Chapter 43: Panic
Carlios Montes
Lahat ng tao sa bulwagan na paggaganapan ng kaarawan ko ay abala sa kanya-kanyang nakatokang gawain palibhasa ang punong abala ay si Mommy, sya lang naman ang nagpupursigi ng ganito karangyang handaan samantalang ang nais ko lang naman ay isang simpleng handaan na naroon silang lahat.
Hindi naman kase mahalaga sa akin kung gaano karangya o ka-simple basta kumpleto sila ay okey na ako, basta naroon ang pamilya, mga kaibigan at ang girlfriend kong si Lyn ay ayos na ako pero dahil mapilit si Mommy ay hinayaan ko na lang, kung saan sya masaya sige yun na lang.
Alam ko namang sinusulit lang nya ang mga panahong wala pa akong sariling pamilya, alam kong nakakaramdam na sya na malapit na akong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya, hindi ko naman na ikakailang gusto ko ng lumagay sa tahimik. Hindi na din naman ako pabata at wala na rin naman sa kalendaryo ang edad ko kaya hindi na din naman masyadong maaga para sa ganoon dahil sa totoo lang ay nahuhuli na nga ako, ang iba sa mga kaibigan ko ay happily married na some of them ilan na ang anak samantalang ako ito ni hindi pa ikinakasal. Hindi na din naman problema ang financial dahil sa mga taong lumipas habang naghihintay ako ng tyempo para ligawan si Lyn ay nagawa ko ng palaguin ang company ko na marami ng branch sa iba't-ibang panig ng mundo.
"Carlios ano pa bang ginagawa mo dyan sa hagdan? Lumakad ka na sa kwarto mo at mag-asikaso!" Rinig kong sabi ni Mommy.
Napabuntong hininga na lang ako saka tumayo mula sa pagkakaupo at nagpaalam na aakyat na katulad ng gusto nya.
Pagdating sa kwarto ko nahiga ako sa kama at tinawagan ko ang girlfriend ko. Napakunot ang noo ko ng maka-limang dial ako pero hindi pa din nya sinasagot, pakiramdam ko lulubog na ako sa kinahihigaan ko sa magkahalong iritasyon at pag-aalala. Bumangon ako at muling i-dinail ang numero nya tumayo na ako habang iniintay kung sasagutin nya o hindi.
"Hello?" Rinig kong bungad mula sa kabilang linya.
Nakahinga ako ng maayos ng marinig ang boses nya, bumalik ako sa pagkakaupo saka pabagsak na nahiga.
"Hey sweetheart, ayos ka lang ba? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Busy ka ba?"
"Sw....eetheart."
"Hey! What happened to your voice?"
"Ow w...ell, may sore throat ako."
"Nag-meds ka na?"
"Yeah kanina."
"Okey magpahinga ka na."
"Nah, Mag-aasikaso pa ko."
"For?"
"Duh! Birthday mo kaya ngayon."
"Pwede namang wag kang pumunta, magpahinga ka na lang."
"Ayoko."
"Fine, Susunduin kita."
"Great. See you sweetheart."
"Yeah, I love you."
"I love you more."
Pagka-end ng tawag bumangon ulit ako para mag-asikaso na.
-------------
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Carlios pwede ba tantanan mo ang katatanong!"
"Nag-aalala lang ako sayo."
Sumimangot sya.
"Ah excuse me po, malapit na po kayong tawagin." Rinig kong sabi ng maid.
"Sige lalabas na kame."
Tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa kama ko.
"Tara na nga ng matapos na ito." Sabi nya.
Napapailing na inalalayan ko na lang sya.
Kanina pa sya wala sa mood bukod sa may sore throat sya ayaw nyang sumama nung sinundo ko sya lalo na ng malaman nyang sya ang kasama ko ngayong gabi sa pagharap sa mga bisita. Ayaw nyang humarap sa maraming tao, well hindi naman kase sya madalas makisalamuha unlike me na kelangan talaga dahil business man ako.
"Sweetheart." Tawag ko.
"What?"
"I love you."
Napabuntong hininga sya saka tiningnan ako.
"I love you too tapusin na natin toh ayokong ma-expose sa maraming tao."
"Yeah."
Iginiya ko sya sa harap ng malaking hagdan kung saan kame bababa papunta sa bulwagan.
"Here comes the Birthday Celebrant Mr. Carlios Montes with his gorgeous girlfriend Ms. Lyniene Marie Salvador."
Naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa akin ng mag-umpisa na kameng bumaba sa hagdan at marinig nya ang palakpakan ng mga bisita.
"Kalma lang sweetheart."
"Naman ei."
Nang makatapak kame sa bulwagan agad kameng nilapitan ni Mommy at Daddy. Matapos makisalamuha sa mga importanteng tao ay iginiya ko sya papunta sa table kung nasaan si Janella at Carlos pati na ang ibang kaibigan.
"Hey." Nakangiting bati ko.
"Oy Happy birthday!" Bati nila pero nakatingin ako sa kapatid kong mukha atang hindi ako napapansin.
"Ay nako kuya may sariling mundo ang mga yan." Sabi ni Anna.
Niyugyog naman ni Nicky si Janella dahilan para mapatingin ito sa gawi namin.
"Oy hi brother-in-law! Happy Birthday." Bati nya.
Napailing-iling na lang ako saka pinaghila ng upuan si sweetheart.
"Okey lang ba kung dito ka muna? Mag-iikot lang ako."
Agad syang tumango, hinalikan ko lang sya sa pisngi tapos umalis na ako.
Kagaya nga ng sinabi ko ay nag-ikot ako sa bawat mesa upang lapitan ang mga bisita. Ganoon naman palagi kapag may okasyon kailangan mo silang lapitan isa-isa para kamustahin o saglit na makipag-usap na paniguradong tungkol na naman sa negosyo o di naman kaya ay isasama ako nila Mommy sa isang table kung nasaan ang mga kaibigan nila at doon pag-uusapan na naman ang personal kong buhay parang nung nakaraan lamang ay kinukulit nila ako kung kailan magkakaroon ng girlfriend ngayon naman ay paniguradong ang pag-aasawa ko naman ang magiging topic kesyo wala na ako sa kalendaryo.
Napahinto sa kwentuhan ang mga matatandang nakapalibot sa mesa ng lumapit sa amin ang kapatid ko kasama ang fiancè nya.
"Mom ayos lang ba kung mauna na kameng umuwi? Masama kase ang pakiramdam ni Janella."
"Ah sure! Sure! Ingat kayo." Sabi ni Mommy.
"Nak gusto mo bang samahan ko na kayo?" Prisinta ng Mommy ni Janella.
Mabilis na umiling si Janella. "Ah no, ayos lang po ako kaya ko pa naman."
"Oh sya, mag-iingat kayo." Sabi ni Daddy.
Tinapik lang ni Carlos ang balikat ko bago inalalayan ang fiancè nya palabas ng bulwagan.
"Hindi pa ba kayo nagkaka-apo kay Carlos?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Mommy.
Umiling si Mommy. "Matagal tagal pa yan."
"Hindi ba't nagsasama na sila? Wala pa rin?"
Umiling ang Mommy ni Janella. "You know my daughter hindi yan magpapagalaw hangga't hindi kasal atsaka isa pa kilala nyo ang ugali ni Carlos hindi yun katulad nyo."
Natawa ang matatandang lalake.
"Makapagsalita ah? Kayo rin naman!" Angal nila.
"Except nyo ko dyan, kinasal muna ako bago yan oy!" Natatawang sabi ni Mommy.
Napailing-iling na lang ako habang nakikinig sa biruan nila.
Kalagitnaan ng kwentuhan ng mapansin kong hindi mapakali sila Jam sa kabilang mesa kaya nagpaalam ako kanila Mommy na pupuntahan ko sila.
"Anong problema?" Tanong ko ng makalapit ako.
"Andrei ano na?! Na-contact mo na ba?!" Panic na tanong ni Jam.
"Ito na, saglit." Nag-dial ulit sya. "Damn! Pick up your goddamn phone uncle!" Inis na sabi ni Andrei.
"Anong nangyayare?" Tanong ko ulit.
"May nangyayare daw sa bahay." Mahinang sabi ni Lyn.
"Anong nangyayare?"
"Nakatanggap kame ng SOS mula kay Ms, paniguradong may problema doon bihira nyang gamitin ang SOS kaya paniguradong nasa panganib sila ngayon!" Sabi ni Kris.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan kong pulis para makatulong.
"Mag-si-tayo na kayo dyan, pupuntahan natin sila." Utos ko.
Agad naman silang tumalima. Sabay-sabay kameng tumayo at mabibilis ang kilos na umalis sa bulwagan saka sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.
Halos humigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel habang mabilis na nagmamaneho papunta kung nasaan ang kapatid ko.
Para kameng nagkakarerang lahat dahil pare-parehas kameng nagmamadali makarating lang doon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro