Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Kristel Montesejo Is Back😮

JANELLA POV

After nun ilang araw ding hindi kame nagkausap at ngayong araw na ito babalik na ng pilipinas si kristel kaya andito kame ngayon sa airport para sunduin sya.

Sa bahay daw sya titira, ewan ko ba kung bakit pumayag ang parents ko sa pakiusap ng parents ni kristel samantalang pwede namang magcondo na lang sya --__--

"Guys! ayan na sya." tawag samin ni princess

Napatingin ako sa tinuturo ni princess at ayan nakita ko nga ang isang matangkad na babae, pinatangkad lang naman sya ng heels na suot nya. Isang babaeng blonde ang buhok at maputi. Nakashort na maiksi at nakasando na damit, ganyan yan manamit parang gusto nang ipakita ang katawan kapag nagdadamit, laging kapos sa tela --__-- lumapit sya sa amin at nagbeso nang lalapit na sya sa akin para magbeso lumayo ako.

"Kristel lumayo layo ka nga sa akin! tigil tigilan mo nga ako! atsaka ano yang suot mo? bakit ganyan? dapat nagbikini ka na lang."

"You're so maarte! ganto kaya ang uso duh." inirapan nya ako.

Ako? ako pa talaga ang maarte? baka sya!

"Ako? maarte? anong tingin mo sa sarili mo?"

"Gosh! Janella! tinatanong pa ba yan? syempre dyosa ang tingin ko sa sarili ko! hello? I am so beautiful kaya duh." maarte nyang sabi

"Maganda ka? weh? saang parte?"

"Malamang sa mukha!"

"Talaga? akala ko sa paa. may mukha ka pa pala?"

"So?"

"So you're not beautiful because you're an ugly clown atsaka ang clown wala sa airport na sa circus dapat." mahabang pang-aasar ko

I am pretty sure naaasar na sya mananampal na sana eh! kaso na pigilan sya ni CARLOS?? Teka? andito pala sya?? pero thanks sa kanya na save nya ako.

"ANO SA TINGIN MO ANG GAGAWIN MO!?" Singhal nya kay kristel

wow! Men capslock pa yan! Yaay! katakot sya.

"Ouch! Bitawan mo ako." daing ni kristel

Napahigpit ata ang hawak ni carlos sa kamay nya. Umaaray na sya ei! binitawan naman ni carlos ang kamay nya, tapos HILAHIN daw ba ako?? actually di nga hila eh! KINALADKAD nya ako at ang bilis pa nyang maglakad, nagkanda tisod at dapa pa tuloy ako muntik pang magswimming sa sahig. peste. >__<

"Uy! Wait lang!"

Naglakad parin sya kahit na pinahihinto ko sya at aba! dinedma na naman nya ako! great --__--

"WAIT NGA DI BA?! MAKA-KALADKAD KA WAGAS!"
sinigawan ko na lahat lahat di parin ako pinapansin

"PWEDE BA?! TIGILAN MO ANG KAKAKALADKAD SA AKIN!"

Huminto sya at binitawan na nya ako.
Buti naman! Nakakainis na ei >__<

"PROBLEMA MO?! SASAMA NAMAN AKO NG MAAYOS!! BAKIT KAILANGAN MONG KALADKADIN PA AKO?!" Singhal ko sa kanya.

Kaasar kase eh. >__<

"Pasensya na."

"Ewan!"

Pumasok na ako sa kotse sa kakakaladkad nya sa akin, nakarating kame dito sa parking lot

"ANONG TINATAYO TAYO MO DYAN?! WALA KANG BALAK MAGDRIVE?! O BAKA GUSTO MONG AKO PA ANG MAGDRIVE?!" sigaw ko sa kanya.

Tapos pumasok narin sya sa kotse at nagdrive nakatingin lang ako sa bintana ng kotse. Ang ganda kaseng tingnan nung mga lights sa daan. Ewan ko kung saan kame pupunta bahala na sya kung saan.

CARLOS POV

Hindi sa nagpakipot ako kaya di ko sya pinapansin nung mga nakaraang araw may reason kase talaga ako kung bakit at yun ay dahil ayaw kong masanay na parating kasama sya.
lalo na ngayong bumalik na si kristel alam kong magkakaroon ako ng problema tungkol sa kanya.
Pero still past ko na sya at kapag past na hindi na dapat pang binabalikan pa.
Lalo na ngayong iba na ang Present at Future ko.
Yun ay ang babaeng nasa tabi ko, Si Janella.
Naisip ko kase na kailangan ko munang lumayo sa kanya para kapag problema ang hatid ng pagbalik ni Kristel hindi sya mahihirapan pero naisip ko rin na hindi ko kailangang lumayo kase baka kapag umiwas ako mas mapalayo pa sya sakin.

"Thank you nga pala kanina." nilingon ko sya.

"Wala yun. You're always welcome "

"Ayos ka lang?" Tumango lang ako.

"Bakit parang hindi? nakasimangot ka oh!" sabi nya saka kinurot ang pisngi ko.

"Awwww!" react ko.

Napahawak ako sa pisngi ko. She's always liked that, sadista.

Ang hilig nyang mangurot pagnaiinis sya, manghampas pagnatutuwa sya at mangagat pagna-e-excite or kinikilig sya.

Yes I admit sometimes it hurt's but as long as it's her I'm okey with it.

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan habang iniintay ang pag-usad ng trapiko.

Rush hour na kaya traffic na naman.

Naramdaman kong isinalpak nya sa tenga ko yung isang part ng earphone kaya nilingon ko sya. Ngumiti lang sya saka isinalpak na din yung half sa tenga nya.

Kinuha ko sa dashboard ang cellphone ko ng makita kong umilaw iyon.

Si Mommy nag-text na puntahan daw namin sya.

Nang umusad na ang mga sasakyan at lumuwag na ang daan nagmaneho na ulit ako.

Hinawakan ko ang kamay nya at nilingon ko sya saglit.

"Bakit?" Tanong nya.

"Ayos lang ba kung pumunta tayo sa bahay? My Mom want's to see you."

Nilingon ko sya at nakita kong nakangiti sya.

"It's okey. I guess my mother in law missed me." Sabi nya.

I just chuckle because of what she said.

Mother In law huh!

After another minutes passed nakarating na kame sa bahay.

Magkasabay kameng naglalakad papasok ng bahay.
Nakatingin ako sa kanya. Ni hindi ko makitang kinakabahan sya after all mother ko ang ma-mi-meet nya.

"Carlos wag ka ngang tumingin ng ganyan." She said.

"I'm just thinking why you are so cool even if makakaharap mo ang Mom ko."

"Should I be nervous?"

Umiling ako. Bakit nga ba sya dapat kabahan? Mabait naman si Mommy eiii.

"Carlos ano bang iniisip mo?"

"Wala..." Nginitian ko sya. "Sa lahat ng babaeng gustong makita ng mother in law nila ikaw lang ang babaeng hindi man lang kinakabahan." Sabi ko.

"Kase mabait naman ang mama mo atsaka isa pa kahit na sungitan nya ako kayang kaya ko yan. Ikaw nga kinaya ko ei."

"Para mo na ring sinabing mabait ako."

"Bakit hindi ba?"

Hinalikan ko sya sa noo.

"You really know me huh?"

"Naman!" Sabi nya.

Pagpasok namin sa loob agad kameng sinalubong ni Mommy.

"Buti naman nakarating ka ija." Bungad ni Mommy

Nginitian lang sya ng asawa ko saka nagmano. Niyakap sya ni Mommy.

"Myghad! I missed you, Let's go! Marami akong ipapakita sayo." Sabi ni Mommy

Nilingon nya ako, nginitian ko sya saka ako tumango.

"Go. Sa kwarto lang ako."

Hinatak na sya ni Mommy palayo sa akin. Umakyat na lang ako sa taas.

JANELLA'S POV

Hila-hila ako ng Mommy ni Carlos sa kung saang parte ng bahay.

Honestly may part sa akin na kinakabahan kase syempre Mommy nya ito pero pag-naaalala ko na hindi masama ang naging reaction nya nung nahuli nila kame nawawala rin agad ang kaba.

Although naiisip ko na bakit ko kelangang gawin ito eiii hindi naman talaga kame mag-asawa. Pero somehow may part sa akin na gusto kong magpaanod na lang sa nangyayare at hayaan na lang kung ano bang nangyayare ngayon.

We stop in front of a room.

Binuksan nya iyon at tumambad sa paningin ko ang isang malaking kwarto na puno ng mga larawan at kung ano anong gamit.

"Dito ko inilalagay lahat ng mga bagay na memorable at mga larawan nilang magkapatid." Sabi nya

Iginiya nya ako papasok.

Andaming mga litrato sa paligid. May mga frames sa ibabaw ng tables, may mga naka-dikit din sa dingding at may mga nakasabit na litratong nasa kisame gamit ang tali.

May mga gamit din na pambata na maayos na nakalagay sa bawat parte ng kwarto.

"Mahilig kase akong kumuha ng litrato lalo na noong mga bata pa sila kaya naisipan kong gawin ito."

Lumapit sya sa isang frame na nakapatong at pinagmasdan iyon. Lumapit ako sa kanya at nakitingin din.

"Parang kailan lang ang liliit pa nila ngayon mag-aasawa na." Natatawang sabi nya

Napahinto ako sa pagtingin sa ibang frames at kinuha ang isa.

Larawan iyon kung saan naka-swimming trank si Kuya Carlios at naka-Jersey si Carlos habang may hawak na bola nasa kabilang gilid naman ni Kuya Carlios ang isang batang babaeng mukhang kaedad nya lang.

"Yang larawan na yan ay noong unang beses silang nanalo sa Intramurals at lumaban sa division. Si Carlios sa swimming competition at si Carlos sa Basketball tournament."

Tinitigan ko maiigi ang litrato.

"Sino po itong kasama nilang babae?"

"Ah yan? Si Lyn yan."

Si Ate?

"Magkakilala na po pala sila noon."

"Noon pa man may gusto na si Carlios kay Lyn."

Napangiti ako.

Nagtingin tingin pa ako sa mga larawan at halos lahat ng yun ikinukwento nya kung anong meron sa bawat larawan pero hindi ko parin alam kung bakit nya ako dinala dito.

"Ah. Matanong ko lang po bakit dito mo po ako dinala?"

Napahinto sya at hinarap ako.

Seryoso syang nakatingin sa akin dahilan para bigla akong kabahan.

"Ija dinala kita dito dahil gusto kong malaman mo lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa anak ko."

"Ho?"

"Ayokong dumating ang panahon na pagsisihan ko na ni-hindi ako gumawa ng paraan para sya ang piliin mo."

Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi nya? Bakit nya pagsisisihan?

"Hindi ko po maintindihan."

Nginitian nya lang ako.

"Sa totoo lang sa lahat ng babaeng dumating at dumaan sa buhay ng anak ko, honestly ikaw lang ang pinakagusto ko."

Nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

"Ija. Sana pagdating ng panahon gamitin mo ang puso mo at huwag kang mag-aalilangang piliin kung ano ang dapat at tama."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Anyway, Ano man ang mangyare gusto kong malaman mong nasayo lang ang boto ko."

"Ah..eiii..."

Tumawa sya bigla.

"Sorry. Ang weird ko na ba masyado?"

"Ah...eiii..hindi naman po."

"Tara na nga, magluto na lang tayo." Sabi nya saka iginiya ako palabas ng kwarto.

Dumiretso kame sa kusina at gaya nga ng sinabi nya nagluto kame.

Andami nyang ikinukwento tungkol sa kanya, sa pamilya nya at lalong lalo na kay Carlos kaya bilang kapalit nagkwento na lang din ako ng tungkol sa akin.

Matapos nun hinayaan na nya akong umalis para puntahan si Carlos.

Natawa na lang ako ng maalala ang sinabi nya kanina nung itinataboy nya ako.

"Oh sya! Puntahan mo na sya baka mamaya awayin na ako nun inaagaw ko ang oras nyo dapat sa isa't-isa. HAHAHA"

Napaisip tuloy ako. Habang magkasama kame kanina ni hindi ko naramdaman na mailang sa kanya. Ni hindi din ako natakot kausapin sya kase kahit pa medyo seryoso at strict sya habang nagkukwento andun parin yung soft side nya na kaya sya ganun kase protective lang sya sa mga anak nya.

Pagdating ko sa kwarto nya kumatok ako sa pinto ng bumukas iyon ngiti nya agad ang bumungad sa akin.

Hinapit nya ako palapit sakanya saka isinara ang pinto.

"Kamusta?" Nag-aalalang tanong nya.

"Ayos lang."

"Hindi ka naman nya sinungitan?"

"Hindi."

"Hindi ka naman inaway?"

Hinampas ko sya saka humiwalay at naupo sa kama.

"Ano bang iniisip mo? Ang bait kaya ng mommy mo."

Naupo sya sa tabi ko at nahiga sa kama.

"Buti naman."

"Huh?"

"Dati kase nung sinubukan kong dalhin si Kristel dito. Ayaw nya tapos nung magkita sila sabi ni kristel sinungitan daw sya ni Mommy."

"Ah."

Wala akong masabi.

Bumangon sya sa pagkakahiga at naupo.

"Buti na lang hindi ka nya sinungitan kung hindi maglalayas na talaga ako."

"Sira. Mabait kaya sya."

"Boto kase sya sayo."

"Sabi nga nya."

Tumawa sya saka inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Kasal na lang kulang." Sabi nya

Pabirong inirapan ko sya. Humawak ako sa magkabilang balikat nya.

"Pa-kiss nga ko." Sabi nya.

"Siraulo."

Tumawa sya saka hinalikan ang noo ko.

"Mag-gagabi na, iuuwi na kita." Sabi nya

Tumango ako at lumabas na kame ng kwarto.

Nagpaalam lang ako sa mommy nya tapos inihatid na nya ako.

Pagdating sa bahay si Kristel agad ang nakasalubong namin.

"Patay ka gabi ka nang umuwi!" pananakot nya sa akin.

Wala syang magawa sa buhay. --__--

"So?"

Tinaasan ko lang sya ng kilay saka nilagpasan. Ayoko munang makipag-away sa kanya nakakapagod.

Pagdating sa sala nakita namin sila daddy pati si Kuya na nakaupo sa sofa.

"Bakit ngayon ka lang janella?" bungad ni daddy.

"Pasensya na po dad pumunta pa kase ako sa bahay nila carlos pinapunta po kase ako ng mommy nya."

"Tingin mo uwi yan ng matinong babae?"

"Sorry dad."

"Sumunod ka sakin. Mag-uusap tayo." sabi ni daddy.

"Sus! baka naman nagdate kayo?" Narinig kong sabi ni Kuya.

Hinagisan ko sya ng kutsilyo bago sumunod kay Daddy.

CARLOS POV

Bago sya tuluyang makaalis nanlaki ang mata ni Jam ng may lumipad na kutsilyo sa direksyon nya.

Nang makahuma agad namang tumayo si Jams.

"LYNNN!!! UY LYNIENE!! BUMABA KA DITO BILIS!!" sigaw ni Jams agad namang sumulpot si Lyn at lumapit.

"Bakit?"

"Si dad! kinakausap si bunso!" nagpapanic na sabi ni Jams

"Shit! tara!" tapos hinila nya si Jams papunta sa lugar kung nasaan si Janella

"Anong meron?" takang tanong ko.

"Mukhang pinapagalitan na naman nya si bunso." nilingon ko si mama.

"Bakit po?"

"Maupo ka dito ijo. May nais akong hilinging pabor sayo."

Sinunod ko sya at naupo ako sa tabi nya.

Matapos naming makapag-usap sumunod kame sa kanila.
Naabutan naming pinapagalitan nga siya.

"MAGMAMAANG-MAANGAN KA PA! WALA KA NA NGANG GINAWANG TAMA! IPINAHIHIYA MO PA AKO!"

"Hindi ko po alam ang sinasabi mo." tanggi nya.

"ABA'T SUMASAGOT KA PA!" akmang sasampalin nya si Janella pero pinigilan sya nila Jam

Agad kameng lumapit sa kanila.

"Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ni Mama.

"Bro ilayo mo muna sya dito." Sabi ni Jam

Kinuha ko mula sa kanya si Janella at inilayo doon. Kahit hindi nya sabihin gagawin ko.

Iniakyat ko sya sa kwarto nya at pinaupo sa kama. Tumalikod ako saglit para isara yung pinto ng humarap ako niyakap nya ako.

Iyak sya ng iyak.

"Andito lang ako." Sabi ko habang niyayakap sya.

Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok si Jam at Lyn.

"Bunso." Tawag nila.

Humiwalay sya sakin at yumakap kay Lyn. Sumenyas na lang ako kay Jam na sa labas lang muna ako.

Janella Pov

Gusto kong magtanim ng sama ng loob pero hindi ko kaya. Daddy ko sya ei, na kahit na ganyan sya sakin na para bang napakastrikto nya to the point na sumusobra na. Iniintindi ko pa din kase baka concern lang talaga sya.

Pero kanina yung ginawa nya sobrang sakit na kahit hindi nya ako tuluyang nasampal pakiramdam ko masakit parin sa loob na kung hindi sya napigilan ng mga kapatid ko baka tuluyan nya akong nasampal.

Si kuya at ate.......
Ipinagtanggol nila ako kay daddy.
Pati si Mommy...
Narinig kong nagtatalo sila nung paalis na ako doon..

"Bunso."

Ansakit.... Ansakit sakit.... Pakiramdam ko wala akong kwenta sa kanya.

"Tahan na."

"Ate bakit ganun? B-bakit ganun sya? Pakiramdam ko hindi nya ako anak sa ginagawa nya."

"Sssh wag ka ngang mag-isip ng ganyan."

Inalo lang nila akong dalawa, niyakap hanggang sa makatulog ako.

Nagising lang ako ng tumunog ang cellphone ko.

*Ring ring*

Iminulat ko ang mata ko at kinuha ko ang cellphone sa tabi ko. Si Jerome tumatawag.

"Hello bes?"

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang wala na sila Ate pero si Carlos nakita ko syang natutulog sa sofa.

("Bes kinakabahan ako.")

Huminga ako ng malalim.

"Jusme! HAHAHA kaya yan!"

("Hays kinakabahan talaga ako.")

"Kaya mo yan Just be yourself ano man ang kalabasan ng lahat tatanggapin natin ng maluwag sa dibdib."

("Wag na lang kaya?")

"Tanga! ito na yung time ei! Atsaka bukas pa naman kaya yan!"

("Wish me luck bes.")

"Nasa likod mo lang ako."

("Salamat.")

"Always welcome! oh! sya itulog na natin toh! maaga pa tayo bukas."

("Yeah goodnight bes.")

"Goodnight! matulog ka ah!"

("opo! see you tom.")

"See you."

("Tawagan kita bukas.")

"Ge. wait ko."

Tapos end call na.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.

"Carlos."

"Hmmm."

"Ba't ba dyan ka natutulog?"

Iminulat nya ang mga mata nya.

"Binabantayan kita."

"Lumipat ka dun sa kama sasakit ang likod mo dyan."

Bumangon sya at--------

"Hoy!!"

Binuhat nya ako at inilapag sa kama saka pumikit at niyakap ako.

"Goodnight." Sabi nya.

Napasimangot na lang ako at pumikit.

--------Black out--------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro