Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

"LAST ROUND NA tayo para sa truth or dare, everyone." Sigaw ni Jeshua.

"Kung sino man ang lucky winner ay dapat pumili ng truth. Agree? Pagod na ako sa mga dare niyong puro kalokohan." Natatawang hamon ni Faye at saka ininom ang kanyang dalang canned beer.

"Agree." Sigaw ng lahat, maliban sa akin.

Who wants to choose truth knowing that people around me will judge each and everyone so easily?

Kung hindi dahil kay Evonne, hindi ako sasama sa camping na 'to. At isa pa, wala naman akong lusot dahil isa itong team building na ako mismo ang nagplano para sa kompanya. Buwisit.

And yes, I'm trapped with my own doings.

"Sarang..."

Nakatitig lamang ako kay Evonne na nakaupo katapat ko. Katabi niya si Rienna habang nasa tabi ko naman si Aldrid na walang tigil kadadaldal.

"Sarang..."

Bahagya akong siniko ni Aldrid na siyang nagpabalik sa akin sa mundo. Tiningnan ko ang aking katabi na puno ng pagtataka sa aking mukha. Ngumuso si Aldrid at nang tingnan ko kung ano ang ibig niyang ipahiwatig ay gusto kong tumakbo palayo.

Gusto kong umuwi at hindi na babalik sa camping na 'to.

Why me?

"Truth," wika ni Aljun.

"Seryeoso? Hindi talaga kayo nagbibiro?" Lumingon ako sa gawi ni Aldrid na walang tigil katatawa.

"To our lucky winner, here's you most awaited question that you must answer the truth, nothing but the truth." Panunukso ni Faye.

"Pwedeng pass muna?" Pagbabaka-sakali ko.

"Sorry, hindi pwedeng tumawad ngayong gabi. Do you agree with me, everyone?"

"And it's just a truth," sabi ni Aldrid at saka umakbay sa akin.

"Truth?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

Tumango lang sa akin ang loko. Ang sarap talagang batukan nito. Kung wala siguro ang mga katrabaho namin, baka kanina ko pa napatay itong si Aldrid.

Kainis.

"Shoot." Sabi ko.

Ano pa ba ang magagawa ko? Wala.

This is just a mere high schooler game. Nothing to worry about, right?

"Among the group of people in here, who do you like the most? Real feelings, real things, you know those things?" Tanong sa akin ni Faye.

"O, ngayon ko lang napagtanto na wala palang love life itong si Sarang, e." Panunukso ni Jeshua sa akin.

"Tama. Kaya sagutin mo ito ng tama, okay ba 'yon?" At nagawa pang kumindat ni Dessa sa akin.

Tiningnan ko si Aldrid na siyang nakatingin naman kay Evonne. Gusto ko ang pagkakataon na ito upang masabi kay Evonne ang totoo kong naramdaman para sa kanya. Dumapo ang tingin ko kay Rienna, lalo na sa suot niyang singsing.

May pag-asa ba ako?

Ikakasal na ang pinakamamahal ko sa aking kaibigan. Hindi ko kayang talikuran ang aming pagkakaibigan para lang sa mga tanga kong desisyon sa buhay.

Mahal ko si Evonne at pinahalagahan ko naman si Rienna, na siyang kapatid nitong katabi ko.

Kaibigan ko silang lahat. Mahal ko silang lahat. Kung ako ang papipiliin sa situasyon na 'to, mabuti pang sarili ko na lang ang pipiliin ko upang walang gulo na mangyayari. Mabuti pa siguro kung ako ang dumistansya sa kanilang lahat.

"Earth to Sarang?"

Tiningnan ko si Louie na siyang iwinawagayway ang kanyang kamay sa harapan ko. Para akong tanga na tiningnan ang bawat taong nasa paligid ko. Malamig ang gabi, pero wala akong ideya kung bakit ako pinagpawisan ng husto. Gusto kong tumakbo at piliing mapag-isa sa mga oras na 'to.

Ano ang sasabihin ko sa kanila? Na mahal ko ang fiance ng best friend ko? No way. Lilipad muna ang mga baboy bago mangyari iyon.

At sa huli ay dumapo ang tingin ko kay Aldrid. Siya lang ang tangi kong pag-asa sa situasyon na ito. Siya lang ang naging sandalan ko sa tuwing iniisip kong nahuhulog ako sa isang bangin.

Siya na lang sana ang minahal ko—hindi sana ako masasaktan ng ganito.

"Si Aldrid," Sabi ko.

Kitang-kita ko ang reaksyon ni Aldrid. Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako.

Alam niya ang nag-iisa kong sikreto.

"Sabi ko na nga ba! Finally, magkatotoo na ang ship naming lahat. Halata naman na may feelings din para kay Sarang si Sir Aldrid, e." Wika ni Faye na halatang natutuwa sa pangyayari.

"Akala ko si Sir Evonne ang gusto ni Sarang, hindi pala. 'Yong mga tingin niya, kulang na lang ay may heart effects."

"Agree. Pasulyap-sulyap na lang palagi itong si Sarang."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko. Agad akong napalingon sa gawi ni Rienna na siyang nakatingin na pala sa aking direksyon.

Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Hindi maaari ito. Hindi dapat ako magpahalata upang hindi malaman ni Rienna ang totoo kong naramdaman.

"Si Evonne? Bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Fiance niya ang matalik kong kaibigan." Laking pasasalamat kong hindi ako nautal.

"Pwedeng ma-agaw ang asawa, fiance pa kaya?" Sarkastikong tanong ni Sherylene sabay tingin sa gawi ni Rienna.

"Walang seryeosohan na magaganap dito. Dapat wala ring mapipikon." Sabi ni Raul na halatang natatamaan na ng alak.

"Sige na, matulog na tayong lahat bago mauwi sa away ito." Pagputol ni Quil sa tensyong nabubuo.

"Mabuti pa nga. Tara na, everyone." Inilahad ni Aldrid ang kanyang kamay. Nakita ko naman na parang kinikilig ang mga kumag bago nagsi-alisan.

Hindi ko tinanggap ang kamay ni Aldrid. Tumayo ako sabay tingin sa gawi ni Evonne. Maingat niyang itinayo si Rienna na halatang gusto akong kausapin.

"Magpapahangin lang ako sandali," paalam ko kay Aldrid bago umalis.

Tinungo ko ang paborito kong lugar na natuklasan ko noong mga bata pa kami. Nagpasya si Evonne na sa kanilang private resort kami magte-team building. Mabuti na rin iyon upang mabisita ko ang lugar kung saan mawawala ang aking stress.

Nakaupo ako malapit sa klif. Pinagmasdan ko ang malalakas na alon na humahampas sa ibabang parte sa kinauupuan ko. Magha-hating gabi na pero hindi ako dinadalaw ng antok.

Siguro dahil sa hindi mapakali kong puso.

"Sarang..."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa 'di kalayuan ay nakatayo si Rienna at hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Galit? Ewan. Pero iba ang kutob ko sa mga oras na 'to.

Parang may mali, e.

"Rienna," tawag ko sa pangalan niya.

"Totoo ba? Hindi ko ito sinabi sa 'yo dahil pinagkatiwalaan kita, dahil kaibigan kita. 'Yong sinabi ni Faye? Upang sagutin ang nagbabadyang katanungan sa isipan mo, oo, halata ka masyadong may gusto ka kay Evo, pero binaliwala ko 'yon. Tanga ako, e. Kasi kaibigan kita, Sarang."

"H-hindi naman totoo iyon—"

"Hindi nga ba? All this time, alam kong may gusto ka kay Evo."

Palapit nang palapit sa akin si Rienna. Wala akong ideya kung bakit ako umaatras hanggang sa maramdaman ko ang dulo ng lupa. Muntik na akong madulas sa mga bato habang diretso pa rin ang tingin ko kay Rienna.

"Sagutin mo ako, may gusto ka ba talaga kay Evo?"

Aamin na ba ako?

May lusot pa ba ako sa gusot na ako mismo ang gumawa?

"Naghihintay ako sa sagot mo, Sarang."

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Ito na ang pagkakataong hinihintay ko na may ibang makakaalam sa totoo kong naramdaman. Maliban kay Aldrid na aksidenting nalaman ang sikreto ko ay malalaman na rin ito ni Rienna.

"Sa totoo lang—" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang maramdaman kong may kakaiba sa aking kinatatayuan.

"Ano?"

Binaliwala ko ang tanong ni Rienna. Mas lalo akong nangamba nang makarinig ng kakaibang tunog galing sa lupa. Inis na lumapit sa aking puwesto si Rienna at bago ko siya mapigilan ay nakita ko na lang ang aming mga sariling nahuhulog papunta sa karagatan.

Diretso ang tingin ko kay Rienna. Halata ang takot sa kanyang mukha habang pilit na inaabot ang kamay ko hanggang sa tuluyang bumagsak ang katawan ko sa tubig.

"RIENNA!"

Iminulat ko ang aking mga mata. Narinig ko ang tunog ng mga makina sa loob ng silid ni Evonne. Damn it, nakatulog pala ako kababantay kay Evo. Buwesit, napanaginipan ko na naman ang nangyari sa amin ni Rienna noon.

Hinawakan ko ang kamay ni Evo. Hinaplos ko ito at pinakiramdaman ang mainit niyang kamay. Sa totoo lang, walang nakakaalam sa totoong nangyari. Nanatiling sikreto ang lahat, lalo na ang nangyari sa dagat.

"Alam mo bang ako sana 'yong mamamatay sa gabing 'yon? Hindi si Rienna,"  sabi ko na may ngiti sa aking labi. "Marunong akong lumangoy habang siya, hindi. Sorry kung hindi ko nailigtas ang fiance mo noon, Evo. Nawalan kasi ako ng malay nang mabagok ang ulo ko sa malaking bato. Alam kong pilit akong iniligtas ni Rienna noon kahit nahihirapan siyang i-ahon ang sarili dahil sa malalakas na alon."

Ikinuyom ko ang aking kamay habang pinipilit na hindi tumulo ang aking mga luha. Naiinis ako sa sarili ko, sobra.

Wala akong kwentang kaibigan.

"Nagising ako ilang minutong nakalipas na pilit niya akong i-ahon sa tubig—and I was too late to save us both that night."

Evonne, patawad.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro