Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kunwari? Kunwari.

          Kung buong buhay mo ay minamalas ka na, hindi mo na aasahang pagpapalain ka pa kailanman ng kapalaran. Ngunit hindi mo man asahan,


          hindi ka pa rin makasisiguro.


          Ika-una ng Disyembere nang lumipat ako dito sa Sta.Mesa. Mga abala at maduduming kalye, mga nangangamoy na pagkain (nakakatakam namang amoy iyon, pasalamat), mga abala't nagmamadaling tao. Saan man lumingon. Saan man pumaroon. Hindi maipagkakailang ang buhay, habambuhay man naging mahirap, eh mas hihirap pa ngayon. 

          Idagdag mo pa 'yung tirahang kinaya ng badyet ko. Tignan mo naman, halos hindi masisikmura kahit ng katulad kong galing probinsya, dahil dormitoryo man ito (kuno), mukha namang tae. 

          'De, biro lang. Kaya pa naman. Hindi naman malala. Ibawas mo lang 'yung mga daga, mga tapon na pagkain, mga sirang bumbilya, 'yung mga punda at sapin na hindi ko pa nahihigaan eh may mga itim na pulo na ng mga laway-laway, amoy panghi na 'di mo mawari kung saang parte ng kwarto nanggagaling, at lalo na iyong tae ng pusang dekorasyon sa mismong harap ng pinto. Manilaw-nilaw na nga, may katas pa ng ihing kulay berde.

          Galing. Putangina.

          Kung ako man ang tatanungin, 'di na sana masama 'yung mahirap na buhay sa Maynila kung masisikmura mo naman 'yung tutulugan mong silid gabi-gabi. Iyon bang may posibilidad na makakuha ka pa ng masarap na pahing. Pero hindi eh. 'Di talaga pwedeng hindi ka iinisin ni kapalaran. Pagtitripan ka, porke nasanay yatang pilit mong tinitiis lahat.

          Hay, bahala na. Hahanap na nga lang muna ako ng mabibiling pagkain para mamaya.

          Gugustuhin ko sanang magpahinga, kaso tignan mo naman 'tong estado ng kwartong 'to. Imbis na mainspire kang magpahinga, maiinspire ka na lang na lumabas. Mahal ko buhay ko, oo.

          Lumabas ako ng silid para bumili ng pagkaing ipanghahapunan ko mamaya. Mukhang nagugustuhan kong bumili ng alinman sa adobo o sinigang. O kahit anong malasang pang-ulam. Puwede ding sisig. Paborito ko naman iyon hehe.

          Pero lahat naman na yata ng pagkain eh paborito ko. Madali lang naman ako pakainin, basta ba marami iyang ipapakain mo. Basta't busog ako at 'di na manghihingi pa.

          Hinakbangan ko 'yung tae sa harap ng pinto habang may nandidiring ekspresyon sa mukha na hindi ko maalis kada tingin ko sa lintek na taeng iyon. At sakto pang nasa pwesto 'yon ng pinto kapag sinara. Kumuha ako ng upuan, dinahan-dahang isara ang pinto na hindi iyon sasagi sa napakagandang manilaw-nilaw na berdeng ginto, at iniharang 'yung upuan sa likod ng pinto. Pati sa puwang na pwedeng mapasukan nang sinuman iyong paa ng upuan upang mahirapan silang pumasok, at nang tumaas ang posibilidad na matapakan muna nila 'yung tae at matrauma sila't di na pumasok nang tuluyan. Hehe.

          Bumaba ako ng hagdan, sabik na magpakabusog. Kalagitnaan ng pagbaba ay may biglang dumikit na kung anong malagkit sa talampakan ng sapatos ko.

          Babol gam. Ang lapad pa, akala mo malagkit na libag na tinawag ko para pumarito. Kakailanganin ko ba talaga 'yung ganung klase ng libag kung meron na akong sarili kong libag?

          Malas.

          Paika-ika, naglakad ako papalabas ng gusali ng dormitoryo. Ipinahid ko ang talampakan ng sapatos ko sa gilid ng bangketa, pilit na inaalis 'yung nakadikit pading babol gam na lalo lamang kumalat.

          "Kainis, pakiusap naman oh ano ba," mahina kong bulong, kinikiskis pa din ang suwelas. Habang patuloy akong nagsusumikap - pa rin - para makaalis sa malagkit na sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, walang anu-ano ay may napansin akong lumagpas sa akin at tumungo papasok sa gusali ng dormitoryo.

          Kartero. Nakasuot ng puting polong may asul na kuwelyo habang may dala-dalang mga sobre ng iba't ibang kulay at laki. Marahil ay mga liham. Sa dami ba naman ng mga iyon eh baka lahat ng kwarto eh may kani-kaniyang sulat na matatanggap. Maliban sa'kin.

          Hindi ko inakalang ako lang pala ang mag-isa dito sa buhay; walang kamag-anak, walang sinumang mag-aalaga - gayo'y walang sinumang maghahatid sa'kin ng liham. Kaya nga ganito ngayon, nasa isa na namang di-pamilyar na lugar, sumisikap na kumayod muli't-muli nang mag-isa. 

          Mag-isa.

          Kung nandirito ka lang, Jane. 


          Matapos kong makabili ng tig-isang supot ng adobo, sinigang at sisig at limang supot ng kanin ay walang sigla akong umakyat papunta sa aking silid habang may nguya-nguyang cheesestick na galing sa hawak kong baso na pinakamalaking mayroon sa tindahan. 'Yung tig kinse-pesos.

          Hakbang. 

          Nakita ko nang muli ang pintuan ng kwarto. 'Yung tae? Nandun padin. 'Yung upuan? Gago pre wala na, sa'n na napunta, baka nakuha na 'yung gamit ko AAAHH-

          Nandoon padin naman pala ang aking bag at wallet, sa isa pang upuan na malapit sa kama. At ang nawawalang upuan na hinarang ko sa pintuan?

          Ayun, nasa paanan ng kama. At may nakapatong pang liham.

          Liham? Galing kanino naman?

          Ang sobre ay iba sa mga dala ng kartero kanina. Kayumanggi, makapal, at mukhang mamahaling uri. Nag-alala akong baka mapunit ko dahil nga mukha itong mamahalin, kaya naman hininay-hinay ko ang pagbukas nito. Sa loob, may sulat. Mabangong papel na kulay rosas ang pinagsulatan. Maganda din ang sulat-kamay ng kung sino mang nagpadala nito. 

          Hoy HAHAHA hindi  naman ganoon kalala diyan. Pero oo medyo nga, lalo na kung unang punta mo diyan, eh nako po parang kahit kailan eh hindi dumaan 'yung salitang malinis diyan  sa hayop na dorm iyan, bungad na bungad pa man din para sa bagong dating katulad ko dati. Pero kaya naman. Kahit may tae pa diyan ng pusa eh cute padin naman 'yung pusa, kaya excempted siya.

          Kita tayo sa Another World sa Biyernes, day-off. Miss na kita :< Sulat ka  pabalik kung makakapunta ka ha?


Ako,

Tanging babaeng nakakatiis sa'yong bakla ka


          So ano 'to?

          Sana lang swerte.

          Pagkakataon ko na 'to para kumilala ng babae sa wakas at makaranas ng disco date. Nagsulat ako pabalik na wari'y ako padin 'yung taong sinulatan niya, at nung dumating na ang araw.

          Kabado. Nginig. Pag-aalala. 

          Babaero by Randy Santiago ang patugtog.

          Sana talaga swerte.

          "Henry!"

          May tumawag sa'kin? Pero wala akong kaibigan sa Maynila, sinong-


          J-Jane?

          "Hi Henry, mapagpanggap ka pa'din gaya ng unang kita natin haha! Tara?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro