Kabanata 2
PUMASOK AKONG MAY ngiti sa aking labi, ngunit halata naman na puyat ang aking mga mata. Inilagay ko ang aking backpack sa lamesa bago pumunta sa staff lounge. Nagtimpla ako ng isang creamy latte at isang orginal black coffee.
Well, a hot coffee for the both of us. Galit ako, pero hindi ko kayang hindi siya pansinin buong araw.
Ito yata ang nagagawa ng pag-ibig sa akin. Kahit alam kong pinapaasa lang ako ni Evo ay hinayaan ko pa rin ang aking sarili na magpakatanga at mahulog sa paulit-ulit na patibong.
Tahimik akong pumasok sa kanyang opisina. Inilagay ko ang mainit na kape sa kanyang lamesa bago pinagmasdan ang buong paligid. Ilang minuto ang dumaan ay nanatili pa rin akong nakatayo sa harap ng lamesa habang nakatitig sa nameplate na nasa lamesa ni Evo.
"Evonne Fuentes," basa ko sa kanyang buong pangalan na may ngiti sa aking labi.
Aalis na sana ako nang pumulupot na kamay sa aking bewang. Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang makilala ko kung kaninong perfume ang aking naaamoy sa sandaling ito. Walang ibang pwedeng pumasok sa opisina ni Evonne maliban sa akin, kaya walang duda na si Evonne ang nasa aking likuran.
Naglalambing na naman sa akin ang moko.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay bago pa ito kumawala sa pagkayakap. Humarap ako sa kanya at tumitig sa malalim niyang mga mata. Nalulunod ako sa bawat titig na kanyang ibinibigay sa akin. Sobrang lalalim nito at tila bang may ipinaparating na mensahe.
Bakit mahal na mahal ko siya?
Simple lang naman ang tanong, ngunit nakapagtataka kung bakit hindi ko masagot-sagot ang tanong na iyan.
"Evonne," tawag ko sa pangalan niya.
Inilagay ni Evo sa aking bibig ang kanyang hintuturo. Pinili kong huwag magsalita at makipagtitigan na lamang sa kanya buong araw. Hinawakan niya ang aking bewang gamit ang isa niyang kamay habang ang kabila naman ay nakahawak sa kanan kong kamay.
Sumasayaw kaming dalawa kahit walang tugtog.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa aming ginagawa. Nagagalak ang aking puso sa ginagawang paglalambing ni Evo sa akin ngayon.
Ito ang dahilan kung bakit palaging nawawala ang galit ko sa kanya. Alam ko at naramdaman kong sinusubukan niyang kalimutan ang kaibigan ko. Minsan kung anu-ano ang nasasabi ko tuwing nagagalit kay Evo, at ang iba roon ay dala ng pabugso-bugsong damdamin.
Sabi nga nila, mahirap kalimutan ang una mong pag-ibig. Totoo. Kaya ko nga rin ginagawa ang habulan na ito dahil si Evonne ang una kong pag-ibig.
"Have lunch with me later," bulong niya sa akin sabay halik sa aking pisngi.
Tumigil ako sa pagsunod sa kanyang mga galaw. Naguguluhan na tumigil sa pagsasayaw si Evo sabay bawi ng kanyang kamay na nakahawak sa akin. May kakaibang kahulugan ang tingin na ibinibigay ko sa kanya.
At mukhang nakuha naman kaagad ni Evo ang ibig kong ipahiwatig.
"What I mean is a decent lunch at a restaurant and not what you're thinking right now, Sarang." Mapang-asar niya akong tiningnan at kulang na lang ay tumawa siya sa kahibangan na naiisip ko.
And yes, he can totally read my thoughts.
"You should be clear next time, Sir Fuentes."
"Calling me with that name is turning me on," bago ako makalayo ay hinawakan niya ulit ang aking bewang. "Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sa tuwing natu-turn on ako, right?"
Tumango ako at ngumiti ng matamis. "Alam na alam ko, Sir Fuentes. Kaya nga nilinaw ko kung ano ang ibig mong sabihin kanina, 'di ba?"
Hindi sumagot si Evo at tumitig lamang sa akin. Wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ang kanyang mga tingin ay pababa nang pababa hanggang sa hinawakan ko ang kanyang mukha upang makuha ang kanyang atensyon.
Baka kung saan pa mapunta ang lahat.
"Ten minutes before your meeting with Mr. Villadin," sabi ko sa kanya. "He's at the conference room already and your necktie? Isuot mo."
Aalis na sana ako nang hawakan ni Evo ang aking kamay. Itinuro niya ang magulo niyang necktie at mapang-asar na ngumiti sa akin.
"Isuot mo kaya sa akin?" Tanong niya.
"Seriously? Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam kung paano magtali ng necktie?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Sabihin na nating..." Nginitian niya ako sabay kindat. "Wala akong balak na alamin kung paano magtali ng necktie?"
Tiningnan ko ang orasan na malapit sa pintuan at saka ibinalik ang tingin kay Evo, "Mahuhuli ka na sa meeting mo."
"Ipaalala mo nga sa akin kung ano'ng pakialam ko?"
"Ang tigas talaga ng ulo mo," pabulong kong saad.
Dali-dali kong itinali ang kanyang necktie bago lumabas ng opisina. Malapit kong nakalimutan na may iba pa pala akong gagawin bukod sa pagsisilbi sa pinakamamahal kong tao. Nang marating ko ang conference room ay agad kong nakita ang isa sa kaibigan ni Evo.
Siya lang naman si Mr. Villadin, ang kapatid ng pumanaw kong kaibigan.
Minsan naiisip ko kung galit ba siya sa akin. O baka sinisi niya ako sa pagkamatay ng kapatid niya. O baka kinamuhian niya ako. Sa mga oras na nangyari ang aksidenti ay sobra-sobra ang pagsisisi ko—hindi sana mamamatay si Rienna kung hindi lang dahil sa akin.
Simula noong mawala si Rienna ay hindi ko ulit nakausap si Aldrid. Inaamin kong kasalanan ko rin ang nangyari at pinagsisihin ko na iyon for the last three years.
Umiwas ako ng tingin nang bumaling sa akin ang atensyon ni Aldrid. Malakas ang aircon, pero pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng husto. Buwesit. Aalis na sana ako ng conference room nang marinig kong bumakas-sara ang pintuan.
Malas.
Inilagay ko sa lamesa ni Evo ang mga dokumento na kailangan niya bago umupo sa kanyang tabi. Ramdam ko pa rin ang mapanuring tingin ni Aldrid sa akin, kaya natatakot akong tumingin sa tapat ng lamesa.
"Shall we start?" Basag ni Aldrid sa katahimikan.
Sa pagkakaalam ko ay pumunta ng ibang bansa si Aldrid pagkatapos ilibing si Rienna. Tatlong taon din siyang tumakas sa katotohanan na nangyayari sa kanyang buhay. Nang makabalik siya ng bansa ay ipinagpatuloy ni Aldrid ang kompanya ng kanyang mga magulang.
At ngayon naman ay nagpasya siyang makita muli ang kanyang mga kaibigan.
Tatlumpung minuto ang lumipas bago natapos ang kanilang seryeosong pag-uusap. Nanatali akong tahimik sa aking kinauupuan at nakatitig lamang kay Evo. Having him beside let me witness a beauty that no one could ever imagine, he's everything—my everything.
Aalis na sana si Aldrid nang magsalita si Evo. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi na seryeoso ang tono ng kanyang pananalita.
"How have you been, Al?" Panimula ni Evo nang maisara ang mga dokumento na hinanda ko kagabi.
"So, everything said by Klyde was true?"
Nagpasya akong mag-angat ng tingin at salubungin ang seryeosong tingin na ibinibigay ni Aldrid sa akin. Nakakatawang isipan na hanggang ngayon ay naalala niya pa rin ang pangako ni Evonne noon kay Rienna.
Sumikip ang aking dibdib nang magsalita muli si Aldrid. Sa pagkakataon na ito ay handa na siyang umalis.
"Akala ko walang makakapalit kay Rienna riyan sa puso mo. Nagkamali pala ako," lumipat ang tingin ni Aldrid kay Evo at mapang-asar itong ngumiti. "At kaibigan pa talaga ng kapatid ko ang ipinalit mo, Mr. Evonne Fuentes."
At sa mga huling salita na binitawan niya ay wala man lang akong masabi. Ilang minuto ang dumaan ay nagpasya akong lingunin si Evo na walang ibang ginawa kung hindi ang titigan ang pintuan kung saan lumabas ang kanyang matalik na kaibigan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro