Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Romeo and Juliet (3rd Message)

Princess Pov

Yung ngayon na nga lang ako nagka-point of view for the first time tapos ngayon pa kung kelan ang creepy ng nangyayare sa amin.

Dalwa na sa kaibigan namin ang nasa kamay ng killer na hindi ko malaman kung anong trip sa buhay at gusto kameng patayin.

Napapaisip tuloy ako, may sinaktan ba kame noon? Bakit ginaganito nya kame?

Sa pagkakaalala ko si Chelsea----teka!

"Guys pano kung si Chelsea ang gumagawa nito?" Biglang tanong ko.

Napahinto sila sa ginagawa at tiningnan ako.

"Imposible." Sagot ni Ms.

"Naisip ko lang kase, what if sya pala? Kase sya lang naman ang kaaway natin."

"Pwede din." Sang-ayon ni Nicky.

"Sige susubukan naming hagilapin si Chelsea." Sabi ni Andrei.

"Sasama kame pre." Sabay sabay na sabi nila Kris, Winston at George.

Tumango si Andrei.

Ilang araw na kameng busy sa paghahanap kanila Ana, halos hindi na natutulog si Ms, mahanap lang sila, tuloy wala ding tulog si Carlos dahil binabantayan nya ang asawa nya.

Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Nagugutom na ako dahil sa mga nangyayare.

Yung mga magulang nila Jerome at Ana wala na ring tigil sa paghahanap. Halos lahat na nga kame kumikilos pero heto at hindi parin namin mahanap.

Ang wala lang samin ay si Erich, ang sabi ni Erick ayaw daw muna pumunta ng babae dahil pinagtutulungan daw namin.
Mukha nya pinagtutulungan, sya nga itong walang kwenta ei.

Ewan ko ba dyan dati naman nung mga bata kame hindi yan ganyan. Sobrang bait pa nga nyan ei tapos ngayon ayan demonyitang gawa sa plastic na.

Dala ang mga pagkain bumalik ako kung nasaan sila.

"Oh kain muna kayo." Sabi ko saka ibinaba sa mesa yung mga dala ko.

Kumuha naman sila habang nagpapatuloy sa ginagawa. Bandang tanghali ng magpaalam sila Maria na uuwi muna sya sa bahay nya para kamustahin ang mga magulang nya. Sinamahan naman sya ni Jam. Ibinilin pa nga nito kay Carlos na huwag pababayaan si Ms, tumango lamang ang lalake.

Bandang hapon ng umalis sila Andrei para hagilapin si Chelsea para ma-check kung tama ba ang hula ko.

Ilan na lang kameng naiwan.

Si Ms, na busy sa laptop nya habang katabi si Carlos na sinusubukang matulog sa balikat nya.

Si Kristel at Kennedy na mukhang nagkahimala ata at nag-uusap sila sa kabilang sofa.

Si Shiella at Nicky sinusubukang makibalita sa mga pulis kung ano ng nangyayare.

Si Rio naman nakahiga sa sofa habang paulit-ulit na pinanonood yung video ni Ana habang naka-earphone sya.

Si Erick naman tahimik na nakaupo sa isang single na sofa habang nakatingin kanila Carlos na dedma lang.

At ako na kumakain habang nakaupo sa lapag.

"Anong balita?" Tanong ni Ms, na ni hindi inaalis ang mga mata nya sa ginagawa nya.

Naupo naman sila Nicky sa tabi ko.

"Nagagalit na sila dahil paulit-ulit daw tayo. Katatanong lang daw ng mga magulang tapos nakikigulo pa daw tayo." Sagot ni Nicky

"Kaibigan lang naman daw tayo kaya manahimik daw tayo at wag ng makigulo." Dagdag ni Shiella.

Dumilim ang ekspresyon ni Ms.

Bumalikwas ng bangon si Rio. "Gago ba sila?! Malamang makikibalita tayo kase nag-aalala tayo!" Galit na sabi nya.

Tiningnan lang sya ni Nicky.

Inilapag ni Ms, ang laptop nya sa kabilang gilid nya saka hinila si Carlos pahiga at pinaunan nya sa lap nya.

"Hindi na tayo mangungulit." Rinig naming sabi nya.

"Huh?" Takang tanong namin.

Lahat kame parang tinubuan ng question mark sa ulo dahil sa sinabi nya.

"Hindi na natin sila guguluhin, kikilos tayo ng sarili natin." Ibinigay nya kay Rio yung laptop. "Kaya mong i-access di ba?" Tanong nya, tumango lang ang lalake saka may kinalikot doon.

Kinagabihan dumating sila Winston.

"Anong nangyare sa lakad nyo?" Tanong namin.

Pabagsak silang naupo sa sofa.

"Wala." Sagot ni Winston.

"Hindi namin mahanap." Sagot naman ni Kris

"Wala kameng nakuhang impormasyon." Sagot ni George

"Susubukan ulit namin bukas." Sabi naman ni Andrei.

Natulog sila sa sofa at ni hindi na gumalaw sa kinauupuan.

"Tapos na." Rinig naming sabi ni Rio saka inilapag yung laptop sa mesa.

"Anong tapos na?" Kunot noong tanong ni Nicky

"Pina-access ko sa kanya ang background, credit at ari-arian ng pamilya ni Erich."

"Bakit si Erich?"

"Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa kinikilos nya."

"Oh yung isa dyan na mahal na mahal ang babaeng yun baka naman sabihin mo sa kanya hah? Eskandalosa pa naman ang babaeng yun." Sabi ni Shiella.

Sumaltak lang si Erick na syang pinatatamaan ni Shiella.

Huminto muna kame sa kanya-kanyang ginagawa at nagpahinga. Gabi na rin at kailangan namin ng sapat na lakas para sa mga susunod na araw.

Maria Pov

Natatakot ako.

Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Habang tumatagal pakiramdam ko nalalapit kame lalo sa kapahamakan. Hangga't hindi namin natutukoy kung sino ang may kagagawan ng pagkawala nila Ana at Jerome nasa peligro ang buhay naming lahat.

Base sa mga pinapadala nitong mensahe na naglalaman ng video o picture talagang papatayin nya kame base sa paraan na ginagawa nya.

"Ayos ka lang?"

Nilingon ko sya at tumango ako.

On the way na kame pabalik kanila Janella. Chineck ko lang ang mga magulang ko dahil natatakot ako na baka pagnagpatuloy ito may chance na hindi ko na sila makita pag-ako na ang susunod.

Paglagpas namin sa isang subdivision may humarang na Van sa amin. Huminto ang sinasakyan namin.

Nakaramdam ako ng kaba ng lumabas ang mga sakay ng Van na iyon. Madilim pa ang paligid dahil hindi pa sumisikat ang araw ngunit naaninag ko pa rin sila.
Mga armado silang tao, mga nakatakip ng mask at nakasuot ng itim na kasuotan. Just like those cliché teleserye sa Tv. Wala na bang iba?

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type saka ibinalik sa bag.

Lumapit sila sa amin at pilit pinabababa kame ng sasasakyan. Ayaw man naming lumabas binasag nila ang salamin at sapilitang pinalabas kame. Itinago nya ako sa likod nya at manlalaban sana si Jam pero sinenyasan ko syang wag na. Armado sila at dalwa lang kame, dehado kame paglumaban kame. Hindi kame katulad ni Janella na nagagawang lumusot sa mga ganito.

Hinila ako ng isang lalake.

"Huwag nyo syang hahawakan!" Sigaw nya at akmang hihilahin ako pabalik sa kanya pero sinikmuraan sya nung isa.

Naiyak na lang ako.

Kinaladkad sya papasok sa Van, ganun din ako. May itinakip sila sa ilong ko dahilan para unti-unting manlabo ang mga mata ko.

God kung ito na ang katapusan namin maluwag kong tatanggapin pero sana wala ng madamay pa, sana kame na ang huli.

Princess Pov

"NO!"

Sabay-sabay kameng napabalikwas ng bangon ng marinig naming sumigaw si Ms.
Nang tingnan namin sya nakaupo na sya sa lapag habang hawak ang cellphone nya.

Agad namin syang nilapitan at itinayo saka pinaupo sa sofa. Umiiyak na naman sya habang nanginginig ang mga kamay, niyakap sya ni Carlos at pinakalma.

Ako ang kumuha sa cellphone na hawak nya para tingnan kung ano yun pero bago ko pa makita tumunog ang telepono, sinagot yun ni Rio.

"Tang-inang buhay toh!" Frustrated na sabi nya.

"Bakit daw sinong tumawag?" Tanong ni Shiella.

"Mga pulis ang tumawag natagpuan daw nila ang kotse ni Jam, basag ang salamin at bukas ang pinto malapit sa isang subdivision. Ang hinala nila kinidnap."

"Sila na ang isinunod." Rinig naming sabi ni Ms.

Tiningnan ko ang cellphone na hawak ko. Isang message na naman.

They both love each other
But they can't be together
Cause destiny wasn't on their side.

Just like Romeo and Juliet.
He was her Romeo.
She was his Juliet.
And this is their love story.
But can they end up with each other happily unlike them?

Of course no,
Because he is Romeo and she was Juliet.
And just like them.
It should be tragic.

Tapos may picture na namang kasama yun, showing Maria standing in a elevated floor as a balcony wearing a costume like Juliet while Jam on the other side was on the floor wearing a Romeo's costume.

Parehas silang nakagapos habang walang malay.

Wala ni isang nagsasalita sa amin habang hawak hawak ang kanya-kanyang cellphone. Huminto na si Ms, sa pag-iyak pero tulala ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro