Kabanata 7
ILANG ARAW ANG lumipas simula nang mangyari ang hiwalayan namin ni Evonne. Tinanggap man, o hindi ay ipinasa ko ang aking resignation letter sa kompanya. Ilang araw rin akong tambay sa bahay, isinusulat ang mga gusto kong gawin sa buhay habang may pagkakataon ako.
Tungkol sa amin ni Aldrid? Ewan. Hindi ko na siya nakita ulit.
And speaking of the devil—tinitigan ko ang nagri-ring kong cellphone. Sa ikatlong ring ay sinagot ko ang kanyang tawag. Huwag masyadong pahalata na nasasabik akong sagutin ang kanyang tawag, baka lumaki ang ulo ng loko.
"Anong kailangan mo?" Bungad ko sa kanya.
"Good morning! May gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya na halatang may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Maliban sa aking pagtulog, wala naman. Ano'ng kailangan mo?"
"Gusto mong sabay tayong kumain ng lunch? Libre ko at para kumalma iyang nasasaktan mong puso."
"Nanunukso ka ba? At bakit ngayon ka lang nagparamdam sa akin?" Hindi naman halatang hinahanap ko siya sa nagdaang araw.
"You missed me?"
"Gusto mong babaan kita ng tawag?"
"Chill, may ginawa lang ako sa kompanya at alam ko namang abala ka—abala sa pagmo-move on kay Evonne."
"Ulol!"
Bumangon ako sa aking higaan. Kinuha ang aking tuwalya na nakasabit sa likurang bahagi ng pintuan. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto upang hanapin ang nawawala kong hair dryer—at nasa ilalim lang pala ng higaan.
"Alam mo bang ilang araw siyang hindi pumasok ng kompanya?"
Natigilan ako sa aking narinig. "Stalker ka ba niya? At bakit naman hindi siya—wala akong pakialam. Bakit mo ito sinasabi sa akin, Aldrid?"
"Walang pakialam, pero matagal sumagot sa isang simpleng tanong. Aminin mo na kasi, Sarang."
"Ano naman ang aaminin ko?" Inis kong tanong sa kanya.
"Na mahal mo pa siya, 'di ba?"
"Sino bang nagsabi sa 'yo na hindi ko na siya mahal? Ilang taon ko siyang minahal at hindi madali upang kalimutan ko siya nang basta-basta. He was my first love, you know that."
"And so am I..."
"A-ano?" Agad akong tumayo nang makuha ko ang hair dryer bago umupo sa higaan habang kunot ang aking noo.
"You are my first love," patuloy niya. "Don't worry, I just want to let you know."
Wala akong ideya kung ano'ng sasabihin ko sa kanya. Nanatili akong tahimik habang maingat na tumayo sa aking pagkaupo. Inayos ko ang mga damit na nagkalat sa sahig, pati na ang mga sapatos kong hindi na magagamit.
First love never dies, totoo nga ba talaga iyon? Kung tutuusin, sa nagdaang araw ay hindi ako makatulog sa sobra-sobrang pag-iisip kay Evonne. Lahat ng mga alaala namin ay bigla na lang sumulpot sa aking isipan na parang isang sirang plaka.
Ganoon din kaya si Aldrid?
At bakit naman siya nasali?
"So, gusto mo ba akong samahan kumain ng lunch?" Pagbasag ni Aldrid sa katahimikan.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Sunduin mo ako mamaya, isang taon nang sira ang kotse ko."
"Masusunod po, kamahalan."
Binaba ko kaagad ang tawag at naligo pagkatapos.
Kasalanan ko bang hatid-sundo ako ni Evonne noon, kaya nawaglit sa isipan ko na ipaayos ang sarili kong sasakyan. Kahit palagi kaming nag-aaway ay hindi naman niya ako pinapabayaan. Aaminin ko, miss ko na ang paglalambing niya.
Isang tulak na lang, baka matagpuan ko ang aking sarili na tumatakbo pabalik kay Evonne.
Ilang oras ang inilaan ko sa video games bago ako nakarinig ng busina sa labas. Dali-dali kong inayos ang aking suot na damit at saka lumabas ng bahay na may ngiti sa labi. Walang maidudulot na maganda sa akin kung araw-araw akong sumimangot.
At saka ang ganda ko upang talikuran ang napakaganda ngunit mapang-aping mundo.
"Aldrid—"
Tumigil ako sa paglalakad nang mamukhaan ang koenigsegg jesko na nasa aking harapan. Mas lalo akong kinabahan nang bumaba sa sasakyan ang nagmamay-ari nito.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi. Puno ng pagtataka ang aking mukha nang masilayan ko ang kanyang mukha.
"A-anong ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Sarang..."
Halata ang puyat sa kanyang mukha, lalo na ang kanyang mga mata. Napansin ko ring humahaba ang kanyang magulong buhok. Nakalimutan na rin niyang ahitan ang kanyang balbas.
Ano ba ang ginawa ni Evonne sa kanyang sarili?
Bakit siya nagkaganito?
"Ano bang ginagawa mo sa pamamahay ko, Evonne?" Tanong ko ulit sa kanya. Sa pagkakataon na ito ay halata ang inis sa aking boses.
"Mag-usap naman tayo, please?" Pakiusap niya.
Umiling ako bilang pagtanggi. "Wala tayong dapat pag-usapan, Evonne. Kahit anong sabihin mo, hindi mo na ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan mo. Sinubukan? What a lame excuse. Sa tatlong taong pagsasama nating dalawa, ang masasabi mo lang sa akin, sinubukan? Sinong niloko mo?"
"Sarang, it's not that, pakinggan mo naman ako. Gagawin ko ang lahat, pakinggan mo lang ako, please?"
"Gagawin mo ang lahat?" Tanong ko sa kanya na may halong sarkastiko sa aking boses. "Then leave, and never show your face in front of me, ever again."
"Sarang naman..."
"Ilang beses akong nagmakaawa sa 'yo noon sa pagmamahal mo? Nakinig ka ba? Ginawa mo ba? Hindi. Nagpatuloy ka sa buhay mo habang hindi mawala ang pagmamahal mo para sa kaibigan ko."
"Sarang..."
"Ang tanga ko upang mahalin ang isang katulad mo, Evonne. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nauntog itong ulo ko at napagtantong ang tanga-tanga ko pal. All my life, you were the center of it at ngayon, hindi ko alam kung paano maglakad sa sarili kong mga paa."
Babalik na sana ako sa loob nang makita ko ang lamborghini veneno ni Aldrid sa likuran ng sasakyan ni Evonne. Binaliwala ko ang pagmamakaawa ni Evonne at nilagpasan siya. Dumiretso ako sa gawi ni Aldrid na siyang kalalabas lang upang pagbuksan ako ng pinto.
Maski si Aldrid ay nagulat nang makita ang kanyang kaibigan sa harap ng bahay ko.
"Kaya ba ayaw mong makipag-usap sa akin dahil nakahanap ka na ng iba?" Narinig kong tanong ni Evonne nang papasok na sana ako ng sasakyan.
Tumigil ako at nilingon siya. "The main difference is, mahal niya ako. Ikaw, napagtanto mo bang mahal mo ako?"
Hindi umimik si Evonne sa tanong ko.
Ngumiti ako ng mapakla bago tuluyang pumasok ng sasakyan. Pumasok na rin si Aldrid at magtatanong na sana nang pigilan ko siya. Inilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang bibig at binigyan siya ng isang ngiti.
At bakit kasi hindi si Aldrid ang tinitibok ng puso ko?
Dalawang taon lang ang agwat naming dalawa. Kahit ilang beses akong galit sa kanya noon ay sa kanya pa rin ako tumatakbo sa tuwing nasasaktan. Si Aldrid lang ang naging takbuhan ko sa tuwing abala si Evonne kay Rienna.
Damn, it really hurts remembering the past.
"Let's go," pag-aya ko kay Aldrid nang marating namin ang pinagmamalaki niyang kabubukas lang na restaurant.
"Okay ka na ba?" Puno ng pag-alala ang kanyang mukha sabay tanggal ng kanyang seatbelt.
"Okay naman," pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan. Dito naman ako magaling, ang magsuot ng maskara at magpanggap na maayos, kahit hindi naman.
Tumango siya sa akin at sabay kaming lumabas. Walang tao sa loob ng restaurant at nang marating namin ang harap ay mas lalo akong nagtaka.
"Hindi pa bukas," sabi ko kay Aldrid sa pag-aakalang nakasunod siya sa akin.
At nasaan naman nagsusuot ang lalaking iyon?
Iniwan ba naman akong mag-isa.
"Aldrid?"
Isa-isa kong tiningnan ang mga tao na nagkukumpulan sa harap ng restaurant. Walang akong mahanap na Aldrid sa paligid. Punyetang lalaking iyon.
"Aldrid, nasaan ka?" Tatawagan ko na sana siya nang marinig ko ang kanyang boses.
"Welcome! Today we celebrate the grand opening of our Restaurante 1993. I am so thankful each and everyone, who have been with me every step of the way, so that this day would finally come. My name is Aldrid Villadin, and I am the owner of this fine dining restaurant."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa harap ng restaurant ay nakatayo si Aldrid at nakatingin sa akin ng diretso. May ngiti sa kanyang mga labi habang isa-isang binibigkas ang bawat salitang galing sa kanyang busilak na puso.
"I would like to introduce a few special guest for today,"
Hindi mawala ang tingin ko sa kanyang gawi. Inilibot ko ang aking paningin nang biglang lumingon sa akin ang mga tao sa paligid. Katulad kay Aldrid ay may ngiti rin sa kanilang mga labi.
Masaya sila, ngunit wala akong ideya kung bakit sila nakatingin sa akin. Wala akong masyadong marinig nang pumalakpak ang lahat nang gupitin ni Aldrid ang laso.
So, we're not just eating lunch.
He invited me for the ribbon cutting of his newly established restaurant.
"1993, naalala mo pala iyon," bulong ko sa aking sarili.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro