Chapter 23
Hinigpitan ni Bibi ang kapit sa braso ni Isagani habang sakay sila ng kabayo. Nasa unahan siya nito, nasa pagitan ng mga braso nitong nakahawak sa renda. Mabuti na lamang at malambot ang saddle, kundi'y baka umaangal na siya kanina pa. She was still a bit sore from his lovemaking. Ngayon ay kumpirmado na niyang mula ulo, hanggang paa, malaking lalaki ito!
Ganoon pala iyon. Sweet pain. And she was glad Isagani was an incredible lover. Bumawi naman ito kaagad sa kanya. At naaalala niyang tinanong nito kung overrated nga daw ba iyon, gaya ng nasabi niya noon.
Bigla siyang napangiti at isinandal ang likod sa malapad nitong dibdib. Ang bango-bango nito. At may nadama siyang kilig na naroon sila ngayon sa ganoong posisyon.
Alam niya, hindi pa nawawala si Amber sa sistema ni Isagani, pero nasisiguro niyang mayroong kung anong namamagitan sa kanilang malayo sa pagiging ordinaryo. Mahirap isiping basta-basta na lamang ang naganap sa kanila. Nakita niya ang init sa mga mata nito para sa kanya. At hindi niya matatanggap na ganoon din ang reaksiyon nito sa ordinaryong babae.
That thing was her beacon. It was not a big one, nevertheless, it was there. It existed. Iyon ang mahalaga. At tutulungan niya itong mai-exorcise si Amber palabas ng sistema nito.
Isa pa, nasisiraan ito ng bait kung iniisip nitong papayag na lang siya ng ganoon! Hindi siya pinalaki ni Josefina Sigasig na pinaliliguan ng sermon at pangaral para lamang pumayag na basta-bastahin.
Ikalawang araw nila sa rancho at ngayon ay kasama nilang mangabayo ang mommy ng binata. Ang husay palang mangabayo nito. Pareho ang mag-ina. At close na silang magbiyenan. Iyon na ang lihim na taguri niya rito---biyenan. Feeling na feeling na talaga siya.
Desidido kasi siyang mapasakanya si Isagani. Gagawin niya ang lahat. Kaya nga kagabi, nang puntahan siya sa silid ng binata upang itanong kung maayos ang kanyang pakiramdam ay tinugon niya ito ng halik. At iyon lamang ang kailangan nitong udyok. Agad na siya nitong ipinasok sa silid niya at muli ay may naganap sa kanila.
Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nanatiling tahimik. Kumbaga sa report card, kung noong first grading ay "S" lang siya, kagabi ay naging "VS" na. Hindi naman mahirap maging "VS" dahil sinunod lamang niya ang dikta ng damdamin niya. Alerto siyang estudyante, tinatandaan ang bawat spot, bawat hagod, bawat halik na ikatutuwa nito.
At mamayang gabi, plano niyang maging "O." Kagabi pa sana siya namarkahan ng O pero inawat siya nito. Puwes mamaya, wala nang makapipigil sa kanya. She was going to give him the greatest performance of her life!
Naisip kasi niya kanina na marahil si Amber ay seksuwal na babae. Kitang-kita naman sa katawan nito. At hindi naman siya naïve para hindi maisip na modernong lalaki si Isagani. Kung iyon ngang ex niyang mukhang tuko, kahit ganoon ang hilatsa ay pinagkakaguluhan ng babae dahil bukod sa de-kotse ay anak pa ng opisyal ng bayan. Eh, di lalo na si Isagani.
At dadaigin niya ang lahat ng mga babaeng iyon. Mamaya. Bukod doon, gusto rin naman niya. When they were making love, it seemed to her that his pleasure was hers, too. Mahirap ipaliwanag kung paanong ibang balat naman ang taglay niya rito, pero parang iisa lang sila.
"Nauunahan na tayo ni Tita." Nilingon niya ito, nakangiti. Napansin niyang blangko ang mukha nito pero pilit na ngumiti sa kanya.
"Hayaan mo siya."
"May problema ba?"
"Wala naman." Hinagkan nito ang ulo niya. "How are you feeling?"
Napangiti siya. Sweet din ito, mapag-alala sa kanya. He cared about her, that much was clear. "Okay naman. Ikaw ba?"
"I'm okay. Hindi ko mabilisan, baka hindi ka komportable."
Dinampian niya ng halik ang braso nito, saka iyon tinapik. "Habulin natin siya, bilisan mo na."
Tumalima naman ito. Nang maabutan nila ang "biyenan" niya ay pababa na ito sa kabayo, malapit sa isang kubong pahingahan tila. Parang kay liit-liit nito para sa dambuhala nitong kabayo. Tumalon pababa si Isagani at inalalayan siyang makababa rin.
"Oh, you two look so good together," wika ng babae, ngiting-ngiti sa kanila. Agad siya nitong nilapitan at inakay papasok sa kubo.
May tao pala doon. Ipinakilala sa kanya nito ang mag-asawang katandaang naroon. Ka Viring at Ka Dencio raw. Parang lahat ng tao sa rancho na iyon ay masiyahin. Wala siyang nakitang hindi nakangiti sa kanya. Welcome na welcome siya doon, at damang-dama niya iyon.
Matapos silang ipagtapyas ng buko ng matandang lalaki ay hinainan naman sila ni Ka Viring ng nilupak. Nagkuwentuhan sila doon. Dahil magaan ang loob niya sa mommy ni Isagani ay hindi siya kailanman nakadama ng pag-aalala sa pakikitungo rito.
Nagkuwentuhan sila ng mommy ni Isagani. Nang lingunin niya si Isagani ay nakita niyang nakangiti naman ito sa kanila. Nagpaalam saglit ang ina nito at tinabihan niya ang binata at hinagkan ito sa pisngi.
"Sabihin mong cute ako."
"Ayoko nga." Kinurot niya ito sa tagiliran at napaigtad ito. "Ayoko pa rin." Muli niya itong kinurot at pinupog nito ng halik ang kanyang mukha. "Hindi ka naman cute, eh."
"Nakakainis. Cute ako, 'no. Cute na cute nga sa akin ang mommy mo."
"Hindi ka cute. Maganda ka."
"Asus." Bigla siyang kinilig. "Nagpapapogi ka pa diyan."
Ang lakas ng tawa nito. "I'm glad you like my mom. She likes you a lot."
"Eh, may tao ba namang hindi makaka-like sa akin? Wala! Lahat ng tao, kahit ayaw niya, nagugustuhan din nila ako kasi very lovable ako."
"Ano 'yan, sabi ng nanay mo?"
"Hindi. Opinyon kasi ng nanay ko, siya lang ang ganoon sa pamilya. Hindi niya alam, dalawa kami."
Natawa ito. Hayun na naman siya, parang lumulutang sa kung saan. Kahit na abot-kamay na ito, hindi pa rin kumukupas ang init na iyon makita pa lamang niya itong nakangiti. It was amazing how one could faill in love with another person over and over again.
Ang dami na niyang plano sa isip niya tungkol sa kanilang dalawa kahit pa nga ilang araw pa lang nilang natatawid ang boundary ng kung nasaan sila dati, sa kung nasaan sila ngayon. Pero alam niyang ang iba sa mga plano niya ay matagal pa magkakaroon ng kaganapan. Handa naman siyang maghintay. At excited siyang may mapagsabihan ng lahat ng iyon.
Marahil, pagbalik nila sa Maynila ay tatawagan niya si Leandro. Sorry na lang ito, hindi na siya magpapaabot ng trenita'y dos nang walang asawa. At kapag maayos na ang lahat, siyempre pa ay ipag-aangas niya si Isagani sa kanyang nanay. Tiyak na matutuwa ito. Iyon nga lang, hindi niya maaaring sabihin ditong sa iisang bubong sila nakatira ng binata. Magwawala itong tiyak.
Pero baka matagal pang mangyari iyon. Hindi pa naman nila napag-uusapan ni Isagani ang set-up at hindi pa siya nagmamadaling pag-usapan nila iyon. Tantiya niya ay hilaw pa. Baka mabigla ito.
Mayamaya ay muli na naman silang nangabayo at nakita niya ang ipinagmamalaking stable ng mommy ni Isagani. Kayamanan na iyon. Milyones marahil ang halaga ng isa pa lang. At puno ang ubod-laking stable. Nagbi-breed pala ang mga ito ng kabayo.
"This is Gani's thoroughbred---Fierce Runner. Too bad, we couldn't breed him. Ibebenta ko na nga sana ito, kaya lang ayaw ng nobyo mo."
"We should accept him for what he is," si Isagani.
"Bakit po hindi puwedeng i-breed?"
"He's gay."
Ang lakas ng tawa niya. Noon lamang niya natuklasang may mga kabayo palang bading. Ayaw daw noong mag-mate ng babae pero kapag in heat ay nagpapahiwatig sa kauri nito. In short, wala itong silbi kundi sakyan lang.
Madaldal ang mommy ni Isagani. Para bang hindi ito nauubusan ng kuwento sa kanya at para bang gustong-gusto nitong marinig ang mga kuwento niya. Nang umuwi sila ay pasado alas-kuwatro na. Nagpahinga ito at ang sabi ay tatawagin na lamang daw sila kapag hapunan na. Ihinatid na siya ni Isagani sa kanyang silid.
"I'm gonna take a shower," anito.
"May shower ako sa loob," lakas-loob na sabi niya.
"You tease. I'll see you at dinner, okay?"
"Okay." Pinisil nito ang palad niya at tumalikod na. Humugot siya ng hininga. "Hindi ko alam na nakakahawa pala ang kabadingan ng kabayo."
Nilingon siya nito. Nagkibit siya ng balikat at akmang isasara na ang pinto nang ilapat nito ang kamay doon. "Say that again."
"Nakakahawa pala ang kabadingan ng kabayo."
"You are so going to take that back, Bibi." Ngiting-ngiti ito.
Itinapat niya ang hintuturo sa sentido. "Hmn... pag-iisipan ko." Pumasok na siya sa loob ng silid at sumunod naman ito. "I'm gonna take a shower. Diyan ka lang habang nag-iisip ako."
Nagtuloy na siya sa banyo at nagtanggal ng saplot. Gaya ng inaasahan niya, sumunod ito hanggang doon. Naitakip niya kunwa ang tuwalya sa katawan.
"Ano ka ba?"
"Kunwari ka pa." Inilang hakbang lang siya nito at agad na kinabig, matapos tanggalin ang tuwalya.
They took a shower. She was a hundred percent sure, from "VS," her grade had improved to an "O." The loud guttural sounds he made said it.
---
Don't forget to vote, leave a comment, and share.
Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro