Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5.1: Talk & Her Sister💕

JAMS Pov

So Ayun siguro naman kilala nyo ako noh?
Ako ang pinakagwapo nyang kapatid! ^__^
Walang aangal! ang umangal papaslangin ko!

Anyway kaya ko gustong makausap si carlos dahil may gusto lang akong linawin.
Tutal ibinigay na ni mommy sa kanila ang singsing gusto ko lang siguraduhin na talagang mahal nya ang kapatid ko.
Oo alam ko naman yun na mahal nya ang kapatid ko pero syempre gusto kong masiguro atsaka para manahimik na rin ang ubod ng kulit na kaluluwa ni lyn na ayaw akong tantanan sa kakapaalala na siguraduhin kong hindi na iiyak si Janella.
Don't get me wrong guys hindi pa patay si Lyn buhay na buhay sya pero jusko! daig pa ang kaluluwang hindi matahimik sa sobrang kulit.
Halos araw araw akong ginagambala nun para siguraduhin ko daw.

Syempre bilang kapatid ayaw namin na nasasaktan yung bunso namin. Sino ba namang kapatid ang gustong umiiyak ang kapatid nya di ba? Kaya ito na nga ei.
Atsaka noon pa lang alam ko na sa kanya ibibigay ang singsing na yun.

Sabi sakin ni lola sawi daw ako sa pag-ibig.
Hinulaan nya ako noon sabi nya.
Sa future ko daw maaga akong magpaplano ng kasal pero magkakahiwalay din kame ng babaeng una kong pakakasalan.
Nung tinanong ko kung sa huli ba magiging kame.
Hindi daw.

Lately ko lang narealize na si Maria ang babaeng yun. Yeah tanggap ko na sa dulo hindi magiging kame pero hangga't kasama ko sya at hangga't kaya kong ipaglaban at hangga't kaya ko pangbaguhin ang hinaharap gagawin ko.
Wala ei sya na yung nakikita kong gusto kong makasama sa pagtanda ko.

"Bro ano bang pag-uusapan natin??" Nilingon ko si carlos.

Ang lalakeng toh ta-tahi-tahimik pero may lihim na pagtingin sa kapatid ko at natutuwa ako na kumikilos na sya.

"About janella" seryoso kong sagot

"Bakit anong tungkol sa kanya?"

"May gusto ka sa kanya di ba?"

"Yeah actually noon gusto ko sya--------"

Peste pala toh eh! >__< noon pa pala ang tinatanong ko yung ngayon.

"Noon?? bakit ngayon hindi mo na sya gusto?"

"Hindi na." direktang sabi nya

Masasapak ko talaga toh ng wala sa oras >__<

"Eh! gago ka pala ano yung mga pinapakita mo?? baka naman pinaglalaruan mo lang ang kapatid ko?!" naiinis na ako ah! >__<

"Hindi ko sya pinaglalaruan noon gusto ko sya."

Di na ako nakatiis. Di ko na mapigilan ang sarili ko ei ginagalit nya ako! >__<
Sinapak ko sya pero hindi sya nakailag.

"Ba't ka ba nanununtok?!" inis na tanong nya sakin saka hinawakan ang pisngi nya.

"Bakit ako nanununtok? wala lang trip ko lang." kaasar na toh. --__--

"Pwede ba hindi ko sya pinaglalaruan! noon gusto ko sya--------"

"Isa pa ulitin mo pa yang noon noon mo! sasapakin ulit kita."

"Patapusin mo kase muna ako!" angil nya.

"Ah ganun ba? pasensya naman."

"Ni minsan wala sa isip ko ang paglaruan sya at hindi ko sya pinaglalaruan dahil seryoso ako sa kanya. Noon gusto ko sya pero ngayon hindi na kase ngayon sigurado na ako. Sigurado na akong mahal ko sya."

"Sigurado ka? baka naman hanggang ngayon mahal mo parin si kristel?"

"Sigurado na ako. This time sigurado na ako na si janella na ang mahal ko at hindi na si kristel."

"Baka naman nabibigla ka lang?"

"No. sigurado ako. it's been 2years since we broke up with each other. Sa loob ng 2years na yun nagsimula ako sa wala hanggang sa tinulungan nya ako."

"Baka naman rebound mo lang ang kapatid ko?"

"Hindi, aaminin ko nagsimula ko syang magustuhan nung napalapit ako sa kanya kase tinulungan nya ako pero ng magsimula na akong mahalin sya wala na akong nararamdaman para kay kristel." sabi nya.

Ganun? si sungit nainlove sa amazona slash weird na kapatid ko? Ayieeee peg-ebeg is real!

"Teka matanong kita ano namang nagustuhan mo dun sa kapatid kong amazona??"

"Hmmm? nagustuhan ko sa kanya?? ano nga ba?"

"Wag mong sabihing nainlove ka sakanya pero ni isa sa katangian nya wala kang nagustuhan? aba! bagay nga talaga kayo! parehas wirdo! HAHAHAHA"

HAHAHAHA yun kaseng kapatid kong yun bukod sa may pagka'childish' na minana nya sa mommy namin may pagkawirdo din yun. Jusko suko kami ni Lily sa kawirduhan nun! mga trip nun kainin mga out of this world. Ang mood swings nun kakaiba din. Iba din mag-isip yun Pero wag kayo matalino yun! mabait, makulit nga lang pero para samin sya ang pinakadabest na bunso ^_^

"Hmmm? ang nagustuhan ko sa kanya marami eh. yung pagiging simple,mabait,sweet at mapag-alaga nya isa yun sa mga ugali nyang nagustuhan ko."

"Ayieee."

"Tumigil ka nga para kang bakla." saway nya

"Sus, ewan."

"Pero kung bakit ko sya minahal ang pag-uusapan yun ang hindi ko alam."

"Ay! gago! baliw ka na noh?"

"Wala naman kaseng dahilan kapag minahal mo ang isang tao. Kapag sinabi mong mahal mo ang isang tao, mahal mo sya at di na kailangan ng dahilan kung bakit. Pero kapag may dahilan kung bakit mo sya minahal ibig sabihin hindi mo talaga sya mahal. Kase what if mawala ang dahilan na yun? edi hindi mo na sya mahal? kase wala ka ng dahilan para mahalin sya." mahabang litanya nya.

Iba din! ^__^

"Yan ba ang epekto nya sayo?" kumunot ang noo nya.

"Natututo ka ng dumaldal ah! atsaka marunong ka na ng mga ganyan. HAHAHA"

"Nahawa ei. HAHAHAHA"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
Hindi dahil sa 'nahawa' sya sa kapatid ko.
Kundi dahil TUMAWA sya! T-U-M-A-W-A sya!
Bihira yun! Talagang hindi sya tumatawa kahit nga ngumiti hindi yan marunong ei!
Wala syang ibang alam kundi sumimangot, mandedma at mang-isnob.

"Inlove ka nga! iba din ang tama mo! HAHAHAHA" Ngumiti lang sya.

"Jusko! pre! ikaw ba talaga yan?" tiningnan ko ang relo ko.

"Ilang minuto palang tayong nag-uusap pero nagawa mo ng tumawa, ngumiti at magsalita ng mahaba! at dahil lang yun sa kapatid ko. Anlakas nga ng tama mo!" Tumawa lang sya.

"Teka? kelan mo ba balak umamin?" pag-iiba ko.

"Ewan ko bahala na."

"Ba't kase ayaw mo pangligawan?"

"Para namang ang dali lang manligaw, umamin nga di ko magawa manligaw pa kaya"

"Sus! may pagkatorpe ka rin pala."

"Alangan, sinong di matotorpe sa kapatid mo? di nga ako sigurado kung pagkatapos kong umamin eh buhay pa ako!"

Natawa ako. Ibang klase nga pala ang kapatid ko.
Last time na may nagtangkang manligaw sa kanya.
Ayun yung isa balibali ang buto.
Tapos yung gagong rocky na yun? muntik kaya syang mapatay ng kapatid ko. HAHAHAHA

"Goodluck sayo! HAHAHA yung last na nagtangkang manligaw dyan muntik muntikan mamatay HAHAHA kaya nga puro paramdam lang yung mga nagkakagusto sa kanya ei! HAHAHA"

"I told you! iba sya."

"HAHAHA pero ito ah? may tatlong paraan para malaman mo kung mahal ka na rin nya."

"Ano?"

"Una kapag nagseselos na sya.
Kapag sinasabi nyang ayos lang kabaliktaran yun!
Maniwala ka! minsan ang hindi nun oo!
kapag hindi sya kumikibo pero nagagalit o naiinis sya sayo. Swear sign na yun! HAHAHA!"

"Yung pangalawa?" tanong nya

"Yung Pangalawa kapag iniyakan ka nya. Opps wag mo syang paiiyakin ah! yun bang hindi mo naman sinasadya, yung iiyak sya kase nasasaktan sya emotionally. kapag yun ang napakita nya swear mahal ka na nya! HAHAHA"

"Hindi ko masasabing hindi sya iiyak pero gagawin ko ang makakaya ko na hindi sya masaktan teka! ano yung pangatlo?" tanong nya ulit.

"Yung Pangatlo kapag hindi ka nya nabugbog kapag umamin ka. HAHAHA pero pag hindi ka nya nabugbog swear nagpipigil lang sya kase ayaw ka nyang masaktan o saktan HAHAHAHA. pero seryoso kapag narinig mo ang I Love You nya at ang I Miss You nya swear magbunyi ka na! kase never pa nyang sinabi yun sa kahit na sinong lalake. Ang marunong lang sya yung I Love You Too at I Miss You Too pero hindi mo sya maririnig na sya ang mauunang magsabi puro lang sya segunda pero kapag sya na ang nauna mag I Love You at I Miss You. Ibig sabihin nun mahal ka na nya."

"Noted!"

"Pero carl alam mo na bang may iba syang mahal?"

"Oo bro. Isa pa yan kung manliligaw ako tapos sagutin nya ako parang magiging rebound lang ako panakip butas kase ako nga ang kasama nya pero iba naman ang hinahanap nya, ako nga ang laman ng isip nya pero iba naman ang laman ng puso nya Di ba wala rin? mas matimbang ang nilalaman ng puso kesa sa idinidikta ng isip hays ang hirap magmahal ng taong hindi Ka mahal." sabi nya.

"Tama! i salute you man! swerte pala ako kase wala ako sa sitwasyon nyo."

"Hey guys can i ask something?"

Sabay kameng napalingon sa nagsalita.
Imbis na kaba ang mararamdaman namin lalo na ni carlos. Ayan sya titig na titig sa kapatid ko.
#nganga HAHAHA

Si JANELLA para syang dyosang anghel na bumaba sa langit sa sobrang ganda nya.

nakashort sya ng puti at nakablouse na pink tapos nakamake-up pa. Bagay na bagay sa kanya kase maputi sya.

Jusko! sobra pa sa sobra ang ganda nya.
Dinaig nya lahat ng dyosa sa sobrang ganda.

Di ko masisisi itong katabi ko kung tumutulo na ang laway nya. Ang ganda ng misis nya ei.
Naman maganda ang lahi namin ei! BWAHAHAHA

"Ano? okey lang ba ang itsura ko?" naiilang na tanong nya.

"Oo maganda napagtripan ka na naman ni mommy ginawa kang barbie. HAHAHA" sagot ko.

"Ano yung pinag-uusapan nyo kanina? mukhang seryoso kayo ah?"

"Ah...ei...wala yun."

Tinapik ko sa balikat si carlos. "Carl laway mo punasan mo. Tumutulo na oh!" pang-aasar ko.

Di na kase sya nakaimik ei.
Talagang tinitigan na lang nya ang kapatid ko.

"Pano? una nako sa loob." sabi ko saka nilampasan silang dalwa.

Kung narinig man nya, mas ayos para naman di na mahirapan umamin itong si sungit.

JANELLA'S POV

Hays --__-- si mommy talaga pinasuot ako ng ganito kitang hindi ako sanay eh! >__<

"Carlos tara na?" tiningnan ko si carlos.

Anyare? Ba't tulala sya?

"Uy! napano ka?" niyugyog ko sya.

"Huh?" absent-minded na sabi nya.

"Napano ka?"

"Wala."

"Eii. Bakit tulala ka?"

"Ang ganda mo kase-----awww!" kurutin ko nga.
Alien mode na naman sya ei!

"Tara na nga!" Tapos hinila ko na sya papunta sa garahe.

Pagdating sa tapat ng kotse pinagbuksan nya ako ng pinto. Pumasok na ako sa loob pero nakatayo pa din sya sa may pinto.

"Oh? bakit nakatayo ka lang dyan? baka gusto mong pumasok na dito at magdrive ng makaalis na tayo noh?!" angil ko.

"Ah.....eii...Bhe yung kamay ko?"

"Huh? anong gagawin ko sa kamay mo?!"

Asar! aanhin ko ang kamay nya ei may kamay akong sarili!

"Hawak mo kase." Nakangiting sabi nya. Tiningnan ko ang kamay ko.

Jusme! Hawak ko nga mga bes!
Pahiya 101 HUHUHU
Nakakahiya!

Binitawan ko agad ang kamay nya. Tumawa lang sya saka umikot sa kabilang side. Hinila ko yung pinto.

Pagpasok nya inistart na nya ang kotse saka nagsimulang magmaneho tapos hinawakan nya ang kamay ko pero binawi ko yun sa kanya.

Ako talaga ang humawak?
Jusme! Nakakaloka! Ibig sabihin nung hinila ko sya kanina yung kamay nya ang nahawakan ko?
HALAAAAA! nakakahiya!
Ibig sabihin kanina ko pa hawak ang kamay nya?
Naku Janella! okey na sana ei! maganda ka na! mukha ka lang tanga!
Napapikit na lang ako. Kahihiyan 101

"Bhe? san tayo pupunta?"

"Sa flower shop!" sabi ko ng hindi lumilingon.

Hinawakan nya ulit ang kamay ko pero hinila ko ulit.
Hindi ko sya tinitingnan kase jusme! NAHIHIYA AKO! nakakahiya yung ginawa ko. Baka isipin nya tsansing ako!

"Bhe."

"Bakit ba?!" angil ko.

Tumawa sya. Inis na nilingon ko sya.

"Bhe wag mo ng isipin yun."

"Bakit? Sino bang may sabing iniisip ko yun?!" gusto ko na talagang maglaho sa kinauupuan ko.

"Halata ka ei!" di ako kumibo.

Bakit ba naman kase tatanga-tanga ako?

"Okey lang sakin." Nilingon ko sya nakangiti sya.

Hinawakan nya ulit ang kamay ko, nang subukan kong hilahin hindi ko mahila. Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Wag mo ng subukan pa." sabi nya.

Maya maya nakarating na kame sa shop ni ate lyn
Agad syang lumabas pagkapark nya ng kotse
Saktong bubuksan ko na ang pinto ng bigla syang lumapit.

"Awww."

"Halaaa? sorry di ko naman alam na andyan ka pala! sorry na! uy!" sinilip ko sya.

Nakayuko na kase sya namilipit sa sakit, sa tyan ko ata natamaan.

"Uy! ayos ka lang ba? gusto mo dalhin na kita sa ospital?" di nya ako pinapansin.

"Sorry na!" tapos hinawakan ko sya sa tagiliran.

"Awww!"

"Halaaa! sorry talaga! di ko sinasadya!" Tiningnan nya ako saka sya tumayo ng tuwid.

"Ayos ka na? di na masakit tyan mo? sorry talaga! di ko sinasadya! ano sorr------"

Di ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng walang babalang hinila nya ako at hinalikan.
Saglit lang yun tapos bumitaw din sya.

Nginitian nya ako. "Quits na tayo ^_^ "

"Tsansing ka!" hinampas ko sya sa tyan. "Awwww!"

"Buti nga sayo!" angil ko saka ko sya tinalikuran at pumasok na ako sa shop

"Oh. Goodmorning Ma'am and Sir." sabi ng cashier ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Goodmorning din ate lyn." bati ko.

Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako.
Nakatitig lang sya sa akin na parang prinoproseso nya kung sino ang nasa harap nya.

Si Ate Lyn o Lyniene Marie Santiago, kapatid ko din sya. She's older than kuya Jams. 20years old na sya and still single. ^__^ may iniintay daw sya ei.
Anyways hindi talaga namin sya kapatid by blood kase inampon lang sya ni mommy pero para samin kapatid namin sya ^__^
10years ago ng ampunin sya ni mommy si ate lyn ay anak ng maid namin, siya ay panganay na anak ng maid namin noon sa kasawiang palad namatay ang maid pati ang baby na dinadala nito dahil sa aksidente kaya naiwan sya sa pangangalaga namin at ngayon sya na ang tagapagmana ng mga flower shops ni mommy mahilig kase si ate lyn sa mga bulaklak kaya sa kanya ipinamana.

Pagdating ng panahon tatlo kameng tagapagmana ng mga naipundar nila mommy at daddy

Ako,si kuya at si ate lyn

Walang kaso sa amin ni kuya kung pamanahan sya dahil tinuring na namin syang kapatid kase parte na din sya ng pamilya namin
mabait si ate lyn close nga kame nyan eh.

"Oh? sis napadalaw ka?" tanong ni ate lyn na natauhan na ata.

"Ate try mo kayang umuwi sa bahay noh? di nung nandun ka sa condo mo."

"Oo na po tapusin ko lang toh. Teka boyfriend mo?"

"Hello, I am Carlos Montes, I am not her boyfriend, I'm her husband." pakilala ni carlos

"WHAT!? kelan pa?!" panic nya.

"Hoy ate! over ka makasigaw."

"Eh, kase naman eh! nauna ka pa sa akin."

"Tangek! di naman totoo yun remember this?" Ipinakita ko sa kanya yung singsing.

"Ah, okey pasensya na. So dahil pala dyan may connect na kayo."

Alam nya rin kase ang tungkol sa singsing

"Sis paheram nyang singsing, ibibigay ko kay labs para may connect na kame."

"Maka-labs ka para kang timang di pa nga kayo, pantasya mo."

"Naman labs ko yun. ^__^ "

"Teka, labs? sino yun?" singit ni carlos

"Si Carlios montes. Ang labs nya" sagot ko.

"Ah. Si kuya lang pala" baliwalang sabi ni carlos

Magkapatid sila? halata naman eh.
Carlos & Carlios

"Kapatid mo pala sya." sabi ni ate.

"Gusto mo ipakilala kita kay kuya?" tanong ni carlos

"Sige daliii" excited na sabi ni ate.

"Wait," sabi ni carlos
Lumabas sya ng shop at may tinawagan

"Ate may red roses ka dyan?" tanong ko

"Ay wala pa sis next week pa ang deliver"

"Ah, Pa-reserve ako ng 15 bouquet na red roses."

"Okey."

Maya-maya bumalik na si carlos

"Ansabe ng kuya mo?" tanong ko.

"Payag sya, sa sabado daw sama kameng pupunta sa bahay nyo." sagot ni carlos

"Ayieee ang ate ko magkakalovelife na." baling ko kay ate.

"Sana." sabi ni ate saka nangalumbaba

"Sus, don't worry pagagandahin ka ni fairy godmother." sabi ko.

"Ayaw baka gawin nya akong barbie katulad mo. " ngumiwi sya.

"Wag ka nang umangal maganda naman maging barbie ei!"

"Sabagay."

"Bilisan mo na dyan." sabi ko.

"Opo. Ito na." sagot nya

*After 30mins*

"Grace ikaw na muna bahala dito." bilin ni ate

"Okey po ma'am" sagot ni grace

"Let's go." aya ni ate.

"Okey" sabi ko.

Tapos naglakad na kame papunta sa kotse.
Dumiretso ako sa backseat kaso hinila ako ni carlos papunta sa passenger seat.

"Sinong nagsabing dun ka?" binuksan nya ang pinto, napasimagot na lang ako.

Pumasok ako sa loob, umikot naman sya sa kabilang side at naupo sa driver seat at nagmaneho.

"Sis." nilingon ko si ate lyn na nakaupo sa likod.

"Po?"

"Tingin mo bakit sayo ibinigay ni mommy yung singsing?" tanong

"Donno, ayoko ring maniwala sa kwento ni grandma kung papano pumili ng pamamanahan."

"Bakit ayaw mo? ei mukhang tama naman si granny, yun din siguro ang pinagbasehan ni mommy."

"Ayokong umasa."

"Pero malay mo totoo talaga kase isipin mo tumugma yung sabi ni granny."

"Pero nagtataka ako kung bakit hindi si kuya."

"Kase nga totoo yung hula ni granny."

"Sana hindi."

"Bakit naman?"

"Ei kase pagnagkataon kawawa naman si kuya."

"Wala tayong magagawa kung yun yung future nila, sila lang ang makakapagbago nun."

"Sana mabago pa."

"Sana." parehas kameng napabuntong hininga.

"May balat ata sa pwet yung panget na yun ei!" buska ni ate.

"Meron nga!"

"Sabi na ei! deny pa sya HAHAHA"

Natahimik na lang ako.
Sana hindi totoo yun kase kung totoo kawawa naman si kuya.

"Ayos ka lang?" nilingon ko si carlos.

"Wag kang masyadong mag-isip mababago pa yun." sabi nya saka hinawakan ang kamay ko --__--

"Tsansing ka na naman ei!" angil ko sa kanya.
Tinawanan nya lang ako.
after some minutes nakauwi na kame.

"Mom! andito na po si ate." tawag ko kay momny
lumabas si mommy mula sa kusina

"Oh? anak buti naisipan mong umuwi?" bungad ni mommy

"Pinilit ako ni janella eh, pasensya na po ngayon lang ako umuwi." sabi ni ate

"Okey lang, buti napilit ka ni janella."

"Naku mom! yung totoo di ko pinilit yan kusang sumama yan kase pupunta dito yung labs nya." singit ko.

"Ayieee! sya parin ba anak?" Intrigang tanong ni mommy

Alam kase ni mommy na labs ni ate si carlios.

"Yes mom the one and only-----"

"Mom the one and only Carlios Montes labs nya. HAHAHA" tumatawang agaw ko sa sasabihin ni ate lyn.

"Ayieee" pang-aasar ni mommy

"Sir carlos may naghahanap po sayo." biglang sumulpot si Yaya

Napatingin kame sa kanya tapos maya maya may pumasok na lalaki halos kamukhang kamukha sya ni Carlos pero older version.

"Bro."

"Oh? bro bakit nandito ka?" Tanong ni carlos

"Wala na inip ako sa bahay Eh." sya siguro si Carlios

"Hello " Bati nya kay ate

Oo! si ate talaga ang binati nya.

"Hello po." baling din nya kay mommy na ngumiti lang sa kanya.

Nilingon ko si ate and tadah sya ay namumula. Si mommy naman pabalik na sa kusina.

"Mommy!!!" tawag ko

"Bakit nak?" nilingon ako ni mommy

"Yung kamatis mo po naiwan." sabi ko sabay turo kay ate para na kase syang kamatis sa pula ng mukha.

"HAHAHA Inlove kase yang kamatis na yan kaya namumula binati kase nang labs nya." sabi ni mommy

"Ayieeeee si ate..." pang-aasar ko saka ako lumakad papuntang kusina.

"Maiwan muna namin ang kamatis at ang Mr. Labs nya. Bye." sabi ko saka ko hinila si carlos

Nasa kusina na kame at nakatingin kanila ate. Aba! mukhang magkakilala naman pala sila ei ^__^

"Akala ko sa sabado pa?" baling ko kay carlos na nasa tabi ko.

"Well mukhang naeexcite si kuya." kibit-balikat na sagot nya.

"May gusto din sya kay ate?"

"Donno." sagot nya

"Buti na lang di uso sa akin ang maging kamatis sa pula kung hindi katulad na ako ni ate." sabi ko.

Tapos pinagmasdan lang namin sila.

LYN'S POV

Hello guys ^__^

Kyaaaahhhh!!! *^__^* kaharap at kausap ko ngayon si labs. Parang panaginip pero totoo naman.

Di ko expected toh, mamaya talaga ililibre ko ng ice cream ang sister ko ^__^ thanks to her and her husband kausap ko ngayon si labs ^__^

"Tss. Upo ka muna." Seryosong sabi ko.

Woooh! Kaya ko toh!

"Salamat." Sabi nya.

Napakamot na lang ako sa tenga ko habang nakatayo pa din. Di ko alam gagawin ko.

"Excuse me may kukunin lang ako." Paalam ko saka pumunta sa kusina kaso napahinto din ako agad kase parang ang sama naman kung iiwanan ko sya ng ganun.
Humarap ako sa gawi nya.

"I forgot to ask. What do you want? Juice or Coffee?" Tanong ko.

"Coffee." Sagot nya.

Ikinumpas ko ang daliri ko sa hangin.

"Okey." Sabi ko saka tuluyang pumunta sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina sinalubong agad ako nila Mommy.

"Oh? Bakit iniwanan mo si labs mo doon?" Tanong nila.

"Coffee! Kailangan kong magtimpla ng kape!" Natatarantang sabi ko.

Tinawanan nila ako.

Gumawa ako ng dalawang kape at inilapag sa mesa.

"Omyghad! Lasahan nyo nga! Huhuhu."

Humigop sa mug si Momny ganun din si Janella.

"Ano? Ayos lang ba? Huhuhu ano lasa?"

Ngumisi sila ng sabay.

"Wag nyo kong pakabahin! Ano nga?"

"Ate ansarap kaya!" Sabi ni Janella

"Oo nga!" Segunda ni Mommy.

Napatili ako dahil sa sinabi nila. Nagtatatalon ako saka niyakap sila ^______^

"Oh sya dalhin mo na yan doon." Itinulak nila ako palabas ng kusina.

"Huhuhu saglit lang! Wag nyo ko itulak!"

Binitawan na nila ako. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko saka naglakad palapit sa kanya.

"Here's your Coffee." Sabi ko.

Tumayo naman sya bigla. Ayaw nya bang umupo? Bakit palagi syang natayo?

"Seat down." Sabi ko

Kawawa naman kase sya pagnanatili syang nakatayo baka mangalay sya.

Kinuha nya yung mug na inilapag ko saka uminom ng kape habang nakatingin sa akin.

Kyaaaaaahhhh nakatingin sya sa akiiiin! *^__^*

"Stop staring. It's rude you know?"

"Sorry." Sabi nya saka inilapag sa lamesita ang mug.

Tumitig sya doon.

"Hmm Lyn." Teka? kilala nya ako?

"Kilala mo ako?" tanong ko.

"Oo." sagot nya.
yieee ako na kinikilig ^__^

"Pano mo nalaman ang name ko?"

#curious ako eh

"Simple, I hired a Private Investigator to know you."

para akong hihimatayin sa sinabi nya.

"Bakit naman?"

"Because........."

"Janella!!!" biglang tawag ko kay bunso

"Why ate?" sumulpot sya bigla

"Penge tubig parang hihimatayin ako sa init." sabi ko

"Okey. ^_^ sus! init ba talaga or hihimatayin ka sa kilig?" pang-aasar niya

"Oo na! basta ikuha mo na ako ng tubig."

"Opo Ms.Kamatis. HAHAHA"

Maya-maya bumalik na si janella na may dalang tubig at juice ininom ko yung tubig at nagpunas ng noo, pinagpapawisan ako kahit na naka-aircon ang buong mansion.
Matapos kong gawin yun, bumaling ako sa kanya

"Because??" tanong ko.

"Hmm. Pano ba toh?" sabi nya sabay kamot sa batok

"Walang bato dito sa garden meron."

"Hehehe. Because I--I love you." sabi nya

oh my gosh he love me? O_O
okey! I love you more ^__^

"Okey. I Love You More." sabi ko

Bahala na si batman at si superman ^__^

20years old na ako siguro naman tamang magkaron na ako ng boyfriend diba?

Teka? boyfriend agad? di pa nga sya nanliligaw.

"Pwede ba kitang ligawan lyn?" tanong nya.

Ano na? anong isasagot ko? yes or no, oo o hindi?

"Oo?"

"Huh?"

Pinaningkitan ko sya ng mata.

"I said Yes."

Natahimik sya bigla tapos maya-maya bigla syang sumigaw.

"Yes!"

"Late reaction."

Napakamot sya sa batok saka ngumiti. Natawa na lang ako.

Maya-maya lumapit sila daddy.

"Hello dad." bati ko

"Oh? nak kamusta life at lovelife?" tanong ni dad

"Life? ayun umuunlad naman po, lovelife? ito inlove." sagot ko.

"Ayieee." pang-aasar ni dad

"HAHAHA parehas kayo ni mom ganyan din ang sinabi nya sa akin eh."

"HAHAHA" Tawa ni dad

Pero okey lang inlove ako eh..... ^__^

"Ah iha? pwedeng pahiram muna ng anak ko may pag-uusapan lang kame." singit ni Tito

"Ah okey po."

Teka? pahiram? laruan ba si carlios para hiramin?

bahala nga sila mapuntahan nga muna si janella ^__^

Pumunta ako sa kusina at nagtatatalon.

"Kyaaaaaahhhh!"

"Hoy! Napano ka?" Tanong ni Janella.

"Omyghad! Mommy! Liligawan nya akoooo! I kennat! Kyaaaaaahhhh!"

"Oh kalma! Liligawan ka pa lang di pa ikakasal!"

"Kahit na! Kyaaaaaaahhh! Kinikilig akooo!"

Sabay silang natawa at niyakap ako.

"Congrats may lovelife ka na!"

"Ayieeee."

Natawa na lang ako at yumakap din sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro