Chapter 6.2: We are still bestfriend👍
Kristel Pov
The way i see it they seem so attach with each other.
"Bati na kayo?" tanong ni Jams
"Isn't it obvious?" tanong din ni Janella
Tch! kahit kelan ang sungit nya.
"Nagtatanong lang ei!" reklamo ni Jams
"Joke lang kuya! obvious naman kase ei!"
"Oo na!"
"Ayieeee Nakainom na sya ng gamot!" pang-aasar ni kris
"Tanga! Hindi naman iniinom ang gamot nya! Kelangan lang wag lumandi sa iba itong fafa natin para hindi mabadtrip si Ms.!" sigaw ni Princess.
Nagtawanan sila.
Wala parin silang pinagbago.....Ganun parin sila kung may nagbago man, ako at si Carlos yun.
Hindi na ako magtataka kung sinusungitan at hindi nya ako pinapansin well i deserve it sinaktan ko sya ei.
Pero gusto ko syang makausap, gusto kong linawin lahat, gusto kong bumalik sa dati. Hindi man yung pagmamahal nya kahit man lang yung hindi na sya magalit.
Lalo na si Janella ayoko ng makaaway siya gusto ko ng maging maayos kame.
Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko.
Umay ei! Answeet nila masyado.
Lumabas ako at naglakad lakad sa hardin.
"Susundin mo ako? o maghihiwalay kayo?"
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at natagpuan ko iyon sa madilim na parte ng hardin.
"Hindi kase ganun kadali yun!"
"Madali lang ang hinihingi ko sayo! paglalayuin mo lang sila!"
"oo na! oo na! Bullshit!!"
"HAHAHAHA susunod ka rin naman pala ei." Lumabas sila mula sa dilim at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino.
Kailangan ko ng kumilos. Mapapahamak sya, silang dalwa.
Agad akong bumalik sa kwarto ko.
Gabi na ng maisipan kong lumabas sa kwarto.
Nakasalubong ko sya.
"Pwede ba kitang makausap?" hinawakan ko sya sa braso.
"Bakit? tungkol saan?"
"Kay Carlos." tapos naglakad ako papasok ulit sa kwarto ko, sumunod naman sya sakin.
"Bakit? ano ba yun?"
"Janella..."
"Ano?"
"Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo." pinaningkitan nya ako ng mata
"Alam kong hindi kapani-paniwala."
"Hindi talaga. Anong nakain mo?"
"Gusto kong ayusin na ang lahat ng mali ko......"
"Kung ako lang matagal ng wala sa akin iyon." sabi nya
"Galit parin ba sya?"
"Hindi ko alam."
"Gusto ko sanang makausap sya."
"Tutulungan kita.."
"Wag na. sobra na yung napatawad mo ko."
"Nah i insist."
"Sigurado ka?"
"Yeah after all bestfriend parin kita. ^_^ " nakingiting sabi nya.
Iba talaga sya.....
"B-bestfriend mo ako?"
"Yeah di ba?"
Nginitian ko sya. "Hindi ka parin nagbabago janella. Hindi na ako nagtataka kung minahal ka nya."
Kahit na napakarami kong nagawang mali still never syang nagtanim ng sama ng loob. Kung nagtatarayan man kame normal yun! pasaway daw kase ako ei ^_^
"Jusme! stop that!"
"Bakit?"
"Nakakailang ei!"
"HAHAHAHA yieee pero bagay kayo."
"Walang halong bitterness?"
"wala na noh! sorry nga pala sa nangyare nung nakaraang araw."
"Wala yun, nakaladkad lang naman ako ei! HAHAHA"
"Pero masakit yung braso ko dun ah!"
"Ikaw kase ei!"
"HAHAHA so bestfriend?"
"Bestfriend! Jusme! namiss kita! sobra!"
"Me too! namiss ko yung sermon mo!"
"Bwiset! HAHAHAHA" tapos lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
Hindi ko hahayaang saktan ka nya Janella.
Hindi mo deserve na saktan ng ahas at traydor na yun!
Janella Pov
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Kristel naging ayos na talaga kame.
Di ko naman talaga kayang magalit sa kanya, oo nilabag nya ako, ang kabilin bilinan ko pero 'Bestfriend' ko sya at kapag 'Bestfriend' mo kahit na gaano pa kasama o kasakit ang ginawa nya sayo mapapatawad mo pa rin sya. Bakit? kase para mo na syang kapatid na kapag nawala mahirap ng kalimutan.
Hindi naman ako ang dapat nyang intindihin kase kumpara sa akin mas nasaktan nya si Carlos.
Yung sakin kase kaya lang naman ako nagalit sa kanya kase sinuway nya ako.
Noon ang kabilin bilinan ko sa kanya kung magkakaroon sya ng boyfriend wag nyang gawing rebound kase for sure may masasaktan at masasaktan.
Hindi sya nakinig broken hearted pa lang sya kay Kennedy lumandi na agad sya. Worst nung niligawan sya ni Carlos sinagot nya agad.
Jusme! Hindi sya nakinig sakin na kung magkakaroon sya ng panibagong boyfriend kilalanin nya muna, ei hindi ei! tinalunan nya yung step 1 nagstep 10 agad sya, ayan! nagkandaletche letche! hindi lang sya ang nasaktan pati din si carlos --__-- Hays!
Pero ngayong ayos na kame syempre as her bestfriend tutulungan ko sya na magkaayos sila.
Hindi man magkabalikan atleast nagkaclosure sila, At kung magiging sila ulit at gusto nilang magbalikan why not coconut! bagay kaya sila ^__^
(A/N: Walang halong etchos?)
Wala!
(A/N: Di nga? Walang halong Ampalaya?)
Oo nga! atsaka walang dapat ikabitter noh! singsing lang naman ang dahilan kung bakit kame magkasama. Nothing more! Nothing less!
'Anong nothing more, nothing less! afford mong mawala sya sayo?' singit nung nilalang sa loob ko.
Ah...eiii... Oo! kung para sa bestfriend ko.
'Sus! etchos mo! iba nararamdaman ko!' angil nya.
Bakit ba singit kayo ng singit? Excuse me! si Erick ang labs ko!
'Fine! --__-- '
Tch! anyways kagabi pa ako nag-iisip kung anong gagawin ko para maset up sila. Yung silang dalwa lang. Tutal Ilang araw rin kameng walang pasok.
Aha! Alam ko na! sa wakas na isip ko din!
Dun na lang sa mansion! Kay nanay!
Agad akong lumabas ng kwarto ko at hinanap si Kristel. Nadaanan ko si Kuya sa sala.
"Kuya! si kristel?"
"Huh? ah ei nasa garden ata!" sagot ni kuya.
"Ge! salamat!"
Tumakbo ako papunta sa garden
"Kristel?" tawag ko.
"Kristel nasan ka?" naglakad lakad ako.
"Bakit sis?" bigla syang sumulpot
"May naisip na ako!" masiglang sabi ko.
Tapos dinisscuss ko sa kanya ang gagawin.
"Seryoso kang ayos lang sayo?" kunot noong tanong nya.
"oo naman! bakit?"
"Ei! parang ang sagwa tingnan kaming dalwa lang?"
"oh? bakit? don't tell me naiilang ka? bakit magmi-melagro ka ba? yieee may gagawin kang milagro noh?"
"tanga! anong milagro? yuck! hindi noh! closure lang ang gusto ko hindi baby! jusko!"
Tinawanan ko sya.
"Makareact ka kase ei!"
"Seryoso kase! ayos lang talaga?"
"oo nga kulit!"
"ei kase asawa ka nya tapos------"
"Beshie ano naman? atsaka wala yun noh!"
"Walang selos?"
"at bakit ako magseselos? may binabalak ka ba?"
"Wala! pero kase ako tapos sya iiwan mo dun? seryoso? kung ako ang misis nya di ko gagawin yun."
"At bakit?"
"Beshie you know me selosa ako kaya hindi ko hahayaang may ibang kasama ang asawa ko."
"Beshie hindi naman ako selosa ei. atsaka bestfriend kita."
"Janella ito ang tatandaan mo hindi purket kaibigan mo magtitiwala ka na ng husto minsan hindi lahat ng kaibigan totoo. Minsan ipinapakita nilang mabuti sila sayo pagkaharap mo sila pero kapag nakatalikod ka na may binabalak na syang masama or worst tatraydorin ka."
Naguluhan tuloy ako sa kanya.
"So? change plan?" tanong ko.
"Yeah. Atsaka wag ka masyadong kampante kase pwedeng agawin sya ng kung sino, huwag kang basta bigay lang ng bigay isipin mo rin ang sarili mo. Baka sa kakabigay mo at sa kakakampante mo mawala sya sayo. Maraming ahas sa paligid beshie."
Hays --__-- di ko gets.
"Hindi ako beshie pero marami dyan sa gilid gilid kaya dapat matuto kang magdamot. Hayaan mo tutulungan kita. Hindi ako papayag na magkahiwalay kayo."
"Makapagsalita ka naman beshie anlalim mo."
"Hays ano bang nararamdaman mo para sa kanya?"
"ako? ewan. Ang alam ko lang mahal ko si erick."
Muntik syang sumubsob sa sinabi ko. Natisod kase sya.
"You should know before it's too late." sabi nya saka tinapik ang balikat ko at pumasok sya sa loob.
Sumunod ako sa kanya.
"Oh! carl ayan na pala sya ei." rinig kong sabi ni kuya napalingon ako sa gawi nya.
Agad namang tumayo si carlos at lumapit sakin.
"Ba't nandito ka?"
"Wala lang gusto kitang makita."
"Sus." inirapan ko sya.
"I miss you."
"Miss agad? nagkita palang tayo kahapon ah!"
"Wala ei anong magagawa ko namimiss kita." nakangusong sabi nya. Tinawanan ko sya.
Dumaan sa gilid namin si kristel na may bitbit na pagkain.
"Beshie pwedeng makausap ka ulit?" sabi nya saka nilagpasan kame at naglakad papunta sa hardin.
"Saglit lang. ^__^ Uy! Beshie hintayin mo ko!"
Tapos hinabol ko sya.
"Anong pag-uusapan natin?"
"may naisip na ako."
"Ano?"
Tapos sinabi nya sakin.
"Doon lang?"
"oo."
"eii ampanget hindi romantic."
"Janella -_- closure ang kailangan ko hindi date!" asik nya sakin.
"Eii bakit ba!"
"Basta! doon na lang nine pm."
"oo na --__-- "
Tapos nagkwentuhan na lang kame.
Carlos Pov
Nakaupo ako sa sofa habang kausap si Jams.
"Sabi na ei! ikaw ang may gawa nun ei! HAHAHAHA"
"Kasalanan ko pa? tanga sya ei! ayaw makinig! HAHAHA"
Sabay kameng napalingon ni Jams sa direksyon nila.
Si Janella at Kristel nagtatawanan.
"Kaya pala sinisisi ka nya! HAHAHAHA"
"Wala akong kasalanan! sinabihan ko sya Too much peanut can cause you to----"
"Wag mo ng ituloy! kadiri HAHAHAHA"
"Napagalitan kaya ako nun ni mommy! HAHAHA"
"Kasalan nya pala talaga! shunga! HAHAHA"
"I told you! sya ang nagpilit nun! HAHAHAHA"
"Ibang klase! kawawa! HAHAHA"
"Yeah right. wews! i really missed elementary days!"
"Me too. Those things! remember yung Bandalizism sa blackboard? Jusme! HAHAHAHA naguidance tayo nun! HAHAHA"
"Ah yeah! HAHAHA arte nila! maganda naman ei! HAHAHA"
"kaya nga! tapos yung sa desk! yung 'Kristel Love Martin'! HAHAHAHA"
"Mind you! Muntik akong patayin ni Martin dahil dun! HAHAHA"
"Really? HAHAHA"
"Yeah! di daw kame talo! girl din daw sya! HAHAHA"
"Weh? Halaaaa! crush ko pa naman sya nun!"
"Ha?! di mo napansin yung pilantik ng kamay nya?"
"Hindi ei." nakasimangot na sagot ng asawa ko.
"Seryoso? HAHAHAHA"
"bwiset! nagoyo ako! akala ko lalake sya!"
"Ayan kase! HAHAHA"
"Sila lang nagkakaintindihan." nilingon ko si Jams nakangiwi na sya.
"They seems so closed."
"Yeah bestfriend sila before." sabi ni Jams.
"Sa kwarto muna ako beshie!" paalam ni kristel
"Why?"
"Magbu-beauty rest!"
"Naku naman --__-- baka masobrahan ka sa ganda nyan!"
"HAHAHAHA edi masaya!" sabi ni kristel saka umakyat sa taas.
Lumapit naman samin si Janella at naupo sa tabi ko.
"Closed na ulit kayo?" tanong ni Jams
"Yeah."
"That's good. buti naman at ayos na kayo! wala ng magbubugahan ng apoy at magtatarayan dito sa bahay."
"HAHAHA. ewan, ay may gagawin pa pala ako." sabi nya saka tumayo.
"Sama!" hinabol ko sya at sabay kameng umakyat sa taas, pagdating sa kwarto nya nahiga ako sa kama samantalang sya nagbasa nung libro sa tabi ko.
"Who's martin?"
"Huh?" Nilingon nya ako.
"sino si martin?"
"martin?"
"Yeah narinig ko kayong nag-uusap ni kristel."
"Ah! kaklase namin dati."
"crush mo?"
"Yeah. ang cute nya kase ei ^__^ " nakangiting sabi nya.
"okey." sabi ko saka ko hinila yung unan at itinakip sa muha ko.
"Teka nga. nagseselos ka?" sinilip nya pa ako.
"What if yes?"
Hinila nya yung unan na nakatakip sa mukha ko.
"Really?"
"Yeah."
"Sus!" sabi nya saka nagbasa ulit.
Janella Pov
Antagal namang magnine pm! naiinip ako.
*beep beep*
Kinuha ko ang cellphone ko si kristel nagtext
From: Kristel
Hey beshie i'm going to fix some important things. Mauna ka na dun susunod na lang ako.
Baka malate ako ah?
--__-- yung totoo?
To: Kristel
Ano na naman ba yun beshie! Jusme! bilisan mo lang ah! You know me ayoko ng naghihintay --__--
√sent
Hays --__--
Nagbasa na lang ulit ako para palipasin ang oras.
*beep beep*
From: Kristel
I'm on my way beshie.
Anak ng! nawili ako sa kakabasa 9:30 na!
To: Kristel
Ajujuju! beshie nandito pa ako sa bahay!
√sent
Nilingon ko si Carlos.
"Gising...."
"Hmmmm?"
"Gising may pupuntahan tayo...."
Agad syang nagmulat ng mata.
"San?" kunot noong tanong nya
"Basta."
*beep beep*
Tiningnan ko ang cellphone ko.
From: Kristel
HAHAHAHA buset! bilisan mo!
To: Kristel
--__-- sensya! nalibang ei!
√sent
Tumayo na ako at lumapit sa closet ko para kunin yung Jacket ko. Malamig sa labas ei!
Pagkatapos dumiretso ako palabas ng kwarto.
"San ba lakad mo?"
"Basta!"
Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa park.
Sa park na lang daw ei sabi ni Kristel
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro