Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Marahas na inalis ni Bibi ang braso ni Isagani na nakaakbay sa kanya. Itinulak pa niya ito sa dibdib. Nakaalis na si Amber, ni hindi nakapagsalita nang ipakilala siya rito ng binata.

"Ano ba, ha? Ano ba talaga ang problema mo, ha? Nag-iinit na naman ang ulo ko, sinasabi ko sa 'yo." Pinandilatan na niya ito.

Anong hangin naman ang pumasok sa ulo nito at naisip pang gamitin siya? Malinaw naman sa kanya ang ginawa nito. May punto itong ibig bigyang-diin sa Amber na iyon at siya ang nakita nitong tool para magawa ang nais. Hindi siya natutuwa.

"I'm sorry."

"Sorry-sorry. Nakaka-turn-off ka talaga." Dala ang mga Tupperware na lumabas na siya doon pero inagapan nito ang kanyang braso. Nang pandilatan niya ito ay agad naman itong bumitiw.

"You're moving?"

"Obvious ba? 'Yon palang ex mo ang nakabili sa unit ng amo ng tiyahin ko."

"Saan ka lilipat?"

"Hindi mo alam kung saan lilipat ang 'girlfriend' mo?" sarkastikong sabi niya at tuluyan na itong iniwan. Nakasunod ito sa kanya hanggang sa elevator.

"I need you to do me a favor."

"No."

"This is important to me."

Inirapan niya ito. Bumukas na ang elevator at nagtuloy na siya sa kanyang unit. Hanggang doon ay nakasunod ito. Inilagay na niya sa plastic ang sisidlan ng pagkain, saka sinipat ang cellphone, wala pang message si Leandro. Malamang na mamaya pa ito mag-text. Alas-dos pa lang ng hapon.

"Umalis ka na. Hindi kita gagawan ng pabor. Baka maisip mo pang may gusto ako sa 'yo kaya ko gagawin," nakakalokong sabi niya.

"Wala ba talaga?"

"Wala, 'no!"

"Eh, di wala palang magiging problema kung hihingi ako sa 'yo ng pabor?"

"Wala akong panahon para sa laro mo. Problema mo 'yan, 'wag mo akong idamay. May sarili akong problema, hindi ko na kailangan ang sa 'yo. Ni hindi ko nga alam kung may matutuluyan ako ngayong araw na 'to, eh. Kailangan ko nang umalis para makalipat na dito iyong ex mo."

"I've got two bedrooms."

Natigilan siya, mayamaya ay napailing. "Hindi na. Ayokong sumali sa gulo mo."

"Maganda ang apartment ko, kumpleto sa gamit." Luminga-linga pa ito doon.

"Baliw naman ang nakatira."

Halatang nairita ito pero ang sinabi'y, "I'll let that slide."

Noon nag-ring ang cellphone niya. Si Leandro ang tumatawag. Baka daw bukas pa siya nito masamahan, pinag-o-overtime daw ito ng boss nito. Umuwi na lang daw muna siya sa kanila at bukas ay liliban ito sa trabaho para samahan siya.

"Bad trip," sambit niya nang matapos ang tawag.

"My offer still stands."

"Tumigil ka nga. Nakakairita ka. Ikaw yata ang malas sa buhay ko." Isinukbit na niya ang bag at binitbit ang kanyang kutson. Uuwi muna siya sa kanila. "Bitbitin mo naman 'yang kahon," aniya rito. Agad naman itong tumalima. Diri-diretso na siya sa elevator.

"I'm willing to pay you."

She scoffed. "Hindi lahat ng tao, nababayaran."

"Twenty K a month."

"Ang cheap mo, ah?"

"All right, forty." Umiling siya. "Fifty? Sixty?"

Natigilan na siya. Seryoso itong talaga. "Sixty thousand? Seryoso ka?"

"Dead serious."

"Sixty thousand per month 'yan?"

"Yes."

"Cash?"

"Sure."

Noon sila nakarating sa ground floor. Muli niyang pinindot ang eleventh floor button. "Ano'ng gagawin ko eksakto?"

"Live in my house."

"Iyon lang?"

"Act like my girlfriend."

"Gaano katagal?"

"Hindi ko alam. Two-three months?"

Pagkatapos noon, wala na naman akong trabaho. Pero kung dalawang buwan, may one-twenty kyaw ako. Hindi na rin masama pero hindi ko puwedeng sabihin sa nanay... Teka, pa'no ba maganda dito?

Pagbukas muli ng elevator ay lumabas na siya roon, diri-diretso sa unit ni Isagani. Nakapagpasya na siya.

"Cash lang ang tinatanggap ko. Kailangan ko ng advance at deposit," wika niya.

"Deal." Inilahad nito ang kamay.

Tinanggap niya iyon. May nagbubulong sa kanyang hindi tama ang kapasyahan niya pero inignora na lamang niya ang tinig na iyon. Anu't anuman, makalipas ang dalawang buwan ay may one hundred-twenty thousand pesos siya. Hindi niya mapupulot ang halagang iyon sa kalsada. Kung papalarin siya, makakapagsimula na siya ng negosyo sa kanila. Baka isa na iyong simula para maiba ang takbo ng buhay niya. Iyon naman ang sumatotal ng gusto niyang mangyari, at ngayo'y nakahain na sa harap niya.

Hindi siya tanga upang tumanggi.

--

Vote, share, leave a comment.
Like my FB page: vanessachubby

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro