Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Story 2: Regrets

DINIG na dinig sa bawat sulok ng bahay ang pagsasagutan ng mag asawang Levie at Vincy. Habang nag aaway ang dalawa,nanatiling nasa loob ng kwarto ang dalawang anak nila. Iyak ng iyak ang mga inosenteng bata,maski sila ay apektado ng pagbabangayan ng kanilang mga magulang.

Isa silang masayang pamilya noon. Mabuting padre de pamilya si levie at maalagang maybahay naman si Vincy. Pero hindi pala lahat ng bagay ay permanente sa mundo. Isang araw nagising na lamang silang nanlalamig na sa isa’t isa. Masyadong nagging abala si Vincy sa pag aalaga ng kanyang mga supling.

Naging perfectionist siyang tao na hindi tumatanggap ng pagkakamali at pagsubok sa buhay. Naniniwala kasi siya sa kanyang prinsipyo na hangga’t nabubuhay siya,magiging maganda ang buhay ng kanyang mga anak. Napuno siya ng ambisyon na makakaahon sila sa hirap. Nangyari naman ang inaasam niya pero unti unting lumayo ang loob sa kanya ni Levie.

Lagi niyang sinisigawan ang esposo kapag mababa lang ang kinikita ng naipundar nilang negosyo. Nawalan siya ng contentment sa buhay.

Naging komplikado ang lahat sa kanilang dalawa ni Levie. Madalas na wala sa bahay si Levie at nakakalimutan na rin niya ang mga mahahalagang celebration at iba pang petsa na ipinagdiriwang nila ng kanyang pamilya. Tiniis ni Vincy ang panlalamig ng kanyang asawa. Kaya niyang magpakatatag alang alang sa pamilya.




FIRST day of May,kaarawan ng kanilang panganay na si Shaira,hinanda na ni Vincy ang lahat para sa munting salo salo. Hindi maalis sa mga labi ng kanyang mga supling ang ngiti dahil excited sila sa pag uwi ng kanilang ama. “Mama anong oras kaya uuwi si papa? May regalo kaya siya kay ate Shai?” Bakas sa tinig ng bunsong si Adam ang kasiyahan dahil alam nitong ngayon lang sila makakakain sa hapag kainan nang magkakasama.

“Hindi pa tumatawag ang papa niyo eh. Baka traffic na naman,” Sagot naman ni Vincy. Lagi siyang sumusulyap sa kanyang relo. Hindi maalis ang pangamba na baka hindi na naman uuwi sa kanilang bahay ang esposo.

Inabot na ng mga dalawang oras at napapansin na ni Vincy ang pagkainip ng dalawang bata. “Mama,baka hindi na naman uuwi si papa,” malungkot na wika ni Shaira.

“Oo nga mama,bakit ba laging ganun si papa? Mahal pa ba niya tayo?” sabat naman ni Adam na inaantok na rin dahil pasado alas diyes na ng gabi at wala pa rin ang kanilang ama.
“Darating siya mga anak.” Nagsinungaling na si Vincy dahil ayaw naman niyang sumama ang loob ng kanyang mga anak lalo na si Shaira dahil kaarawan nito ngayon.

“Mama matutulog na lang po ako.” Mabilis na nilisan ni Shaira ang hapag kainan at bakas na rin sa boses nito ang paghikbi. Dumiretso ito sa kwarto at padabog na isinara ang pinto.

“Ako rin mama,gisingin mo na lang po ako kapag dumating na si papa.” Nalulungkot ding dumiretso si Adam sa kanyang kwarto. Naiwang mag isa si Vincy at lumuluha siya habang pinagmamasdan ang mga inihandang pagkain na para sana sa celebration. Naiiyak siya hindi dahil sa perang nasayang kundi sa effort na ginawa niya para makabawi sa mga pagkukulang niya bilang asawa at ina.


MABUTI naman umuwi ka pa. Ang galing mo rin Levie,pati birthday ng anak natin kinalimutan mo. Ang kapal ng mukha mo!” Hindi na napigilan pa ni Vincy ang pagbitaw ng masamang salita sa harap ng kanyang asawa. Inumaga na naman ng uwi si Levie. Mas lalo siyang naiinis dahil parang ipinapakita pa nitong wala siyang pakialam.

“May business ako Vincy. Mahirap bang intindihin yun!. Kapag maluwag naman ang schedule ko ipapasyal ko si Shaira at Adam!” iritableng sagot ni Levie. Ang totoo’y aminado siya sa pinaratang ni Vincy na nakalimutan nga niya ang birthday ng kanyang anak.

“May pamilya ka pa! Kailan  mo kami papansinin? Kapag patay na kami?” Malakas ang kanilang mga boses at kapwa hindi sila nagpapatalo sa isa’t isa.

“Tama na Vincy! Rinding rindi na ako sayo!” isa isang kinuha ni Levie ang mga damit sa kanilang cabinet. Naalarma naman si Vincy sa ginagawa ng kanyang asawa.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Aalis na ako sa bahay na ito. Impyerno pala dito!”

Mabilis na isinild ni Levie ang kanyang mga damit sa maleta at umalis. Katulad ng dati,naiwan na namang mag-isa si Vincy at lumuluha. Hindi na niya makayanan ang lahat. Sinubukan pa niyang sundan ang asawa sa pagbaba nito pero hindi na niya nagawa nang tuluyan dahil nawalan siya ng malay.



“VINCY..Vincy ..”
Kasalukuyang nasa ospital si Vincy at mabuti na lang ay nasaklolohan siya ng kanyang ina-inahang si Manang Luz na kahit ilang tawag na ang ginawa sa pangalan niya ay di man lang ito nakarinig ng imik mula sa kanya. Naging maagap ang ginang, kinaya siya nitong buhatin sa tulong na rin ng driver na kasama nila sa bahay.Bago umalis ibinilin pa ni Manang Luz ang mga bata sa mabuti nilang kapitbahay . Sa emergency room siya idineretso. Malakas ang kabog ng dibdib ng  matanda nang  makita nya na halos wala ng kulay ang labi ni Vincy.

Napaupo nalang ang matanda, impit dalangin sabay ng pagluha ang dasal niya na sana maging maayos sana si Vincy, ramdam niya na kahit hindi nagsasalita ang anak anakan may dinadala itong mabigat na saloobin.

Dumating ang doctor na kaninang tumingin sa kondisyon ni Vincy. “Kayo po ba ang kasama ng pasyente?” Lumapit ito kay Manang Luz.

“Opo,ako nga po Doc,maari ko bang malaman ang kalagayan ng anak ko?” sagot ng ginang.

“Hindi niyo ba alam na malala na ang leukemia ng anak niyo?”

“Leukemia? Diyos ko. Totoo ba yan?” Nagulat siya sa narinig. Talagang hindi kapani-paniwala dahil nakikita naman niyang malakas ang anak anakan na labis niyang mahal.

“Kailangan niyang sumailalim sa transplant,kung hindi,mamamatay siya. Hindi biro ang Leukemia,” huling sagot ng doktor bago ito umalis.






“ALAM ko na po ang sakit ko Ma. Hindi na ako magugulat pa.” Nanghihinang wika ni Vincy habang nakikita niyang umiiyak sa harap niya si Manang Luz nang magkamalay tao siya.

“Bakit itinago mo anak? Alam mo bang nakamamatay na ang sakit mo?” Patuloy pa rin sa pag-iyak ang matanda.

“Hinanda ko na po ang sarili ko Ma,may insurance na ako. May bahay na akong naipundar para sa mga anak ko. Gusto ko lang po sana na kayo na lang ang magbantay sa kanila Ma,” sagot naman ni Vincy na para bang nagbitiw ng huling habilin.

“Bakit ba ganyan ka magsalita anak? Kailan mo pa nalaman 'yan?”

“Mahigit isang taon na po. Mabuti na lang tinutulungan ako ni Howie,yung kaibigan kong doctor. Siya na po ang nagrerekomenda ng mga gamut ko. Akala ni Levie may relasyon kami ni Howie pero wala talaga Ma. Hindi totoo ang mga paratang niya sa’kin.” Nagsimulang umagos ang luha sa mga mata ni Vincy.

Mula sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga inilahad niya sa kanyang ina-inahan. Iyon ang unang pagkakataon na nakapaglabas siya ng sama ng loob rito patungkol sa estado ng relasyon nila ni Levie bilang mag-asawa.

“Nasaan na nga pala si Levie? Alam ba niya ang sakit mo?” Napayakap sa kanya si Manang Luz nang napakahigpit.

“Hindi niya po alam. Ikaw,ako at si Howie lang ang nakakaalam ma. Lumayas na siya kanina lang. Impyerno na ang tingin niya sa bahay naming. Nasasaktan ako sa pakikitungo niya ngayon sa akin. Feeling ko may iba na nga siya. Mas masakit iyon kaysa sa pakikipaglaban ko sa karamdaman ko.”

“Tibayan mo ang loob mo anak. Nandito lang ako sa tabi mo at nakikita ng Diyos ang sitwasyon natin. Lahat ng bagay may solusyon anak.”

Kahit papaano,nabawasan ang sama ng loob ni Vincy. Ngayon pa ba siya susuko? Isa lang ang naiisip niyang paraan. Ipapakita niyang mas matatag pa siya. Matatag para lumaban sa pagsubok at para sa mga anak niya.



PLANADO na lahat ni Vincy ang mga gagawin niya sa araw na pupuntahan niya si Levie. Nabalitaan niya sa isang malapit na kaibigan na nakatira ito ngayon sa condominium na binili pa nilang mag asawa. Mas lalo siyang nasaktan dahil nabalitaan rin niyang may kasama na itong iba at walang iba kundi ang sekretarya nito sa opisina,si Madel.

Pero hindi siya kaagad agad naniwala,she needs a strong evidence. Whatever the truth is,handa siyang tanggapin iyon katulad ng pagtanggap niya sa kanyang karamdaman. Buo na rin ang desisyon niya na tapusin na lang ang kanilang relasyon dahil alam niyang wala nang patutunguhan pa iyon.

Isang babae ang bumungad sa kanyang harapan. This girl was pretty. Mukhang matalino at agaw pansin sa kahit sino ang magandang pangangatawan nito na akma talaga sa maamo at kaakit-akit na mukha nito. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Pinapasok naman siya ng babae sa Condo at mas lalong kumabog ang kanyang dibdib dahil muli niyang nakita ang taong nagbigay sa kanya ng maraming hinanakit.

“Bakit ka nandito Vincy? Siya nga pala,sasabihin ko na ito kaagad. Makikipaghiwalay na ako sa’yo” Walang anu-anong sabi ni Levie. He doesn’t care about his wife’s feeling anymore. Ang mahalaga lang sa kanya ay mapadali na ang pagsasama nila ng kanyang kabit.

“Hindi na ako magugulat pa Levie. I-settle na natin ang annulment pero hindi muna natin ipapaalam ito sa mga anak natin.”  Pinilit niyang ngumiti sa harap nito.

The conversation took for just an hour,naging klaro naman ang lahat. They both agreed. Ang problema na lang nila ay ang pagkuha ng tiyempo para sabihin sa mga anak nila ang paghihiwalay nila.


MAMA,nandito na si papa!” Narinig ni Vincy ang masayang tinig ni Adam kaya agad niyang pinunasan ang kanyang luha. Isa sa napagkasunduan nila ni Levie na muli silang lalabas kasama ang kanilang mga anak,para iyon sa pagpirma ng annulment. Nakita niyang muli si Levie. Matamlay ang mukha nito at alam na niya kung bakit. Alam niyang hindi ito Masaya pero wala siyang pakialam,ang gusto lang niya ay maulit ang mga masasayang kaganapan ng kanilang pamilya bago siya pumanaw.



NAGNANAKAW ng tingin si Levie sa side mirror ng kanyang kotse habang nagmamaneho. Nakatutok siya kay Vincy at hindi masyadong binigyan ng atensiyon ang masasaya nilang anak na nasa likuran. May napapansin siyang kakaiba sa asawa. Matamlay kasi ito at maputla at hindi rin maikakaila ang pagpayat nito. Nahuli siya ni Vincy na sumusulyap kaya inilihis niya ang kanyang paningin at sa daan iyon mas lalong itinuon.

“Tama na mga anak. Mauubos ang energy niyo mamaya pag sobra ang paglilikot niyo diyan," saway ni Vincy sa dalawang supling.

Mabilis na inayos nina Adam at Shaira ang mga gamit para sa kanilang picnic nang makarating sila sa park. Si Levie naman ay tila nahahawa sa kasiyahan ng mga anak. Napapangiti siya ng kusa at mas nadodoble pa iyon nang maibaling niya ang tingin kay Vincy.

Natigilan siya. Iyon lang ang pagkakataon na muli siyang nagfocus sa pagtingin sa mukha ng asawa. Bakit gumagaan ang pakiramdam niya? Bakit siya nangingiti? Iyon ang pakiramdam niya nang una silang magkita ni Vincy. It was like love at first sight.

Niyaya silang dalawa ng kanilang mga anak para sa picnic. Masaya silang nag uusap. Malaki ang pasasalamat ni Vincy dahil nangyari ang hiling niya sa panginoon. Kahit saglit naging buo silang muli.




ANO PONG nangyari sa asawa ko? Bakit nawalan siya ng malay?” natatarantang tanong ni Levie  sa doktor matapos na ieksamin nito ang kalagayan ni Vincy. Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan sa park nang manghina ang asawa at mawalan ng malay kaya dali daling napasugod sila sa ospital.

“Wala ba kayong kaalam alam sa nangyari sa misis niyo? Sa sakit niya?” Nagtatakang tanong ng doktor nang ibaling nito ang tingin kay Levie.

“Huh? Sakit?” hindi siya makapaniwala at nagtataka sa sinabi ng doktor.

“Nasa critical stage na ang leukemia niya. Kung hindi siya magpa bone marrow transplant,mamamatay siya.”

Tila sinakluban ng napakabigat na problema si Levie nang marinig ang masamang balitang iyon. Tiningnan niya muna ang kanyang mga anak na iyak ng iyak at lubhang nag aalala sa kanilang ina.

“Mga anak,magiging okay din si mama”. Niyakap niya ang dalawang anak habang kapwa sila umiiyak. Hindi niya akalain na magiging ganun ang kahihinantnan ng kanyang kasalanan. Nakipaghiwalay siya nang hindi man lang nalalaman ang totoong kalagayan ng kanyang asawa. He is selfish at aminado siya doon. Inisip niya lang ang mabilisang pakikipaghiwalay at kinalimutan na niya ang kahihinatnan ng kanyang mga anak kung maghiwalay nga sila ni Vincy ng tuluyan.

“Magiging miserable ang buhay ng mga anak ko. Diyos ko,bakit hindi ko nalaman na may sakit siya? Bakit ngayon ko lang naisip na magiging masamang tatay ang tingin ng anak ko kapag naghiwalay na kami ng tuluyan. Napakasama ko.” Umiiyak na sabi niya sa kanyang sarili. Pero huli na ang lahat, magsisi man siya,hindi na niya maibabalik pa ang lahat. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang bumawi at itama ang pagkakamaling nagawa habang may pagkakataon pa.




MATAPOS ma-confine sa ospital,tuluyan nang inilabas si Vincy at nagpahinga na sa bahay. Hindi umalis sa kanyang tabi si Levie, muli nitong ginampanan ang pagiging mabuting haligi ng tahanan. Inalagaan siya nito at inasikaso pa ang kanilang mga anak habang may sakit siya at tuluyang nagpapagaling kahit alam niyang wala ng lunas ito.

“Bakit mo ba ginagawa ito Levie? Naaawa ka ba sakin?” Matamlay na tanong ni Vincy. Lumapit sa kanya si Levie habang abala ito sa pages-serve ng pagkain para sa kanya.
Muling naglandas ang mga luha sa mata ni Levie. “Naaawa? Hindi. Sobrang naaawa Vincy. Pero mas naaawa ako sa sarilli ko kasi napakatanga ko. Bakit kailangan mong itago sakin yan? Bakit hindi mo sinabi yan noong una pa lang?”

Niyakap siya ng kanyang asawa. Ngayon lang siya nito niyakap ulit at isa iyon sa mga bagay na na-miss niya sa kanyang mister. Kahit sandali,naramdaman niya ang kaligtasan sa mga bisig nito.

“Kung sasabihin ko,magbabago ba ang isip mo? Ako ba ang pipiliin mo?” Pinigil ni Vincy ang pagluha pero nabigo siya. Ang tanging nagawa niya ay ang pagganti ng yakap kay Levie.

“Babawi ako. Isasalba ko ang pamilyang ito. Mahal na mahal kita Vincy,kayo ni Shaira at Adam ang pinakamahalaga at sorry kung ngayon ko lang iyon na-realize.” Hinagkan niya ang labi ni Vincy. Pangako niya sa sarili na magiging okay ang lahat at ibubuhos niya ang buong pagmamahal para sa kanyang mag-ina.

Sa loob ng tatlong buwan,naging okay ang relasyon nina Levie at Vincy. Masaya silang nagsasamang muli at tuwang tuwa ang kanilang mga anak sa panunumbalik ng masayang pamilya na kanilang nabuo. Hindi pa pala huli ang lahat,tuluyan nang nakipaghiwalay si Levie kay Madel. Sa tatlong buwan na nagdaan,nabura lahat ng pag aalinlangan at suliranin. Laging nakabantay si Levie sa kanyang asawa.

Pero dumating din ang araw na mamaaalam na si Vincy. Binawian siya ng buhay kasabay ng pagtatapos ng ikatlong buwan. Masakit man, kinailangang tanggapin iyon ni Levie. He made a promise, hinding hindi niya pababayaan ang mga anak.

Ang tanging nagagawa lang niya kapag namimiss ang asawa ay ang pagbabasa sa mga sulat at diary nito. Alam niyang napasaya niya ito sa mga nalalabing sandali nito sa mundo. Alam niyang nasa langit na ang kanyang asawa at nakabantay pa rin sa kanila.












Wakas.

A/N: collaboration story ito sa PLR, with author sweetrizzy. Sana may matutunan kayong aral. Huwag matutukso lalo na sa mga may asawa na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro