Chapter 18: Goodnight
Janella Pov
The day before my birthday wala naman masyadong ganap. Bukod sa pumasok ako sa school wala naman masyado. Actually nakapantulog na nga ako at nakahiga na sa kama ei ready na para matulog pero bago yun nagbabasa muna ako ng libro. Medyo maaga pa rin naman kase at hindi pa ako inaantok sadyang napagtripan ko lang mag-asikaso ng maaga para makapaggulong-gulong sa kama ng wala ng iintindihing kailangang nag-half-bath.
Napahinto ako sa pagbabasa ng tumunog ang cellphone ko. Umupo ako mula sa pagkakadapa at kinuha yun.
"Hello?"
"Hi Misis."
"Napatawag ka?"
"Wala lang. Matutulog ka na ba?"
"Di pa naman. Ikaw?"
"Later na, di ka pa matutulog."
"Ano na namang trip mo?"
"I miss you."
"Wala namang bago kahit nga magkasama tayo miss mo pa din ako."
"Ganun talaga."
"Ba't ka ba napatawag?"
"I'm just checking you."
Tumango-tango ako na para bang nakikita ko sya.
"Ginagawa mo?" Tanong nya.
"Nagbabasa. Ikaw?"
"Naks is this a sign?"
"Anong sign?"
"Sign na meant to be tayo."
Natawa ako. "Sira! Ang corny mo."
Narinig kong bahagya syang tumawa saka tumikhim.
"Sige na magbasa ka na." Sabi nya.
"Pano ka?"
"Magbabasa din."
"I-end ko na?"
"Open ka messenger dali."
Layo ng sagot sa tanong ei --___--
"Huh? Bakit?"
"Basta."
Napasaltak ako saka kinuha yung laptop ko at nag-open. Maya-maya lang nagpop-up sya bigla.
"Mga pauso mo talaga ei noh!"
"I-accept mo na lang."
Napairap ako saka inaccept yung Video call nya.
Nang maayos na ang line. Nakita ko na ang nakangiting pagmumukha nya.
"Hi Misis!" Bati nya saka kumaway kaway.
Napapakamot sa ulong tumawa ako.
Pinatay ko na yung tawag sa phone.
"Ba't mo pinatay?" Nakasimangot na tanong nya.
"Nag-e-echo ei."
Tumango-tango lang sya. Nagtingin ako ng mask.
"Ayos ba? Mukha na kong matalino." Nakangiting sabi ko.
Natawa sya ng makita yung sinelect ko. Salamin sya.
"Hoy walang picturan!" Nakasimangot na sabi ko saka inalis yung naka-set na mask.
Pano biglang nagpop-up yung notif sa ibabang screen na pinicturan nya.
Kinuha ko na yung librong binabasa ko saka nagsimulang magbasa. Napahinto lang ako ng marinig na parang may nag stram ng gitara.
Nilingon ko sya at nakita kong may hawak syang gitara.
"Anong ginagawa mo?"
"Basta pakinggan mo na lang."
Inilapag ko yung libro saka kinuha yung laptop, sumandal ako sa headrest at ipinatong sa unang nasa ibabaw ko yung laptop.
Tapos nagsimula na syang mag-gitara at kumanta, kinuha ko yung cellphone ko at vinideo'han sya.
"Late at night when all the world is sleeping
I stay up and think of you
And I wish on a star that somewhere you are
Thinking of me too."
Sumulyap sya saglit saka nagpatuloy.
"Cause I'm dreaming of you tonight
'Til tomorrow I'll be holding you tight
And there's nowhere in the world I'd rather be
Than here in my room dreaming about you and me"
Nakita kong ngumiti sya habang seryosong na-gi-gitara.
"Wonder if you ever see me
And I wonder if you know I'm there
Am I there? Am I?
If you looked in my eyes
Would you see what's inside
Would you even care?
I just wanna hold you close
But so far all I have are dreams of you."
Nag-angat sya ng tingin at tiningnan ako rather yung screen saka kumanta.
"So I wait for the day,
And the courage to say
How much I love you
Yes I do!"
Tapos kinanta nya ulit yung chorus.
Pagdating dun sa sumunod stram na lang.
"Anyare?" Tanong ko.
Napakamot sya sa noo nya. "Di ko solo yung next."
"Ulitin mo pag-stram dali."
"Kakantahin mo?"
Nginitian ko lang sya. Sumunod naman sya sa sinabi ko.
"Late at night when all the world is sleeping
I stay up and think of you
And I still can't believe
That you came up to me
And said, 'I love you.'."
"I love you too." Rinig kong sabi nya.
Tumawa lang ako tapos sumabay na sya sa pagkanta ng chorus.
Nang matapos itinigil ko na yung pag-bi-video.
Nakangiti syang bumaling sakin. Samantalang pinagtripan ko na naman yung mga mask. Tawa sya ng tawa habang ginagawa ko yun.
"Ang cute mo."
"I know right!"
"Nga pala may ibibigay ako."
"Ano?"
"Wait. 5minutes." Sabi nya.
"Huh?"
Ngumiti lang sya. "End ko muna."
Tumango lang ako saka itinabi na yung laptop ko at nagbasa na lang ulit. After siguro ng ilang minuto biglang bumukas ang pinto at iniluwa sya nun.
"Carlos?"
Umupo ako at takang nakatingin sa kanya. Lumapit sya sakin saka naupo sa tabi ko, kinurot ko ang pisngi nya dahilan para mapasimangot sya.
"Para san yun?"
"Chini-check ko lang kung totoo ka."
"And what make you think na hindi ako totoo?" Masungit na tanong nya.
"Ei kase baka mamaya panaginip ei, lakas ko pa naman mag-imagine."
Ngumisi sya bigla.
"Wag kang assuming." Sabi ko saka tinampal sya sa noo.
Sumimangot ulit sya.
"Ikaw na nga pinuntahan ei." Drama nya pero tumawa lang ako.
"Oh." Naka-pout na sabi nya saka inabot yung isang paper bag sakin.
"Ito ang ibibigay mo?"
Umiling sya saka inilabas yung susi sa bulsa nya,
"Para san yan?"
"Secret basta bukas mo na alamin."
Kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang susi. Naguguluhan man itinabi ko yun sa wallet ko.
"Tara basa na tayo." Sabi nya.
Natatawang tumango ako. "Ito talaga bonding natin ei."
"Adik ka kase sa libro."
"Ako daw, ei mas mabilis ka ngang magbasa kesa sakin. Sa loob ng isang linggo nakakailang libro ka agad."
Tumawa na lang sya saka umunan sa unan ko at binuklat yung libro nya. Binuksan ko naman yung paper bag at halos mag-twinkle ang mata ko ng makitang French Fries ang laman nun. Inilagay ko yun malapit sa kanya saka umunan sa tyan nya at nagbasa na din. Take note nagbabasa habang kumakain.
Tahimik lang kame---rather---sya dahil alam nyo na pag-nagbabasa tayo minsan kapag nakakakilig yung scene di natin mapigilang kiligin din at kapag nakakaiyak yung scene syempre naiiyak din tayo.
Hindi naman sya umaangal o naiinis, napapatingin lang sya tapos tatawa saka babalik sa binabasa nya.
Maya-maya umayos ako ng higa at tumabi sa kanya baka kase sa kakalikot ko di na sya makahinga kase nakaunan ako sa tyan nya mabigat pa naman ang ulo ko.
"Misis?"
Nilingon ko sya ng konti kase nakatagilid ako patalikod sa kanya. Ipinatong nya sa braso ko ang baba nya.
"Matutulog ka na?"
"Di pa pero inaantok na."
"Matulog ka na."
"Kantahan mo ko."
"Lullaby?"
"Hindi."
"Kinantahan na kita ei."
"Oo nga pala."
Humiga na sya ng maayos, inilapag ko na yung libro saka umunan ng maayos sa unan. Pipikit na sana ako ng halikan nya ako sa noo.
"Goodnight Misis." Sabi nya habang nakatingin sa akin.
Tumango ako. "Goodnight Mister."
Lumapit ako sa kanya at sumiksik. Niyakap naman nya ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro