Chapter 21
Panay ang ngiti ni Bibi kay Isagani. Kanina pa ito parang naiinis sa kanya pero wala namang magawa. Alam niya, gusto nitong kausapin si Amber. Alam niya dahil sinabi nito sa kanya. Kaninang umaga, habang nag-aalmusal ito ay sinabi nitong nakapag-isip daw ito nang nagdaang gabi. Naisip nitong hindi raw ito matatahimik kung hindi malalaman ang mga bagay na iyon, anuman ang sumatotal ng mga pangyayari.
Ang sabi na lang niya rito, ipagpaliban na lamang muna iyon dahil kailangan siya nitong samahan sa grocery. Saka niya sinabi na inimbitahan niya ang mga kaibigan nito. Nainis ito noong simula at ang sabi ay bakit hindi niya agad sinabi rito. Ang sabi naman niya ay nabanggit na sa kanya minsan ni Trina na doon naman daw sa apartment nito magselebra. Wala na itong nagawa.
At ngayong naghahanda siya, pinapatulong niya ito. Alas-singko na ng hapon. Siniguro niyang mauubos ang oras nila sa mall. Um-order siya ng pagkain sa kung saan-saang restaurants, hinayaan lamang siya nito. Sa grocery naman ay bumili siya ng lahok sa dessert. Marunong naman siyang gumawa ng fruit salad. Gumawa rin siya ng cake na gawa sa Graham. Ito ang assitant niya na tila ba pinagbibigyan lang siya.
Maya't maya ay napapabuntong-hininga ito, napapailing pa minsan. Hindi na lamang siya umimik kahit nais niyang mainis na rito. Hiling niyang sana ay lumayas-layas na si Amber. At sana, saanman ito tutungo ay iyong malayong-malayo na talaga. At sana ay wala na itong maging komunikasyon kay Isagani.
"O, iyong mga binili nating coffee table candles, ilagay mo na doon. Palitan mo na iyong nandoon sa coffee table. May mga bingot na. Iitsa-itsa mo ba naman," wika niya. Tumango lang ito at tumalima.
Habang naghuhugas siya ng pinggan ay narinig niyang bumukas ang pinto. Agad siyang sumunod doon. Sarado na. Wala na rin si Isagani doon. Natakasan siya.
Agad siyang lumabas at nakita niyang papasok na ito sa elevator.
"Isagani!" gigil na wika niya.
"I'll be back. Go do your stuff."
Tinakbo na niya ito pero sarado na ang elevator nang makarating siya doon. Kabadong tumingin lang siya sa number counter sa itaas ng pinto. Kahit alam na niyang sa eleventh floor iyon hihinto ay nanghina pa rin siya. Natampal niya ang pinto ng elevator sa labis na frustration. Pati paa niya'y naisipa niya doon.
May kung anong lumukob na lungkot sa kanya. Bigla na lang ay parang ibig niyang mapaiyak doon. Mas malaking dahilan siguro ay ang pag-e-effort niya nang husto na ganoon-ganoon na lamang ay nabalewala na.
Kahit naisip niyang para siyang sira-ulo sa inaakto niya, mas nangibabaw sa kanya ang inis sa sitwasyon at kawalang-magawa. Bumalik na lamang siya sa unit at ipinagpatuloy ang ginagawa. Parang gusto na niyang tawagang muli ang lahat ng kaibigan ni Isagani at sabihing hindi na tuloy ang get-together.
"Buwisit!" sambit niya habang nililikom ang kalat.
Noon bumukas ang pinto at iniluwa si Isagani. Parang nagmamadali ito. Inangat nito ang telepono.
"Ano'ng number mo sa itaas dati?" anito sa kanya.
"Nalimutan ko na," pagsisinungaling niya.
Nagpipindot ito ng numero. Mayamaya ay kausap na nito ang guwardiya sa ibaba. May inilista ito sa papel. Nakamasid lamang siya rito. Muli itong nagpipindot. Mukhang walang sumasagot dito. Diniinan nito ang plunger at may tinawagan na naman. Inulit na naman nito iyon.
"Yeah, Jack, this is Gunny. I was just wondering if you have Amber's new mobile number? Yes, Amber de los Santos... That's the same number I have... Nothing. There's just something I wanted to ask her... Right... Oh, no need to ask him... Yeah, I'm sure. Thanks anyway." Muli nitong diniinan ang plunger at nagpipindot sa keys. Base sa one-way conversation na narinig niya ay nahulaan niyang iyong guwardiya sa ibaba ang kausap nitong muli. Nagtanong ito tungkol sa babae. "O? Anong oras daw? Ganoon ba? Sige, sige. Salamat. Pakitawagan na lang ako mamaya. Salamat uli."
"Sign 'yan. Sign," hindi nakatiis na sabi niya nang ibaba na nito ang handset.
"Quit busting my chops, all right?" Nagtuloy na ito sa silid, salubong ang kilay, pero bago tuluyang pumasok ay muli siya nitong nilingon. "And why do you care so much anyway, huh? Stay out of my business. And just so you'd know, she's coming back. Maybe later tonight."
Nang mag-isa na lamang siya doon ay saka siya napaluha. "Buwisit!" sambit niya habang marahas na pinupunas ang mga pisngi at tahimik na pinagagalitan ang sarili. Nagtungo na rin siya sa kanyang silid at nag-ayos. Alas-sais ang sabi ni Trina na darating ito, at ang asawa. Halos ganoong oras din magsisidatingan ang iba pa.
Mag-aalas-sais pa lamang ay dumating na ang mag-asawang Joaquin at Trina. Kahit paano, natuwa naman siyang mukhang hindi na inis sa kanya si Isagani. Sana naman ay naisip na nito ang kalokohan nitong planong gawin.
Nakitulong sa kanya si Trina, hanggang sa dumating na rin ang iba pang mga kaibigan ni Isagani. Siniguro niyang malapit lamang siya sa telepono, sakaling tumawag ang guwardiya sa ibaba. Hindi na kailangan pang malaman ni Isagani iyon.
Naglaro sila ng Pinoy Henyo. Hindi siya nanalo kakapag-alala sa tawag ng guwardiya. Nagsalang siya ng videoke CDs upang maaliw-aliw naman si Isagani at mawala ang isip sa telepono.
Hanggang sa wakas ay dumating ang tawag ng guwardiya. Siya ang nakasagot. Nagpasalamat lamang siya at ibinaba na iyon.
"Who was that?" tanong ni Isagani.
"Si Isagani na!" aniya sa lahat, at hinila ang lalaki para ito naman ang kumanta.
"Ayoko. Hindi ako marunong kumanta." Nagpakatanggi-tanggi ito pero nanguna siya sa pangangantiyaw dito. Mabuti at mahusay siyang pasimuno. Napilitan itong abutin ang mikropono.
Habang kumakanta ito ay kumuha siya ng beer. Nang matapos kumanta ang binata ay muli niya itong pinaawit. Sa ikatlong kanta ay isinauli na nito ang mikropono sa kanya.
"Who called?"
"No one. Beer?"
"Who called?" mariin nang tanong nito.
"N-no one."
"Who the hell called?!"
"No one! Now here's the mic." Ipinatong niya iyon sa kandungan nito, saka isiniksik sa kamay nito ang isang bote ng beer. "Here's a beer, drink up! Now sit down there and try your damnedest best to have some friggin' fun! What the hell is the matter with you?!" singhal niya.
Tumingin lang ito sa mukha niya, dismayadong-dismayado at mukhang napikon na. Tumayo ito at tuluy-tuloy na lumabas doon. Magkakasunod ang naging paglunok niya. Ibig niyang lumubog sa kinatatayuan. Noon lamang tumimo sa isip niya ang ginawa niyang pagsinghal. Lahat ay sa kanya nakatingin.
"Sorry," she said in a tiny voice. "Ano lang kasi... uhm... kuwan---"
"It's all right, Bibi," si Pedro. "Wala rin naman kaming planong magtagal."
Parang may pinag-usapan ang mga itong lahat pala ay hindi magtatagal doon. Siyempre ay alam niyang naghanap na lang ng excuse ang mga ito. Hiyang-hiya siya sa mga ito, pero wala na siyang masabi.
Kung kailan naman ang lahat ay papaalis na ay saka naman nagbalik si Isagani.
"O? Bakit wala nang kumakanta?" Ngumiti ito, ngiting alam niyang pilit. "'Wag n'yo sabihing aalis na kayo? Ang daming hinanda ni Bibi."
Sa binata naman sinabi ng mga bisita ang mga excuse ng mga ito. Wala na rin itong nagawa kundi hayaan ang mga itong umalis. Nang isara nito ang pinto ay tipid itong ngumiti sa kanya.
"Pasensiya ka na," anito.
"Ako ang dapat mag-sorry. Sorry. Wala na akong dapat na pakialam kung ano ang gusto mong gawin. 'Yong guwardiya iyong tumawag. Naisip ko lang na---"
"Shhh, it's all right." Nagtama ang kanilang mga mata.
Agad siyang napayuko. "Siya ba ang pinuntahan mo? N-nakapag-usap kayo?"
"No." Umabot ito ng beer at tumungga. "Alam mo, tama ka. Tama ka..." Hindi na ito nagboluntaryo ng ibang impormasyon.
Tahimik lang siyang nagligpit doon at nang matapos ay tinabihan niya ito sa couch. "Ano'ng nangyari?"
"Wala."
"Puwede bang wala?"
"Ang kulit mo talaga." Ngumiti ito sa kanya at pinadaan ang hintuturo sa kanyang pisngi. "Bakit makulit ka? Siguro noong bata ka, ang likot-likot mo."
"Bakit iniiba mo ang usapan?"
"Makulit ka bang bata?" Hindi na nilubayan ng daliri nito ang kanyang pisngi. Naidikit niya ang pisngi sa balikat. Nakikilit siya sa ginagawa nito.
"Ano ba? 'Wag mong ibahin ang usapan." Muli niyang idinaiti ang pisngi sa balikat, ang kulit ang daliri nito. At ang kiliting dulot niyon ay tumulay na patungo sa kanyang gulugod.
"Ikaw ang nag-iiba." Pinindot nito ang tungki ng ilong niya. Bumaba ang daliri nito sa kanyang labi.
"Ano ba k-kasi a-ang nangyari sa---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil mabilis nitong ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito at mabilis ding dinampian ng halik ang kanyang labi.
Naipikit niya ang mata at agad ding nagmulat. Titig na titig ito sa kanyang mga mata. "Bibi---"
Hindi na niya ito hinayaang magsalita. Napuno siya ng pagnanais na hagkan muli ang mga labing iyon at iyon mismo ang kanyang ginawa. Tinikman nila ang labi ng isa't isa, banayad na banayad ang halik.
Until his tongue decided to challenge her to play games.
Naging mabilis ang pagkilos nila. Hindi niya alam kung sino ang mas nauna, pero kung sino man ay mabilis na nakasabay ang isa pa. Bumaba ang labi nito sa kanyang tainga. He nibbled her earlobe and licked her skin, until his tongue reached her neck.
Finally, she was able to give herself what she had been wanting for a very long time---a feel of his washboard stomach. It was as firm as she imagined it to be. She had never felt that much desire to touch someone.
Mabilis nitong hinubad ang kamiseta, saka inangat ang laylayan ng dress niya. Wala siyang makapang kahit na anong pag-aalinlangan. She wanted it to happen. She wanted Isagani. And she wanted him to have her as well.
---
Don't forget to vote, leave a comment, and share.
Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro