Chapter 49: Torn between
Janella Salvador Pov
"Sorry sorry."
"Ate?"
"S-Sila Aldrine, nawawala s-sila s-sorry!"
"A-ano?"
"Nawawala sila."
Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabi ni ate. Halos matulala na ako sa kakaisip kung bakit nawala ang mga bata. Hindi ko lubos maisip kung pano nangyare iyon samantalang ibinilin ko iyon sa kanya.
Mula California nagmamadali akong bumalik sa pilipinas halos madaliin ko na nga si Carlos para lang makauwi kame pero at the end ako lang ang uuwi dahil nagpaiwan sya sabi nya may kailangan pa syang asikasuhin in line with his business gusto ko mang magdamdam wala akong panahon, ni hindi ko na naisip na awayin sya dahil pababayaan nya akong umuwi knowing na may problema ako pero hinayaan ko na lang dahil wala talaga doon ang focus ko ngayon ang nasa isip ko ay ang kagustuhang makauwi agad upang mahanap ang dalawang bata.
Parang gusto ko ng hilahin ang oras para lamang bumilis habang nasa himpapawid ako sakay ng eroplano, parang gusto ko ng pabilisin ang sitwasyon para lang makarating sa pilipinas.
Ilang oras din ang inabot ko bago ako tuluyang makarating, pagkababa na pagkababa ko mula sa eroplano ay wala na akong sinayang na oras, nagmamadali kong tinungo ang labas ng airport at pumara ng taxi saka nagpahatid sa bahay. Kung ano ano ng senaryo ang pumapasok sa isipan ko at halos lahat ng iyon ay hindi maganda siguro'y bunga na rin iyon ng pag-aalala ko para sa dalawang bata.
Nang makarating ako sa bahay sinalubong agad ako ng yakap ni Ate habang umiiyak sya.
"Sorry! Sorry! Kasalanan ko toh sorry! Kung di ko sila iniwanan saglit edi sana di sila---------" I cut her off and embrace her tightly.
"Hush, It's okay wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyare." Sabi ko.
Ayoko sa lahat yung sinisisi nya ang sarili nya dahil ayokong nalulungkot sya at kinakain ng guilt.
Nang bumitaw sya lumapit agad ako sa mga police officer para makipag-usap.
"Sir ano na hong balita sa mga anak ko?" Tanong ko agad.
Tiningnan nila ako bago umiling ang isang lalake.
"Hindi parin ho namin nahahanap misis. Sobrang polido ng pagkakagawa ng plano ngunit tinitingnan namin ang posibilidad na baka kinidnapp sila parehas."
"K-Kidnapp?"
"Opo. Kaya't naisip namin na kung kidnapping ito ay posibleng tatawag ang kumuha sa mga bata at hihingi ng pera kapalit ng mga bata kaya narito pa ho kame."
Hindi ako nakaimik. Pinoproseso ng isip ko kung ano ang mga narinig ko. Natatakot ako sa posibilidad na baka nga tama sila na baka nga kidnapping ito. Mas lalo akong nag-aalala sa isiping kinidnap sila dahil posible ring saktan sila ng mga iyon, iniisip ko pa lang nasasaktan na ako.
Halos isang buong araw kameng naghintay ngunit ng sumapit ang gabi ay nagpasya ng umuwi ang mga police officer dahil wala kameng napala sa buong araw na paghihintay. Sabi nila kontakin na lang daw namin agad sila kapag may na-receive kameng tawag lalo na kung unregistered number daw dahil posibleng gumamit ng ganoong number ang kumuha sa mga bata.
Hating gabi na at tulog na silang lahat ngunit hindi ko magawang makatulog. Napakarami kong iniisip at wala man isa doon ang pagpapahinga. Kahit naman kase subukan kong matulog ay hindi ko magawa pipikit pa lang ako ay hindi na mahinto ang utak ko kakaisip ng mga bagay bagay. Nag-o-overthink lang ako sa kakaisip.
Pagbaba ko sa sala dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Matapos isalin ang tubig sa baso ay biglang tumunog ang cellphone ko. Inilapag ko ang baso sa kalapit kong mesa at tiningnan kung bakit tumunog, napakunot na lang ang noo ko ng makitang tumatawag ang daddy ko. Labag man sa loob ko na sagutin dahil ayokong makipagtalo ay sinagot ko na rin.
"Janella." Banggit nya sa pangalan ko pero hindi ako sumagot.
Nang mapansin nyang wala akong balak na magsalita ay saka lang sya nagsalita ulit.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa alam ko namang hindi mo ako gustong makausap. Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi nyo na kailangang ipahanap pa ang mga bata dahil nasa akin sila."
"Ibalik mo sa akin ang mga bata." Madiing sabi ko.
"No my dear. I'm not going to do that unless pumayag ka sa ipapagawa ko sayo."
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo huwag mong idamay ang mga bata labas sila sa kung ano mang gulo ng pamilyang ito."
"Well wala kang magagawa dahil gusto ko silang idamay wait actually you have your choice. Either you'll going to cut all your connections with carlos or hindi mo na makikita ang mga bata-----wait again." Tumawa sya bigla. "Mas maganda siguro kung Either makikipaghiwalay ka kay carlos or papatayin ko ang mga bata. It's better that way right? Choose wisely my dear cause you have only two days to decide for it." Sabi nya bago naputol ang linya.
Natulala ako bigla ng dahil sa narinig ko. Hawak nya ang mga bata at pinapipili nya ako.
Either makikipaghiwalay ka kay carlos or papatayin ko ang mga bata
Alin man ang piliin ko may kailangan parin akong isakripisyo, tang-ina lang napakatuso halatang sinigurado nya na magigipit ako to the point na kailangan kong isuko ang isa.
Ipangako mo sakin na kahit anong mangyare hindi mo pababayaan ang baby ko. Mangako ka sakin na hindi mo sya pababayaan ano man ang mangyare.
Naupo ako sa silya saka napatitig sa kawalan. Hindi ko na alam gulong gulo na ako hindi ko alam kung ano na bang dapat kong gawin. Kapag pinili ko ang mga bata masasaktan si Carlos, kapag naman pinili ko si Carlos mamamatay ang mga bata. Ang hirap! Pakiramdam ko hindi ko kayang mamili, hindi ko kayang i give up sila parehas.
Matagal bago ako nakahuma sa pagkakatitig ko sa kawalan at napabuntong hininga na lamang ako bago saglit na sumubsob sa lamesa.
"Tang-ina, tang-ina, tang-ina!" Paulit-ulit na mura ko habang ginugulo ang buhok ko.
Litong lito na ako sa kung ano ang dapat kong gawin ni hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin para sa sitwasyong ito.
Muli akong napabuntong hininga saka inisang inom ang laman ng baso bago ako bumalik sa kwarto ko pero walang nangyare umabot ang umaga ng nakatitig lang ako sa kisame at paulit-ulit na nag-iisip ng paraan para maisalba ng parehas ang dalawang mahalaga sa buhay ko ngunit kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay walang plano akong naiisip para bang naubusan ako ng utak at hindi na gumagana iyon para mag-isip.
"Janella dumating si Carlos." Rinig kong sabi nila pero nanatili akong nakahiga sa kama ko.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may pumasok.
"Misis blahblahblah."
Wala ako sa sarili para pakinggan ang mga sinasabi nya ni hindi ko nga maintindihan kung ano bang sinasabi nya.
"Janella nasa ibaba ang mga pulis." Sabi ni ate ng makapasok sa kwarto.
"Paalisin mo na sila hindi ko na sila kailangan."
Tumalikod ako sa gawi ng pinto kung saan naroon si ate at carlos.
"Pero hindi pa nahahanap------"
"Hindi ko na sila kailangan salamat kamo." Sabi ko saka ipinikit ang mga mata ko pero kahit pa ipikit ko ay hindi parin ako makatulog.
Naiiyak na ko dahil hindi ko magawan ng solusyon ang pesteng problema kong ito. Naiiyak ako dahil hindi ko magawang maayos ang problema ko samantalang kayang kaya kong solusyunan ang problema ng ibang tao.
Nang hindi pa din ako makatulog ay bumangon ako saka lutang na naglakad palabas ng kwarto saka ako dumiretso sa kusina at kagaya ng ginawa ko kagabi ay nagsalin ulit ako ng tubig sa baso saka tumitig sa kawalan. Ganoon ko ginugol ang isang buong araw ko hanggang sa sumapit ang gabi at napuno ako sa pangungulit ni Carlos.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya ng sa pang-ilang beses——na halos di ko na nga mabilang——na pangungulit nya simula ng dumating sya.
"Pwede ba tantanan mo ko?! Utang na loob hindi ka nakakatulong kaya pwede ba manahimik ka?! Hindi ako makapag-isip ng maayos ng dahil sayo! Nasa bingit ng kamatayan ang mga bata na kahit anong oras ay maaari silang mawala ng dahil lang sa maling desisyon kaya pwede ba?! Kahit ngayon lang manahimik ka!" Bulyaw ko sa kanya sa sobrang puno ko.
Tiningnan nya lang ako saka sya nag-walk-out pero kahit yun ay hindi ko ininda, sinundan ko lang sya ng tingin saglit bago ako bumalik sa pagtulala sa kawalan.
Kinaumagahan napabangon ako ng maalala ko ang problema ko, nakatulog pala ko saglit sa kakaisip. Bumalik ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame.
Nasan na kaya si carlos?
Simula kase ng magwalk-out sya kagabi hindi ko na sya nakita ulit hanggang sa sumapit ang madaling araw ay walang carlos na nagpakita sa akin.
Napatingin ako sa sliding door na natatakpan ng kurtina simisilay na doon ang liwanag paniguradong umaga na. Inabot ko ang switch ng lampshade para patayin iyon ng may masanggi ang kamay ko. Bumangon ako para tingnan kung ano iyon pero napatigil ako ng makita ang papel na nakatupi kasama ng bracelet at singsing na kagaya ng meron ako.
Nagdadalawang isip man at natatakot sa kung ano ang laman ng papel ay kinuha ko na din. Napapikit na lang ako ng matapos kong mabasa ang laman ng papel.
Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong saka isinubsob ang mukha sa unan, nagsisimula ng tumulo ang luha ko. Tang-inang buhay toh wala na bang katapusan ang sakit na nararamdaman ko? Palagi na lang ganito. Sawang sawa na ko.
"Janella, gising ka na ba?" Rinig kong sabi mula sa labas ng kwarto ko kasabay ng pagkatok sa pinto.
Hindi ako umimik hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Janella----teka ba't inaalis mo yan?!"
"Wala na rin namang saysay toh ei."
"Anong------"
"Iniwan na nya ko."
"What the fvck! Anong sinasabi mo?"
Nagmamadaling lumapit sya sakin, ibinigay ko sa kanya yung papel saka ako tumayo at inilagay sa drawer yung singsing at bracelet.
"Paki-tapon na lang yan pag-tapos ka na ate." Sabi ko saka naglakad palabas ng kwarto.
Habang naglalakad dinial ko ang number ni daddy.
Itinapat ko sa tenga ko ang cellphone ng sagutin nya.
"I already have a decision. I choose the first one."
"So you broke up with him huh?"
"Obviously. Send me the address I'll be there in a bit." Sabi ko saka pinatay ang tawag at dumiretso palabas ng bahay saka pumara ng taxi.
Napasaltak ako.
Hindi ko na pala kelangan mahirapang mamili sya na mismo ang nagdesisyon without even thinking kung masasaktan ba ko o hindi sa desisyon nya. How selfish.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro