Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6.3: The Past💔

Carlos Pov

Naglalakad lang kame, ni hindi ko alam kung saan kame pupunta, nakasunod lang ako sa kanya habang tahimik syang naglalakad.

Pakiramdam ko may mali.....
Parang hindi ko magugustuhan ang mangyayare.

Huminto kame sa isang park.

"Beshie!" Nang mag-angat ako ng tingin nakita ko si kristel.

"Sorry! nalibang ei!" sabi ng asawa ko.

Lumapit kame sa kanya.

"Carl." Tawag ni Kristel.

Tiningnan ko sya ng walang emosyon.

"Pwede bang makausap ka?"

"There's no point on talking to you kristel." madiin kong sabi.

Ayoko na talaga syang makausap siguro naman sapat na yung noon na meron kame, kaso sinayang nya.

"Carlos you should talk to her, para matuldukan na yung mga bagay na hindi nabigyang linaw noon."

Nilingon ko ang asawa ko.
Bakit pinangungunahan nya ako?

"Sige na." sabi nya saka umalis

The Heck! --__--
She already decided without consulting me?
I hate it! Hindi nya man lang ako tinanong kung gusto ko pa bang kausapin ang babaeng toh!
Pinangunahan nya agad ako >__<

"Carl."

"Ano bang pag-uusapan natin at pati ang asawa ko idinamay mo?"

"About us two years ago."

"BULLSHIT!"

"Carl. Gusto kong itama lahat ng mali ko bago pa mahuli ang lahat."

"REALLY?! HINDI PA BA HULI ANG LAHAT AFTER 2YEARS?!"

Nababadtrip na talaga ako.
Hindi pa ba sya nakontento kung paano nya ako pinaglaruan noon? pati ba naman ngayon?

--💔--Major Flashback--💔--

(A/N: Ang parteng ito ay naglalaman ng lahat ng nakaraan o nangyare sa kanilang relasyon 2years ago.)

--💔--Their Relationship Two Years Ago--💔--

--💔--March 2015--💔--

Carlos Pov💔

Hindi ko alam ang nangyare kung bakit humantong ang lahat ng ito sa ganito.
Masaya pa kame Last month pero pagkatapos ng First Aniversarry namin nagbago sya.
One week After ng aniversarry namin naging cold sya tapos humingi ng space.

Magdadalawang linggo na pero hindi parin sya bumabalik, walang text o kahit tawag ni hindi ko alam kung ano bang nangyayare sa kanya.

"Carlos."

Nag-angat ako ng tingin si Janella

"Bakit?"

"Nagtext sakin si kristel." ipinakita nya sakin ang text sa kanya ng girlfriend ko.

'Beshie pasabi kay carlos magkita kamo kame sa park 9pm sharp. Mag-uusap kame'

Yan yung text.

"Pupunta ka?" tanong nya. Tumango lang ako saka naglakad palabas.

Uuwi muna ako.

---------------------

Saktong 9pm nandito na ako sa park, katulad ng nasa text nya.

"Carl." Nag-angat ako ng tingin.

"Babe? anong pag-uusapan natin? Bakit kailangang dito pa talaga?"

"Carl tapusin na natin toh." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Tapusin? hindi kita maintindihan." maang na sabi ko sa kanya.

Kahit pa alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.

"Let's break up."

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.

🎤🎶Maaari ba muna natin itong pag-usapan.....🎤🎶

"Ano bang sinasabi mo? akala ko ba space lang? pag-usapan natin toh babe wag namang ganto."

"Ayoko na carlos." determinadong sabi nya.

🎤🎶Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan....Ngayon mo pa ba naisipang isuko....Ang lahat ng ating pinagsamahan.....🎤🎶

"Ganun na lang yun?! babe antagal na natin oh!"

"Ayoko na."

"Pero bakit? babe may nagawa ba ako? sabihin mo sakin kung anong nagawa ko. Aayusin ko."

"Wala carlos, wala, pagod na ako sa ganitong relasyon. Tapusin na natin toh."

"Hindi! Ayusin natin toh babe please, huwag ganto nasasaktan mo na ako."

"Sorry pero ayoko na magbreak na tayo."

"Ayoko!"

🎤🎶Masikip sa damdamin....Hinigop ng hangin ang lakas, pinanghihinaan ng wagas....🎤🎶

"Carlos wag mo na akong pahirapan pa!"

"Pahirapan? bakit ikaw lang ba ang nahihirapan?!"

🎤🎶Pwede bang pag-isipan...Huwag ka munang lumiban....Baka sakali na ito ay maisalba pa....🎤🎶

"Carlos please ayoko na. Itigil na natin toh kung tutuusin hindi naman talaga kita minahal! sa loob ng isang taon wala akong naramdaman sayo!"

🎤🎶Lumalamig aang gabi hindi na tulad ng dati....🎤🎶

"Hindi totoo yan!"

"Yun ang totoo carlos! Hindi kita minahal! panakip butas lang kita! Kaya tapusin na natin toh! ayoko na! break na tayo." sabi nya saka ako tinalikuran at naglakad sya palayo.

🎤🎶May pag-asa pa ba kung susuko ka na....Larawan mo ba'y lulukutin ko na....Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama....Damdamin mo tila'y napagod na....Ikaw at ako ay alala na lang...Kung susuko ka na....🎤🎶

"Umuwi ka na." Nilingon ko ang gilid ko. Si Janella.

"Hindi na sya babalik. dalwang oras ka ng nakanganga dito nagmumukha kang tanga."

Hinila nya ako papunta sa kotse.

"Oh. ice cream pampagaan ng loob." iniabot nya sakin yung ice cream saka nagsimulang magdrive.

Ihinatid nya lang ako sa bahay tapos umalis na sya.

Nang mga panahon na yun hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Pakiramdam ko sa bawat pagbangon ko napakalaki ng nawala sa buhay ko.
Parang nagdilim ang mundo, nawala lahat ng kulay at namatay ang ilaw.
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa isang madilim na mundo.

Isang linggo na ang nakakalipas mula ng makipaghiwalay sya pero hanggang ngayon nalulugmok ako. Ang huling balita ko sa kanya may iba na sya.

Isa lang ang palaging kailangan ko yun ay ang 'Alak' gusto kong magpakalasing para lang kahit papano makalimot ako sa sakit.

Sakit na dulot ng babaeng minahal ko.

Sa mga lumipas na araw wala akong ibang ginawa kundi ang umalis sa bahay.
Maglagalag pero wala namang ibang pinatutunguhan.

🎤🎶I drove by all the places we used to hang out getting wasted....🎤🎶

Kahit na anong gawin ko dinadala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan tayo nagsimula.
Lugar kung saan nanduon ang masasayang alaala.

kagaya na lamang ngayon. Nandito na naman ako sa Lugar na toh.
na kahit saan ako lumingon naalala ko ang alaala nating dalwa.

Masaya walang problema..

🎤🎶Even though your friends tell me your doing fine.....🎤🎶

Nasasaktan ako. Na sa ating dalawa parang ako lang ang nakakaramdam ng sakit. Na parang ang saya saya mo pa. Hindi ko alam pero unti unti nagagalit ako sayo pero mas nagagalit ako sa sarili ko.
Dahil minahal kita ng higit pa sa sarili ko.

🎤🎶Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?🎤🎶

Pakiramdam ko nawasak ako sa ginawa mo.

🎤🎶Sometimes i start to wonder was it just a lie? if what we had was real how could you be fine?....🎤🎶

Iniisip ko totoo kayang ni hindi mo ako minahal?
Na sa loob ng isang taon ako lang ang nagmamahal?
Totoo nga bang panakip butas mo lang ako?
Ngayon masaya ka na nga ba dahil wala na ako?

🎤🎶Cause i'm not fine at all.🎤🎶

Bumalik ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa isang bar. Gusto kong uminom.
Pagdating doon umorder agad ako ng alak.
Gusto kong makalimot. Gusto kong kahit panandalian lang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Andami mo ng nainom. Tama na yan." hinila nya ang shotglass na hawak ko at tinungga iyon.

"Umuwi na tayo." sabi nya saka ako hinila palabas ng bar. Dire-diretso lang sya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kame sa sasakyan.

"Sakay!" utos nya.
Maya-maya umandar na ang kotse ipinikit ko na lang ang mata ko.

"Ayokong umuwi....".....magagalit lang si mommy pagnakita nyang ganito ako.

"San mo gustong pumunta?"

"Kahit saan basta hindi sa bahay." sabi ko.

--------------

"Gisinggg.."

"hhmmm?"

"gising."

Imunulat ko ang mata ko.

"Tch! kelan ka ba titigil sa pag-iyak?!" angil nya saka pinunasan ang mata ko.

Pinilit kong aninagin kung sino ang nasa harap ko.
Nang luminaw iyon nakita ko si Janella.

"Tara!" Hinila nya ako palabas ng kotse.

Pagtapak ko sa buhangin tumambad sakin ang dagat.
Nagtatakbo sya papunta sa dalampasigan habang hila-hila ako.
Nang huminto sya naupo sya sa buhangin.

"Sit!" sabi nya.

Naupo ako sa tabi nya.

"Ngayon umiyak ka." kumunot ang noo ko at tiningnan ko sya.

"Umiyak ka. Ilabas mo lahat ng sama ng loob, nang sakit na nararamdaman mo. Makikinig ako......."

"Basta yan na ang huling beses na iiyakan mo sya...." seryosong sabi nya.

Natahimik ako.

"Napakaraming tao sa mundo, bakit ako?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Kase kailangan mong matuto." sagot nya.

"Matuto?"

"Oo, kailangan mong matutong magtira para sa sarili mo hindi yung kinakalimutan mo na ang sarili mo."

"Wala ei mahal ko sya."

"Minsan hindi purket mahal mo ang isang tao dapat mahalin mo na sya ng buong buo matuto kang magtira sa sarili mo para pagdating ng panahong iwanan ka nya kaya mong bumangon."

"Dun ako mali."

"buti alam mo."

"Akala ko kase okey na."

"Maraming namamatay sa maling akala."

"Akala ko magtatagal."

"walang permanente sa mundo."

"Ako lang pala ang nagmahal."

"Sana kase nung una palang nakinig ka na.
kaso hindi ei! antigas ng ulo nyo! step 1 nga sabi nagstep 10 agad kayo."

"Kilala ko naman na sya ei."

"Hindi sapat na kilala mo na ang isang tao para masabing para sya sayo. Minsan it takes some times to assure it."

"Hays. Wala ei mahal ko sya."

"Mahal? Love at first sight?"

"Yeah."

"Magkaiba yun."

"Why?"

"Pag Love at first sight minsan sa itsura lang nakabase yun. Sa unang kita nyo ba kilala mo na agad sya para masabi mong mahal mo na sya?"

"Hindi."

"That's it! Akala mo mahal mo na sya dahil sa mga naramdaman mo nung unang makita mo sya pero mali pala."

"Hindi ko alam ei basta nung mga oras na yun isa lang ang naiisip ko gusto ko syang makasama."

"Hindi lahat ng idinidikta ng isip at nararamdaman ng puso ay dapat sundin minsan kaya tayo nagkakamali kase hindi muna natin pinag-iisipang mabuti kung tama ba o mali o kung yun ba talaga ang nararamdaman natin minsan kase pag dinikta ng isip na ganito dapat sinusunod agad natin."

"Hays. Aaminin ko mali ako dun. Aaminin kong may kasalanan din ako kaya ako nasasaktan ngayon."

"Buti naman alam mo. Mahirap kase sainyong mga lalake maganda lang liligawan nyo na agad, wag mong itanggi!"

"oo na."

"Hindi mo kase inalam muna kung mahal nya pa ang ex nya o hindi."

"What did you mean?"

"Di mo alam?" umiling ako.

"Ay tanga! bago mo sya ligawan kagagaling lang nya sa break up at nung sinagot ka nya broken hearted pa sya."

"so totoo ang sinabi nyang rebound lang ako?"

"I donno. Kase nag-away kame ei kaya di ko alam pero kung ano man ang totoo paniguradong may rason sya."

"Galit ka sa kanya?"

"Hindi."

"bakit?"

"Hindi ko kayang magalit sa bestfriend ko."

"Buti ka pa."

"Huh?"

"Pakiramdam ko galit ako sa ginawa nya."

"Hindi natin alam ang side nya kaya hindi natin sya dapat husgahan agad."

Pinunasan ko ang mata ko.

"Huli na yan ah? wag ka ng iiyak! di bagay ei! HAHAHAHA"

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Tandaan mong kahit na gaano kasakit ang nagawa sayo ng isang tao dapat may puwang pa din sa puso mo ang pagpapatawad. Huwag kang basta bastang huhusga ng dahil lang sa nasaktan ka. Baka hindi natin alam mas nasasaktan sya at may rason sya kung bakit nya nagawa ang bagay na nakasakit sayo."

Tumayo sya. "Kukuha lang ako ng kape." Tinapik nya ang balikat ko saka umalis

Nang bumalik sya may dala na syang tasa ng kape.

"Oh! inumin mo ng mahimasmasan ka." sabi nya saka hinigop yung laman nung isang tasa.

"Eii yuck! ano ba yung iniinom mo kanina? bakit antapang? kadiri!" reklamo nya.

"Bakit mo kase ininom?"

"Nacurious ako ei!" sabi nya saka sumalampak ng upo sa tabi ko.

"Salamat."

Naningkit ang mata nya. "Huh?"

"Salamat sa oras mo."

"Ah. welcome ^__^ " nakangiting sabi nya.

Pagkatapos nun umuwi na kame.
Kahit papano gumaan na ang loob ko.
Pero nandito pa rin yung sakit mas magaan nga lang ngayon.

-----🎶----

Songs:

-Pagsuko by: Jireh Lim
-Amnesia by: 5sos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro