Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ending

Isang araw,patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit.Nang makita siya ni Tungkung Langit,agad siyang tinanong.

"Bakit ka narito? Bakit mo ako sinusundan?"

"Gusto kong lumikha! Diyos din ako tulad mo!" sabi ni Alunsina.

"Nababagot ka ba uli,mahal? Huwag kang mag-alala,lilikhain ko ang kulog at kidlat para sa iyo!"

Lumiwanag at dumagundong sa buong kalangitan dahil sa kulog at kidlat.Nagulat ang buong santinakpan.Nagtago ang araw,ang buwan at bituin.Kahit ang hangin ay tumigil sa pag-ihip! Pero hindi natinag si Alunsina.Nakatayo lang siya doon,nanonood,nakakunot ang noo.

"Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na akong naririto lang,nakaupo,walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong diyosa!"

Pero hindi siya pinakinggan ni Tungkung Langit.Umalis siya at lumikha pa ng maraming bagay sa kalawakan.Akala niya ay nagpapapansin lang si Alunsina.

Hindi na nakayanan ni Alunsina ang lungkot sa kaniyang puso,kaya lumayas siya sa kanilang tirahan.Pag-uwi ni Tungkung Langit,gulat na gulat siya nang makitang walang apoy sa kanilang kalan,walang pagkain sa kanilang mesa.At wala na rin ang kaniyang Alunsina.

"Alunsina! Alunsina!" Hinanap nang hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang asawa,ngunit hindi niya ito matagpuan.Tinawag niya nang tinawag ang pangalan ni Alunsina,ngunit walang binalik ang hangin kundi alingawngaw.

Lumipas ang mahabang panahon, at nagsawa rin sa paglikha si Tungkung Langit.Araw-araw,hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang iniibig.Ngunit wala siyang nakita.

Isang araw,sumilip si Tungkung Langit mula sa ilang ulap.Hinawi niya ang mga ulap at sa kanyang gulat,naroon ang kaniyang asawang si Alunsina.

"Anong ginagawa mo diyan,mahal? Matagal na kitang hinahanap!"

Tumingala si Alunsina.Kitang-kita sa kaniyang mukha ang kaligayahang matagal nang hinahangad ni Tungkung Langit.

"Nilikha ko ang  daigdig.Ang daigdig na may puno at halaman,isda at mga ibon.Nilikha ko ang mga bundok,ang langit,ang karagatan.Nilikha ko ang buhay,dahil isa rin akong diyos." At nagpatuloy si Alunsina nang lumikha.

Nasaktan si Tungkung Langit. Ang kaligayahang nakita niya sa mukha ng kaniyang asawa ay hindi dahil sa pagkakita sa kaniya.

Mula noon,hindi na bumalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan-minsan,sinusubok siyang pabalikin ni Tungkung Langit sa pamamagitan ng paglikha ng kulog at kidlat.Ngunit hindi na babalik muli si Alunsina.

Mula noon,upang mabisita ni Tungkung Langit ang kaniyang dating asawa,kailangan niyang mag-anyong ulan. Ulan na didilig sa daigdig na nilikha ng kaniyang iniibig,si Alunsina.

~•~•~•~•~•~•~•~•The End•~•~•~•~•~•~•~•

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro