Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

SUMILIP si Bibi sa sala. Pasado alas-dos na ng madaling araw. Dalawang oras na silang nakakauwi ni Isagani sa apartment. Dalawang oras na rin silang walang kibuan. Mula nang lagpasan siya nito ay hindi na siya nito inimik, at ganoon din naman siya rito. Tampong-tampo siya kahit wala naman siyang K. Ang kanya lang, matapos nila nitong magkaroon ng moment ay inignora na siya nito nang dahil lamang kay Amber.

Moment ba 'yon? anang isip niya saka siya napabuga ng hangin.

Napailing siya habang tahimik na pinagmamasdan ang lalaki. Nakatanaw lang ito sa glass wall. Nakapamulsa ang isa nitong kamay, ang isa ay may tangang baso ng alak. Isa iyon sa mga gabing ayaw niyang darating dito. Hindi talaga maganda ang epekto rito kapag nakikita si Amber.

Nagpasya siyang lapitan na ito. "Isagani?" Kailanman ay hindi niya ito tinawag sa palayaw nito. Hindi niya alam kung bakit.

Bahagya lang siya nitong nilingon at muling itinutok ang atensiyon sa kung ano mang tinatanaw sa ibaba. "Go back to sleep. It's late."

Agad niyang napansing madulas na itong magsalita. Lumapit siya at nakitang ang dami nang nabawas sa bote ng alak. Isinara na niya iyon.

"Sayang ang workout mo araw-araw kung iinom ka lang ngayon. Tama na 'yan. Matulog ka na."

"Just leave me alone, okay?" Malumanay ang tinig nito.

Ipinagtimpla niya ito ng kape at pumuwesto sa sala. Mayamaya ay naupo ito sa tabi niya. Wala itong sinasabi, panay lang ang pakawala ng buntong-hininga at inom ng kape.

"Bakit ka tumalikod kanina? Nandoon ka na. Alam kong kakausapin mo na siya. Bakit ka umurong? Parang hindi ikaw."

Tinapunan siya nito ng sulyap, tinapik ang sariling hita kasabay ng buntong-hininga, saka sinabi, "Buti nga hindi ako nakalapit. Nagmukha akong gago kung ginawa ko. Kotse ni Orlando 'yon."

"Sino'ng Orlando?"

"The guy she ran away with when she left me."

Muntik na niyang naibuga ang juice. At sa kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento ito sa kanya tungkol kay Amber. Ni minsan ay hindi siya sumingit. Inudyukan lamang niya ito kapag tila ayaw nang ipagpatuloy pa ang kuwento. Alam nyang kung hindi ito nakainom, hindi ito magkukuwento sa kanya.

At habang lumilipas ang sandali ay may nabubuhay na galit siya para kay Amber. Ngayon nasagot ang mga katanungan niya. Ngayon niya naunawaan kung bakit kahit halatang gusto pa nito ang babae at lumalapit ang babae rito ay nananatiling matigas ang pasya nito.

"Now you understand why I need you. I'm afraid without you here, she would knock one day on my door and I wouldn't be able to keep her away. Ano ba'ng pumasok sa isip ko kanina? Ang tanga-tanga ko rin." Sumandal ito at minasahe ang sentido.

"Bad trip pala siya, eh. Paarte-arte pa siya ng ganoon kanina. Akala mo kinawawa. Iyon pala, ganoon siya," sambit niya. Kasabay ng galit para kay Amber, at ng inis sa halatang hindi pa lumilipas na damdamin ni Isagani para dito, at pagkadismaya sa katotohanang imahinasyon lang niya ang moment nila kanina, ay umangat ang pang-unawa niya sa nadarama nito.

"'Wag mong sisihin ang sarili mo. Ganyan talaga, eh. Lahat ng matalino, nagiging bobo pagdating diyan. Ang mga bobo, tumatalino. Ang mga giving, nagiging madamot. Ang madadamot, nagiging pilantropo. Higa dito." Tinapik niya ang kandungan. Umulo naman ito doon. Mabuti at napakalaki ng couch nito. Napakahaba nito at ang lapad pa ng kaha. Minasahe niya ang ulo nito.

"Ano 'yan, sabi ng nanay mo sa 'yo?" tila nanunudyong tanong nito.

"Hindi. Nabasa ko sa email." Napangiti siya. Natawa naman ito, pero napangiwi, natutop ang noo. "'Wag ka na kasing tumawa. Ako naman ang magkukuwento sa 'yo."

"Eh, di lalo na akong matatawa."

"Pigilan mo." Hinagod niya ang buhok nito at bigla ay may bumikig sa kanyang lalamunan. Nag-init ang mga mata niya habang pinagmamasdan ito. Parang nakakaloko talaga minsan ang buhay, naisip niya. Itong taong gusto niya, iba naman ang gusto. At mukhang iyong babaeng tatanga-tangang ang labo mag-isip, iba naman tila ang gusto, pero hinahabol din ito.

"Kanya-kanya talagang trip 'yan minsan, 'no?" aniya. "Minsan hindi mo alam kung matatawa ka o maiiyak. Tulad ko. Noong na-in love ako kay Leandro, lahat ng taong kilala ako, pinagtawanan lang ako. Kahit si Leandro."

"People could be so cruel."

"Totoo 'yan. Kasalanan ko bang ma-in love sa bakla?"

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa mukha niya. Tila naghihintay ito ng senyales na nagpapatawa siya. Mayamaya ay bumuhanglit ito ng tawa. Aktong babangon ito nang marahang hilahin niya ang buhok nito pabalik sa kandungan niya.

"Pinaglololoko mo na naman ako," anito.

"Totoo. 'Kita mo, pati ikaw pinagtatawanan mo ako. Hindi mo kasi naiintindihan. Just like Amber doesn't understand how... valuable you are."

"But how could you fall in love with a gay guy?"

"Just like how you're still in love with a woman who had hurt you so much already." Hindi ito nakaimik. Nagpatuloy siya. "Nakakatawa nga lang talaga 'yong sa akin pero masakit 'yon, ah. Pero may usapan na kami. Kapag wala pa akong asawa ng thirty-two ako, magpapakasal kami."

"That's the dumbest idea I have ever heard."

"Ano'ng dumb doon? Mabait si Leandro, responsible pa 'yon."

"Paano 'yong mga importanteng bagay sa kasal?"

"Sex?"

"For starters, yeah."

"Sex is overrated."

"People who say sex is overrated are those who aren't getting any. Or those women who's had dumb sex partners. So I'm guessing, you're either of the two."

"Matulog ka na."

"Which one are you?"

"Matulog ka na." Akmang tatayo na siya nang idiin nito ang ulo sa hita niya.

"Diyan ka lang."

Hinayaan na lamang niya ito. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Thanks, Bibi."

"Bayad ako, eh."

He smiled and closed his eyes. Mayamaya pa'y tulog na ito. Marahan niyang pinalitan ng throw pillow ang kandungan niya, saka naupo sa lapag. Hinaplos lang niya ang buhok nito. Pinagbigyan niya ang sariling pagmasdan ito, sauluhin ang bawat linya ng guwapo nitong mukha. Pinagbigyan niya ang sariling pagpantasyahan ito kahit noong mga sandaling iyon lang.

God, she could stare at his face forever.

Even the sound of his gentle breathing gave her a warm feeling inside. And she realized---without much surprise really---that she had fallen in love with him already. And she realized it had been futile when she tried to control her emotions, when she had tried not to feel anything deeper for him. For no one could get to know this man and not fall in love with him.

What was there not to love about him?

Ang kabaitan nito, ang sigasig nito, ang lambing nito, ang minsan'y ka-weirdo-han nito. At ang lalaking-lalaking kabuan ng mukha nito, maliban sa mga labi nitong maninipis at mapupula.

Napalunok siya. Marahang sinalat niya ang mga labing iyon at natagpuan ang sariling kinikintalan iyon ng munting halik.

"Pa-kiss lang, ha?" bulong pa niya saka napangiti. Muli siyang naganyak na hagkan ito. Ang lambot-lambot ng mga labi nitong iyon.

Umungol ito at sa kanyang pagkabigla ay umawang ang labi nito at sinakop ang labi niya. Pumaikot sa kanya ang braso nito at naipikit na lamang niya ang mga mata. Ang sarap-sarap nitong humalik. At masarap din pala ang lasa ng kapeng may halong alak sa labi nito. Irish coffee.

Tumugon siya ng buong-init, pero nanigas ang kanyang likod sa sinambit nito.

"Amber..."

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro