Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Nag-init ang ulo ni Isagani sa babae pero nagpasensiya na lang. Wala siyang ideya kung sino ito. Sa pagkakaalam niya, lahat ng tenants ng building ay mga may sinabi. Looking at the woman's worn out sneakers, he figured maybe she was a maid.

"Saan ba ang unit ng amo mo?" tanong niya.

"Sa dulo."

Napangiwi siya. Sa dulo pa niya dadalhin iyon? Hindi na siguro. Basta't makalabas lang ito ng elevator. Inisa-isa na nga niya ang kahon, gaya ng nais nito. Nakamata ito sa bawat kahon, tila anumang sandali ay magnanakaw siya ng laman niyon na kung anu-anong abubot lang naman.

Pagkapasang-pagkapasa sa kanya nito ng huling kahon ay inabot nito ang mga bag at hinila ang mga iyon palabas. Saka pa lamang ito tumingin sa kanya.

"Salamat." Kumunot ang noo nito na para bang minumukhaan siya, hanggang sa magkibit ito ng balikat---na para bang hindi lumugar sa isip kung saan siya nakita.

Siya naman ang kumunot ang noo. Wala yatang tao sa Pilipinas ang hindi nakakakilala sa kanya. Oh, well... Sumakay na siya sa elevator. Bago pa siya makapindot ng buton ay hinawakan nito ang pinto niyon.

"Dulo sa kanan o kaliwa ang unit ten-eleven?"

"Ten-eleven?" Tumango ito. "This is the eleventh floor."

"Ay, oo nga, shet! Tongerks!" Nahampas pa nito ang sariling noo. Ganoong-ganoon ang pagkabigkas nito sa salita---shet.

"Yeah, well, anyway..." Hinawakan niya ang kamay nito upang bumitiw na ito sa pinto. Baka bumper to bumper ang trapiko at ayaw niyang matagal na maghintay ang kanyang mommy. Pagbalik ng elevator na lang ito sumakay ulit.

"Anong anyway? Tulungan mo ulit ako, 'no. Kalalaki mong tao, eh." Ikinalang pa nito ang paa sa elevator habang patalikod na binuhat na ang kahon.

"Nagmamadali ako."

"Ako rin, 'no! Gutom na gutom na kaya ako? Magpaka-gentleman ka nga. Ang laki-laki mong tao, takot ka tumulong sa babae?" Hindi man lang ito lumilingon sa kanya. Buwisit na buwisit na siya rito, masyadong makutata at hinusgahan na kaagad siya. At dahil nakakakalang ang paa nito, nawalan marahil ito ng balanse at nabitiwan ang kahon at bahagyang natapilok. Tumilapon ang laman ng kahon.

"It was truly a pleasure meeting you," you bitch. Unti-unti nang sumara ang elevator.

"Hoy!" singhal nito, pero tuluyan nang sumara ang elevator.

Napangiwi siya nang hindi pa naglipat-sandali ay muli iyong bumukas. Marahil pinindot nito ang buton sa labas. "Hello again."

She looked at him with disgust. Mula ulo hanggang paa siya nitong sinulyapan habang nakakalang ang kamay sa pinto. Hinigit nito ang bagaheng de-gulong, ikinalang sa pinto, saka hinigit ang sports bag, ikinalang din doon. Saka pa lang nito inisa-isa ang kahon.

Pikon na pikon at inip na inip na tinulungan na niya ito pero tinapik nito ang kamay niya saka siya matalim na sinulyapan.

"Nagmamadali ako!" hindi na nakatiis na sabi niya.

"Pareho tayo kaya tumahimik ka diyan."

"Tutulungan ka na nga---"

"Hindi ko na feel ang tulong mo." Sinimangutan siya nito. Nagpakatimpi-timpi na lang siya. Sa wakas, naikarga nitong lahat ng dala doon. Pabulong-bulong pa ito. It sounded like "asshole" but he was not completely sure so he just kept his mouth shut although he wanted to strangle the bitch.

Nang makarating na sila sa tenth floor ay tila nananadyang binagalan nito ang paglalabas ng mga gamit, pasipol-sipol pa ito. Hindi na siya nakatiis. Binitbit niya ang isang bag nito sa isang kamay, ito sa kabila. Kayang-kaya niya itong buhatin.

"Aba't...!"

"I hope I don't see you again," angil niya sabay talikod, diretso sa elevator. Pagpihit niya ay nabigla siya. Nakaamba na ang nakakuyom nitong kamay sa kanya. Dumapo iyon sa tuktok niya.

"Bad trip ka, ah!" gigil na gigil pa tila nitong sambit.

"You bitch!"

"Ano?!" Muli itong nang-amba.

Namangha, naiinis, at nairita siya sa babae. Kapag pinatulan niya ito'y sa ospital ang bagsak nito, pero napakatapang. Magkalapat ang mga labing tiningnan niya ito ng masama.

"Get off," wika niya.

Inayos pa nito ang T-shirt saka mayabang ang astang lumabas na sa elevator. Habang papasara iyon ay nakahalukipkip pa itong nakatingin sa kanya, patango-tango, tila ba nanghahamon pa ng away.

Who the hell is that woman?!

___

Follow, vote, leave a comment, share. 

Follow my FB page: vanessachubby

Thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro