

Napailing siya. "Wala akong kasama. May sasabihin ka pa ba?"

"W-wala na."

"O, wala na pala. Eh, di babay na. Ano pa ang gusto ng baby kapre?" Napatawa na naman siya. "Para kang bata. Sige na. Babay."

Ibinaba na niya iyon, nakangiting naiiling. Minsan, parang kay sarap isiping may pagtingin sa kanya si Isagani. Pero umasa na siya dati. At ayaw na niyang pumlakda na naman kapag moment of truth na.

Ganoon lang talaga ito. But when push came to shove, without a doubt, he would choose Amber over her.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro