Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

SA UMPISA PALANG ay alam ko kung ano itong pinasok ko. Aaminin kong ginusto kong mangyari ito. Well, hindi ang pagkamatay ni Rienna kung hindi ang relasyon namin ni Evo. Sa kagustuhan kong mangyari ang inaasam-asam ko sa buhay ay nakalimutan kong may ibang tao palang apektado sa ginawa kong desisyon.

Naiinis ako sa aking sarili sa tuwing maalala ang pagkamatay ni Rienna.

Kung buhay pa siya ngayon, malamang, matatag pa rin ang kanilang relasyon ni Evo. Hindi rin sana magiging komplikado ang buhay ko.

Masakit palang magpakatanga sa isang taong may minamahal pang iba, 'no?

"The President of Shanghai Company called earlier to move the meeting next week." Sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain.

Tumigil si Evo kakatingin sa kanyang cellphone bago ibinaling ang atensyon sa akin, "Can you please call him again?"

"At ano naman ang sasabihin ko sa kanya?"

Ngumiti siya bago ibinalik sa cellphone ang kanyang pansin, "Let him know that I'll be cancelling all their appointments in our company."

Tumango ako bilang tugon bago ipinagpatuloy ang pagkain. Sinubukan kong mag-enjoy sa inorder na dessert ni Evo para sa akin, ngunit napapadalas yata ang pagkawala ng aking gana. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Evo hanggang sa tumingala siya at sinalubong ang aking tingin.

Kunot ang kanyang noo, na para bang ang dami niyang problema na iniisip. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang bumabagabag sa kanya ngayon, ngunit alam kong mauuwi lang ang lahat sa away.

Hindi ko sinasabing magsisimula ako ng away, pero gano'n talaga ang nangyayari sa tuwing mag-uusap kaming dalawa. Sino ba ang hindi magagalit kung palaging si Rienna ang laman ng aming usapan? Ang sakit isipin na ako ang nasa kanyang tabi, pero iba ang nasa kanyang isipan.

Nasa harapan ko lang si Evo. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi ko siya maabot kahit anong gawin kong pag-abot.

"Alis na tayo?" Tanong ko.

Tiningnan niya ang pinagkainan naming dalawa na halatang hindi masyadong nagalaw.

"May gagawin ka ba mamayang gabi?" Tanong niyang nang marating namin ang kanyang sasakyan.

"Wala naman akong gagawin. Natapos ko na rin ang pinagawa mo kaninang umaga."

Tumango siya at saka ngumiti sa akin, "Good! May pupuntahan tayong formal gathering at susundiun kita mamayang alas syete."

"At saan naman gaganapin itong formal gathering? Walang nakalagay na formal gathering sa schedule mo, Evo."

Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti, "You'll see about that, okay?"

"Bakit ako kinakabahan sa tuwing may itinatago ka sa akin, Evo?"

"Don't worry, because you will love it."

Itinikom ko na lamang ang aking bibig sa buong byahe pabalik ng kompanya. Kung tatanungin ako kung ano ang paborito kong lugar sa Pinas, ang kompanya ni Evo ang isasagot ko. Simula noong mga bata pa kami ay naging playground na namin ang kompanya at hindi ko lubos maisip na rito ako magtatrabaho—kasama ang isang Evonne Fuentes.

Pagkatapos naming grumaduate sa college ay namana ni Evo ang kompanya ng kanyang mga magulang. I was there the whole time, supporting him as his best friend.

Pero alam kong balewala ang suporta ko para sa kanya. Walang makahihigit sa suporta na ibinibigay ni Rienna para kay Evo noon.

Evo is my first love.

Walang ibang nakakaalam sa sikreto kong iyon maliban kay Aldrid.

Palaging nasa tabi ko si Aldrid sa tuwing umiiyak ako dahil kay Evo. Nakakatawa lang isipin na ginawa lahat ni Aldrid upang tumawa ako sa kanyang mga biro. Nakakalungkot lang at humantong ang lahat sa ganito—walang kibuan na nagaganap sa pagitan naming tatlo.

Kung pwede lang ibalik ang dati, sana hindi ko na lang sinubukan kung ako lang din naman ang masasaktan sa huli.

Tanga lang, 'di ba?

Sumapit ang gabi ay nakahanda na ako. I'm wearing an old rose halter dress paired with my black high heels. Pabalik-balik ang lakad ko sa harap ng telebisyon nang makatanggap ako ng text message.

"Palagi na lang," dambit ko sa aking sarili nang mabasa kung ano ang nakasaad.

Kinuha ko ang aking shoulder bag at lumabas ng bahay. Sana sinabihan ako ni Evo kanina na ako lang pala mag-isa ang pupunta sa venue. Kung ano man ang ginagawa niya sa mga oras na ito ay wala na akong pakealam.

Paksyet siya!

Sumakay kaagad ako ng taxi papunta sa isang mamahaling hotel. Wala akong ideya kung pinaglalaruan lang ba ako ni Evo, o sadyang maaga akong dumating. Mukhang sarado ang hotel na napuntahan ko. Patay ang lahat ng mga ilaw at wala akong nakitang ibang tao sa paligid, maliban sa aking sarili.

Aalis na sana ako nang may humawak sa aking balikat. Muntik kong nabatukan ang taong nasa aking likuran sa pag-aakalang si Evo iyon.

Guard pala ng hotel.

"May maitutulong ba ako sa 'yo, Miss?"

Nagda-dalawang isip na itinuro ko ang hotel na nasa aming harapan, "Sarado po ba ang hotel ngayon?"

Buwesit, ang tanga naman ng tanong ko.

"Kayo po ba si Miss Sarang Mier?"

Tumango ako bilang tugon sa kanyang tanong. Kahiya naman kung ako na lang ang hinihintay nila sa loob.

"Hinihintay na po kayo sa loob. Ito po ang invitation card niyo, Miss Sarang."

Tinanggap ko ang ibinigay niyang old rose invitation card. Hindi ko ito binuksan at agad nagpasalamat bago tumakbo papasok ng hotel. Kasabay nang pagbukas ko ng pintuan ay siya ring pagpikit ng aking mga mata.

Narinig ko ang ingay sa iba't ibang direksyon, pero isa lang ang naintindihan ko sa mga nangyayari. Buwesit. How can I forget about the most important event of my life? Sobrang tanga ko talaga.

Binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa akin si Evo na nakatayo sa gitna ng entablado. May dala siyang gitara habang nakatingin sa aking mga mata. Paksyet, ang gwapo naman ng kasintahan ko.

Hindi ako nanaginip, 'di ba?

Hindi ito isang panaginip, 'di ba?

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang ilang mga pamilyar na tao na naging parte sa aking buhay. May hawak na pulang rosas ang mga babae habang puting rosas naman sa mga lalaki. Ang umagaw sa aking atensyon ay ang mga letra na nakadikit sa entablado.

Gusto kong umiyak sa sobrang saya.

"Happy third anniversary, baby." Saad ni Evo bago pinatugtog ang hawak niyang gitara.

Nang ikaw ay makilala

Laging abot ng kaba

Hindi malaman kung ano ang gagawin

Pag nandyan ka

Lagi kang naiisip pag hindi ka nakikita

Pero natatahimik pag ika'y malapit na

Nagagalak ang aking puso habang nakatitig kay Evo. Hindi ko akalain na naalala pa niya ang paborito kong kanta noong mga bata pa kami. Ang nakakalungkot lang ay sobrang manhid niya upang hindi malaman na siya ang pinapatamaan ko noon.

Birthday noon ni Evo at wala akong dalang regalo para sa kanya, kaya pinakanta ako ng loko. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon ko upang iparating sa kanya ang totoo kong naramdaman—kaso ang manhid niya talaga.

Kung pwede lang

Sumigaw ang puso kong ito

Sasabihin ang pangalan mo

Ito ay totoo

Hindi ako bumitaw sa kanyang mga titig. Ramdam na ramdam ko ang bawat mensahe na ipinaparating ng kanta. Pero iba pa rin kung totoo ang lahat.

Kung pwede lang

Sumigaw ang puso kong ito

Mapagod man ay gagawin pa din

Basta mapansin mo

Isa-isang ibinigay ng mga bisita ang kanilang mga rosas sa akin. Tinanggap ko ito ng buong puso habang nagpapasalamat sa kanilang lahat. Hindi ko inakalang gagawin ito ni Evo, lalo na at nakalimutan ko ang espesyal na araw na ito.

Nang matapos ang kanta ay bumaba ng entablado si Evo. Dahan-dahan ay humakbang siya papunta sa aking kinatatayuan.

Nakatayo lamang ako malapit sa pintuan habang hinihintay na makarating si Evo at sa pagkakataon na ito ay hahayaan kong siya naman ang lumapit sa akin. Sa gabing ito ay hahayaan ko ang aking puso na mahulog ulit sa kanya.

"Mahal na mahal na mahal kita, Sarang. Pangako ko sa 'yo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko panghabang buhay." Bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa noo.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro