Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

"Are you all right?"

Tumango lamang si Bibi sa katanungan ni Isagani. Nasa loob sila ng sasakyan nito. Nasa tapat na sila ng bahay nila. Hinihintay niya ang kapatid niya. Nakausap na niya ito, maging si Leandro. Sinabi niyang iuwi muna sa bahay ng mga ito ang mga bata. Ang style nila, pasisiyahin muna ni Leandro ang kanyang ina sa mga kuwento nito, dahil aliw na aliw dito ang kanyang ina. At kapag sigurado na silang maganda na ang mood ng nanay niya, ay saka siya sesenyasan ng kapatid niya.

Ang sabi niya kay Isagani ay saka na lamang ito magpakita doon, kapag nasabi na niya ang lahat sa nanay niya. Pero ang sabi nito, lilipad na ito bukas, patungo sa States, kasama si Amber.

Hindi na siya nagtanong pa kung bakit. Masakit pa rin sa kanya at lalo lamang magiging masakit kung aalamin pa niya ang bawat detalye. Tama nang alam niyang mukhang masaya ito sa piling ng babaeng iyon. He was just the man who got her pregnant. That was all.

At para pa ngang nag-alala itong sabihin niya kay Amber ang lahat, dahil ang sabi nito kanina sa kanya, "I will tell Amber about this in due time. I would appreciate it if you let me do that."

"'Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa kanya," iyon ang itinugon niya.

Again, it was painful, but that's how it was.

Ang kanyang ate ay kulang magwala nang kausapin niya ito sa cellphone. Mabuti at naroon si Leandro sa tabi nito. Una niyang kinontak ang best friend niya. Todo-suporta ito sa kanya.

"It's gonna be okay." Hinawakan ni Isagani ang kanyang kamay pero marahan niya iyong binawi.

"Sana. Hindi mo kilala ang nanay ko."

"Just relax."

Hindi na siya umimik. Hindi niya ito iniimik hangga't wala siyang sasabihin ditong importante. Hindi na mawala sa isip niya ang sinabi niya rito at nanliliit siya. Ni ayaw niyang nilayin kung ano ang naisip nito tungkol sa kanya sa nagawa niyang pakikiusap dito.

Mayamaya ay nakita na niyang papalapit sa sasakyan ang kapatid niya. Agad siyang lumabas doon. Sumunod naman si Isagani.

"Okay na, Ate?"

"Oo." Binalingan nito ang binata. "Idol ka pa naman ng asawa ko sa basketball. Tarantado ka."

"Ate naman," saway niya rito. Kahit binilinan na niya itong huwag magsasalita ng ganoon ay mukhang hindi nito napigilan ang sarili.

Hindi nakaimik si Isagani. Pumihit ang kanyang kapatid at pumasok na nga sila sa kabahayan. Nang makita siya ng kanyang ina na may kasama ay agad itong ngumiti. Mukhang kilala nito si Isagani.

"May artista pala tayong bisita! Hindi ko alam na kilala ka ng anak ko! Bibi, hindi mo sinabi sa akin?" Nagningning ang mga mata nito. Her heart broke. "Naku, ang guwapo-guwapo mo pala sa personal! Mas guwapo ka sa personal kaysa doon sa TV noong kasama mo iyong... sino nga ba iyon, Leandro? Iyong na-link sa kanyang artista noon?"

"Magandang gabi po." Nakasingit sa wakas ng pagbati ang lalaki. Inabot nito ang dalang cake sa matanda.

"Magandang gabi rin naman! Salamat. Naku, ito namang si Bibi, hindi man lang sinabing may kasama palang bisita." Inirapan pa siya ng kanyang ina at inabot sa kapatid niya ang cake. "Isilbi mo at mabilis ka. May Coke tayo diyan. Ilabas mo. Ako'y magpapalit muna ng damit at ako'y nahihiya naman sa bisita."

"'Nay, 'wag na po," aniya pero inignora lang siya nito.

"I was sort of expecting that she wouldn't recognize me. Tulad mo noon," si Isagani.

"Asa ka pa. Kung may na-link sa 'yong artista, tiyak na kilala ka ng nanay ko. At ano ba naman ang magiging kaibahan noon?"

Hindi ito umimik, pero nakita niyang tinatapik-tapik na nito ang hita, pinagpapawisan nang bahagya. Kunsabagay, siya man ang malagay sa posisyon nito, mangangamba rin siya marahil. Nagbihis pa ang kanyang ina, celebrity na celebrity ang turing dito, pagkatapos ay pasasabugan nito ng bomba.

Tumikhim si Leandro. Noon lamang niya naalalang hindi pa niya napapakilala ang dalawa.

"Ito nga pala si Leandro, best friend ko. Leandro, si Isagani."

Kumunot ang noo ng binata. "Leandro, pare."

Tumango nang bahagya rito ang bading. Parang may sasabihin ito pero piniling huwag nang magsalita. Nang magbalik ang kapatid niya sa sala ay padaskol nitong isinilbi ang cake na para kay Isagani. Noon nagbalik ang kanyang ina. Nang makalapit ito ay nasamyo niya ito, nag-Johnson's Baby Cologne pa ito.

Tinapik nito ang hita ng lalaki. "Ano't nadalaw ka sa amin?"

Mukhang hindi na nakatiis ang kanyang kapatid. Hindi na ito nakasunod sa usapan na siya ang magsasabi ng lahat. Bigla na lang itong humirit ng, "'Wag na nga po kayong maging mabait diyan sa lalaking 'yan. Buntis si Bibi, siya ang ama. Pero hindi sila magpapakasal. Ayaw ng lalaking 'yan!"

Nanlumo siya. Sira ang plano.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro