Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

"TOTOO BA TALAGA 'yong sinabi mo sa akin kagabi?" Tanong ko kay Evo habang pinaglalaruan ang hawak kong invitation card.

Sa sobrang pagmamadali ko kagabi ay hindi ko binuksan ang invitation card na naglalaman ng clue sa maaaring mangyari. Lumipad yata ang utak ko at pumunta sa ibang bansa, o 'di kaya sa ibang planeta.

Tiningnan ko si Evo na katatapos lang maligo. Sa bahay ko siya natulog kagabi at walang tigil sa panunukso sa akin. Hindi ko naman sinadya na kalimutan ang anniversary namin, sadyang nawaglit lang talaga pansamantala sa isipan ko.

Ang dami ko kayang iniisip, pati na ang pagkamatay ni Rienna.

"Ang kulit mo," bulong niya sa akin at saka hinalikan ang aking pisngi.

"Parang panaginip lang yata 'yong nangyari," panunukso ko sa kanya.

"Panaginip? Sino ba ang nakalimot sa anniversary nating dalawa?"

"Nakalimutan? Hindi kaya. Bakit ko naman kalilimutan ang ating anniversary?" Tanong ko pabalik bago nag-iwas ng tingin.

Aalis na sana ako sa higaan nang hawakan niya ang aking bewang at pumaibabaw sa akin.

"Hindi mo talaga nakalimutan?"

Hinalikan niya muli ang aking pisngi at inamoy ng ilang beses ang magulo kong buhok. Ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng aking ulo na siyang sumusuporta sa kanyang mabigat na katawan. Sinubukan ko siyang paalisin, ngunit walang kuwenta ang lakas ko kumpara sa lakas ni Evonne.

Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang gagawin.

Pareho naman kaming late sa trabaho, mabuti pang lubus-lubusin na lang. Ito ang unang beses na hindi ako pumasok ng maaga sa opisina, and all thanks to my one and only boss.

"Alis na," sabi ko sa kanya.

"Pilitin mo muna ako," panunukso niya sa akin.

"Ano ba, Evo. Late na tayong dalawa, o." Reklamo ko bago hinampas ang kanyang balikat.

"Sinong may sabi na papasok ka ngayong araw?"

Itinulak ko ang katawan ni Evo pahiga katabi ko. Halos mabatukan ko siya nang marinig ang walang tigil niyang tawa.

May nakakatawa? Wala naman, a.

"May pupuntahan tayong dalawa ngayon, kaya magbihis ka na." Natatawang sabi ni Evo at saka niya pinitik ang aking noo.

"Masaya? Masaya ka?"

"Sobrang saya," nginitian niya ako bago umalis sa higaan.

Hinintay kong lumabas ng silid si Evo bago ako nagbihis. Pinili kong magsuot ng tattered jeans and fitted white polo. Sa araw na ito, wala akong ibang balak kung hindi ang ituring itong ordinaryong araw para sa aming dalawa.

Sa wakas at nagka-oras na rin sa mga ganitong bagay si Evo.

Hindi ko akalaing malayo ang pupuntahan naming dalawa. Nakatitig lamang ako sa daan at namangha sa tanawing nakikita ko. Akala ko sa isang beach house kami pupunta, ngunit dumiretso si Evo hanggang sa pumasok kami sa isang kagubatan. Naramdaman kong malapit na kami sa aming destinasyon hanggang sa mapagtanto ko kung saan ako dadalhin ni Evo sa araw na ito.

It's been a long time since my last visit sa mansyon ng mga Fuentes. Noong bata ako ay mahilig akong bumisita rito hanggang sa dinala ako ng mga magulang ni Evo sa kanilang kompanya na naging libangan naming apat noon.

Sobrang saya namin noon, kami nina Rienna, Evonne, at Aldrid.

"Someone wants to see you," nakita siguro ni Evo ang pagkunot ng aking noo nang mapagtanto kung saan kami papunta.

"Sino naman? Bakit hindi mo sinabi na sa mansyon mo pala ako dadalhin?" Lumingon ako kay Evo na may pag-aalinlangan sa aking mukha.

"Why not? It's a surprise. Para malaman ko rin kung alam mo pa ba ang daanan papuntang mansyon."

Hindi ko sinadyang irapan siya bago nag-iwas ng tingin. Tiningnan ko ang aking suot na hindi pasok sa pamantayan ng kanyang mga magulang.

Kung alam ko lang, edi sana isinuot ko ang bago kong bili na nude dress.

Napalingon ako sa gawi ni Evo nang hawakan niya ang aking kaliwang kamay. Nagawa kong ngumiti kahit kinakabahan ng husto sa maaaring mangyari. Malapit naman ako sa mga magulang ni Evo, pero noon 'yon, bago naging kami ng kanilang anak.

Ngayon, ano ang kanilang iisipin sa akin?

Mas malapit ang kanilang loob kay Rienna. Kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ko mapapantayan ang aking kaibigan.

"Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat. Trust me," lumingon saglit si Evo sa aking gawi at ngumiti.

Mas lalo akong kinabahan nang makita kong bumukas ang mataas na bakod sa aming harapan. Hindi ko namalayan na narating na pala namin ang mansyon ng mga Fuentes. Ilang ikot lang ay huminto ang sasakyan ni Evo sa harap ng mansyon at sa labas ay ang mga magulang ni Evo na hinihintay ang kanyang pagdating.

Paksyet. Matataman talaga itong si Evo sa akin mamaya. Hindi man lang ako pinaghanda sa magiging gyera ngayong araw.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Evo. Sabay naming hinarap ang kanyang mga magulang. Ilang ulit akong napalunok sa sariling laway nang makita ang mga mata ng ina ni Evo na sinusuri ang suot kong damit. Ramdam na ramdam ko rin ang pawis na dumadaloy sa aking noo.

Damn it.

"Sarang," yawag ng ama ni Evo sa akin.

"Tito," tiningnan ko ang ina ni Evo at ngumiti. "Tita, kumusta po kayong dalawa?"

Halos dumugo ang aking labi nang kinagat ko ito upang hindi ipahalata ang naramdamang kaba. Mabuti na lang at nagpasya akong magmake-up kanina.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong ngumiti si Tito sabay akbay kay Tita na unti-unting ngumiti sa akin. Bumuga ako ng hangin at patagong kinurot si Evo na halatang tinatawanan ako sa naging situasyon ko ngayon.

"Welcome back to the mansyon, Sarang. Ngayon lang ulit kita nakita simula noong mawala si Rienna."

Nakagat ko muli ang aking labi sa sinabi ni Tita. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa aking narinig. Nanatili akong tahimik hanggang sa marating namin ang malawak na sala sa mansyon na 'to.

"Isabella," tawag ni Tito sa kanyang asawa na halatang binabalaan ito.

"I'm sorry for my insensitivity. I didn't mean to mention your friend's name," tiningnan niya si Evo at ngumiti. "Which was my son's ex-fiance."

May diin sa bawat salitang binitawan ni Tita na para bang pinapatamaan ako nito.

Lumingon ako kay Evonne na nasa aking tabi. Gusto ko siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng kanyang ina, pero pinili kong tumahimik na lamang.

"Okay lang po, Tita." Kahit hindi naman okay.

"Titingnan ko lang sa kusina kung handa na ba ang mga pagkain," tiningnan ni Tita si Evo na hanggang ngayon ay walang imik sa aking tabi. "Samahan mo ako sa kusina, Evo."

Tiningnan ako saglit ni Evo bago hinalikan ang aking noo. Ayaw kong iwanan niya ako, pero wala akong nagawa nang sundan ni Evo ang kanyang ina. Naiwan ako kasama si Tito na nakatingin lang sa akin.

"Feel yourself at home," saad ni Tito. "Kagaya ng dati, Sarang. Noong mga bata pa kayong apat."

Gusto kong tumango at maiyak sa aking narinig. Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya ng mga magulang ni Evonne sa relasyon naming dalawa. Hindi naman ako manhid, e.

Iniwas ko ang aking tingin. Nilibot ko ang buong sala hanggang sa mapadpad ako sa isang kabinet na naglalaman ng mga litrato. Litrato noong mga bata pa kaming apat at walang ibang inaalala kung hindi ang maging masaya.

Sa totoo lang ay gusto kong bumalik sa pagkabata. Kahit masugatan ako nang paulit-ulit ay ayos lang, hindi katulad ngayon na labanan sa puso lahat. Talo na nga ako sa umpisa palang.

Sa sulok ng kabinet ay may umagaw ng aking atensyon. Ngumiti ako kahit piniga ang aking puso sa aking nakikita.

Isang family picture kung saan naruruon ang kaibigan ko. Masaya silang apat sa litrato at hindi maipagkakaila kung bakit hindi maganda ang pakikitungo ni Tita sa akin ngayon.

"Ako ang sinisisi ni Tita sa pagkamatay ni Rienna, tama po ba?" Tanong ko kay Tito na kanina pa nakasunod sa akin.

Hindi sumagot si Tito, pero sapat na iyon upang masagot ang katanungan na noon ko pa gustong itanong.

Silence means yes, right?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro