Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Disappearance (4th Message)

Andrei Pov

Mas lalo kameng nabagabag at nawalan ng oras para sa sarili. Puyat kameng lahat dahil kinailangan na namin bilisan kumilos para masagip na sila at huwag ng mas lumala ito pero kahit anong gawin namin walang nangyayare.

Hindi parin kame tumitigil sa paghahanap kay Chelsea dahil malakas ang kutob naming sya ang may kagagawan nito. Kinukutuban kame lalo dahil hindi namin ito mahagilap sa kahit saan.

Tumatakbo ang araw at sa bawat sandaling lumilipas isa isa kameng kinukuha ng kung sino mang may pakana ng hindi nakakatuwang larong ito.

"Kelan kaya matatapos toh noh? Habang tumatagal kinikilabutan ako sa paraan nya ng pagpatay sa atin." Biglang sabi ni Kris

"Siguro pag-lahat tayo namatay matatapos toh." Sabi ni Winston.

"Hoy! Hindi tayo pwedeng mamatay! Pag-namatay tayo pano na si Janella? Pano na yung mga magulang natin? Pano na yung mga mahal natin?" Singit ni George na binatukan si Winston.

"Sige ituloy mo ang pambabatok ng matuluyan tayo, kitang nagda-drive ako!" Angil ni Winston.

"Tss. Dun din naman punta natin." Ismid ko.

"Kung mamamatay din naman tayo edi magpakuha na lang tayo dun sa killer na yun para sama sama tayong mamamatay." Sabi ni Kris

"May punto ka." Sang-ayon ko.

"Mga abnormal." Rinig naming sabi ni Winston.

Huminto ang sinasakyan namin malapit sa kotse ni Jam. Sabay-sabay kameng bumaba at lumapit doon.

Inutusan kame ni Janella na puntahan ito baka daw sakaling may iniwang clue sila Maria. Knowing her matalino ito at kahit nasa gitna ng kahit anong laban nakakaisip ito ng bagay na may pakinabang.

Tiningnan namin ang kotse, wala na roon ang mga gamit nila. Malamang nakuha na ng mga pulis ang mga ito dahil sila ang naunang pumunta dito at nakakita.

Nang wala kameng makuha bumalik na kame sa kotse at umalis.

Pabalik na kame sa bahay nila Janella ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Letche kinakabahan na tuloy ako sa tuwing maririnig kong may cellphone na tumutunog pakiramdam ko may kinuha na naman yung bwiset na killer na yun." Sabi ni Kris.

Tinapik ko sya sa balikat. "Di ka nag-iisa."

Tiningnan ko yun at si Janella ang nag-text.

Puntahan nyo ang parents ni Maria nasa kanila na ang gamit ni Maria ibinalik na ng pulis matapos walang mahanap na lead. I-check nyo for sure may iniwan sya dun.
Ingat kayo.

Nag-reply lang ako ng okey.

"Mga abnormal sa bahay tayo ni Maria may inuutos si Ms." Sabi ko.

Tumango si Winston saka nagmaniobra pabalik. Mabilis lang ang naging byahe namin at nakarating din kame agad.
Huminto ang kotse sa tapat ng bahay ni Maria. Umibis agad kame palabas at nag-door-bell, katulong ang bumungad sa amin.

"Si Tita Emelda po?" Tanong ko.

"Nasa loob, tuloy kayo sir." Sabi nya saka binuksan ang gate.

Pumasok kame sa loob at dumiretso sa sala. Naabutan naming umiiyak na nakaupo si Tita sa sofa.

"Tita."

Nag-angat sya ng tingin saka tumayo.

"Andrei! Nawawala si Maria!"

"Nabalitaan po namin. Nandito po sana kame para makita yung gamit nya. Gusto ko po sanang makita baka sakaling may iniwan syang clue."

Nagulat sya.

"Gamit? Hindi ba't nasa inyo na?" Naguguluhang tanong nya.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Winston

"May pumunta dito kanina, kinuha yung gamit nya. Ang sabi kailangan nyo daw yun. Bago kayo makarating nakaalis na sya."

"Kilala nyo ho ba?"

"Hindi ei pero sabi nya kaibigan nyo daw sya, babaeng maputi sya."

Nagulantang kame nila Winston.

Babaeng maputi....

Kaibigan namin...

Magtatanong pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag bumungad sa tenga ko ang boses ni Janella

"Andrei bumalik na kayo dito! Naglaho sila Kennedy!"

"Panong naglaho?! Anong nangyare?!"

"Kanina nandito lang sila! Magkakasama sila nila Princess tapos pagbalik namin ni Carlos wala na sila!"

"San ba kayo nagpunta?"

"Sa mga magulang ni Ana at Jerome! Kame na nga mismo ang pumunta para hindi na sila mapahamak yet nag-disappear sila!"

Napasaltak na lang ako.

Agad kameng nagpaalam kay Tita Emelda at umuwi diretso sa bahay ni Janella. Pagdating namin halos takbuhin na namin ang main door makapasok lang sa loob pero pagpasok namin makalat na paligid ang tumambad sa harapan namin.

Gulong gulo ang sala parang dinaanan ng bagyo. Pumunta kame sa kusina ng may marinig kameng boses galing doon. Pagpasok namin naabutan naming nag-uusap yung dalawa.

"Anong nangyare?" Bungad namin.

Lumingon sila at agad na ibinigay sa amin ang papel.
Binasa namin yun at halos manghina kame.

The game was about to start.
Who would have thought na madali pala kayong isahan?
Dapat kase lumayo na kayo sa kanya.
She doesn't deserve any single respect you are giving.
She's just a trash who pull down anyone who would be close to her.

"Nakita namin yang nakadikit sa pinto pagdating namin kanina."

"Another message saying we shouldn't trust you."

Hindi sya umimik.

Nagpalitan kameng lima ng impormasyong nakalap namin.

"Babaeng maputi na kaibigan natin? Lahat sila ay maputi!" React nya.

Tumango-tango kame.

Mahirap i-determine kung sino ang salarin kung ibabase lang sa ganoon dahil lahat ng kaibigan naming babae lalo na sa tropa ay tugma sa sinabi ni Tita Emelda.

Narinig naming bumukas ang pinto ng banyo at nagulat kame nila winston ng makita si Erick.

"Ba't ganyan kayo makatingin?" Tanong nya.

"Hindi ka nakasama kanila Kennedy?"

Umiling sya. "Nasa taas ako natutulog, kagigising ko lang."

Kumunot ang noo namin.

Paanong nakaligtas sya ng ganoon?

There is really something here, parang may kakaibang nangyayare.

Iba ang kutob ko sa kanya.

Pakiramdam ko may involvement sya sa nangyayare. Pakiramdam ko alam nya ang totoo kaya nakakaiwas sya everytime na may mangyayare o nangyayare.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro