Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45: Burried

Jam Pov

May mga bagay at pangyayare talaga sa buhay natin na minsan hindi natin akalaing mangyayare, may mga pagkakataong ni sa panaginip hindi natin naisip na pwede palang mangyare sa atin. May mga bagay naman na alam nating mangyayare pero hindi natin magawang paghandaang maigi o kahit iwasan man lang.

Isa na rito ang kamatayan.

Kahit sino sa atin hinding hindi magagawang alamin kung kelan ang specific date ng kamatayan natin. Oo nakakapagbigay ng taning ang doktor sa mga pasyente nya pero hindi sya sigurado kung yun bang binigay nyang taning ay may mismong araw na like sasabihin ng doktor sa pasyente na 'mamamatay ka sa mismong ika-labing-walo ng hulyo' walang ganun. Kahit ang furtune teller hindi nila kayang sabihin kung kelan ang specific date ng kamatayan ng isang tao. Maaari nilang sabihin kung ngayong taon o sa susunod na buwan pero yung mismong araw at oras? Hindi din nila nagagawa.

Tanging ang diyos lang ang nakakaalam, tanging sya lang ang may alam kung kelan tayo mabubura sa mundong ibabaw at kung sa paanong paraan tayo mawawala dahil sya ang sumusulat ng kwento ng sarili nating buhay. Sya ang kumokontrol sa lahat ng bagay na pwedeng mangyare batay na din sa pipiliin nating daan at desisyon sa buhay.

Kaya nga nauso yung katagang 'kapag oras mo na oras mo na' dahil hindi natin alam kung kelan ang oras natin, hindi natin pwedeng pigilin, maaaring patagalin base sa pipiliin nating daan at desisyon pero sino ba namang nakakaalam na matapos mong gawin ang isang bagay ay mamamatay ka na? Wala hindi ba? Pero hinding hindi natin mababago ang katotohanang matapos ang lahat ng ito, sa hinaba-haba ng pinagdaanan mo sa buhay mawawala ka rin naman sa mundo.

At the end of the day wala kang ibang magagawa kundi ipaubaya lahat sa diyos, wala kang ibang choice kundi hayaan syang kontrolin ang mangyayare sayo, oo nasa mga desisyon natin ang tadhana natin at nasa mga plano sa buhay natin ang mag-l-lead satin sa daang tatahakin natin pero sa lahat ng ito isa lang ang sigurado.

Lahat tayo ang dulo ay kamatayan, hiram lang ang buhay natin na dapat nating pagkaingatan dahil ano mang oras maaari itong bawiin ng diyos. Swerte mo kung mabigyan ka ng pangalawang pagkakataon kaya mas lalong pagkaingatan mo ang buhay mo dahil isa ang buhay sa pinakamaganda at pinakamahalagang bagay na ibinigay ng diyos sa atin.

Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang mga salitang binitawan ng pari ng ito ay mag-misa. Paulit-ulit din akong napapaisip ng dahil sa mga yun. Masyado itong tumatak sa utak ko at mukhang matatagalan pa bago malimutan.

"Condolence bro."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sila Andrei. Tumango lang ako at hindi nagpasalamat dahil ayon na nga sa pamahiin hindi pwedeng magpasalamat ang may patay sa tuwing sasabihan ng ganoon.

Naupo sila sa tabi ko at tahimik na nagmasid sa paligid.

Nakakabinging katahimikan ang maririnig mo sa apat na sulok ng silid. Lahat ay tahimik na nakaupo lamang habang nakatingin sa harapan kung saan nakalagak ang cuffin ni Ate Melissa. Huling lamay na at bukas ay ililibing na sya.

"Bakit narito kayong lahat? Sinong nagbabantay kay Janella?" Tanong ni Lyn ng makalapit.

"Nandoon ang asawa nya." Sagot ni Kris.

Naupo sa tabi ko si Lyn saka humilig sa balikat ko.

"Kelan mo sya pupuntahan?" Tanong nya.

Hindi ako umimik.

Simula ng araw na bumuti ang kalagayan nya hindi pa ako dumadalaw. Ayoko lang ng gulo, ayokong kumulo ulit ang dugo ko kapag nakita ko si Carlos.

Napabuntong hininga si Lyn saka sumiksik lalo sa akin.

"Jam hinahanap ka nya."

Nilingon ko sya at nakita kong nakatingin sya sakin.

"Paalisin nyo, pupunta ako." Sabi ko saka ibinalik ang tingin sa harapan.

Tumuwid sya ng upo saka bumaling kanila Kennedy.

----------------------------

"Ayos na bro." Rinig kong sabi ni George.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka lumabas at dumiretso sa sasakyan. Tahimik lang akong nagmaneho papunta sa ospital. Pagdating doon dumiretso ako sa silid kung saan sya naka-confine.

Pagbukas ko ng pinto nakita kong tulog sya.
Tahimik akong naglakad papasok at naupo sa gilid ng kama nya. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya. Inayos ko ang kumot nya saka tumayo akmang maglalakad na ako ng may humawak sa braso ko agad akong lumingon.

"Kuya."

Inalalayan ko syang makaupo tapos naupo ako sa gilid nya.

"Galit ka pa ba?"

Hindi ako nakakibo at napatitig lang ako sa kanya.

Bumabalik sa isip ko ang naabutan ko ng araw na yun. Nung araw na hinayaan kong ipagkatiwala sya sa iba.

"Mali ba kong pinagkatiwala kita sa kanya?"

"Wala syang kasalanan kuya."

"Tang-inang wala! Wala syang ginawa!"

"Kuya okey na ko. Maayos na ko oh wag ka ng magalit, di mo na kailangang mag-alala."

"Janella."

"Kuya naman ei."

Sumimangot sya saka yumakap sa akin.

"Sorry na."

Napabuntong hininga ako saka niyakap din sya ng mahigpit.

"Hangga't nabubuhay ako bunso, hangga't kaya ko gusto kong protektahan ka pero tingnan mo ang nangyayare sayo ng dahil sa pagtitiwala ko sa letcheng lalakeng yun! Nang dahil sa pagtitiwala ko sa mga taong yun palaging ganito ang kinahihinatnan mo. Hanggang kailan ka magiging ganito? Hanggang kailan ka masasaktan bunso? Simula pagka-bata puro sila ang iniisip mo kelan naman ang sarili mo?"

Hindi sya umimik, maya-maya naramdaman kong nababasa na ang balikat ko indikasyon na umiiyak na naman sya.

"Pagod na ko kuya sa totoo lang pero hindi ko kayang bumitaw."

"Iwanan mo na sila."

Umiling sya. "Hindi ko kaya."

"Kelan mo kakayanin? Pag-ubos na ubos ka na? Kapag wala ng natira sa sarili mo?"

"H-Hindi ko al-alam."

"Makipaghiwalay ka na sa lalakeng yun."

"K-kuya....mahal ko yun."

"Mahal mo nga may maganda bang naidudulot sayo yan? Wala namang naidudulot sayong maganda ang lalakeng yun puro lang kilig at tamis, puro pangako pero anong nangyayare sa tuwing kailangan mo sya? Asan sya? Di ba wala. Nasasaktan ka lang ng paulit-ulit bunso."

Kung pwede ko lang bawiin lahat ng desisyon ko, kung pwede ko lang ulitin lahat gagawin ko. Kung alam ko lang hinding hindi na ako papayag na maging sila. Kung alam ko lang sana hindi ko na hinayaang mangyare ang lahat ng ito.

Bumitaw sya sakin saka pinunasan ang mga mata nya.

"Hindi ko kaya kuya."

Napakuyom ang mga kamay ko pero ng makita kong tumulo ang luha nya agad ko yung pinunasan.

"Tahan na, gusto mo bang awayin ako ni Lyn pag-nalaman nyang umiiyak ka na naman? Masakit mambugbog ang babaitang yun."

Natawa sya bigla.

"Kuya talaga!"

"Tahan na bunso baka bumuka yung tahi mo, sige ka may lalabas na pari dyan."

Hinampas nya ako.

"Siraulo! Hindi na ko bata ano! Sige nga pano magkakasya dyan ang pari!"

Napailing-iling na lang ako saka natawa.

"Magpahinga ka na, aalis na ako."

"Kelan ka ulit dadalaw?"

"Lalabas ka naman na bukas ah? May balak ka bang dito na tumira?"

"Ikaw magsundo sakin bukas?"

"Hindi ako mangangako."

"Kuya!" Sumimangot sya. "Dali na!"

"Susubukan ko."

"Iloveyou."

Ginulo ko ang buhok nya saka hinalikan sya sa noo bago tumayo.

"Susubukan ko." Sabi ko saka naglakad palabas.

"Aasa ako kuya!" Rinig kong sabi nya pagkalabas ko.

Napailing-iling na lang ako saka namulsa at naglakad patungo sa elevator.

------------------

"Jam ano ba?! Kausapin mo naman ako!"

"Umalis ka na Maria." Bumaling ako kay Lyn. "Tara na." Sabi ko saka pumasok sa kotse.

Mabilis kong minaneobra iyon at pinaharurot palayo doon.

"Hindi ba't sobra naman ata ang ginagawa mo? Hindi kadamay si Maria sa lahat ng nangyayare. Wala syang kasalanan sa mga nalaman mo."

Napahigpit ang hawak ko sa manibela.

"Kahit gustuhin ko mang kausapin sya hindi pwede. Ayokong sa kanya ko maibuntong lahat. Ayokong mas masaktan sya kung sakaling sa kanya ko maibuntong lahat."

"Pero sa ginagawa mo nasasaktan mo sya. Ano pang pinagkaiba mo kay Carlos at sa iba?"

"Lyn."

"Bahala ka nga sa buhay mo pero wag mong hintaying lamunin ka ng galit mo baka yan pa ang ikasira mo Jam or worst baka yan pa ang ikasira nyo ni bunso. Mahahalagang tao lang naman sa buhay nya ang gusto mong mawala sa kanya."

"Masisisi mo ba ko? Puro lang naman sakit ang ibinibigay nila sa kanya."

"Pero hindi ibig sabihin may karapatan ka ng pangunahan sya. Jam pareho tayong nahihirapan at nasasaktan sa tuwing nagkakaganyan sya pero hindi katulad mo ni minsan hindi ko hiniling na iwanan nya ang mga yun at ni minsan hindi ko hiniling sa kanya na iwanan nya ang taong mahal nya dahil alam kong yung mga taong yun din ang nagpapasaya sa kanya."

Hindi na ako umimik.

Pagdating sa ospital inasikaso namin ang bill nya saka dumiretso sa silid nya. Pagbukas ko ng pinto nakangiting mukha nya agad ang bumungad sa amin.

"Sabi na ei! Di mo ko paaasahin kuya!" Nakangiting sabi nya. "Hi ate!"

Kumaway pa sya kay Lyn na papasok pa lang kasabay ang nurse na mag-aalis ng mga nakakabit sa kanya.

Nang maalis na ang nakakabit sa kanya agad syang bumangon at inalalayan sya ni Lyn na magbihis sa loob ng banyo. Inayos ko na lang ang mga gamit nya.

"Finally." Rinig kong sabi nya pero wala na ang bakas ng saya sa boses nya.

Walang imik akong sumunod sa kanilang dalawa palabas at pa-diretso sa parking lot.

"Di-diretso na ba tayo sa sementeryo?" Tanong nya habang nasa biyahe kame.

"Nah, sa bahay ang diretso natin mamaya pang hapon ang libing." Rinig kong sagot ni Lyn.

Pagdating sa bahay agad syang inasikaso ni Mommy. Tahimik lang akong naupo sa sofa katabi si Lyn na tahimik lang din na nagmamasid sa paligid.

Pagdating ng hapon magkasama naming inalalayan si Janella. Si Lyn ang nagtutulak ng wheel chair nya habang nasa gilid nila ako at nagpapayong sa kanila.
Pinag-wheel chair sya ni Mommy dahil natatakot ito na kahit na naghilom na ang tahi ay baka bumuka pa ito ulit kung sakaling magkikilos ng husto si bunso.

Hanggang sa makarating at magsimula na ay tahimik pa din sya. Ni hindi sya nagsasalita o ngumiti man lang. Nakita ko lang na nagpunas sya ng mga mata ng maghulog sya ng bulaklak para kay Ate Melissa.

Habang tinatabunan na ang cuffin ng lupa, alam kong tapos na. Tapos na ang kabanata ng buhay nya. Kasama nya, Ibinabaon na ang mga bagay na syang pinanghawakan nya noong nabubuhay pa sya. Even her dreams was burried with her. Ganoon naman talaga kapag wala ka na wala ng saysay lahat ng bagay na pinanghahawakan mo noong buhay ka pa, wala ng saysay ang mga pangarap na binuo dahil wala naman ng magtutuloy ng mga iyon. Pagdating sa dulo kalilimutan ka din ng mga nakasama mo, may mga ilan na maaalala ka pa pero halos lahat sila ay nakalimutan na kung ano ang mga nagawa mo noong nabubuhay ka pa.

And I know starting this day.

Something is burried.

Starting this day.

Alam kong kasabay ng pagkawala ni Ate Melissa may bagay na ibinaon si Janella na hinding hindi na makikita ng kahit na sino pa man.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro