Chapter 39: That 5days After Christmas (Part 1)
Janella Pov
Kinahapunan nagpaalam na kame kay Mommy na pupunta kay Mama dahil well kailangan din namin syang puntahan.
Halos kasabay lang din naming umalis sila Princess dahil may kanya-kanyang family reunion pa silang pupuntahan.
Pagdating sa bahay ni Mama bumungad samin si Ate Lyn na nagtatakaw habang nasa tabi nya si Kuya Carlios na seryosong nakatingin sa Tv.
"Si Mommy?" Bungad ni Carlos.
Sabay silang napatingin sa amin. Agad na huminto sa pagkain si Ate Lyn at lumapit sa akin saka niyakap ako.
"Merry Christmas bunso!" Sabi nya.
"Merry Christmas Ate, umuwi ka na ng bahay batiin mo si Mommy."
"Syempre."
"Nasa garden si Mommy." Rinig kong sagot ni Kuya Carlios.
Tumango lang si Carlos, saglit pa silang nag-usap habang nagku-kwentuhan kame ni Ate tapos pumunta na kame sa garden.
"Ma!" Tawag ko pagkakita ko kay Mama.
Nakaupo sya sa silya habang katabi si Papa. Agad syang tumayo at sinalubong ako.
"Sa wakas! Kanina pa namin kayo inaantay!" Sabi nya.
Pagkalapit ko niyakap ko sya.
"Merry Christmas Ma, Pa."
Nagbatian lang kame tapos nag-aya na si Mama na pumasok kame sa loob para kumain. Di naman kame makatanggi kahit pa busog pa kame kase syempre baka magtampo sya kaya go lang kain ng kain.
Nagkwentuhan lang kame ng nagkwentuhan. Halos lumubog naman sa kinauupuan nya si Ate Lyn ng ikwento na ni Mama yung nangyare kahapon ng dalhin ni Kuya Carlios si Ate Lyn.
"Akala ko talaga di ko sya makakasundo ei." Tumatawang sabi ni Mama.
Natawa din tuloy ako.
After nun iniwan namin sila sa hapag at pumunta kame dun sa kwartong pinagdalhan sakin ni Mama dati. Hindi umiimik si Ate Lyn, kinakabahan ata.
Pagpasok sa kwarto humiwalay ako sa kanilang dalwa at hinayaan si Mama na kausapin si Ate Lyn. Nagtingin-tingin na lang ako sa paligid hanggang sa mapahinto ako sa isang frame. Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang yun nakita, hindi ko yun nakita nung dalhin ako dito ni Mama.
Family frame yun kung saan kumpleto sila. Nakaupo sa silya si Mama at Papa habang nasa kaliwa nakatayo si Carlos at nasa kanan naman si Kuya Carlios samantalang nakaupo sa harap sa mismong lapag ang isang batang babae. Probably sya si Candy.
"Nak." Rinig kong tawag ni Mama.
"Ang ganda nya po pala."
"Sino?"
Tumabi sya sakin. Itinuro ko yung batang babae sa frame.
"Si Candy po."
"Kilala mo pala sya."
Tumango ako. "Sya ang dahilan kung bakit sumama sa amin si Carlos hindi po ba?"
"Sorry hindi ko sya napigilan."
Umiling ako. "Ako po ang dapat humingi ng tawad, kung sana nalaman ko ng mas maaga, kung sana napigilan ko si Zav sana buhay pa sila, sana buhay pa sya."
"Sinisisi mo na naman ang sarili mo." Rinig kong sabi ni Ate.
Lumapit sya at niyakap ako.
"Hanggang kelan mo sisisihin ang sarili mo sa lahat ng maling nangyare sa kanila? Bunso sapat na lahat ng sakripisyo mo para tulungan mo sila, tama na yun. Yung nangyare kay Shiella, sa pamilya nya at sa kapatid nya kasalanan yun ng pamilya ni Zav hindi ba't kahit pumayag kang ikasal kay zav hindi pa din sila nakuntento? Ginawa mo na lahat, sapat na yun."
Napabuntong hininga ako. "Pero hindi sapat para sakin."
"Wala namang sasapat sayo dahil ang gusto mo ibigay lahat ng sayo."
"Nak, wala kang kasalanan. Namatay sila dahil may plano si God para sa kanila. Ilang taon na rin ang lumipas at tanggap ko ng wala na talaga sa amin si Candy."
Hindi ako umimik.
Kung sana pala hindi ako nag-inarte noon at pumayag agad na ikasal kay Zav di sana hindi na kailangang mangyare yung ginawa ng pamilya ni Zav sa pamilya ni Shiella. Edi sana hindi namatay ang kapatid nya at hindi nadamay si Candy.
Pagkatapos nun bumalik na kame sa baba at nagkwentuhan na lang sa sala.
Kinabukasan hapon na ng maisipan kong bumangon sa higaan. Hinayaan ko muna syang mag-asikaso ng sarili nya sabi ko day off muna ako ngayon pero yung totoo tinatamad lang ako kumilos siguro dahil napagod ako sa byahe kahapon at sa walang katapusang kakakain.
"Misis."
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakaupo sya sa sofa habang nakaharap sa laptop nya.
"Bakit?"
"Ayos ka lang?"
"Yeah, tinatamad lang."
Dumiretso ako sa kusina at nagtingin ng pagkain sa ref pero wala akong napagtripang kainin, tinatamad pa rin talaga ako. Antagal naman kase ni Andrei bumalik ei para maka-gala na kame. Sya kase ang iniintay naming lahat para sama sama kameng maggagala pero ang loko bukas pa babalik ng pilipinas.
Pumunta ako sa sala at naupo sa tabi nya. Ipinulupot nya lang sa bewang ko ang braso nya at tumuloy sa ginagawa. Napangalumbaba na lang tuloy ako habang nakapatong ang siko ko sa tuhod ko na nakapatong sa mesa. Ang boring naman ng araw na toh.
"Gusto mong lumabas?"
Umiling ako.
Kahit bored na bored na ko to death dito ayokong lumabas kase for sure gastos na naman yun. Like duh sayang pera atsaka sa mga susunod na araw gagala na naman kame kasama ang tropa gastos din yun kaya kung lalabas kame ngayon another gastos na naman kaya hindi na, kaya ko pa naman.
Binuhay ko ang tv at naghanap ng panonoorin saka sumandal sa sandalan. Lilibangin ko na lang sarili ko tutal ayoko namang maistorbo sya sa ginagawa nya.
Hapon na ng maisipan kong kumilos para magluto baka kase ikamatay namin itong katamaran ko. Kinalas ko ang pagkakapulupot ng braso nya sa bewang ko saka ako pumunta sa kusina para mag-asikaso.
Mabuti pa libangin ko na lang ang sarili ko kesa naman sa tumunganga ako.
By 8pm naghain na ako para kumain.
"Mukhang andami ng niluto mo ngayon Misis." Puna nya.
"Walang magawa ei atsaka kaya mo naman yang ubusin di ba?"
"Of course basta luto mo." Sabi nya saka kinindatan ako, inirapan ko lang sya.
Kinabukasan sa wakas di na ako mabo-bored sa bahay.
"Ayos na ba kayo?" Tanong ni Andrei.
Sya kase ang nasa driver seat dahil well pinarusahan namin sya dahil sa tagal nyang umuwi.
"All in na pre! Larga na!" Sagot ni Kuya Jam na nasa likod.
Umandar na ang sinasakyan namin. Isinalpak ko sa tenga ko ang earphone ko, kinuha naman nya yung isa.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
Panay kase ang pagpikit nya.
"Inaantok lang."
Tinapik ko ang balikat ko. "Lean." Sabi ko.
Ngumiti sya saka yumakap at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.
Tulog din ang iba sa mga kasama namin dahil maaga nga ang pag-alis namin ngayon. Yung dalwa nga sa passenger seat tulog na tulog.
Sila Kuya Rio at Kris ang nakaupo sa passenger seat tapos nasa unang row si Carlos, Ako, Nicky, Shiella at Princess, George sa second row sila Kennedy, Kristel, Erick, Kuya Carlios at Ate Lily. Sa third row naman sila Winston, Barbie, Kuya Jam, Maria, Jerome at Anna. Malaking van ang dala namin kaya medyo nagkasya kameng lahat, ayaw din naman kase nilang humiwalay dahil tinatamad daw silang mag-drive.
Buong byahe tahimik lang kame dahil wala pa sila sa mood mag-ingay, mga kulang pa sa tulog dahil katatapos lang ng pasko nung nakaraang araw. Kung may magigising man sa kanila saglit lang tapos tulog ulit. Si Shiella nga may pagtulala pa ng magising.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
Sumenyas sya ng hindi nya ako marinig.
"Nawala hearing aid mo?" Tanong ko saka sumenyas na naintindihan naman nya.
Tumango sya. "Di ko alam kung saan ko nailagay kanina."
Bumaling ako kay Andrei. "Rei patabi muna sa tabi, nawawala yung hearing aid ni Shiella."
Agad naman syang sumunod.
"Guys! Gisiiiiiiing!"
Niyugyog ko sila isa isa. Nagulat pa nga si Carlos ng bigla akong tumayo.
"Anong problema?" Tanong ni Kristel.
"Check nyo nga mga gamit nyo baka nandyan nailagay yung hearing aid ni Shiella."
Agad silang nagsi-kilos.
"Uy George sayo pinahawak ni Shiella yun kanina ah?" Sabi ni Kris.
"Oo pero pinahawak ko saglit kay Princess!" Sagot ni George.
"Kinuha ni Maria kanina!" Depensa ni Princess
"Pinakukuha ni Shiella ei!" Sabi naman ni Maria.
"Na kay Kennedy." Rinig naming sabi ni Winston.
Kumunot ang noo ni Kennedy saka kinalkal lalo ang bag.
"Tang-ina! Nasa akin nga!" Sabi nya.
Inagaw yun sa kanya ni Shiella. "Ba't kase nasayo?!" Angil ng babae.
"Ba't nga ba?----ah! Iniwan mo kase kanina sa may lamesa nung nagbitbit ka ng ibang gamit kaya kinuha ko. Magpasalamat ka kaya!"
"Edi thank you!"
Napakamot ako sa ulo. Di talaga sila nagbago, mga siraulo pa din-----"Ay gago!" Sigaw ko ng sumubsob ako sa upuan sa harap ko.
Nang tingnan ko nangalaglag yung iba sa sahig samantalang nakahawak naman sa ulo yung iba.
"Balak mo ba kameng pagswimming-ngin sa walang tubig?!" Bulyaw ni Kuya Jam
"Oo." Sagot ni Andrei.
"Damn! Nagkabukol ata ako." Rinig kong sabi ni Kuya Carlios.
Lumingon samin si Andrei.
"Ano mag-iingay pa kayo?" Tanong nya.
"Gago!"
"Tang-ina mo!"
"Mamatay ka na Andrei!"
"Pakyu sagad!"
Natawa kame at binato si Erick ng mga gamit.
"Aray!" Daing nya.
"Anong pakyu sagad?! Siraulo toh!" Sigaw ni Kuya Rio.
"Gano ba yan ka-sagad Erick?" Natatawang tanong ni Kennedy.
"Gago dumi ng utak mo!"
Napailing na lang ako sa kasirauluhan nila. Pero infairness na-miss ko yung ganito yun nga lang kulang na kame kase wala na sila Erich at Eracha.
"Tama na nga yan tumuloy na tayo!" Saway ko.
Bumalik ang katahimikan ng paligid at nagsimula na ulit ang byahe namin.
"Usog naman, naiipit ako." Rinig kong sabi ni Princess.
Tumayo si George saka naupo sa lapag sa may harapan namin.
"Ginagawa mo dyan bro?" Tanong ni Kuya Rio ng mapatingin sa kanya.
"Naiipit daw sya ei." Sagot nya.
"Ayan kase mga tamad magdrive!" Sabi ni Andrei.
Wala ng nagkomento dahil lahat sila nag-kanya-kanya na ng tulog.
Malapit na magtanghali ng makarating kame. Agad nagsipag-ayos ang lahat at nag-unahang lumabas ng van.
Nang makalabas ako naabutan kong nagbibitbit na sila ng mga gamit nila samantalang may kausap na lalake si Kuya Rio.
"Ayos na, tara!" Sabi ni Kuya Rio.
Takbuhan na sila papunta sa bahay.
"Kaya pa? Akin na yung isa."
Kinuha ko sa kanya yung isang bag saka kame sumunod sa kanila.
"Shocks! Na-eexcite ako!" Rinig kong sigaw ni Princess.
"Ano now lang nakapunta ng farm?" Epal ni Kris.
Inirapan lang sya ni Princess saka pumasok sa loob.
Nasa isang malawak na farm kame. Inutusan kase ni Aunty si Kuya Rio na icheck itong farm nila tapos naisipan naming sumama.
Pagpasok sa loob kanya-kanya muna kameng punta sa mga kwarto namin.
"Bahala na kayo sa buhay nyo kung saan nyo gusto." Sabi ni Kuya Rio ng magtanong sila kung aling kwarto.
"Nakakapagod."
Nahiga ako sa kama at yumakap sa unan, naupo naman sya sa gilid ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog saglit.
Nang magising ako hapon na. Bumangon ako at bumaba sa baba, naabutan kong nakaupo ang mga boys sa may sala.
"Asan sila Maria?" Tanong ko.
"Nasa may likod nakatambay." Sagot nila.
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa likod.
"Anong meron?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
"Wala lang di namin feel makisama sa kanila ngayon." Sagot ni Maria.
"Nagsabay-sabay na naman kayo noh?"
"First day." Sagot ni Ate Lily.
"Third." Sagot ni Anna
"Fourth." Nicky
"Last day." Princess
"Second." Barbie
"Delay ako." Kristel
"First day ko din." Maria
"Last week pa ko tapos, badtrip lang kay George." Sabi ni Shiella.
"Buti na lang tapos na ko kahapon." Sabi ko saka naupo sa katabi ni Barbie.
May ganitong time talaga minsan yung nagkasabay-sabay or nagkasunod-sunod yung mens namin tapos badtrip kameng lahat sa boys or ayaw naming sumama sa kanila or worst kaaway namin sila.
Kaya din siguro mga tulog itong mga ito kanina kase meron nga sila.
Nilingon ko si Barbie at kunot na kunot ang noo nya.
"Bakit?"
Sumimangot sya. "Si Winston kase nakakabadtrip!"
"Anyare?"
"Ayaw akong paalisin sa tabi nya."
"Ei? Panong nandito ka?"
"Nag-walk-out si gaga." Singit ni Nicky.
Mas sumimangot si Barbie. Napailing-iling na lang ako. Tahimik lang kameng nakaupo, wala ng kumibo sa amin at nag-kanya-kanya na ng mundo.
"Girls kakain na daw." Biglang sulpot ni Kuya Carlios. "Love let's go." Baling nya kay Ate Lily.
"Ayoko pang kumain." Sabi ni Ate Lily at dinedma si Kuya.
Napakamot na lang tuloy sa ulo ang lalake saka bumalik sa loob.
"Princess kain na tayo." Rinig kong sabi ni Kris na sumulpot din bigla.
"Wala akong gana." Sagot ng babae.
Katulad ni Kuya Carlios wala ding nagawa si Kris.
Sumunod na dumating si Carlos na may bitbit na tray, lumapit sya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Inilapag nya sa mesa yung tray saka kinuha yung plato at humarap sa akin.
"Alam kong kapag inaya kitang pumasok sa loob hindi ka din sasama kaya ito dinala ko dito, tara kain na tayo."
Napasimangot ako saka kumain.
"Baby sorry na."
Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa kabilang gilid ko. Nakita ko si Winston na nilalambing si Barbie.
"Tantanan mo ko."
"Sorry na please? Bati na tayo tara na sa loob kailangan mong kumain baka mamaya magalit na naman si Baby sumakit na naman yan."
"Hoy! Ano yan?!" Sita ni Nicky.
"Buntis ka Barbs?!" Gulat na tanong ni Ana.
"Meron ako tapos buntis? Tanga lang sis?" Iritang sagot ni Barbie.
"Ei. Sinong baby ang tinutukoy nitong si Winston?" Tanong ni Kristel.
"Yung ulcer ko." Nakasimangot na sagot nya.
"Ayiiiieee." Seryosong pang-aasar nila Ana.
Para tuloy silang hindi kinikilig dahil hindi man lang ngumiti.
Sa huli napilit din ni Winston si Barbie dahil hindi nya tinigilan.
Bumaling na lang ulit ako sa kinakain ko.
----------
"Kris bitawan mo si Ken wala syang ginagawa ano ba?!"
Napasimangot ako ng bumungad sa akin ang ingay ng bunganga ni Princess.
"Anong nangyayare?" Tanong ko ng makarating ako sa kung nasaan sila.
"Sabi ni Kris nahuli nyang nilalandi ni Kennedy si Princess sa kusina. Kausapin mo nga insan, ayaw makinig sa paliwanag namin ei." Sabi ni Maria.
"Hoy Kris sumusobra ka na ah!" Sigaw ni Shiella.
Nang bumaling ako sa kanila nakahawak na sa panga nya si Kennedy.
"Tama na nga yan." Awat ko pero dahil galit si Kris parang wala syang naririnig at sumugod pa rin kay Kennedy.
"Anong nangyayare?" Tanong ni Carlos.
"San kayo galing?" Tanong ko din.
"Sinamahan si Rio sa kabilang bayan."
"Awatin nyo sila!" Sigaw ko kanila kuya ng makitang nagpapambuno na yung dalwa mukhang na badtrip na si Kennedy kaya gumanti na din.
Agad na kumilos sila Kuya pati si Carlos umawat na din pero ayaw paawat nung dalwa.
"Pakuha ng baril ko sa kwarto." Utos ko kay Nicky na agad din namang sumunod.
Nang makabalik sya agad ibinigay iyon sa akin.
"Damn you! Ano lalahatin mo lahat ng babae sa tropa?! Lalandiin mo silang lahat?! Bakit hindi ka na makuntento kay Kristel?!"
Kinasa ko ang baril at itinutok dun sa vase di kalayuan sa kanila saka pinaputok ang baril na hawak ko.
Lumikha yun ng malakas na tunog dahil sa pagbasag ng vase at paghulog nun sa lupa.
Napahinto silang lahat at napatingin doon. Ikinasa ko ulit ang baril at tiningnan sila.
"Titigil ba kayo o hindi?"
"Pero Ms."
"Pero ano kris? Pero gusto mo syang saktan? Bakit kapag ba sinaktan mo sya mawawala yang nararamdaman mong galit na mali naman? Kapag ba napatay mo si Kennedy matatahimik ka na? Hindi ba't kaibigan mo din sya? Ano sasaktan mo ang kaibigan mo dahilang sa maling nakita at nalaman mo? Kelan ka pa naging si Eracha?"
Hindi sya nakaimik.
"Kelan pa naging makitid ang utak mo? Basta basta ka na lang nanakit ni hindi mo man lang inalam ang totoo."
Tiningnan nya ako ng maigi.
"Bakit Ms, ano ba talagang totoo?"
"Magkaibigan lang sila."
Natawa sya. "Kaibigan? Kaibigan na pala ang tawag sa pagyakap at paghalik sa noo ng lalake sa babae. Nice binago na pala?"
"Magkaibigan lang kame!" Singit ni Princess.
Magsasalita na sana sya pero inunahan ko.
"Hindi ba't niyayakap nyo din ako? Hinahalikan din ni Winston at Jerome ang noo ko. Ibig sabihin hindi kaibigan ang tingin mo pagniyayakap mo ko back then?"
Nagulat sya at di nakapagsalita.
"May iba bang ibig sabihin ang mga yun para sayo kris?"
"M-Ms...."
"Sabihin mo sakin ngayon Kris kung hindi friendly gesture ang tingin mo sa ginawa ni Kennedy ibig bang sabihin hindi din friendly gesture ang pagyakap mo sakin pag-may problema ka?"
Hindi na sya nakaimik pa.
"Hindi mo kase muna kame tinatanong. Wala ka bang tiwala kay Princess?"
"Wala talaga syang tiwala Ms, hindi ko nga malaman kung totoo bang mahal ako nyan ei ni hindi nga nya magawang humarap sa mga magulang ko tapos ako pa ang lumalabas na masama na hindi ko sya ipinaglalaban ei ginagawa ko nga lahat para sa relasyong wala namang kasiguraduhan."
"Mahal kita pero natatakot ako."
"Kris kapag mahal mo ang isang tao kahit na natatakot ka haharapin mo. Kahit na natatakot ka ipaglalaban mo." Sabi ko.
Inayos ko ang baril na hawak ko.
"Tutal nandito na rin naman tayong lahat, ayusin na natin lahat ng naungkat na nakaraan." Dagdag ko pa.
"Pero Ms, baka mabugbog ako ni Rio." Tutol ni George
"Mabubugbog o habang buhay tayong mag-aaway away sa nakaraang matagal na dapat napatawad at kinalimutan?" Tanong ko sa kanya.
"Bugbog na nga lang." Napapakamot sa ulong sagot nya.
"Sige na guys mag-usap usap na kayo, alam ko hindi madali pero kung paiiralin nyo na naman ang pagtahimik mabuti pang maghiwa-hiwalay na tayo."
Di nagtagal nagsikilos na din sila at nagsimula ng mag-usap-usap. Samantalang si Kennedy at Kris mukhang wala atang balak at tahimik lang. Naupo ako sa isang silya saka bumaling sa kanila.
"Ano? Ganyan na lang kayo?"
Parehas silang napasaltak.
"Sige tuloy nyo yan tingnan natin kung saan kayo dadalhin ng away nyo at nang nakaraang di nyo mabitawan."
"Hindi naman kase ganun kadali yun." Nakaiwas ang tinging sabi ni Kris.
"Sino bang may sabing hindi madali? Dalwa lang naman yan ei. Friendship or Pride."
"Hindi madaling magpatawad."
"Hindi nga pero kung mahalaga sayo ang pagkakaibigan nyo kahit na gaano kahirap kakayanin mo."
Tiningnan nya akong mabuti pero ngumiti lang ako. Napabuntong hininga sya saka bumaling kay Kennedy at sinuntok ang balikat ng lalake.
"Aray!" Daing ni Kennedy.
"Damn you! Wag mo ng uulitin yun! Bago mo kausapin ang prinsesa ko dumaan ka muna sa akin!" Inis na bulyaw nya.
"Oo na, oo na! Tang-ina nito alam ko namang may mali ako pero nakakarami ka na ah! Bugbog sarado na ako!"
"Sorry nagselos ei."
"Tang-inang selos yan muntikan akong mapatay."
Napapailing na lang akong natawa sa kanilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro