Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wakas

ALAM KO ANG sikreto niya sa umpisa palang. Pinili ko lang na manahimik at huwag ipahalata sa kanya.

Palagi siyang nagjo-joke when we were still kids; those days when she almost requested a room in my house, when she gave all her time and effort just for me, and yes, the way her eyes sparkled every damn time our eyes met. I can tell that she stayed by my side because of one reason—and that is love.

Love is all we want, and love ruins relationship, that's what I thought.

I loved Rienna with all my heart and when she died, I found myself drowning and couldn't get up. I was thinking to follow her, para hindi na ako masaktan.

But Sarang came and saved me.

When I hurt her, I could no longer see the sparkle in her eyes. Sadness reflected upon them at nakita ko ang repleksyon ng aking sarili sa kanyang mga mata. Ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan at nasasaktan ng husto.

"Chat me when you safely arrived, okay?"

Bored akong lumingon sa gawi ni Aldrid. Kasama niya si Klyde na mukhang nagiging chaperone sa loko-loko kong kaibigan.

"Are you nuts?"

"Dude, it's Paris, the city of love. Bukod sa pupuntahan mong business deal, humanap ka naman ng babae."

"Yeah, nagiging boring na ang buhay mo. Palagi ka na lang trabaho, gusto mo bang pakasalan ang kompanya ng pamilya mo?" Inis na tanong ni Klyde sa akin.

"Alam niyo kung nasaan tayo?" Kulang na lang ay sakalin ko ang dalawang ito. Nakita kong tumango si Klyde habang tumatawa naman si Aldrid sa kanyang tabi.

Mga siraulo talaga.

"Nasa labas tayo ng Orly Airport," walang pag-aalinlangang sagot ni Klyde.

"And where is Orly Airport located?"

"Paris!"

"Well, ang ibig kong sabihin kanina ay iiwanan ka namin ni Klyde upang hanapin ang iyong kaligayahan." Sabi ni Aldrid.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Dalhin niyo ang maleta ko sa apartment at lilibutin ko lang ang buong Paris mag-isa." Biro ko.

"We're on it, bro."

Agad sumakay ang dalawa sa naghihintay na taxi. Naiwan akong nakatunganga sa labas ng airport. Tiningnan ko ang mga lugar na paboritong puntahan ni Sarang dito sa Paris. Stalker na kung stalker, pero tinanggap niya ang follow request ko.

One, the Louvre Museum.

Two, Eiffel Tower.

Three, Notre Dame Cathedral.

Gumamit ako ng random picker upang tulungan akong makapagdesisyon. Para naman mapadali ang buhay ko kaysa magsasayang ako ng oras kakaisip dito. At saka jindi naman ako nabigo nang huminto ang arrow sa paborito kong lugar dito sa Paris.

---

"MERCI," SAAD KO sa taxi driver.

Bumungad sa akin ang magandang tanawin nang makalabas ng taxi. Lumanghap ako ng hangin bago kumuha ng litrato sa kabuuan ng lugar.

Pinost ko ito sa aking Instagram story.

Papasok na sana ako nang makitang may bagong Instagram story si Sarang. Isang video kung saan ang sapatos lamang niya ang nakikita na naglalakad paatras. Always be her favorite, white converse shoes.

"J'aurais aimé que tu sois là avec moi," (I wish you were here with me) bulong ko sa aking sarili.

Tuluyan akong pumasok sa loob. Sa bawat nadadaanan kong lugar ay kinuhanan ko ito ng litrato. Sa isang taong wala si Sarang sa aking buhay, I found myself a hobby. I even bought a camera for better a resolution.

Maraming tao sa loob, pero binaliwala ko ito.

I thought myself how to be patient and be considerate with other people. Alam kong may ibang bagay pa akong dapat malaman, but I'm happy with my progress day by day.

I learned to love myself as well.

I was about to sit down nang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot na walang kabuhay-buhay, "Qu'est-ce que vous voulez?" (What do you want?)

"Rien," (Nothing)

"Loko ka. Gusto mong babaan kita ng tawag?"

"Joke lang, bro. Pinapatanong lang ni Aldrid kung nasaan ka ngayon. Nasaan ka ba ngayon, bro?"

May gusto akong suntukin sa mga oras na ito. "Nasa Notre Dame Cathedral ako ngayon. Bakit?"

Narinig kong humalakhak ang gago sa kabilang linya. May nakatatawa ba sa sinabi ko? Wala naman, a.

"Are you praying for Sarang to be there with you at this very moment, mon amie?" (My friend?)

"Pourquoi aurais-je?" (Why would I?) Tanong ko pabalik sa kay Klyde.

"Parce qu'elle te manque?" (Because you miss her?)

"Whatever!"

Binaba ko kaagad ang tawag. Aalis na sana ako upang pumunta sa susunod kong destinasyon nang may mabangga akong tao. Damn it, hindi ko yata araw ngayon, a.

Kasalanan talaga ito nina Klyde at Aldrid kung bakit minamalas ako ngayong araw. Mababatukan ko talaga ang dalawang iyon pag-uwi ko.

Lumingon ako sa aking likuran bago nagsalita, "Je suis vraiment désolé." (I'm so sorry)

"C'est bon, je vais bi—" (It's okay, I'm fine)

Para akong naestatuwa sa aking kinatatayuan nang lumingon ang babaeng nasa aking likuran. Alam kong nagulat din siya sa aming hindi inaasahang pagkikita.

I'm speechless.

Nagtitigan lamang kaming dalawa sa gitna ng maraming tao. Halatang pareho kaming walang ideya kung ano'ng sasabihin sa isa't isa sa pagtatagpong ito.

"Bonjour!" (Hello!) Sabi ko na may malawak na ngiti sa aking labi.

"Bonjour!" Kitang-kita ko kung paano niya kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang sariling ngumiti.

"Mon nom est Evonne, puis-je connaître le vôtre?" (My name is Evonne, may I know yours?) Inilahad ko ang aking kamay na siyang tinanggap niya kaagad.

"Sarang," pakilalala niya sa kanyang sarili. "Ravi de te rencontrer enfin, Evonne." (It's nice to finally meet you, Evonne)

"Toi aussi, mon amour." (You too, my love)

At sa mga oras na iyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang yakapin siya ng mahigpit. Ito ang pinakahinihintay kong pagkakataon kung saan makikita ko muli ang babaeng makakasama ko habambuhay—kung papayag siya.

Dahil siya na lang ang kulang sa aking buhay.

"Je t'aime encore," (I still love you) bulong ko sa kanya.

"And I still love you, Mr. Evonne Fuentes."

———————W A K A S

"Kung Pwede Lang" copyright 2020 by HopelessWings

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro