Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

HINDI makatulog si Isagani. Gusto sana niyang doon matulog sa silid ni Bibi pero ayaw naman nito. Wala daw dahilan para doon.

Ibig na niyang magwala kanina pa. Damang-dama niyang ibang-iba na ang sitwasyon. At natatakot siya. He had never felt so scared his whole life. Bibi seemed to have moved on with her life...

Palakad-lakad siya sa silid. Lalo na siyang hindi mapakali sa katotohanang bukas ng hapon ay kailangan na niyang umalis doon. May lakad sila ni Amber. Malamang na isang linggo silang mawawala, o baka dalawa.

Amber didn't have a clue he was going to be a father soon.

"Fuck!" sambit niya.

Noon siya may narinig na kung anong kaluskos mula sa labas ng silid. Agad niyang iniawang ang pinto at nakita niya ang isang aninong pumasok sa silid ni Bibi. Hindi na siya nagdalawang-isip, agad siyang naghagilap ng panghataw. Bitbit ang lampshade ay lumabas na nga siya.

Nakaawang ang pinto ni Bibi. Bahagya niya iyong itinulak. Napanganga siya sa nasaksihang eksena. Pinipisil-pisil ni Bibi ang mukha ng lalaking ngayon ay alam na niyang si Leandro.

"Miss na kita, akala mo!" wika ni Bibi rito.

"Miss din naman kita, ah!" anang bakla.

Nag-init ang ulo niya. Itinulak niya ang pinto at napatingin ang dalawa sa kanya. Agad na tumayo si Leandro at bumati sa kanya. Inignora niya ito. Nakatingin lamang siya kay Bibi.

"And what's this?!" he said.

"Anong what's this?" Tila nagtataka pa si Bibi sa reaksiyon niya. Kunot na kunot ang noo nito. "Gabi na, matulog ka na."

He could not believe his ears! Parang gusto niyang mambulyaw. Parang gusto niyang pitsarahan si Leandro at ibalya palabas ng bahay! Ano ang ginagawa nito doon? Basta na lamang ito nakakapasok ng dis-oras ng gabi doon, diretso sa silid---sa kama ng ina ng anak niya?! Sino ba itong lintik na ito?!

"Get out of here!" singhal niya kay Leandro.

Nahigit nito ang paghinga, nanlaki ang mga mata, at agad na lumabas ng silid. Napapitlag siya nang suntukin ni Bibi ang kanyang dibdib.

"Sino ka para gawin 'yon?!" angil nito.

"I'm the father of our baby, that's who I am!" Dama niyang umiigting ang ugat niya sa sentido. Magkalapat ang mga ngipin niya. Sino siya para gawin iyon?! Dapat pa bang itanong sa kanya iyon?!

Saglit lang siya nawala ay naging ganito na ito. Parang hindi na niya ito kilala. At kasabay ng galit ay hinang-hina ang kanyang kalooban. He was so damned frustrated. Why can't he reach her? The mother of his child? They shared something beautiful... that life in her womb. He thought she saw things that way, too. It looked like he was wrong.

"Tama ka. Tatay ka lang ng anak ko. Kaya wala kang karapatang itaboy paalis si Leandro. Bahay ko ito. Nakapangalan na sa akin ito. Sino ka para itaboy ang bisita ko?" Lumabas ito ng silid.

Agad siyang nakasunod dito. Lalo nang nag-init ang ulo niya. He knew once upon a time Bibi fell in love with Leandro. Even though he was gay, he still had a penis. And Bibi was a very attractive woman. And if Bibi did not want him sleeping on her bed, why the hell would he let that fag on it?

"Where the hell are you going?" Hinagip niya ang braso ng babae.

"Magso-sorry ako kay Leandro. Bitiwan mo nga ako!" singhal nito, sabay palag. Nagsukatan sila ng tingin. Ang ganoong inaakto nito---na para bang madaiti lang sa kanya ay nakakapagdulot na rito ng disgusto, ay para bang maliliit na kamay na unti-unting sumasakal sa daluyan ng hangin niya.

Bakit ang layo-layo na nito ngayon?

"Let him leave, dammit, Bibi."

"No. He's sleeping with me tonight."

"Like hell he is!"

"What do you care? Pinapakialaman ba kita sa buhay mo? Hindi naman, ah. May buhay ka, may buhay ako. Hayaan mo ako sa akin dahil hinayaan kita sa 'yo."

"Baka mahawa ng kabaklaan ang anak ko!"

"I didn't know you're homophobic." Sarkastiko lang itong ngumiti saka nagpatuloy sa pagbaba. Nakasunod siya rito. Nasa sala pa si Leandro.

"Mauuna na ako, Bibi. Sige, pare," anito sa kanya.

"Bilisan mo na," hindi nakatiis na angil niya.

Tumango lang ito. Hinabol ito ni Bibi at nakasunod naman siya. Ayaw nang manatili doon nito, pero nangakong babalik doon bukas ng gabi. Bumalik na rin sa kabahayan si Bibi. Ang talim ng irap nito sa kanya, saka nagbalik sa silid at pabalagbag na isinara ang pinto.

All he could do was kick the wall in utter frustration.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro