2.1 | The Warfreak Queen
Reminders:
↝ This is unedited so please excuse the errors that you will definitely meet as you read.
↝ Lahat ng mababasa mo dito ay opinyon ko lamang patungkol sa gawa mo. They are subjective but there are also parts na objective.
↝ Make sure to do all of the payments for this. I trust you.
↝ Feel free to correct me if I have said something wrong.
╔═══════════════════════╗
The Warfreak Queen
written by guardianlovers
Genre: General Fiction
Language: Filipino-English
╚═══════════════════════╝
i. Book Cover
First of all, sa tingin ko masyadong nasobrahan sa contrast yung image. Ang rough niyang tignan. Next is the image itself. Hindi niya naibibigay yung 'warfreak' na attitude nung bida. Kulang sa feels yung picture. Mas babagay dito yung babae na may fierce or mataray na expression at medyo mukhang matured. Para kasing bata yung nasa cover. But the color is great. Maganda yung may pa-neon effects. Nakakakuha ng atensyon. When it comes sa text naman, ayos na ayos. Maganda yung font at kitang-kita yung text.
ii. Story Title
The title brings a lot of power. You have the word 'warfreak' tapos mayroon pang 'queen' na kasama. Hindi siya yung tipo ng title na sobrang kakaiba at bagong-bago sa pandinig pero sapat na ito para makahatak ng mga mambabasa. Alam mo yung may pa wow effect yung title. Napakalakas. Palaban.
With regards sa relevance nito sa kwento, swak na swak. It gives justice to your story.
iii. Story Description
Just like the title, napakapowerful din ng description mo. It's great na nagfocus ka sa bida. Siya talaga ang pambato mo dito. Ang ganda ng pagkakagawa. Yung mga comparison na nilagay mo pati yung mga words na ginamit mo ay magaganda. May ipinakain ka na agad sa mga readers. Nilagay mo yung mga flaws ni Khionè. I like it and nakuha niya talaga yung atensyon ko.
Mayroon lang na mga konting lines na pwede pang i-improve or ayusin para mas maging maganda yung flow ng description.
Hindi siya isang karaniwang reyna na nakatira sa kastilo. Siya ang reyna na kakaiba na kahit ang mga tao ay nakahalata.
- Pinagsama yung dalawa then tinanggal yung 'itinuring na tunay na reyna.' Nakakasira lang siya dahil umulit lang naman.
She turned herself into a warfreak that no one would attempt to block her way.
- 'No one can resist it' sounds off. Resist is not just the right word. And also, walang comma doon.
She's confident, fierce and powerful— a Queen.
- I removed the 'crazy' kasi medyo oa. Then, connect the next sentence with a dash para may emphasis at hindi putol yung idea.
iv. Prologue
Very interesting prologue. Ang ganda ng scene na pinili mo. It builds excitement to the readers. It makes them eager to know more.
Sa prologue palang ay nakita ko na yung concept ng kwento. Napakagaling though may problema when it comes sa dialogue tags and proper capitalization (writing style). Konting push lang din sa narration lalo na sa pagiging descriptive at sa pagpapahayag ng damdamin.
Other than that, it's a great start. Hindi siya patapon. It contributes alot to the story. Unique and captivating lalo na yung last line. Prologue kung prologue talaga siya.
v. Characterization
Napansin ko na marami yung mga characters mo so medyo challenging sa'yo yung part na'to. Gusto kong magfocus ka sa tatlong babae dahil halos sa kanila umiikot yung kwento. Sa first five chapters kasi na nabasa ko, parang iisang tao lang silang tatlo. I can't see the difference between Khionè, Nadia and Aella. Make sure na ibuild mo yung character nila. Yung tipong masasabi ko na 'ah si Khionè 'to!' Dapat iba si ganito kay ganito.
When it comes sa mga boys, ayos naman sila. Gusto ko lang talagang ifocus yung sa mga babae. Magaganda yung mga qualities na ibinigay mo sa kanila and now, I want you to show it. She's a warfreak? Then show why. Queen Bitch siya? Pakita mo kung bakit. Surely, may mga points na pare-pareho sila pero hindi naman siguro lahat. Pwedeng siya may bitchy attitude pero hindi naman warfreak. Hindi lang sa qualities, pati sa mindset and perspective. Nagpapalit-palit ka din kasi ng point of view and napansin ko na pare-pareho lang yung way nila ng pag-iisip.
Another thing is yung age nila. 15 lang si Khionè pero nakulong siya. Same with Nadia. Underage pa sila at hindi ba dapat sa DSWD ang bagsak nila? Hindi din nabanggit yung process. Yung due process, trial or even yung kaso nila. Kahit banggitin lang. Pero yung age talaga. Doon ako nabo-bother.
Actually, bet na bet ko yung tatlong babaeng characters mo. I love their boldness and I want to know them more. Tell us more about them. Sana ireveal ng pakonti-konti yung backstory nila. Kung bakit naging ganoon kafierce ang ugali nila. For sure may kinalaman ang past nila doon.
vi. Writing Style
→ Dialogue and Narration
Bago sa bad side, doon muna tayo sa mga magaganda. First, napakarealistic ng mga dialogues. Nakakarelate at nasa trend yung mga linyahan.
- Dialogue Tag
Kapag yung isang dialogue ay sinusundan ng phrase na nagpapakilala kung sino yung nagsalita, parte parin ito ng dialogue. Here are the basic rules:
"Dialogue," tag.
"Go away, Anna," she said.
Instead of period (.), use comma (,) then small letter lang ang tag.
"Dialogue!" tag.
"Go away, Anna!" she shouted.
"Dialogue?" tag.
"Go away?" she asked.
No need to add comma or change the end marks (if !/?). Automatic na small letter lang yung kasunod. Period lang ang pinapalitan ng comma.
Mayroon pang other ways on how to pull off dialogue tag. You can check my writing guide, 'Be Aware.' Mas detalyado doon.
Next naman is yung mga 'hahaha' o hindi naman kaya ay 'hehehe.' Tanggalin natin yung mga 'to. Kaysa ilagay mo sa mismong dialogue, bakit hindi mo nalang ipakita. Heto yung tinatawag na show and not tell.
From this: "Sorry, hehehe."
To this: "Sorry," nahihiyang pahayag ko tsaka natawa nang peke. Hindi din nagtagal ay nauwi ito sa ngiwi nang dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Mas naiimagine ng mga readers yung nagaganap kapag ipinapakita mo kaysa sinasabi. Even the 'char,' minimize natin ang paggamit. I am not saying na pangit ito, bawas-bawasan lang natin.
When it comes sa narration, hindi ko masasabi na maganda pero hindi din naman pangit. Average type of narration. Yung typical style lang. Walang problema dito dahil bumabagay naman siya sa atmosphere ng kwento. Nandoon yung playfulness nung bida. Be more descriptive lang. Pay attention sa mga actions and expressions ng mga characters. Makakatulong yung mga 'to na mavisualize ng mga readers yung scene.
- Wastong paggamit ng 'nang'
Imagine 'nang' as the word 'when' in English.
nang may nakita ako - when I saw something
nang may narinig ako - when I heard something
Ginagamit din kapag adverb of manner. Heto yung magtatanong ka ng 'paano?'
tinignan nang masama - paano ka tinignan?
tumawa nang malakas - paano siya tumawa?
May pattern dito:
- verb + nang + adverb (adjective)
Make sure na yung adjective na 'yo ay dinedescribe yung verb.
→ Language
Balance naman ang paggamit mo sa dalawang language. Smooth lang yung translation at hindi pabigla-bigla. I suggest na palawakin pa natin yung vocabulary natin. Read and read. Malaking tulong 'yon.
- Proper capitalization
Sa mga proper nouns, like names and brands, lang yung mga kinacapitalize natin. Also, sa start ng sentence.
Ate Ching
Christmas
Small letters lang ang:
vegetables, fruit section, first day of class, mag-excuse, walk-in closet, black corduroy and cargo pants.
Careful tayo sa mga 'to. Common nouns lang yung mga yan so hindi kailangang i-capitalize unless sila yung start ng sentence.
- Paggamit ng dash (-) sa mga inuulit-ulit na salita
Kinaway-kaway, mahilo-hilo
- Automatic din na capitalize ang 'I' o kaya 'I am' o 'I'm' kahit nasa gitna pa 'yan ng sentence.
I'm sexy and I know it.
→ Grammar
Mostly sa English grammar yung nakita kong mali. Reread lang tayo para mabawasan yung mali. And more importantly, magbasa nang magbasa.
- jail, pangit
- Pero that's in the opposite? Baka 'pero it's completely opposite' or just say 'pero I thought wrong.'
- People treat you like a bitch but that's nice — err. Revise.
- Revise. Recheck. Read and read.
Huwag pilitin kung hindi naman kayang magpurong English. Kaya yan! Kayang mag-improve basta willing.
♡ ฅ^•ﻌ•^ฅ ♡
Hi, Krizzy! Sana po may naitulong ako kahit papaano. Thank you so much for trusting me. Godbless po and stay healthy! More importantly, keep writing!
Note: Please don't forget the reminders above.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro