Chapter 5.2: Tampuhan 101💕
JANELLA POV
Balik na sa akin ang pov kase sasakit lang ang ulo natin sa kabaliwan ng ate ko.
Anyway highway sabi ni ate ililibre nya daw ako ng favorite kong ice cream kase daw ako ang dahilan kung bakit sya nililigawan ngayon ng 'Labs' daw nya
Hays naku! pag-ibig talaga ibang klase
Kupido naman kase eh! mamamana nalang hindi pa parehasin.
Pinana ang isang baliw at isang matino.
Minsan nga tatanungin ko kung anong nagustuhan ni kuya carlios kay ate lyn.
Pero seriously speaking Bagay sila ^__^
Ay bahala na nga sila! basta kakain na lang ako ng ice cream.... ^__^
*After some minutes*
Naubos ko na yung ice cream
Si ate? ayan nagdi-day dream ng "Future" nya.
Para daw planado na ang future nya kasama ng labs daw nya
Hay baliw talaga kung ano ano ang naiisip.
"Ate lets go." aya ko sa kanya
"Ah.Okey"
Nang nakalabas na kame sa ice cream parlor nag-abang kame ng taxi ng biglang nagring ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang tumatawag si carlos pala.
"Hello?"
("Hello bhe san kana pauwi ka na ba?") tanong nya.
("Hello bhe?")
Di ako nakasagot sa tanong nya kase may nahagip ang mata ko dalwang tao na pamilyar sa akin. Nang medyo nakita ko yung mukha si erich at erick?
Anong ginagawa nila dito?? nagdi-date ba sila?
Oh gosh! erase! wag naman sana mawawalan ako ng pag-asa *huhuhuhu*
Galing sila sa isang restaurant....
Napansin kong magkaiba ang ekspresyon ng mukha nilang dalwa, si erick ngiting ngiti samantalang si erich busangot ang mukha di na maipinta. Bakit kaya??? tapos sumakay sila sa isang kotse at umalis na.
("HOY!! BHE ANO NANG NANGYAYARI SAYO JAN?!!")
Aruy! nakalimutan ko kausap ko pala si alien at nagsusungit na naman sya
"BAKIT BA NANINIGAW KA!? BIBINGIHIN MO BA AKO HA!?" angil ko
kaasar toh. >_< mababasag ang eardrums ko sa kanya
--__--
("BAKIT KASE HINDI KA SUMASAGOT?!")
"PESTE." sabi ko saka pinatay ang tawag.
Pumara na ako ng taxi at sumakay na kame dun naiinis talaga ako. --__--
Pagdating sa bahay si carlos ang sumalubong sa akin.
"ANO BANG NAGYAYARI SAYO HA!? BAKIT PARANG WALA KA SA SARILI MO KANINA!? SINO NA NAMAN BA ANG NAKITA MO!? SI ERICK AT ERICH NA NAMAN BA!?" sigaw nya sa akin
"OO!!! SILA ANG NAKITA KO! HAPPY?! NGAYON NALAMAN MO NA PWEDE BANG MANAHIMIK KA NA?!" angil ko
Nilampasan ko na sya tapos umakyat na ako sa taas at padabog na isinara ang pinto.
CARLIOS'S POV
Hey guys! I am Carlios Montes older brother ni Carlos and I'm 20 years old at----------
"Kuya pano na toh?? ano nang gagawin ko galit ata sya sa akin, pano na toh?"
Oo nga pala katabi ko ang problemado kong kapatid. Saka na ko magkukwento tungkol sakin.
"Bro, easy kalma oa ka kase eh...... tapos sinigawan mo pa alam mo namang nasasaktan na nga sya dahil sa nakita nya naninigaw ka pa. ayan tuloy tinopak na...."
"Pero-------"
"Bro hayaan mo muna sya." putol ko sa sasabihin nya
"Naman eh." reklamo nya
*after 1hour*
Kumain na kame walang imikan halos nakakabingi ang katahimikan wala niisang nagsasalita halos lahat seryosong kumakain lang.
Pagkatapos naming kumain kanya kanyang pinagkakabusy-han
Kame ni Lyn nanonood ng t.v
Si Carlos? ayun! nakipag-unahan sa mga maid na maghugas para daw may pagkaabalahan sya kase prolemadong problemado kung paano nya kakausapin ang love of life nya.
Si Janella naman pagkatapos kumain umakyat agad sa kwarto nya at nagkulong.
"Carlios pupuntahan ko lang si janella ka kausapin ko lang sya." paalam ni Lyn
"Ah.Okey."
JANELLA'S POV
Nakahiga lang ako sa kama ko.
*tok tok*
"Sino yan!?"
"Ako toh sis."
"Pasok."
Pumasok nga sya sa kwarto ko at umupo sa kama katabi ko.
"Sis. Bakit ayaw mong bumaba?" tanong ni ate Lyn
"Ayoko wala ako sa mood."
"Wala ka sa mood or ayaw mong makausap si carlos?"
"Sis di naman nya kasalanan eh, nag-aalala lang sya sayo kung napano kana kanina kaya nasigawan kanya."
"Nag-aalala sya sayo kaya kanya nasisigawan ng ganon." dagdag nya.
"Kaasar kase ang oa di lang nakasagot sa tanong nya naninigaw agad." nakasimangot na sabi ko.
"Sis hindi oa ang tawag dun pagpapahalaga ang tawag sa ganun" singit ni kuya na biglang sumulpot.
"Pagpapahalaga? ako? pinahahalagahan nya?"
Weh? talaga lang ha? uso pala sa kanya ang pagpapahalaga?
"Maniwala ka sa hindi sis yun din ang nakikita ko, iba ang pagpapahalaga nya sayo Kumpara sa ibang babae." sabi ni ate
"Huh?"
Di ko talaga sya gets
"Alam mo someday malalaman mo rin kung bakit." sabi ni kuya.
"Alam mo sis ang sweet nyo nga tingnan kanina eiii" sabi ni ate
"Anong sweet sa nag-aaway?"
"Ang sweet kase nag-aalala sya sayo." sabi ni ate
"Yeah. Kung umasta sya para bang sa kanya ka." dagdag ni kuya.
"Yun bang parang feel na feel nya yung pagiging asawa nya kuno sayo." sabi ni ate.
"Hays."
"Teka alam na ba ni dad?" pag-iiba ni kuya.
"I guess yes."
"Ansabi?" tanong ni ate.
"Dissapointed daw sya sakin."
"Bakit?" tanong ni kuya.
"Ewan. Palagi naman ei, wala ng ba-bago." pumiyok na ang boses ko.
"Sis." nag-aalalang tawag sakin ni ate.
"Ganun naman palagi sya. Parang wala na akong ginawang tama sa kanya palagi na lang mali." Nagsimula ng tumulo ang luha ko.
"Bunso. Tahan na wag mo na syang isipin." alo sakin ni kuya.
"Ansakit lang kase." pinahid ko ang luha ko.
"Ssshh. hayaan mo na sya." sabi ni ate saka ako niyakap, niyakap din ako ni kuya.
"Hayaan mo na sya. Andito pa naman kame ei." sabi ni kuya.
"Gawin mo lang kung anong tingin mong tama hayaan mo sya." sabi ni ate.
Maya-maya ng kumalma na ako bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin.
"Tama na ang drama harapin mo na muna si carlos." sabi ni kuya.
"Eiiiii"
"Sis kailangan mo syang kausapin. Kailangan nyong magkaayos." sabi ni ate.
"Pano?"
"Just be his wife tutal para namang 'husband' mo sya. Then act like his wife." suggest ni ate.
"Maging girlfriend nga di ko alam kung pano maging wife pa kaya?"
"Bunso Just be yourself." sabi ni kuya.
Tapos hinila nila ako at pinagtulakan palabas ng kwarto ko
"Teka nga! ate! kuya! pano!?" pagpapanic ko.
"Easy lang yun para sayo. Kaya mo yan." sabi ni ate.
"Gawin mo ang sa tingin mong tama." sabi ni kuya.
"hala ka! teka lang! ate wag kang manulak!"
"edi wag! basta dapat bati na kayo bago sya umuwi okey?" sabi ni ate
"oo na! easy ka lang! excited ka masyado."
"malamang." sabi ni ate. Tumawa lang si kuya.
Buti na lang talaga may mga kapatid akong kagaya nila na laging nandyan para sakin ^__^
Pero pano nga kase?! di ko alam gagawin ko!
Dapat bang ako ang magsorry??
kaasar pano ba toh?
Kelangan ko ng Tubiiiiig!
Pumunta ako sa kusina at nandun sya kumuha lang ako ng tubig at paalis na sana ng magsalita sya.
"Sorry" sabi nya.
Tiningnan ko sya, seryoso syang natingin sakin.
"Sorry na bati na tayo please." sabi nya.
Tumango ako. "Bati na tayo." sabi ko.
Di ko talaga alam ang gagawin ko eiiii.
Nakatingin lang ako sa kanya wala na syang imik nang matapos sya sa ginagawa nya nilampasan nya lang ako.
"Wait! galit ka ba?" tanong ko.
"No."
Tapos umalis na sya.
Anyare? inisnob ako? ayan na naman ang makaalien nyang sakit.
"Oh? sis? anyare sayo? dyan ka na lang? bakit di mo sya sundan?" biglang sumulpot si ate
"No need okey na bati na kame."
"Bati? eh di dapat sweet overload na kayo kung bati na kayo." sabi ni ate
"Ewan ko ba dun. Alien mode na naman."
"Alien mode? ano yun?" kunot noong tanong ni ate.
"Alien mode yung parang back to normal."
"Bakit abnormal ba sya?" tanong nya ulit.
"Alam mo ate di sya abnormal kase nitong mga nakaraang araw di na sya masyadong tahimik at masungit medyo madaldal na sya pero now lang bumalik na sya sa dati." paliwanag ko.
"Ah.okey nagets ko na." sabi nya
"Aba'y! buti lang nagets mo na kase kung hindi hindi ko na uulitin ang ang mga sinabi ko."
Naglakad lakad lang ako papunta sa garden at duon naupo sa isang silya habang nakatingin sa langit at pinagmamasdan ang mga bituing nakaform as a heart shape.
"Uuwi na kame."
Napatingin ako sa nagsalita si carlos nakatayo mula sa may sliding door
"Ah.okey ingat kayo."
Tumango lang sya, ano bang dapat kong gawin?
'Kausapin mo! magsorry ka. May mali ka rin naman ei!' sabi ng nilalang sa loob ko.
Ano bang mali ko?
'Jusme! ang mali mo lang naman hindi mo sya inintindi! nag-aalala sya sayo pero wala kang ibang inatupag kundi si erick! si erick na walang pake sayo!' litanya nya.
Ouch! okey sige sya na ang walang pake.
'Gusto mo bang mawala sya sayo? pag di ka pa kumilos mawawala sya sayo!' sabi ng nilalang sa loob ko.
Ewan ko ba.
"Saglit!" huminto sya sa paglalakad at nilingon ako.
Hindi ko alam kung anong iniisip ko pero pakiramdam ko tama ang gagawin ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Sorry." humiwalay ako sa kanya.
Nang tingnan ko sya nakatingin sya sakin.
"Sorry kung inaway kita......."
"Sorry kung hindi kita naintindihan....."
"Sorry na bati na tayo..."
Gumuhit ang isang ngiti sa labi nya.
"Ano?" tanong ko. Nakatingin lang kase sya sakin.
Hinila nya ako at ipinulupot nya ang braso nya sa bewang ko.
"Ano? bati na tayo?"
"Nagmamadali?" tanong nya sakin.
"Eiii naiinip ako! :( " nakasimangot na sabi ko sa kanya.
Tumawa sya. "Kahit kelan ka talaga."
"Antagal eii!"
"HAHAHAHA oo na po."
"Bati na tayo?"
"Opo."
"Weh? sigurado?"
"Oo nga po!"
"Di ka na magsusungit?"
"Oo nga! nagsorry ka na ei."
"Eiiii kase naman. sorry talaga."
"Wala na yun, basta next time sabihin mo sakin para hindi ako nag-aalala. okey?"
"Opo! promise ^__^ wag mo lang akong sisigawan over phone nakakabadtrip ei!"
"Sorry. Nag-over react eii."
"Nah. Nag-aalala ka lang kase." ngumiti sya.
"Excuse me? uuwi na tayo." singit ng Labs ni ate Lyn. Inis na tiningnan sya ni carlos
"Tsk. Istorbo." natawa na lang ako.
"Narinig ko." namula ang tenga niya at nilingon ako.
"Sige na umuwi ka na."
"Pero---------"
"Sige na." putol ko sa sasabihin nya.
Bintawan na nya ako saka sya sumimangot.
"Hays" tinawanan ko lang sya.
"Tara na bro." singit ulit ng kuya nya.
"Uwi na daw kame. Pwede bang wag na?" sabi nya.
"Hindi pwede. Sige na uwi ka na, kita na lang tayo bukas ^__^ ingat." tapos hinalikan ko sya sa pisngi saka ako naglakad palayo sa kanya pabalik sa garden.
Ilang oras lang ay pumasok na ako sa loob papapakin ako ng lamok kapag namalagi pa ako sa garden
"Nagpaalam sya sayo?" bungad ni kuya.
Nawala nga pala sya kanina.
"Opo." Sagot ko at umakyat na ako sa taas pumasok ako sa kwarto at natulog na.
--------------
thatgurlscrazy78 sorna poooo😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro