Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beginning

Noong unang panahon,wala pang mundo,wala pang araw at buwan,wala pang oras,at wala pang buhay o kamatayan.Mayroon lang dalawang diyos,si Tungkung Langit at ang kanyang kabiyak na si Alunsina.

"Tingnan mo,mahal,lilikhain ko ang santinakpan para sa iyo!" pagmamalaking sabi ni Tungkung Langit.

"Hayaan mong tulungan kita,kaya ko ring lumikha," ang sabi ni Alunsina.

"Huwag kang mag-alala,mahal,ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin,ang mga planeta,ang buwan,ang mga ulap,at ang hangin."

"Pero makapangyarihan din naman ako,dahil isa akong diyosa," bulong ni Alunsina.

Ngumiti lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina.Pagkatapos,tumindig siya nang matikas,huminga nang malalim,at sumigaw nang pagkalakas-lakas sa kawalan.

Lahat ng sabihin ni Tungkung Langit ay nagkatotoo.Kumalat ang sinag ng bagong likhang araw.Kumislap-kislap ang mga bituin.Umikot ang mga planeta at lumiwanag ang buwan.Humangin nang pagkalakas-lakas.

At naulit ito nang naulit.Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina,kaya ayaw niya itong mapagod.Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina upang lumikha ng kahit isang bagay.

"Mas gugustuhin kong maupo ka na lang,magpahinga,at maging maganda," ang sabi ni Tungkung Langit kay Alunsina.

Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay.Naramdaman niyang parang wala siyang silbi bilang diyosa.Gusto niyang lumikha.

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Tungkung Langit sa kaniyang iniibig,"wawakasan ko ang iyong pagkabagot.Lilikha ako ng ... Oras!" At nagsimula nga ang oras.

Kasamang nilikha ng oras ang alaala ... at naalala ni Alunsina ang panahong wala pang laman ang kalawakan,nang hindi siya nakalikha ng kahit ano. "Gusto kong lumikha!" sabi ni Alunsina.

To be Continued

Vote👍 | Comment and Share my story ... Arigato Gozaimasu

-Chris🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro