Chapter 2
FIVE months... FIVE long and colorful months... Sweet God...
Mapait ang ngiting kumabit sa labi ni Isagani habang nakatingin sa isang pocket calendar. Pang-ilang ulit na niyang binilang kung gaano ang itinagal ng relasyon niya kay Amber, his very first and biggest love.
Kinuha niya mula sa drawer ng closet niya ang isang kahita at binuksan iyon. Hindi na niya naibigay ang engagement ring sa babae dahil nawala na lamang ito sukat. Tanging iniwan nito sa kanya ay isang sulat na nagsasabing kailangan nito ng panahong mag-isip.
He was still mad at her. It had been almost a year now since she left but he was still mad. Kahit kaya niya itong hanapin at makita, hindi na niya ginawa. His pride would not let him do it. Ni minsan, wala pa siyang pinilit na babae. Kung ayaw nito sa kanya, bahala ito sa buhay nito. Kung binale-wala nito ang maganda nilang samahan sa loob ng limang buwan, wala siyang magagawa doon. Kundi magalit.
Lahat halos ng mga kaibigan niya ay nagsisipag-asawa na. Akala niya ay isa siya sa mauuna pero nagkamali siya. Tough luck to have fallen with a woman who did not love him. Iyon naman ang suma ng ginawa nito. Kung mahal kasi siya nito ay hindi nito magagawang iwan siya.
Minsan pa lang nakilala ng mga kaibigan niya ang babae. Naging abala siya sa relasyon nilang dalawa na bihira na siyang makasama sa mga ito. Amber loved sports, too. Nakilala niya ito sa Manila Southwoods. At mula nang araw na magkakilala sila ay hindi na niya ito tinigilan. But she left him.
Siguro ay nagbalik na ito sa Edinburgh, kung saan naroon ang mga magulang nito. Hindi berde ang passport nito, kahit na one hundred percent Filipino ito. Maykaya ang pamilya nito sa Scotland, may mga ari-arian din sa Pilipinas kahit bihira ang mga ito sa bansa. At noon, nagplano silang doon na ito maninirahan sa Pilipinas dahil naroon ang buhay niya.
Ang kinikilala niyang mommy, ang umampon sa kanya, ay hindi niya maaaring iwan sa Pilipinas upang permanenteng manirahan ibang bansa. Ang mag-asawang umampon sa kanya mula sa LCA ay kapwa mga bigating personalidad sa pamamahayag. Ang mommy niya, tanyag na news anchor sa telebisyon at ang kanyang daddy ay isa namang publisher ng diyaryo.
Kapwa pala ulila ang mga ito at nagkataon pang hindi nabiyayaan ng anak. Mula nang dumating siya sa buhay ng mga ito ay lalo daw sinuwerte ang mga ito. Naging head ng news department ang mommy niya, ang daddy niya ay nagsimulang mag-publish ng Asian magazine na hanggang ngayon ay isa sa nangunguna sa market.
Suwerte siya na napakabait ng mag-asawa. Ang ikalawang ama niya ay pumanaw na may limang taon na ang nakakaraan. It was so very painful for him. Itinuring kasi siya nito, pati ng asawa nito, na parang tunay na anak. Kahit kailan, hindi niya nadamang iba siya sa mga ito.
Pinag-aral siya ng mga ito, hinayaan sa gusto niya sa buhay niya. Kahit alam niyang gusto ng mga itong pag-aralan niya ang negosyo ay sinuportahan siya ng mga ito sa kagustuhan niyang maglaro ng professional basketball.
After NCAA, he played for two years in the PBL. He became the second draft pick in the PBA after that. At tinaob niya ang number one draft pick nang taon ding iyon. He conquered the hardcourt like no one ever had before. Dala niya ang "Gunny" na naging basag sa kanya noong naglalaro pa siya sa NCAA. Naging sosyal ang palayaw niya, palibhasa ay sosyal ang pinasukan niyang eskuwelahan. And one PBA commentator called him "The Gunner." Iyon na ang naging taguri sa kanya mula noon.
Ilang taon lang siya naglaro sa PBA. He wanted more action. Sometimes he thought there was something abnormal about him physically---but in a good way. It was said that Lance Armstrong's lungs took in twice the oxygen amount than regular human beings did, and he thought maybe he was like the cancer survivor, Tour de France six-year consecutive champion.
Hindi niya kayang ipaliwanag kung saan nagmumula ang enerhiya niyang iyon. Maybe there was something special in his veins, or his blood, or his hormones. Basta't parang kinulang ang kayang ibigay na rush ng basketball sa kanya. Sumali siya sa isang Asian F1 team.
Mula doon ay bumaha ang endorsements niya. From articles of clothing, to car batteries, to energy drinks. Pero hindi rin siya nagtagal sa Formula One. Three years ago, he joined Extreme Games---more endorsements.
He played golf now, alongside BASE diving, scuba diving, skysurfing, and white-water rafting---not professionally though. Visible pa rin siya sa mundo ng sports dahil sa kung anong dahilan, ang isang Asyanong tulad niya ay naging singtindi ang popularidad sa mga puting atleta kaya madalas siyang anyayahang maging commentator sa mga sports events, at nagpapaunlak naman siya.
Now, even his great grandchildred can live comfortably with all the money he had earned doing the things he loved. Problem was, there was no wife, no future great grandchildren yet.
Sa ngayon, kahit maraming nag-uudyok sa kanyang mag-pro golf o bumalik sa professional sports ay ayaw niya. Wala na siya sa mood ngayon para sa matinding training o practice. He wanted to settle down and go travel, skydive, look at the great resources of the Earth underwater, on land, in the skies---with Amber. But she left him. Lalo na siyang nawalan ng gana.
Nitong nakaraan ay bihira na siyang lumabas ng bansa para sa mga sports na gusto niya, kahit madalas pa rin siyang dumadayo sa mga probinsiya para sa mga iyon. Somehow, he found peace in the Philippines; for it was in Philippines he met Amber. Isa pa, parating humihiling ang kanyang mommy na magkasama sila.
Nauunawaan naman niya ito dahil wala itong kasama sa probinsiya, sa rancho nila doon. Retirado na ito, ang negosyo ay ipinagkakatiwala sa abogado nila kahit siya ay nagmo-monitor naman din doon.
Basically, he was a bum. A bum who earned a lot. May stocks at bonds siya sa ilang malalaking kompanya sa ibang bansa. May napupunta ring dibidente sa kanya sa kompanya nila. He was the kind of guy who could literally spend money till he dropped.
Nang mag-ring ang cellphone niya ay sinagot niya iyon, ang kanyang mommy. Hindi ito tumatawag sa landline niya, dahil kalimitang wala siya sa bahay. He went out a lot. He dated a lot. And being a sports icon made girls literally throw their panties at him. Literally.
"My little son, when are you going to see me?" anito. Hindi na nabago ang tawag nitong "little" sa kanya kahit mula nang maampon siya nito ay matangkad na siyang bata. At kahit na ito ay ubod nang liit na babae. She stood only five feet with the face and heart of an angel.
"How about this weekend?"
"How about now? I'm at the airport."
"And you didn't call me beforehand, woman?!" sumbat niya rito, nakangiti.
Tumawa ito. "I will wait for you here." Nawala na ito sa linya.
Napapailing na nagmamadaling inabot na niya ang kanyang susi. Ayaw niyang maghintay ito nang matagal. Kumbakit naman kasi hindi man lang muna ito nagsabi sa kanya? Naglalambing na naman ito sa kanya.
Diretso siya sa elevator. Sa isang apartment unit siya nakatira, kahit may sarili siyang bahay sa Quezon City. Ang bahay na iyon ay masyadong malaki kung nag-iisa lamang siya. Matagal na niyang nabili iyon, laan sa magiging pamilya niya. Inakala niyang sila ni Amber ang titira doon.
Hindi pa niya napipindot ang buton ay bumukas na ang elevator. Kumunot ang noo niya. May isang babaeng nakasakay doon na patung-patong ang tangang kahon. Hindi nakasara ang mga kahon at magulo. Tila ipinatong na lang basta ang isang kahon sa isa pa, sa isa pa. Kalahati ng mga mata na lamang nito at buhok na natutusukan ng tila chopstick sa gitna ang kita niya sa taas ng kahon. Bukod doon, may isang maletang de-gulong din doon, isang sports bag, at isang ubod-laking plastic bag.
Yakap nito ang ilalim na kahon, habang inaalalayan ng isang kamay ang iba. Daig pa nito ang magpeperyang sumusubok ibalanse ang dala, saka tila tinatantiya kung mahuhulog ang kahon na inabot ang hawakan ng maleta. Ang bagal nitong lumabas na inabot na niya ang iba pang bag doon upang tulungan ito.
"Hep, hep!" Pinakawalan ng kamay nito ang hawakan ng bagahe at tinampal ang kamay niya. "'Wag mong hawakan 'yan."
"Tutulungan na kita," inip niyang sabi. Kalahati ng nakatagilid nitong mukha ang nakikita niya. Pawisan ito, ang ilang hibla ng buhok ay nakakapit sa pisngi.
"Babasagin ang mga 'yan. Ito na lang kahon."
Ang ilalim niyon ang inabot niya pero bumaon ang kuko nito sa balat niya. Napamura niya. "Ano ba?!"
"Hindi mo kaya! Isa-isahin mo! Kakalat 'to sa style mo. Gamitin mo nga'ng isip mo."
---
Follow, vote, leave a comment, share.
Follow my FB page: vanessachubby
Thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro