Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Pinagmasdan ni Bibi sina Isagani, Joaquin, Claudio, Pedro, Nathaniel, at Hector. Ang magkakaibigan ang kalaro niya ng poker sa mesa. Sa lahat ng laro ni Isagani, doon lamang siya lamang dito. Good-better-best ang laro ng pusoy na alam niya kaya hindi na siya nahirapang mag-adjust sa laro ng mga ito. Kung may mahirap kalaban doon, si Claudio na siguro iyon. Si Isagani, basang-basa niya kaagad ang baraha. Kapag namba-bluff ito, alam na alam kaagad niya. Ang laki na ng nakukuha niya sa magkakaibigan.

"Dealer takes two," wika ni Joaquin, ang dealer.

"Ako rin, dalawa," aniya. Hindi na siya natatakot pumusta. Ang laki na ng panalo niya. Singkuwenta mil na tumataginting! Samantalang sa pusoy at tong-its sa kanila ay masayang-masaya na siya kapag nakakapanalo siya ng dalawandaan. Pisuhan lang naman kasi ang tayaan nila. Dito ay libuhan.

Mukhang lahat ng magkakaibigan ay napilitan na ring pasalihin siya kanina dahil kino-coach niya si Isagani. Nagreklamo ang mga ito at sinabing sumali na siya. Nagbakas-bakas ang mga ito ng tigsasampung libo para puhunan daw niya. Nakabayad na siya sa mga ito, may singkuwenta mil pa siya. Parang kahit abutin sila hanggang isang buwan doon ay papayag na siya. Panis ang mga ito sa kanya.

"One card plase," pangiti-ngiting wika ni Isagani. Muntikan na siyang mapailing. He had a tell. His tell was acting that way---as if he was sure he was going to bag the pot.

"I'm out," ani Claudio. "Putsa, ang babaho ng baraha ko ngayong gabi," himutok nito. Mabaho pa ang baraha nito sa lagay na iyon gayong ang laki rin ng panalo nito. Umikot ng isa ang pusta.

"I'm out," halos magkasabay na wika nina Hector at Nate.

Naglagay siya ng chips sa gitna. Nagsindi siya ng tabako, saka nagkasamid-samid. Natawa ang mga ito sa kanya, pero feel na feel niya. Nagsalita siya, mala-Don Corleone---paos, parang hinahabol ang hininga, "I'm feeling lucky tonight, boys. Five kyaw pa."

Natawa ang mga ito. Pinagmasdan siya ni Joaquin. Ngumisi ito at initsa na ang baraha. "I'm out."

Binalingan niya si Isagani. Mayabang pa rin ang asta nito. Hula niya, mababang pares lamang ang baraha nito. Meintras itong mayabang, meintras pangit ang baraha.

"I'll see your five and hmn... My card is so good I'm betting twenty thousand more."

"Baka magsisi ka, dude."

"You talk too much, woman."

Napuno ng kantiyawan ang lugar. Nanonood na rin ang mga partner ng ibang lalaki doon. Si Trina ay minasahe pa ang likod niya.

Inabutan niya ito ng isang chip. "Tip mo, sweetheart. Mag-beer ka, sisig. Ako'ng bahala sa 'yo." Pinalo pa niya ang puwitan nito. Ang lakas ng halakhak ng lahat. It was clear everyone loved her. "Beinte mil? Manipis. Gawin na nating treinta."

Lalo nang nagkaingay doon.

"Are you sure?"

"Damn right, I am."

"Well, I'm feeling silly, why don't I just put these in?" Itinulak nito lahat ng chips sa gitna. Straight flush ang baraha niya. Pero kahit mas mababa pa doon ay pupusta siya. Alam na niya ang tell nito.

"Wala na akong cash. Puwedeng promissory note?"

Muli na namang nagkatawanan doon. Natatawang tumango rin si Isagani. Agad siyang inabutan ng ball pen ni Pedro. Kumuha naman ng papel si Trina. Sa bahay nito at ni Joaquin sila naglalaro. Isinulat niya doon ang halaga, saka iyon pinirmahan at ipinatong sa chips.

Humithit pa siya sa tabako saka inisa-isa ang baba ng baraha niya. Nagkaingay doon. Akmang lilikumin na niya ang chips sa gitna nang awatin nito ang kanyang kamay.

"Sorry, babe."

"Anong sorry? Pair lang 'yan, eh!"

Isiniksik nito sa kamay niya ang baraha nito. Agad niya iyong pinintahan. Laglag ang panga niya. Royal flush!

"Ang daya!" maktol niyang naibato sa mesa ang baraha.

Ang lakas ng tawa ni Isagani. Lukot na lukot ang mukha niya. Isang buwang suweldo niya ay utang niya rito ngayon. Sumbat siya nang sumbat ditong dinaya siya nito. Tawa lang ito nang tawa.

Isa-isa nang nagpaalam ang lahat at ganoon din ang ginawa nila nito. Sa sasakyan ay muli siyang nagmaktol at nag-akusa rito ng pandadaya.

"Technique ang tawag do'n. Ano'ng akala mo sa 'kin? Hindi marunong mag-poker? I kick those guys asses all the time! Sorry, honey."

"Nakakainis ka! Panalo na sana ako ng singkuwenta mil! Nakakainis talaga 'to. Paano 'yan, may utang pa ako sa 'yo?"

"Gimme the note." Kinuha nga niya iyon mula sa bag niya. Nandoon lahat ng panalo nito. Pinunit nito ang note niya. "Okay na?"

Napalabi siya, saka tumango. "Thank you."

"Get the fifty thousand, too. That's yours."

"Hindi. You won it fair and square."

"Balato ko sa 'yo."

"Hindi na. Sapakin kaya kita? Hindi ako mukhang pera, 'no."

Natawa lang ito sa kanya. Nang makababa sila sa sasakyan ay tila naaaliw na inakbayan siya nito. Noon lamang ito nagkusang gawin iyon sa kanya kapag sila lamang dalawa. At naisip niyang mas magandang panalo iyon. Ang bango-bango nito, ang sarap sa balat ng warmth nito.

Ipinuwesto niya sa likod ng baywang nito ang braso niya, saka atubiling tiningala ang mukha nito, nag-aalala sa maaaring maging reaksiyon nito. He smiled at her and lightly pinched her chin. She could have sworn there was a split-second when she could lift her arms and she could fly.

It was as if a nurturing hand enveloped her heart. She felt so warm inside.

And she could have signed another note, worth millions more than what she could afford, for that magic to last a little bit longer but alas, like an unforeseen calamity, Amber came into view. The magic left as soon as it came.

Shet kang babae ka, kahit kailan.

"Gunny..." sambit nito. Palabas ito ng gusali, sila naman ay papasok.

Nadama niyang humigpit ang pagkakaakbay sa kanya ng binata. Lalo siya nitong hinigit palapit dito. At sa loob ng ilang sandali ay parang ibig niya itong itulak. Pero nanatili siya doon, alerto sa bawat galaw nito at ni Amber.

"Amber," pormal na balik dito ni Isagani.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Tila ito basang sisiw na inapi. Nagyuko ito ng ulo, tila papaiyak na. "Excuse me," sambit nitong lumigid na at tuluyang lumabas sa gusali.

Gigil na sinundan niya ito ng tingin. Ang arte-arte nito! Nanatili lamang ito sa labas ng gusali.

"Isagani," aniya rito nang tila wala na siya roon na agad nitong tinungo si Amber. Noon may humimpil na sasakyan sa tapat ng gusali. Sumakay doon si Amber. Agad pumihit pabalik si Isagani. Ni hindi ito sumulyap sa kanya at nagtuloy-tuloy sa elevator.

She felt as if a shard of glass slowly cut through her skin and gently but painfully prodded her heart.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro