Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

NAKITA ni Isagani si Amber sa tapat ng isang obra. God, she was so beautiful. She was more beautiful than the painting she was looking at. May pamilyar na pag-alon sa dibdib siyang nadama. Sa loob ng panahong nawala ito, naroon pa rin ang epekto nitong iyon sa kanya.

And he would have accepted her back if only he didn't find out she was having an affair with a married man. Si Orlando Vivar ang lalaking iyon, a pro-golfer. Naantala ang annulment papers nito dahil naghabol ang asawa. Samakatuwid, kasal pa rin ito. At ito ang karelasyon ni Amber.

Natuklasan din niyang nang iwan siya nito noon ay sumama ito sa lalaki sa ibang bansa. They spent months together. At nang magbalik ng bansa ang babae, ang sabi nito sa kanya ay kinailangan nitong mag-isip kaya ito umalis. Masyado raw itong nabibilisan sa takbo ng kanilang samahan at nadama nitong magpo-propose na siya. She said she got scared and took off.

And now she came back. She came back to deceive him once again.

Isang araw na lamang ay tumawag ito sa kanya at sinabing mag-dinner daw sila. Napuno siya ng kung anong pananabik para dito. Nagtungo siya sa dinner. Sinabi nito ang mga rason nito sa kanya. Nagalit siya. Hindi siya nakuntento sa paliwanag nitong iyon. Sino ba namang tao ang makukuntento sa ganoong paliwanag?

She followed him to his apartment. Nagkasagutan sila. Nang wala na ito ay saka niya naisip na tama na pala ang paliwanag nitong iyon. The simple truth was he was still in love with her and he wanted her back in his life. Sinundan niya ito. At doon niya nakitang si Orlando Vivar ang kasama nito.

Good thing they didn't see him. Umuwi na siya at unang ginawa ay nagtanong sa isang kakilala tungkol sa dalawa. He the two were living together under one roof.

Nagsisi siya kung bakit hindi siya nagtanong noon pa. Bakit iniwasan niyang maghagilap ng impormasyon tungkol dito? Disinsana'y noon pa'y nalaman na niya ang katotohanan. Natuklasan niyang nang umalis si Amber noon ay kasama si Orlando. Good thing that friend of his that he asked about Amber thought that she was just one of those girls in his life. Kung hindi, malamang na laughingstock na siya ngayon.

He was so blindsided, he couldn't believe it.

At ngayon, heto ito at nais bumalik sa buhay niya. It was not hard to put two and two together. Nagkaproblema ito at si Orlando, malamang dahil naghabol ang asawa ng huli. Siguro nagkakaroon na rin ng problema ang mga ito nitong huli.

The ship was sinking and so she wanted to board a different one. Doon pa ito sa apartment building niya kumuha ng unit. Thank God there was a silly little girl who was there that morning with him---Bibi. He knew that moment he needed someone like Bibi. She was there for a reason---a reminder that he should not fall prey once again to Amber's charm.

Because he was still so very much in love with Amber any moment she could have him back.

And it hurt him to know Amber thought so low of him. And her arrogance infuriated him. Sa tingin ba nito ay ganoon na lamang kadaling patawarin ito? At ano? Wala itong balak aminin sa kanya ang lahat? Hindi man lamang ba nito naisip na maaaring magtanong siya sa iba? At kung naisip nito ang posibilidad na iyon, ano ang naisip nito? Na kayang-kaya nitong lusutan iyon dahil mahal na mahal pa rin niya ito?

And yes, a part of him wanted to believe she was still in love with him. But he was not that dumb. She only needed him for some reason. That reason he did not fully comprehend. The only thing that was clear to him was that if she had never stopped loving him like she claimed was the case, then she would never have took off with another man and never bothered to give him one single phone call.

"It's a beautiful painting, isn't it?" he said.

Agad itong pumihit. "Gunny..."

His name coming out of her lips haunted his nights before. And probably during those nights she was on another bed, uttering another man's name. Hearing her utter it again was almost surreal.

"Can we talk?"

"There's nothing else to talk about."

"Then why are you here?"

"I don't want you talking to my girl."

"Sh-she told you... She's not for you and if you can't see it then you are going to end up making her cry."

May umalsang galit sa kanyang dibdib. Paano nito nagagawang magsalita nang ganoon sa kanya na para bang wala itong ginawang masama sa kanya? How dare she give him pointers in taking care of a partner when she herself did not know how to do that? Sasagutin sana niya ito nang mag-vibrate ang cellphone niya.

Napilitan siyang sagutin iyon. Si Bibi. "Hello?"

"Tawagan mo ako, bilis. Wala na akong load. Emergency ito." Iyon lang at nawala na ito sa linya.

Muntik na siyang mapailing. Tumalikod na siya kay Amber. Natitiyak niyang hindi magandang marinig nito ang anumang pag-uusapan nila ni Bibi. Trust that silly little girl to come up with the craziest things to say. Hinawakan ni Amber ang kanyang balikat.

"Gunny, please."

"I really have to call Bibi."

Nagsukatan sila ng tingin, hanggang sa tumalikod na ito. It took superhuman effort for him to be able to restrain himself from calling her back. He sighed and called up Bibi.

"Where are you?"

"Uwi na tayo."

"Where are you?"

"Nandito ako sa CR. Emergency."

"Sumakit ang tiyan mo?" Bigla siyang napatawa.

"Hindi, sira! Lalabas na akong CR. Dapat nandoon ka na. Bilisan mo." Nawala na ito sa linya. Napapailing na ginawa na niya ang nais nito.

Nakita nga niya ito sa labas ng restroom, nakahalukipkip, parang may kurot-kurot na kung ano sa ilalim ng magkapatong na braso.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?"

"Pahiram niyang coat mo. Ipatong mo sa akin, bilis."

Tumalima na lamang siya. Inutusan siya nitong magpaalam na sa sa mga kaibigan niya, at ipagpaalam na rin daw niya ito. Bilisan daw niya. Kunot-noong tumalima na lang siya. Nang balikan niya ito at nakahalukipkip pa rin ito. Naglakad na ito palabas. Nakasunod lamang siya rito. Ibig na niyang mag-alala pero parang nahuhulaan niyang hindi siya dapat mag-alala rito.

Pagkasakay na pagkasakay nila sa kotse ay tila kiti-kiting hindi ito mapakali.

"Doon ka tumingin, doon ka tumingin! Bilis na!" utos nitong itinuturo ang kaliwa niya. Pinandilatan pa siya nito. Naiiling na tumalima na lang siya. "Hay, salamat," sambit nito mayamaya.

Nang lingunin niya ito ay nagkasamid-samid siya. Hawak nito ang isang bra na tumutulo-tulo. Dinidiinan nito ang isang bahagi ng cup niyon. Inirapan siya nito nang mapatawa siya.

"Nabutas, ano'ng magagawa ko? Hindi naman kasya sa bag ko kaya hindi ko mahubad. Isa pa, wala akong pamalit. Kaya kaya ng Vulcaseal ito? Maliit lang naman ang butas."

"Throw it out, what the hell is the matter with you?! You're leaking in my 1957 El Dorado!" Natawa na siya nang malakas.

Umingos ito. "Hindi naman kagandahan itong kotse mo. Ang laki-laki, parang Bat Mobile. Para sabihin ko sa 'yo, imported 'to, 'no! Wala pa akong nakikitang hydra bra dito sa Pilipinas." Nanghaba pa ang nguso nito.

"Well, it's leaking!" Natatawa pa rin siya, napapailing na naihilamos ang kamay sa mukha niya. This silly girl did not have a clue how much his Cadillac cost. He had a thing about cars, yet somehow he couldn't find it in him to get angry with Bibi. She was so damned hilarious, for God's sake! So that explained why her cup size changed dramatically. She was holding her leaking secret, and she clearly had no plans to let it go. "Itapon mo na."

"Ayoko nga." Para itong batang magmamaktol na.

"I'm gonna replace it."

"Wala nga nito dito. Galing pa itong States!"

"Tumutulo na nga, ano ka ba?" Muli na naman siyang natawa. "I swear to you, I'm gonna find you another one, okay? I feel like I'm talking to a child here."

"Nakakainis naman 'to, o." Tila samang-sama pa rin ang loob nitong binuksan na ang bintana. "Paalam, aking hinaharap," sambit nito bago ihagis iyon sa kalsada. Nilingon pa nito iyon, saka kumaway.

Mabuti na lamang at kakaunti ang sasakyan sa daan at walang bumubusina sa kanya. Tawa siya nang tawa. He missed laughing that hard.

"Paano 'yan, wala ka nang boobs?" tudyo niya rito.

Inirapan siya nito. "Ibibili mo ako. Kahit wonder bra na lang. Lima dapat, para araw-araw meron."

"Eh, di dapat pito."

"Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak. Akala mo ba komportable magpa-sexy? Day off ng magkapatid kapag Sabado at Linggo."

He banged his hand on the wheel over and over again, laughing hilariously until his tummy hurt. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang nakangiti lamang itong nakatingin sa kanya. Biglang-bigla ay nailang siya at binuksan ang car stereo. Hanggang umalog-alog na naman ang balikat niya habang napapailing. Luka-lukang babae talaga.

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubbyThanks!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro