Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41: That Remaining Days Before New Year

December 28

"Rio pwede bang pitasin yun?" Tanong ni Shiella na takam na takam sa apples na nakikita nya sa mga punong nadadaanan nila.

Nilingon ni Rio ang kaibigan. Sya kase ang nauuna sa paglalakad at umaastang tour guide ng grupo.

"Pwede naman, bakit gusto mo?"

"Kaya nga nagtatanong ei!"

Sumimangot ang lalake saka nag-utos sa tauhang malapit sa kanila na kumuha nung Apple na gusto ni Shiella.

"Insan gusto ko nun oh!" Sigaw naman ni Anna na nakaturo sa prutas na nakita nya.

"Edi kumuha ka!" Sigaw pabalik ni Rio na naiinis na sa inaasta ng mga kaibigan nya.

Parang nagsisisi sya na dinala nya ang mga ito sa farm ng mommy nya, lahat na lang kase ng prutas na madaanan nila gustong kainin ng mga ito.

"Oh Damn! Pataas na ang araw! Girls yung mga balat natin!" Sigaw ni Maria.

Nagpanic agad sila Princess.

"Takbuhan na!" Sigaw ni Janella na syang nagpasimuno.

"Oy ang mahuhuli syang magluluto!" Sigaw ni Nicky.

Pagkarinig sa sinigaw ng babae nag-unahan na silang lahat makabalik sa bahay. Halos ambibilis nilang tumakbo lahat dahil pare-parehas silang ayaw magluto.

Napapailing na lang na magkasabay na naglakad si Winston at Carlos. Hindi nila trip ang pagtakbo sa gitna ng taniman kahit pa may consequences ang mahuhuli hindi nila iyon pansin, bakit sila matatakot kung marunong naman silang magluto?

"Mabuti't isinama mo si Barbs." Basag ni Carlos sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalwa.

Nagkibit-balikat si Winston.

"Nabo-bored na rin kase sya sa bahay."

Pero hindi naman iyon ang totoong dahilan, kinausap kase sya ni Barbie bago matapos ang pasko, hiniling nito sa kanyang isama nya ito sa magiging lakad ng tropa. Gusto kase ng babae na maging kaibigan din ang mga kaibigan nya kahit pa nagdadalawang isip dahil na din kasama ang boys sa lakad pumayag na din sya dahil kasama naman sya at isa pa kasama nila si Janella, alam nyang hindi nito pababayaan ang kahit na sino.

Sa kabilang banda katulad nga ng inaasahan si Kris ang nauna sa bahay, hindi kase ito nagpatinag kahit pa nag-uunahan at naghihilahan silang lahat. Hindi na kataka-taka iyon sapagkat mabilis talaga itong tumakbo o kahit maglakad.

Itinaas nya ang mga kamay nya at kumaway.

"Nauna ako! Nauna ako!" Sigaw nya na para bang nakalimutan nyang kahapon lamang ng dumating sila ay nakipagsuntukan agad sya kay Kennedy.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Nicky na nasa may likuran nya.

Nagulat sya kaya't nilingon nya ito.

"Hindi ka...." Napatingin sya sa gawi ng farm saka tumingin ulit sa babaeng nasa harapan nya na ngayo'y naguguluhan. "Hindi ka sumama?!"

"Sumama, we took the shortcut."

"So you mean."

"Yes men, ikaw ang nahuli."

Daig pa ang lupang biglang gumuho sa reaksyon nya. Nanlumo sya dahil kahit gaano sya kabilis naisahan pa din sya ng mga kaibigan nya, alam na kase ng mga ito ang strategy nya kaya't madali na lamang na isahan sya.

Sinimangutan nya ang kaibigan saka akmang pupunta na ng kusina ng pumasok sa main door sila Winston.

"Oy men nahuli kayo!" Bungad nya.

"Alam namin." Dedmang sabi ni Carlos saka pumunta sa kusina.

Tinapik naman ni Winston ang balikat nya.

"Next time huwag kang mandaya para hindi ka din dayain." Sabi pa nito bago sya lampasan.

Napasimangot ulit sya.

Oo nga't may mas nahuli pa kesa sa kanya at ang mga ito ang magluluto pero hindi iyon ang ikinasisimangot nya, iyon ay dahil sa isiping dinaya sya dahil minsan na syang nandaya.

'Siguro nga, mali na nandaya ako noon, kinarma tuloy ako.' Isip isip nya.

Nagkibit-balikat na lang sya saka pumunta na lang rin sa kusina para makigulo. Pagpasok nya naabutan nya ang mga ito na busy sa mga ginagawa.

"Oy anong pwede kong gawin?" Tanong nya sa dalawa.

"Manahimik ka." Sagot ni Carlos.

"Malaking tulong na yun." Segunda ni Winston.

"Ako na nga ang tumutulong ei."

"Hindi namin kailangan, puntahan mo si Princess at mag-usap kayo, mas mabuti yun." Sabi ni Carlos.

"Hindi yun ganun kadali."

"Mas madaling mag-akusa, magselos at mang-away ano? Kaysa makipag-usap ng maayos." Sabi ni Winston.

"Para namang hindi kayo nahirapan."

"Walang bagay na hindi mahirap." Sabi ni Carlos

Napabuntong hininga sya saka tumalikod at lumabas ng kusina, alam nyang hinding hindi sya mananalo sa mga ito dahil tama naman sila.

December 29

"Guys?" Inilibot nya ang tingin nya sa sala ngunit walang katao-tao doon. "Guys asan kayo?" Muling sigaw nya pero walang sumasagot.

Napasimangot sya at pumunta na lang ng kusina para kumuha ng pagkain.

Tinanghali na sya ng gising dahil sa pagpupuyat nila kagabi at ngayon ngang bumangon na sya wala naman syang naabutang tao ni isa sa buong bahay.

Matapos makakuha ng pagkain sa ref saktong ng isara nya ito bumulaga sa kanya si Kris na sumulpot bigla.

"Ay jusko!" Napahawak pa sya sa dibdib nya dahil sa gulat. "Kris?" Hindi siguradong banggit nya sa pangalan ng taong kaharap nya.

Kumunot ang noo ng lalake.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito.

"Obviously? Kumuha ng makakain."

Tinalikuran na nya ito, lumapit sya sa may mesa at naupo sa silya.

"Asan sila?" Tanong nya.

"Donno." Simpleng sagot nito.

Gusto nyang mairita, bakit sa dinami dami ng kaibigang pwedeng maiwan ito pang lalakeng ito? Ni hindi pa nga sila ayos matapos ang nangyare.

Binilisan na lang nya ang pagkain para makaalis na sa kusina.

"Sorry."

Agad nyang hinagip ang isang basong tubig at ininom iyon ng mabilaukan sya dahil sa narinig.

Parang gusto nyang iumpog ang ulo nya ng magising naman sya sa katotohanan.

"I'm sorry."

Nilingon nya ito dahil hindi sya makapaniwala sa naririnig nya. Napaawang ang labi nya ng makita ang itsura ng lalake, seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Sorry sa lahat lahat."

"K-Kris."

"Alam kong napakarami kong pagkukulang, kasalanan ko kung bakit naging ganito tayo."

Umiling sya. Kahit pa hindi sya makapaniwala sa naririnig mula sa lalake ramdam nyang sincere ito sa paghingi ng tawad.

"Hindi mo kasalanan lahat, may mali rin naman ako."

"Sorry wala kase akong lakas ng loob na ipaglaban ka, ni hindi ko kayang humarap sa mga magulang mo dahil natatakot ako."

Hindi sya nakapagsalita.

"Ayoko ng mahirapan ka pa Princess, Sorry pero tama siguro kung maghiwalay na tayo."

Kumunot ang noo nya. "Ano bang sinasabi mo?"

"Bumalik ka na sa kanya, I'm breaking up with you."

Exaggerated man kung sasabihing tumigil ang mundo nya at huminto ng sandali ang pagtibok ng puso nya ngunit iyon ang totoo. Nanikip ang dibdib nya dahil sa narinig.

Hindi na nito hinintay ang reaksyon nya at naglakad na palabas ng kusina.

"Bumitaw ka ng hindi man lang pinakikinggan ang totoo, sigurado ka bang yan ang desisyon mo? Kase sa totoo lang Kris anduwag mo."

Napahinto ito sa tapat ng pinto ngunit hindi sya nilingon.

"Binitawan mo ako ng ganun kabilis siguraduhin mong hinding hindi ka na babalik dahil wala ka ng babalikan."

Hindi ito nagsalita at tuluyan ng umalis.

Isinandal nya ang likod nya sa sandalan at tumingala ngunit kahit anong pigil nya sa sariling hindi umiyak talo sya dahil kusa na ang mga itong lumabas sa mga mata nya. Sumubsob na lang sya sa mesa at umiyak ng umiyak.

Binitawan nya ang taong gustong manatili sa tabi nya kahit mali dahil alam nyang hindi sya bibitawan ng taong iniisip nyang mananatili ngunit ano ngayon ang nangyare? Binitawan din sya nito.

December 30

"Bakit naman hindi ka sasama kris?" Tanong ni Jerome.

"May importante lang akong gagawin."

"Wala kang maloloko dito."

Napabuntong hininga sya at tiningnan si Princess.

"Hindi ko naman kase malaman sayo kung bakit binitawan mo sya."

"I have to."

"Gago, hindi mo kame maloloko, dahil parin kay Kennedy hindi ba?"

Hindi sya umimik.

"Yan hanggang tingin ka na lang tuloy!" Pang-aasar ni Erick.

Tiningnan nya ito ng masama.

"Hoy ano pa bang ginagawa nyo dyan? Umalis na tayo!" Sigaw ni Janella.

Aalis na sana sya ng hilahin sya nila George.

"Hindi mo kailangang lumayo sa kanya pre, pwede mo naman kase syang balikan, ayusin mo ang problema hindi takbuhan." Sabi pa ni Rio.

"Hayaan nyo sya, huwag nyong pilitin." Singit ni Carlios.

"Ang amin lang hindi dapat kame nadadamay sa kung ano mang personal na problema nyo, kung mag-iiwasan kayo, kayo lang hindi kame kadamay kase kaibigan nyo kame." Sabi ni Winston.

Aminado naman syang may punto ito at mali sila pareho ni Princess. Simula kase ng nangyare kahapon nag-iwasan na sila at pati ang mga kaibigan nila ay iniwasan nila para hindi sila mahirapan.

Mahirap nga naman kaseng mapasama sa isang circle of friends tapos nandun din yung taong iniiwasan mo, sobrang awkward nun.

"Sige na sasama na ko."

Ngumisi ang mga ito sa kanya saka sya hinila.

Sa kabilang banda ganoon din ang problema ng mga babae.

"Sigurado ba kayo dito? Hindi ko talaga kaya ei." Sabi ni Princess.

"Oh sige wag kang sumama para lalo nyang mahalatang apektado ka." Sabi ni Kristel.

"Apektado naman talaga ako."

"Gaga, purket ba apektado ka kailangan ipahalata mo na? Remember sya ang nakipaghiwalay sayo dapat ipakita mong hindi ka apektado para maramdaman nyang hindi sya kawalan sayo." Singit ni Nicky.

"Manahimik na nga kayo mali mali naman pinagsasabi nyo." Saway ni Janella.

"Anong mali don?!" Angil ni Kristel.

"Pinipilit mo syang sumama tapos anong ending? Maa-awkward-dan sila sa isa't-isa edi hindi din sila mag-eenjoy. O di kaya masasaktan sya kase makikita nyang parang wala lang kay Kris ang nangyare, tigilan nyo na si Princess hayaan nyo syang magdesisyon."

"Atsaka pagsinunod nya yang gusto mong mangyare nicky, mas lalo lang mapapatunayan ni Kris na si Kennedy talaga ang gusto ni Princess dahil nakikita ni Kris na hindi sya apektado, hindi ba't yun ang issue dito?" Sabi ni Barbie.

"Tigilan nyo na yan, hayaan nyo si Princess. Either of two it's her decision." Singit ni Lily saka bumaling kay Princess. "Gawin mo ang sa tingin mong tama at piliin mo kung saan hindi ka masasaktan." Dagdag pa nito.

Hindi umiimik si Princess dahil naguguluhan na din sya.

Ayaw nyang sumama pero pagginawa nya yun iisipin ni Kris na apektado sya kapag naman sumama sya iisipin nito na wala lang sa kanya na naghiwalay sila dahil si Kennedy ang gusto nya.

Ang gulo ng earth sa totoo lang.

Napabuntong hininga sya saka tiningnan ang mga kaibigan.

"Sasama na nga lang ako, ayoko namang idamay kayo sa problemang ito."

"Aweeee!" Tili ng mga kaibigan nya.

"Pero please lang huwag nyo kong iiwan sa kanya para nyo ng awa wag kayong aalis sa tabi ko."

Natawa ang mga ito.

"Kelan ba kame umalis sa tabi mo?" Natatawang tanong ni Janella.

"Kahapon!"

"Sabi ko nga."

Nagtawanan ang iba dahil sa sinabi nilang dalwa. Napahinto lang sila ng makitang hinila na ng mga lalake si Kris. Nang makalapit ang mga ito isinara ni Janella ang pinto.

"Ms! Bakit mo sinara!" Sigaw ni Andrei mula sa labas na kinalampag pa ang pinto.

Binuksan ni Janella ang bintana at poker face na humarap.

"Dun kayo sa kabilang van, we need privacy now."

Nagsi-angal ang mga ito.

"Paano naman ang mga puso namin!" Angal ni Jam

"Wala munang landian ngayon."

"Dali na Ms, dyan na lang kame!" Sabi ni George.

Binuksan nya ang pinto.

"Oh sige sumakay kayo." Nakangising sabi nya.

Nagsipagsimangutan ang mga lalake saka umatras.

"Mga segurista." Sabi ng mga ito saka pumunta sa kabilang van.

Natatawang isinara nya ang pinto at bintana.

"Buti na lang naisipan kong dalhin ito." Sabi ni Anna saka binuhay ang makina.

Natawa na lang sila.

Nang magsimula ng umandar ang sasakyan nagsipagpwesto na sila.

"Sa susunod na gala ito ulit dalhin mo Anna!" Nakangiting sabi ni Shiella.

"Sure!"

"Salamat guys." Sabi ni Princess saka nahiga at nagkumot.

Bumaling si Janella sa may bintana ng tumapat ang van na sinasakyan ng mga lalake. Ibinaba nya ang bintana saka nakangising tumingin sa mga ito.

"Hello Kitty kase ba!" Nakasimangot na sabi ni Andrei.

Natawa na lang sila ni Anna.

Ayaw na ayaw kase ng mga ito na sumakay sa van na ito ni Anna, pakiramdam kase nila nawawala ang pagkalalake nila dahil sa theme at color nito.

White ang labas ng sasakyan ngunit kapag sa loob na ay full pink halos lahat kahit ang driver at shot gun seat, pati steering wheel at hand break color pink halos lahat. May mga Hello Kitty pang design sa buong van samahan pa ng mga stuff toys na hello kitty na nakalagay sa mattress.

Dalawa lang kase ang upuan nito yun ay ang driver seat at shot gun seat tapos malaking mattress na ang nakalagay, nakabalot iyon ng kulay pink na may print na hello kitty ganoon din ang comforter at mga unan.

Dalawang oras din ang inabot nila bago nakarating sa pupuntahan, naipit kase sila sa traffic.

Huminto ang van sa parking lot, saktong pagkababa nila sumunod na dumating ang van ng mga lalake.

"Antagal nyo." Puna nila pero sumaltak lang ang mga ito.

"Pang-entrance nyo?" Sabi ni Janella ng makapasok na sila sa loob.

Nagsilabas na sila ng pera at inabot sa kanya, matapos mabilang hinila ni Janella si Princess at pumila na sila para sa ticket.

"Antagal naman." Sabay na reklamo nila ni Princess.

Sobrang haba kase ng pila at mukhang antagal pa ng nag-aasikaso sa counter kaya mas lalong tumatagal ang proseso. Marami na ring naiinip sa paghihintay ang iba'y parang gusto na ngang huwag na lang tumuloy ngunit sa tuwing pumapasok sa isip nila na sayang ang pagod sa pagbyahe makapunta lang ay tinitiyaga na lang nila. Ang iba'y naiintindihan naman na Christmas break ngayon kaya't halos lahat ng tao ay nagpupunta sa nga ganitong lugar. Christmas Break kase kaya paniguradong lahat ng tao ay kumbaga afford ang ganitong bagay na madalang namang magawa o maranasan sa loob ng isang taon dahil sa dami ng gawain.

"Ba't may pakiramdam akong mas matagal pa ang ipinipila natin dito kaysa sa oras na uubusin natin sa loob?" Nakasimangot na sabi ni Princess.

"Pakiramdam ko nga kalahati ng buhay ko naubos dito ei." Sabi naman ni Janella.

"Inaantok na ko."

"Ako din e-------"

"NEXT!"

"Tang-inang boses yan." Nakasimangot na mura ni Janella ng marinig ang sigaw ng nasa counter.

Sumigaw kase ito sa mismong mikropono. Makabasag eardrums ang boses nito.

"Inaantok ka pa?" Tanong ni Janella sa katabi.

Nakasimangot na umiling si Princess. "Tumalsik na ang antok ko. Pati nga ata tutuli ko tumalsik na ei."

Sabay silang napatakip sa bibig ng pareho silang humigab.

"NEXT!"

Ang takip sa bibig ay nalipat sa tenga ng muling sumigaw ang nasa counter.

"Ansarap namang paslakan ng pangbara ang bibig nyan." Rinig nilang sabi ng nasa likod nila kaya parehas silang natawa.

Matapos ang mahigit isang oras ay sila na ang nasa harap ng counter. Mabilis na inasikaso ni Janella ang babayaran.

"Nagmamadali ka?" Taas kilay na tanong ng nasa counter.

"Sorry, halata ba?" Ngumiti pa sya ng peke para lang ipakitang irita sya dito.

Umirap ang babae saka ibinigay sa kanya ang ticket. Agad nyang hinila si Princess upang makaalis doon.

"Attitude." Iritang sabi nya.

Nakakainis naman kase talaga ito. Ang sungit singit akala mo inaagawan ng trabaho, hindi pa maayos ang approach nito sa kanya, kitang kita rin na tamad na tamad ito sa ginagawa na maling mali dahil hindi dapat ganoon ang iniasal ng babae.

Sabay na napailing na lang ang dalawa saka lumapit sa mga kaibigan.

"Tagal nyo." Reklamo ni Jam.

Sabay silang umirap. "Sisihin mo yung nasa counter." Sabay pang sabi nila.

Natawa na lang ang mga kaibigan nila.

Ibinigay na ni Janella ang mga ticket sa mga ito at patungo na sana sa entrance ng mapahinto sila dahil sa opening ng mga characters ng amusement park.

"Omyghad!" Natutuwang sabi ni Shiella.

Nagkatinginan silang mga babae saka sabay-sabay na pumunta sa pinakaunahan ng entrance. Walang nagawa ang mga lalake kundi ang sumunod sa kanila.

Aliw na aliw sila habang pinapanood ang pagtatanghal ng mga karakter. Nang ianunsyo ng isang staff na open na ang amusement park at tumigil na sa pagtatanghal ang mga karakter ay halos dumugin ng mga bata ang mga ito upang magpakuha ng litrato.

"Sayang naman hindi tayo makakapagpapicture, mukhang matagal pa matatapos ang mga yan." Sabi ni Maria.

"Makikipagsabayan pa ba kayo sa mga bata? Anlalaki nyo na oy!" Sabi ni Jerome.

Sabay-sabay nilang sinamaan ng tingin si Jerome.

"Ano naman kung malalaki na kame?" Sikmat ni Anna.

Tahimik lang na nakatingin si Janella sa mga batang tuwang-tuwang nagpapakuha ng litrato.

Sa loob loob nya ay gusto nya ring makapagpalitrato sa mga ito ngunit alam nya kung saan lulugar, matanda na sya para makipagsabayan sa mga batang nagpapakuha ng litrato.

Nakatayo lang sila roon hanggang sa magsipasok sa entrance ang mga tao. Nakasimangot na sila Shiella dahil nanghihinayang silang hindi man lang nakapagpalitrato sa mga karakter ng amusement park.

"Asan ang misis ko?" Rinig nilang tanong ni Carlos.

Sabay-sabay silang napatingin sa lalake saka inilibot ang tingin sa paligid.

"Hala nawawala si Miss!" Sabi ni Princess.

Nagpanic silang lahat dahil alam nilang mahina sa dereksyon ang 'nanay' ng grupo. Alam nilang kapag napalayo ito sa kanila ay mahihirapan itong makauwi.

"Hindi nyo ba napansin baka nadala ng dumami ang mga tao?" Tanong ni Winston.

Nagpasya silang maghiwa-hiwalay para mahanap nila si Janella ngunit hindi pa sila nakakalayo ng may sumigaw.

"Guys!"

Sabay-sabay silang napalingon doon at para silang nakahinga ng maayos ng makita si Janella na nakangiting kumakaway mula sa malayo.

Nang mapansin ng mga babae ang kasama nito ay agad silang napatalon sa tuwa, parang mga batang tuwang-tuwa sa nakita.

"Hi guys." Bati ng isang naka-mascot na karakter.

"Omyghad!" Tili ni Shiella.

"Ayan na guys, alam ko namang gustong gusto nyong magpa-picture ei pero dahil matanda na tayo di tayo pwedeng makisabay kanina." Nakangiting sabi ni Janella.

Dinumog sya ng mga kaibigan(maliban sa mga lalake) at niyakap. Nang bumitaw sila ay pumuwesto na sila sa tabi ng mga karakter.

"Oh, tutal kj kayo. Picture-ran nyo kame!" Utos ni Lily.

Nakakunot ang mga noong naglabas ng cellphone ang mga lalake saka pinicturan sila. Hinila ni Janella si Carlos na sumama kaya hinila na rin nila yung iba. Ibinigay nila yung isang cellphone sa staff saka sila nagpa-picture.

Nang matapos hindi pa din maalis ang saya sa mga babae habang inihahatid nila ang mga karakter sa isang silid kung saan naroon ang dressing room para sa mga ito.

Matapos maihatid ay pumunta na sila sa entrance kung saan dumaan sila sa security at tinatakan sa likod ng wrist.

"Saglit! Picture muna!" Sabi ni Nicky.

Pumuwesto silang lahat ng pabilog saka nag-closed fist at pinagdikit-dikit iyon.

"May pang-myday na ko!" Natatawang sabi pa ni Nicky.

Bawat madadaanan nila ay hindi maiwasang kumuha ng litrato.

Nabubugnot tuloy ang mga lalake dahil panay picture ang mga kasama nila.

"Yung totoo? Pumunta ba tayo dito para magpicture lang?" Bugnot na tanong ni Jam.

"Parang hindi mo naman kilala ang mga iyan, palaging gustong kumuha ng litrato." Sagot ni Rio

"Wag na kayong umangal masaya naman sila." Sabi ni Winston na kagaya ni Carlos ay nakasandal na sa pader at nakatuon ang tingin sa mga babaeng kaibigan.

Matagal bago nahinto sa pagkuha ng litrato ang mga babae kaya't halos kunot na ang noo nila ng lumapit ang mga ito. Hindi kase sila sumama sa mga picture ng mga ito dahil alam nilang kapag ganitong klase ng picture ang ginagawa ng mga ito ay makakasira lamang sila at mas lalong magtatagal.

"Sorry ah?"

Napatingin si Carlos sa tabi nya ng marinig ang boses ng fiancé.

"Ayos lang." Sagot nya.

Hindi na ito nagsalita at humawak na lang sa kamay nya. Saglit syang natigilan ng dumikit ang kamay nito sa kamay nya. May hatid itong kuryente dahilan para matigilan siya ng sandali.

Pagdating nila sa malawak na lugar ng amusement park kung nasaan ang mga entertainment, rides at games ay nagsimula na silang mag-desisyon ng unang pupuntahan at susubukan.

"Tara sa roller coaster." Aya ni Kristel

"Wag muna dyan, dun muna tayo sa mild lang." Angal ni Kris.

"Dali na habang wala pang masyadong nakapila oh." Sabi naman ni Anna

Nakasimangot na sumunod si Kris.

Pumila sila sa line, nang turn na nila ay nagpartner-partner na sila.

Bumitaw si Janella kay Carlos saka hinila si Princess.

"Sasakay talaga tayo dyan?" Nagdadalawang isip na tanong ni Princess.

"Naman!"

Dalawahan ang upuan sa rides na iyon kaya't nag-by partner sila.

Si Lily at Carlios ang nasa pinakaunahan, sumunod sila Janella at Princess, nasa likod naman nila sila Carlos at Kris, nasa pang-apat na seat sila Anna at Jerome, sumunod sila Maria at Jam, sa pang-lima si Rio at Nicky, then sila Kristel at Kennedy, nasa pang-pito sila Erick at Andrei sumunod sila Shiella at George samantalang nasa dulo sila Winston at Barbie.

"Picture muna guys!" Sigaw ni Lily saka inistretch ang braso para makuha ang tamang anggulo at makasama lahat.

Nang magsimula ang ride smooth naman at nagkukwentuhan pa ang magkakatabi pero ng magsimula ng umangat sa mas mataas ay halos napakapit silang lahat.

Napapapikit na sila Janella dahil sa pagtaas at pagbaba nito. Lumingon saglit si Janella sa likod.

"Ayie yung nasa dulo yakap na yakap!" Sigaw ni Janella para marinig ng lahat.

Sabay-sabay silang lumingon at kanya-kanyang reaksyon sila, napatili pa ang mga babae at napahiyaw ang mga lalake ng makita ang itsura ni Barbie at Winston.

Chill na chill man si Winston ay sinisigurado naman nito na nakahawak sya kay Barbie to the point na lingkis na lingkis na ito. Nakakapit naman si Barbie sa bewang nito.

Ang hiyawan at tilian ay napalitan ng sigawan ng biglang bumulusok pababa ang sinasakyan nila.

"Waaaaaaaaahhhh!" Sigaw nila Janella.

Nang matapos ang rides ay hindi agad sila nakagalaw dahil ramdam pa nila ang gravity na nakasagupa nila kanina.

"Dun naman tayo sa Flyer!" Sabi ni Kristel.

Nang medyo nakapagpahinga na pumila na uli sila. By partner ulit ang kinalabasan nila ngunit si Lily naman ang katabi ni Princess at si Carlios ang kasama ni Kris.

"Ready na kayo?!" Sigaw ni Janella ng magsimula ng umandar.

"Syempre!" Sigaw nila pabalik.

Nakakapit lang si Anna sa lock na nasa harap nya, mahigpit ang kapit nya dahil nagsisimula na namang bumulusok at tumaas ang ride. Napapapikit sya at napapadasal ng wala sa oras sa kada pagbulusok nito.

Nang muli nyang imulat ang mata ay halos magulat sya sa nakita.

"Oh damn! Jesus Christ help me!" Sigaw nya ng makitang nakabaliktad na sila habang umaandar ang ride.

Napapikit sya pero agad ding napamulat ng maramdaman nya ang kamay ni Jerome na humawak sa kamay nya.

Nang matapos ang ride patang-pata na sila. Namumutla si Anna at naduduwal si Kristel samantalang napaupo naman ang iba sa kanila.

"Dun tayo sa Surf!" Sabi ni Kris na itinuro pa ang ride di kalayuan sa kanila.

Inintay lang nilang makapagpahinga silang lahat ng saglit saka sumakay na sa ride na sinabi ni Kris.
Si Anna naman ang katabi ni Princess at si Jerome ang kasama ni Kris.

Anim-man ang isang line kaya tatlong line ang naokupa nila tapos sa pang-apat na line katabi ng ibang tao na nakasakay din sa ride sila Erick at Andrei dahil sila ang sobra sa grupo.

Nang magsimula na napakapit sila sa steel na nakalock sa kanila for safety, nang para silang idinuduyan pero sobrang taas, tumatagilid pa ito na parang malalaglag sila sa isang side.

Ilang ulit ganoon ang routine ng galaw ng ride at kulang na lang pahintuin na ni Nicky ang sinasakyan dahil sa takot na baka malaglag sya sa tuwing tatagilid, kapit na kapait na din sya kay Rio at napangiwi na sa sakit ang lalake dahil sa pagbaon ng kuko nya.

Nang matapos ang ride maputla na ng husto si Anna, nagsuka na talaga si Kristel at napaupo na silang lahat sa lapag.

"Hayup ka! Lakas mong mag-aya palpak naman!" Rinig nilang sigaw ni Princess na mukhang nakalunok na ulit ng microphone sa lakas ng boses.

Napahinto sa pagsuka si Kristel at napatingin silang lahat kay Princess ng dagukan nya si Kris.

Imbis mabadtrip sila kay Kris dahil sa ride na napili nito natawa na lang sila dahil mukhang nakalimutan ni Princess na wala na sila ni Kris. Napahagalpak sila ng biglang mabitin ang pagtalak nito at naupo saka nanahimik, mukhang natauhan sa ginagawa. Itinulak nila Rio si Kris kay Princess para suyuin na ito.

Sunod nilang sinubukan ang water log.

"Sigurado kayo? Mababasa tayo dito oy!" Angal ni Janella.

"Oo." Sagot ni Nicky na syang nagsuggest.

Nang makasakay na sila ay halos matawa sila sa tuwing lalagpak ang bangkang sinasakyan nila sa tubig at tumatama sa kanila ang malakas na talsik nito. Nang matapos basang basa silang lahat.

"Mabuti pa magbihis na tayo at kumain." Sabi ni Janella.

Pumunta sila sa locker kung saan nila inilagay ang mga gamit nila. May ganoon kase doon, magbabayad ka ng karampatang fee tapos pwede mo ng itabi ang gamit mo sa locker depende kung ilang oras ang binayaran mo.

Pumunta sila sa comfort room at inasikaso ang sarili. Unang natapos ang mga lalake at naiinip na nag-antay sa labas ng comfort room ng mga babae. Pinagtitinginan sila ng mga nadaan at lalo na ng mga babae.

Paano ay labing-isa silang mga nagga-gwapuhang lalake na nag-kanya-kanya ng pwesto habang nag-aantay sa labas ng women comfort room.

Si Carlos, Winston at Carlios nakasandal sa pader habang nakapamulsa at diretso ang tingin sa pinto ng comfort room, samantalang sila Jerome, Jam at Kris sa may side ni Carlos pumuwesto at naupo sa lapag habang nakasandal sa pader at nakatiko ang isang binti, nakaunat naman ang kabila at nakapatong ang siko sa tuhod ganoon din sila George, Erick at Kennedy sa side naman ni Carlios. Samantalang nakatayo naman at naka-cross arms sa may dibdib nila sina Andrei at Rio.

Seryoso ang mga mukha nila at kung mapapadaan ka sa kanilang harapan ay ang sarap nilang picture-ran. Para silang isang boy group na naka-pose para sa isang shoot.

Nang lumabas ang mga girls kanya-kanyang lapit agad  ang mga inugat ng mga lalake sa pwesto dahil sa kakahintay.

"Ang tagal mo." Nakasimangot na sabi ni Kennedy.

"Daming etchoes ei." Sagot naman ni Kristel pero ang totoo ay nagsuka ulit sya kaya mas natagalan sya sa loob.

Samantalang si Winston naman kinuha lang nya ang mga damit na hinubad ni Barbie at isinama sa damit nyang basa din saka iginiya ito pabalik sa locker, hindi na sya nagreklamo dahil sanay na sya sa kabagalan nito kumilos.

Matapos mag-ayos ng damit na nabasa naghanap sila ng pwedeng kainan at napadpad sila sa isang buffet restaurant di kalayuan sa mga rides.

The usual si Janella ang nag-asikaso ng payment at ng maayos na kumain na sila. Hindi mo mahahalatang may mga wala pang jowa sa grupo dahil asikasong asikaso nilang lahat ang isa't-isa.

Nang maitaob ang mga pagkaing nasa mesa nila ay naglakad-lakad na lang muna sila para magpababa ng kinain. Nilibot nila ang paligid at nagpicture-picture na naman pero kasama na ang mga lalake.

"Sakay tayo doon oh sa ship!" Turo ni Anna sa isang malaking pirate ship.

Pumila na ulit sila at nag-intay ng turn.
By Four ang sakay ng bangka na maglilibot sa loob ng ship habang sumasabay sa agos ng tubig.

Halos magkakasunod ang mga bangkang nasakyan nila. Nang makarating sa loob ang bangkang sinasakyan nila Lily, Carlios, Jam at Maria sabay-sabay silang namangha sa laman ng ship.

Mayroong isang malaking bulwagan sa gilid nila at kitang-kita doon ang mga piratang nagtitipon tipon habang nakatingin sa isang parang pataas na hagdan at nanduon ang Captain. Sa sumunod na tunnel ay mayroong balcony palibot sa paligid na may mga pirate din na magkakasama at parang nagkukumpulan. Sa pangatlong tunnel naroon ang mga kanyon, sandata at mga kagamitan ng mga pirata at mayroong mga pirata na naroon at nagbibigayan ng  kagamitan. Sa pang-apat na tunnel pagpasok nila ay dumagundong ang nakakakabang tunog at nagkaroon ng iba't-ibang kulay ang ilaw (sa mga naunang tunnel ay fix lamang ang kulay ng ilaw.) Nang tingnan nila ang paligid ay naroon ang iba't-ibang uri ng halimaw at may isang ship din na mukhang kalaban din ng pirata, Mga madalas na ma-encounter ng mga pirata sa paglalayag katulad ng giant octopus at iba pa. Sa huling tunnel may isang malaking balcony na naglalaman ng ilang mga pirata at ang Captain, may hawak silang baul na may lamang pera at nakamuwestra na parang ipinamimigay ang mga laman ng baul sa mga piratang nakakalat sa paligid ng tunnel.

Nang makalabas silang lahat ng ship ay napagkwentuhan nila ang mga nakita sa loob. Namangha sila sa concept na ipinakita ng ship na iyon.

"Sa loob tayo." Sabi ni Andrei.

Pumasok sila sa loob ng amusement park kung nasaan ang mga arcade at ibang pang-batang rides.

Hinila sila ni Andrei pa-pila sa isang Hunted Mansion. Habang nasa pila ay nagkukulitan pa sila pero ng makapasok na sila ay napahinto sila ng marinig ang nakakatakot na tunog.

Napakapit si Barbie kay Winston. Maging si Janella ay napakapit din kay Carlos.

Lakas loob silang nagpatuloy sa paglakad. Nang lumiko sila ay may nadaanan silang parang kulto kung saan parang may sinasamba ang mga tao.
Napapitlag silang lahat ng may mga lumapit sa kanila.

"No, go away." Sabi ni Barbie saka mas kumapit kay Winston ng may lumapit din sa kanilang dalwa at isinasama sila doon sa nagkukumpulan.

Nang makalagpas sila nagulat sila ng harangin sila ng isang grupo, may mga hawak itong parang laman loob. Napapikit si Barbie at hinayaang igiya sya ni Winston.

Hinawi naman ng mga lalake ang mga humarang.

Nang lumiko sila ay may isang witch na may hinahalo sa isang malaking kawa ng maaninag nila kung ano ang hinahalo ay nanindig ang balahibo ni Barbie. Tao iyon at mga laman loob! Kinilabutan din sya sa paraan ng pagtawa nito.

Sa sumunod na madaanan nila ay may mga coffin sa paligid, marami iyon. Nasa gitna na sila ng mga iyon ng bigla biglang magbukas ang mga iyon at magsibangunan ang mga nakahimlay.

Naluluha na si Barbie sa takot at nanginginig na ang mga kamay nya.

Parang mga zombie naman na naglakad ang mga iyon palapit sa kanila, mabilis ang galaw na inialis ng boys ang mga girls doon.

Sa huling part ay madilim na ang paligid.

"Aaahhh! Don't touch me!" Sigaw ni Barbie ng may humila sa kanya papunta sa parang kulungan.

Agad syang hinatak ni Winston pabalik sa tabi nito at niyakap sya.

"W-win..."

Yumakap sya ng mahigpit dito at tuluyan ng naiyak, nanginginig sya sa takot.

Naririnig nila ang paglangitngit ng mga bakal at ang pa-ulit-ulit na pag-iingay na para bang may nagwawala sa mga rehas tapos dumagundong ang nakakakilabot na sigaw sa paligid.

"Tuloooong!"

Nasundan pa iyon ng isang matinis at malakas na sigaw.

"Makakalabas din tayo baby." Bulong nito sa kanya saka hinalikan sya.

Yakap yakap sya ni Winston hanggang sa makalabas sila ng Hunted Mansion. Iminulat na nya ang mga mata nya at pinunasan iyon.

"Ayos ka na?" Tanong nito sa kanya.

Tumango sya kahit nanginginig pa din.
Umigkas ang binti ni Winston at malakas na sinipa si Andrei.

"Aray naman!" Daing ni Andrei na nakatanggap din ng pananakit mula sa iba pang kaibigan nilang lalake.

"Kung hindi ka ba naman gago! Alam mong takot itong mga ito nag-aya ka pa doon!" Galit na sabi ni Carlos na pinapakalma din si Janella.

"Ba't ako? Nagkusa kaya kayong sumama!" Pangangatwiran nya pero nakatanggap sya ng suntok mula kay Nicky.

"Gago! Malamang di namin alam!" Bulyaw sa kanya ni Nicky.

Hindi na naki-alam si Winston at inasikaso na lamang ang baby love nya.

"Oy san kayo pupunta?" Tanong ni Kristel ng makitang naghiwa-hiwalay ang mga kaibigan.

"Magpapahangin lang dyan sa tabi-tabi." Sagot ng mga ito.

Hinawakan sya ni Kennedy sa kamay at iginaya papunta sa ibang dereksyon.

Sa huli walang choice sila Kris at Princess kundi ang samahan ang isa't-isa dahil sila na lang ang naiwan.

"Sigurado ka ba sa naisip mo misis?" Tanong ni Carlos kay Janella ng makalayo na sila.

Tumango naman si Janella.

"Kelangan nilang magka-oras ng sila lang, malay mo magkaayos na sila atsaka kelangan din muna natin ng kanya-kanyang oras para makalimutan yung kanina."

"May suggestion ako misis ko." Paglalambing ni Carlos kay Janella, niyakap pa nito ang bewang ng babae.

"Ano yun?"

"Uwi na lang tayo."

"Gagawin natin doon?"

"Edi gagawa ng baby para makalimutan mo yung kanina."

Hinampas ni Janella ang fiancé.

"Baliw baka mas lalo akong bangungutin!"

Tumawa na lang ang lalake at nagpatuloy sila sa paglalakad.

"Gusto mo bang kumain baby love?" Tanong ni Winston.

Huminto sa paglalakad si Barbie at sumimangot.

"Love tingin mo ba makakaya kong kumain matapos yun? Kadiri!"

Natawa si Winston sa pag-iinarte ng soon-to-be wife nya.

"Ang kyoot mo talaga baby love, lika na nga bibilhan na lang kita ng stuff toys." Paglalambing ni Winston kay Barbie.

"Bet ko yan Love, arcade tayo?"

Ngumiti ang lalake saka tumango at hawak kamay sila na nagtungo sa arcade.

"Tingin mo gano kataas yan?" Tanong ni Rio kay Nicky.

"Tantanan mo ko ibon wala akong balak sumakay dyan kung tayo lang." Masungit na sabi ni Nicky.

"Tinatanong ko lang naman ei." Naka-labing sabi ni Rio.

"Ibon kung gusto mong malaman akyatin mo tapos tumalon ka mula dun sa tuktok."

Napasimangot si Rio pero hindi sya pinansin ni Nicky.

"Oy honey, nagtatanong lang naman ako. Tulog na lang tayo?" Pangungulit ni Rio.

"Mabuti pa, napapagod na ko ei."

Pumunta sila sa may field tapos naupo sa bench. Pinaunan nya si Nicky sa lap nya.

"Sige na matulog ka na muna honey." Sabi ni Rio.

Bumangon si Nicky.

"Sigurado ka?"

Tumango sya.

"Iidlip lang ako, I love you." Sabi nito saka mabilis na hinalikan sya sa labi at nahiga na.

"I love you more." Nakangiting sabi nya saka hinaplos na lang ang buhok nito.

Kahit ganito ang girlfriend nya sweet din naman ito sa kanya. Mukha mang tomboy ito kung umasta at kumilos, babae pa rin ito kapag sya ang kasama.

"Sweetheart gusto ko nun oh!" Turo ni Lily sa cotton candy.

"Sasakit na naman ang ngipin mo nyan." Sabi ni Carlios.

Naglalakad sila sa may foodcourt ng amusement park.

"Dali na sweetheart isa lang naman."

Napabuntong hininga si Carlios saka pinagbigyan ito.

"Yes! Thank you." Tuwang-tuwang sabi ni Lily saka hinalikan sya sa pisngi.

Iginiya nya ito paupo sa isang bench. Sumandal lang ito sa kanya habang kumakain.

"Tingin mo anong magandang panoorin sa mga ito?" Tanong ni Anna kay Jerome.

Nasa sinehan sila at nagtitingin ng mga pwedeng panoorin.

"Yung The How's of Us para masapul silang lahat." Sagot ni Jerome.

Natawa si Anna saka kinurot sya sa tagiliran.

"Loko pero sabagay para may matutunan naman sila."

"Tapos panoorin natin yung Alone Together."

"Letche ka."

Tumawa si Jerome. "Nagbibiro lang ako mahal."

"Ewan ko sayo."

Nagtingin-tingin pa sila ng ibang showing na movie.

"Oy ugok bakit ba kase ambilis mo maglakad!" Inis na sabi ni Shiella saka binatukan si George.

"Hindi ako mabilis maglakad, ang sabihin mo maliit lang ang biyas mo kaya di mo ko maabutan."

"Letche ka!"

Dinedma na ni Shiella si George at naupo na lang sa tabi nito, naglibot-libot kase sila at ambilis nito maglakad kaya halos hingalin sya kasusunod.

"Sugar ano na namang iniisip mo at tulala ka na naman?" Tanong ni Jam kay Maria.

"Baliw, hindi ako tulala! Tinitingnan ko ang mga batang yun."

Itinuro ni Maria ang dalwang batang nakaupo sa may fountain malapit sa damuhang kinauupuan nila.

"Oh? Anong meron?"

"Wala lang ang kyoot kase nila, naalala ko lang nung unang beses tayong nagkasama."

Napangiti si Jam at inihilig ang ulo sa balikat ni Maria.

"At nagpapasalamat ako sa diyos dahil hanggang ngayon kasama pa rin kita." Sabi ni Jam saka hinalikan ang kamay ni Maria.

"Ilang taon na lang ikakasal na tayo."

"Bubuo na tayo ng isang malaking pamilya na sarili natin."

Napangiti si Maria.

Parehas nilang nakikita ang isa't-isa na magkatuwang na pinalalaki ang mga magiging anak nila, iyon ay isa sa mga pangarap na nais nilang matupad.

"Princess."

Napahinto sa paglalakad si Princess at kahit man ayaw nya ay tiningnan nya si Kris.

"Problem?" Tanong nya.

"Sorry nga pala kanina, hindi dapat kita-------"

"Ayos lang." Putol nya sa sasabihin nito.

Ang tinutukoy ni Kris ay ang pagyakap nito sa kanya kanina habang nasa loob sila ng Hunted Mansion.

Ngumiti sya. "Sorry din kung nabatukan kita kanina, ikaw kase ei."

Tumawa ito. "Hindi ko naman alam na ganoon pala iyon."

Hanggang sa gumaan na ang atmosphere sa pagitan nila at nagkukwentuhan na sila habang naglalakad.

"Sorry sa mga nangyare." Sabi ni Kris.

"May kasalanan din naman ako."

Natahimik sila parehas. Hindi alam kung anong dapat sabihin o saan sisimulan.

"Pero mali tayo parehas, hindi natin dapat sila idinadamay." Basag ni Princess sa katahimikan sa pagitan nila.

Tumango ito. "Let's be civil, kahit bilang magkaibigan na lang maging ayos tayo para sa kanila."

Napatango din sya saka inextend ang kamay.

"Friends?"

Tinanggap nito ang kamay nya.

"Friends."

Nag-shake hands sila saka natatawang bumitaw at nagpatuloy sa paglalakad.

"Asan na kaya ang mga yun? Nawili na masyado sa pakikipagharutan sa mga jowa nila." Sabi ni Andrei.

"Andyan lang yun sa tabi tabi." Sabi naman ni Erick.

"Hanapin na natin ng makapag-rides na tayo!" Sabi ni Andrei saka kinaladkad si Erick na magpapahinga pa lang sana.

Kakamot-kamot sa ulo si Erick habang nagpapatianod sa paghila ng kaibigan.

Sa lawak ng amusement park goodluck na lang sa kanilang dalawa kung mabilis at madali nilang mahanap ang mga ito.

Nilibot nilang dalawa ang buong amusement park para mahanap nila ang mga kaibigan nila.

Una nilang nakita sa may sinehan sila Anna at Jerome,  sumunod sila George at Shiella, Janella at Carlos, Kristel at Kennedy.

"Ayun si Maria at Jam!" Turo ni Shiella.

Lumapit sila doon at pumuwesto sa may likuran ng dalwa saka pinatuluan ng tubig mula sa boteng hawak ni George.

"Ay gago anlamig!" Sigaw ni Jam saka nagmamadaling tumayo.

Nagsipulasan silang lahat, nadaanan nila si Nicky at Rio sa isang bench at pinatuluan din ang mga ito saka sila tumakbo palayo. Nang makarating sila sa may foodcourt sumenyas si Janella na manahimik sila saka pumuwesto sa likod ng bench na kinauupuan nila Lily.

Dahan dahan nyang kinuha ang mga pagkain nito saka ipinasa kanila Maria na nakatago din.

"Halaa! Asan na yung pagkain ko?!" Sigaw ni Lily.

Dahan-dahang umalis doon si Janella pumalit naman sa kanya si Kennedy at winisikan ang mga ito ng tubig saka nagtago. Ilang ulit nyang ginawa iyon at sa pangatlo ay nahuli sya ni Lily dahilan para mapatakbo sya palayo.

Takbuhan sila habang habol habol ni Lily at nakasunod si Carlios.

Pagdating sa Arcade paliko na sila ng makita sila Barbie at Winston.

Inagaw nila ang mga dalang stuff toys ng dalwa. Tumawa lang si Barbie at hindi humabol.

Nang huminto sa kakulitan ang mga ito ay hingal na hingal sila.

"Bwisit kayo!" Sabay sabay na reklamo nila Lily, Nicky at Maria.

Tawanan lang sila.

Nagkaayaan silang pumunta muna sa locker para itabi yung mga stuff toys tapos hinanap na nila sila Kris.

Nasa may Ferris wheel na sila ng makitang paalis ang mga ito.

Agad nila itong dinumog.

"Ayieeee!" Pang-aasar nila.

"Pero andaya nyo nag-rides kayo ng wala kame!" Reklamo ni Andrei.

Natawa lang ang dalwa.

"Hala balik! Sasakay tayo!"

"Mamaya na yan sa iba muna tayo." Kontra ni Maria.

Sumang-ayon naman ang iba kaya sa ibang rides muna sila sumakay.

Sakay dito, sakay doon. Kain dito, kain doon ang ginagawa nila. Magpapahinga ng saglit kapag napagod o nahilo tapos sasakay ulit.

Panay ang asaran nila at habulan, may ilang napapatingin sa kanila sa tuwing dadaan sila paano ba naman ay tawanan sila ng tawanan, andami din nila kaya't napapatingin talaga ang ibang madaanan nila pero wala silang pakealam sa mga ito.

Ineenjoy nila ang oras na magkakasama sila, oras na wala pang problema, oras na wala pa silang kailangang isipin. Mga oras na tama na ang magkakasama sila, oras na saya lang ang nangingibabaw sa lahat.

Magkakasamang bumubuo ng mga alaala, magkakasamang sinusubukan lahat ng bagay, sumusubok ng mga bagong experience na syang babaunin nila pagdating ng panahon.

"Sakay tayo dun oh!" Turo ni Rio habang nakatingala.

"Jusko naman insan magpapakamatay ba tayo?" Nakasimangot na sabi ni Anna.

"Walang ayawan!" Sigaw ni Andrei.

Sama sama silang pumila kahit pa ang iba ay kinakabahan, sa taas ba naman kase ng ride na iyon pakiramdam mo mamamatay ka na pagnalaglag ka.

Nakapwesto na sila at naka-safety lock na sa mga upuan ng sumigaw si Janella.

"Guys if after nito wala na kong kaluluwa gusto kong malaman nyo na mahal na mahal ko kayo magsipagtino na kayo!" Sigaw ni Janella.

Nang magsimula ng umandar halos mapasigaw silang lahat ng bigla iyong bumaba ng pagkabilis-bilis.

"Guys ayoko pang mamatay!" Sigaw ni Anna.

"Winston buset ka ba't di ka pa nagpo-propose mamamatay na tayo di pa tayo kasaaaaal!" Sigaw naman ni Barbie na naiiyak na.

Tumawa silang lahat sa narinig.

Bumubulusok ang sinasakyan nila tapos biglang hihinto, tataas at biglang bababa na naman.
Kulang na lang atakihin sila sa puso habang nararamdaman kung gaano kataas ang babagsakan nila.

"Ayoko naaaaaaa!" Sigaw ni Maria.

"Tang-ina bakit nagpahatak ako sa inyooooo!" Sigaw ni Kristel na nanlalamig na ang mga kamay.

"Mabuhay lang talaga ako matapos nito papatayin kita Rio!" Sigaw ni Nicky

"Pagbubuhulin ko kayo ni Kris! Mga yawa kayo! Ang baho nyo mag-suggest ng rides!" Sigaw ni Princess.

"Ayoko na bababa na akooooooo!" Sigaw ni Shiella.

"Jusko di pa ako ready'ng mawala sa mundoooo!" Tili ni Lily.

Ang ingay-ingay nila pero hindi kumikibo ang mga lalake, ni hindi sila umiimik at pare-parehas lang na nakapikit.

Matapos ang ride parang gagapang papunta sa lupa ang mga girls, nagsuka silang lahat wala ng poise poise dahil hinalukay talaga ang sikmura nila dahil sa sinakyan. Hinang-hina sila habang nakaupo at nagpapahinga. Kanya-kanya sila ng plastic na hawak dahil sa paulit-ulit na pag-suka nila. Inasikaso naman sila ng boys.

Bago mag-sunset pumila na sila sa Ferris Wheel. Saktong pag-andar ng ride ang pagbaba ng araw.

"Buset naman Carlios oh! Alam mong katatapos lang mahalukay ng sikmura ko tapos isinakay mo ko dito!" Pagmamaktol ni Lily.

Todo hawak sya sa kinauupuan at ni hindi magawang gumalaw dahil nararamdaman nyang parang tumatabingi ang sinasakyan nila dahil nauuga ito.

Natawa ang lalake. "Tingnan mo yung view." Sabi nito sa kanya.

Umiling sya. "Ayoko!"

Lumipat ito sa tabi nya dahilan para mag-panic sya.

"Sweetheart kalma lang hindi umuuga ang sinasakyan natin gumagalaw talaga sya." Sabi ni Carlios.

Ipinulupot nya ang braso sa babae upang maramdaman nitong nasa tabi lamang sya nito.
Hinayaan nya lamang ito hanggang sa naramdaman nyang bumitaw na ito sa pagkakahawak sa kinauupuan at kumportable ng sumandal sa kanya.

"Ang ganda." Sabi nito ng makita ang tinutukoy nya.

Tahimik lang nila itong pinagmasdan.

Nang lumubog na ng tuluyan ang araw nagbaba sya ng tingin at tiningnan ito.

Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti.

"I love you." Tanging nasabi nya habang nakatingin sa mga mata nito.

Hinawakan nito ang pisngi nya.

"I love you more." Sagot nito.

Hindi sya kumibo at inilapat na lamang ang labi sa labi nito saka marahang hinalikan ang babaeng pinakamamahal nya.

Para sa kanya ito ang depenisyon ng mundo. Ito ang kulay na nagbigay ng sigla sa buhay nya. Ito ang naghatid ng saya sa tahimik na paligid nya.

Ito ang lahat sa buhay nya. Ang nag-iisang mamahalin at pag-aalayan nya ng buong buhay nya hanggang sa kanyang huling hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro