Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Kennedy is in Trouble

Janella Pov

Kinabukasan maaga akong gumising dahil paniguradong maaga din manggugulo yung mga asungot.

"Goodmorning Philippines----"

"Ingay mo hoy! Kala nito di nakakabasag ng pinggan ang boses!"

Napasimangot ako at binato ng sapatos ko si Kuya. Kahit kelan lakas makapanira nya ei.

"Aray!"

Lumapit ako at kinuha yung sapatos ko. Hahampasin ko pa sana sya ng sumulpot bigla si Carlos.

"Goodmorning." Bati nya pagkahila sa akin palayo kay Kuya.

Napasimangot ako.

"Misis ang aga aga nakasimangot ka agad." Sabi nya saka pinisil ang ilong ko.

"Ei alangan namang ngumiti ako ei nang-iinis na naman si Kuya!"

"Para namang hindi ka pa nasanay sa kanya. Hayaan mo na lang sya."

"Asus! Aga-aga ang sweet nyo na agad! Tara na uy!" Sigaw ni George.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ko.

"Oo----"

"Hindi pa Ms, wala pa si Winston." Singit ni Princess.

"Puntahan na lang natin." Sabi ko saka bumaling kay Carlos.

"Anong Oo?"

Ngumiti sya. "Oo kumpleto tayo basta nasa tabi natin ang isa't-isa." Sabi nya saka humalik sa pisngi ko at nauna ng lumabas kasabay nila Andrei.

Napasimangot akong sumunod.

"Ayieee rinig namin yun!" Sabi ni Kristel na sinundot pa ang tagiliran ko.

Mas lalong nalukot ang mukha ko. Napahinto lang ako sa pagsimangot ng makita ko si Shiella. Agad akong lumapit sa kanya at sinabayan syang lumakad palabas.

"Kamusta?" Bungad ko.

Tipid syang ngumiti. "Ito pinipilit maging maayos."

"Hindi ka ba nagkasakit dahil kahapon? Naulanan ka ei."

"Medyo sinipon lang, salamat nga pala kahapon Ms."

"Always welcome."

Pagdating sa Van hindi ako tumabi kay Carlos at tinabihan ko si Shiella sa likod.

"Aalis na sya bukas." Mahinang sabi ko dahilan para mapalingon sya sakin. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Napabuntong hininga sya. "Mabuti na siguro toh Ms, atleast hindi kame nagkakasakitan."

"Ang tanong masaya ba kayo?"

"Magiging masaya din siguro."

"Hindi naman against ang pamilya mo di ba?"

Umiling sya. "Ayos lang daw pero naguguluhan pa ako, hindi ko pa kaya."

"Ang hirap noh?"

Tumango sya. "Sobra. Yung tipong gusto ko ng makalimot pero sa tuwing susubukan ko naalala ko yung kapatid ko, kapag sinusubukan kong amining napatawad ko na sya pakiramdam ko binabalewala ko ang pagkamatay ng kapatid ko. Ang hirap, ayoko ng magalit pero hindi ko mapigilan dahil nawala ei, may nawala sakin."

"Mabuti nga sigurong wag na lang muna."

"Mahal ko naman sya ei pero hindi yun sapat para mawala yung galit na meron ako. Kapatid ko yun ei, kapatid ko yung nawala."

"Ano ng balak mo?"

"Hahayaan ko na lang muna, siguro saka ko na aaminin sa kanya kapag ayos na ko, kapag buo na ulit ako, nawasak ako ei. Nawasak ako sa ginawa nya. Pagdating siguro ng panahon na yun at ako parin ang mahal nya baka may pag-asa pang maging kame ulit pero sa ngayon gusto ko munang lumayo sa kanya."

Tumango-tango ako. "Ano man ang mangyare andito lang kame, andito lang ako para sayo."

"Tama talaga si George ei. You are our light, our guide toward our right path."

"Galing nyo talaga mambola ei!"

Tumawa sya.

I'm glad kahit papano medyo ayos na sya unlike kahapon na halos natutulala at umiiyak sya. I was there ako ang nag-uwi sa kanya after ng mangyare. Nakita ko kung pano sya nasaktan sa desisyong pinili at ginawa nya. Kung paanong nasaktan sya ng muli nyang maalala ang bangungot ng nakaraan nya.

Nasasaktan ako para sa kanya kailangan nyang talikuran muna ang pagmamahal nya kay Zav dahil hanggang ngayon hina-hunting parin sya ng nakaraan nya.

Oo sya ang pinaka-maarte sa aming magkakaibigan, hygiene is life sya since birth pero sa likod nun may taong walang ginawa kundi sisihin ang sarili sa bangungot na nangyare sa buhay nya. Babae na kung titingnan walang problema pero sa likod ng maskara nagkukubli ang napakasakit na nakaraan na nagpapahirap sa kanya sa kasalukuyan.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ni Winston. Umibis kameng lahat palabas at nag-door-bell.
Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Nanay Emmy.

"Sino ho sila? Anong kailangan?"

Mula sa likod nila Andrei sumingit ako at pumunta sa harap.

"Hi Nana!" Nakangiting bati ko saka kumaway.

Kumunot ang noo ng matanda at inayos ang salamin saka tiningnan ako ng maigi. Nanatili lang akong nakangiti.

"Janella?"

"Yes Nana!"

"Ay juskong bata ka!"

Tumawa ako sa yumakap sa kanya. Hinaplos nya ang mahaba kong buhok.

"Ngayon ka na lang ulit nagawi dito! Kamusta ka na? Anlaki laki mo na! Tumaba ka rin."

"Naku si Nana miss na miss ako! Ayos na ayos naman po ako. Ikaw po? Ayieee ilang taon ka na Nana? Ba't parang di ka tumatanda?"

"Bolera! Ano nga uling kailangan nyo?"

"Si Antukin po."

"Ah nasa kwarto pa nya, pasok kayo."

Iginiya nya kame papasok sa loob ng mansyon. Pinakilala ko kay Nana sila Shiella habang papasok kame.

Napangiti na lang ako ng muling mapagmasdan ang paligid.

Antagal na rin pala ng huling makatapak ako sa mansyon na ito. 2years na rin pala ang nakakaraan, ang huling punta ko napagalitan pa nga kameng tatlo eii, ako, si winston at si jerome dahil nakipag-away kame para sa dating frat namin.

"Nana pupuntahan lang po namin si Winston." Paalam ko, tumango naman sya.

Inaya ko na sila na umakyat sa taas. Lumiko kame at naglakad papunta sa dulo ng hallway. Pagdating sa dulo nakalock ang pinto buti na lang binigyan ako ni Nana ng susi.

Pagbukas ko ng pinto tumambad samin ang tulog na tulog na si Winston.

"Hoy pre bangon na!" Niyugyog sya nila Kuya pero hindi pa din nagising.

Kinuha ko yung isang basong tubig sa may side table saka lumapit.

"Bangon na antukin!" Sabi ko saka binuhusan sya pero gumalaw lang sya at umiwas.

"Ayokong pumasok!" Sabi nya.

Lumapit ako sa may sliding door at hinawi ang kurtina nun. Nakita kong nasa kabilang bahay si Barbie habang nakasimangot na nagkukusot ng mata.

Ano na naman kayang ginawa ng dalwang toh at ngayon lang nagising?

Napalingon sya sa gawi ko at agad ngumiti saka kumaway, ngumiti din ako saka kumaway.

Binuksan ko ang sliding door.

"Barbs punta ka nga dito! Gisingin mo nga itong si Tonton! Ayaw bumangon ei!" Sigaw ko.

Bumusangot sya saka binuksan ang pinto at dumaan sa bridge na nagdurugtong sa kwarto nila ni Winston.

Bumalik ako sa kwarto saktong binuksan nya yung pinto sa may bridge.

"Goodmorning." Bati nya samin saka bumaling kay Winston.

Gumilid ako at hinayaan sya.

Sumampa sya sa kama at naupo saka kinuha yung libro.

"Win gising na, papasok ka pa."

"Ayokong pumasok barbs. Inaantok pa ko."

"Bumangon ka na, di pwede yun kailangan mong pumasok."

"Inaantok talaga ko barbs."

"Nakalimutan mo atang sabi mo kagabi ihahatid mo ko?"

Napabalikwas ng bangon si Winston at napatingin kay Barbie.

"Ba't di ka pa nag-asikaso?"

Umirap si Barbie.

"Dah. Nakakatamad kaya."

"Mag-asikaso ka na. Maliligo lang ako saglit."

Bumangon na sya sa kama nya at kinuha yung twalya. Bumalik sya kay Barbie saka hinalikan ang noo nito.

"Goodmorning." Nakangiting bati nya saka pumasok sa banyo.

Hiyawan sila Andrei. Pigil naman ang ngiti ni Barbie na nagpaalam na mag-aasikaso na din.

Natawa na lang ako.

Napakarami talagang tao ang stuck sa zone na toh.

Lumabas na kame at nag-intay sa may garden kung saan kita ang bridge. Ilang minuto din ang lumipas ng makita kong tumawid na doon si Winston papunta sa kwarto ni Barbie. Sabi na ei, si barbs agad ang pupuntahan.

Nagpaalam na kame kay Nana at inintay lumabas si Winston sa bahay ni Barbie. Nang lumabas ito hiyawan na naman sila Andrei at abot-abot na pang-aasar ang ibinato nila sa lalake. Nag-poker face lang ito saka iginiya si barbie sa motor nya.

"Susunod na lang ako." Paalam nya samin.

Nakangiting tumango ako. Lumapit sakin si Barbie saka yumakap para magpaalam. Nang makaalis na sila, sumakay na kame ng van at umalis na din.

Pagdating sa school ilang minuto lang dumating narin si Winston.

"Yun pala si Barbie?" Bungad sa kanya nila Andrei.

Tumango lang ang lalake.

"Bakit di mo sya isinasama satin pre? I mean pag-may lakad tayo." Tanong ni George

"Busy." Tipid na sabi nya.

"Busy or binabakuran? Magkaiba yun ah!" Sabi ni Kris.

Binatukan lang sya ni Winston saka ito naupo sa silya nya.

"Sayang! Gusto sana namin syang maging kaibigan." Sabi ni Maria

"She's so beautiful." Sabi ni Kristel.

"Mabait din at for sure maingay din yun!" Sabi ni Princess.

Hindi na umimik si Winston kahit anong pangungulit nila.
Wala talaga silang mapapala kahit anong pangungulit nila. Hinding hindi papayag si Winston na isama si Barbie sa kanya kapag kasama namin sila Andrei. Alam nya kaseng maloko ang mga ito at baka kung ano pa daw ang mangyare. You know ang mga lalake madalas walang tiwala sa kapwa lalake when it comes to their 'special someone' alam kase nila kung anong kayang gawin ng mga ito.

For example itong asawa ko kuno. Akala mo okey lang sa kanya na dumikit sakin sila Andrei? Nah. Alam kong deep inside kung pwede lang nya akong ilayo sa kanila for sure ginawa na nya. (I'm not assuming, ramdam ko ei.)

For them kase kahit pa sabihing kaibigan nila yan or may bro code alam nila na once mainlove sila talo-talo na. Lalake sila at alam nila ang kilos ng kapwa nila. Just like us girls alam natin kung ano ang pagkakaiba ng malandi sa matino kahit isang tingin pa lang natin.

Ilang sub din ang dumaan bago mag-break time.

"Tara na Ms." Aya nila.

Umiling ako at nanatiling nakaupo.

"Tinatamad akong lumabas, una na kayo."

"Pero hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Carlos.

"Hindi, busog ako."

"Sigurado ka insan?" Tanong ni Nicky.

"Ayieee! Nakiki-pinsan! Oo future cousin-in-law. Sigurado ako."

"Ayiee si nicky naghahanda ng maging part ng pamilya!" Sabi ni Kris

Tapos kiniliti nila si Nicky sa tagiliran.

Sumimangot sya saka lumabas na, natawa na lang ako. Nakigatong din kase sila eii.

Nagpaalam na sila at umalis na para kumain.

"Oh? Ba't nandito ka pa?" Baling ko kay Carlos na nakatayo pa din sa harapan ko.

"Tara na."

Sinimangutan ko sya. "Ayaw ko nga kumain ei. Busog pa ko."

"Hindi mo talaga ako sasamahan?"

"Kaya mo na yan malaki ka na."

Sumaltak sya saka umalis.

Kinuha ko yung libro sa bag ko at pumunta sa reading corner at naupo sa matress na nanduon. Nagulat ako ng bigla syang sumulpot at naupo sa tabi ko.

"Oh kumain ka." Sabi nya saka inilapag yung mga binili nya.

Isinara ko ang binabasa ko saka humarap sa kanya.

"Carlos----"

Napahinto ako sa pagsasalita at napapitlag ng biglang kumalabog ang pinto.

"Ayos ka lang?" Tanong nya.

Tumango ako at sabay kameng napalingon sa pinto. Pumasok sila Erick at Erich.

"I love you." Rinig kong sabi ni Carlos.

Tiningnan ko sya at nakita kong nakatingin din sya sakin.

"Ayos lang ako." Sabi ko saka ngumiti. "I love you more."

Sumubsob na lang ako sa may balikat nya. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap.

"If ever you need someone you need to lean on. I am here wife. I love you." Rinig kong sabi nya.

Tumingala ako at nakita kong seryoso sya. Nang tumingin sya sakin nginitian nya ako saka hinalikan sa noo.

"If ever you need someone who'll be by your side to listen. I am here husband. I love you more."

Natawa sya saka hinaplos ang buhok ko.

"Ginagaya mo ko."

"Ayaw mo? Di wag!"

Humiwalay ako sa kanya akmang tatayo na ako ng hagipin nya ako.

"Wala akong sinabing pwede kang umalis."

"Bibili ako ng pagkain ko!"

"Binilhan na kita. San ka pa pupunta?"

Sinimangutan ko sya.

"You can't run away from me. Misis." Nakangising sabi nya.

Inirapan ko sya. "Whatever."

Kinuha ko yung binili nya saka binuksan.

"Oh." Sabi ko saka inilapit sa kanya.

Tahimik lang kameng nagkukwentuhan habang kumakain. Nagulat ako ng may matumbang upuan. Lilingon na sana ako ng bigla syang mabulunan kaya sa kanya ako lumingon. Inabot ko sa kanya yung bottle water.

"Ayos ka na?"

Tumango sya. Natawa pa ko ng lumabas sa ilong nya yung tubig, agad kong pinunasan yun kahit na tawa ako ng tawa.

"Ayos ka na nga HAHAHA!" Natatawang sabi ko.

"Misis."

"Charrot lang HAHAHA!"

Sumeryoso sya kaso bigla din syang natawa. Di nya napigilan ei pa-seryo-seryoso pa sya natawa din naman.

Tumayo ako saka itinapon yung mga pinagkainan namin. Lumingon ako sa may likuran at nakita kong nandoon yung dalwa. Napabuntong hininga ako sa bumalik sa tabi nya. Kinuha ko yung libro saka binuklat at nagbasa ulit. Napahinto lang ako ng mahiga sya at umunan sa lap ko saka nagbasa din ng librong hawak nya.

"What if magkatotoo yung mga fictional character-----"

I cut him off. "I rather choose you than them."

Natigilan sya. Ibinaba ko ang hawak ko ng libro saka tiningnan sya.

"I rather choose your imperfection than their perfection."

"Why?"

Ngumiti ako saka sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko.

"I rather be in a reality with you than a dream with them. You know me, ayoko ng hindi totoo."

Bumangon sya at lumapit ng husto sa akin saka idinikit ang noo sa noo ko.

"Ehem!"

Sabay kameng napapitlag ng marinig ang boses ng Teacher namin. Agad kameng napahiwalay sa isa't-isa at pinulot ang libro saka bumalik sa upuan namin.

"Mga kabataan talaga oh." Sabi pa nung teacher namin.

"Ikaw kase ei!" Sabi ko kay Carlos. Hinampas ko pa sya ng libro pero tinawanan nya lang ako.

"Kasalanan ko bang mahal kita?" Natatawang sabi nya kaya sumimangot na lang ako at sumubsob sa desk ko.

Paniguradong namumula ang mukha ko sa sobrang hiya. Ajujuju ang PDA naman kase namin ei!

"Jana."

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatayo sa harap ko si Erick.

"Can we talk?" Tanong nya.

Lumingon ako sa katabi ko saka tumingin sa kanya.

"Ayoko." Baka magalit sya ei.

"Pleasee?"

Lumingon ulit ako kay Carlos. Ngumiti sya saka tumango, umiling naman ako.

Yoko baka mamaya na naman magselos na naman sya ei!

"Sige na Misis. Promise ayos lang ako." Rinig kong sabi nya.

Sumimangot ako saka humalik sa pisngi ni Carlos at napipilitang tumayo saka bumaling kay Erick na nakakunot ang noo.

"Tara." Sabi ko saka naglakad palabas ng room.

Pagdating sa labas humarap agad ako sa kanya para matapos na.

"Let's fix this." Sabi nya

"Anong kailangang ayusin?"

"Tayo."

"Huh? I don't get you."

"Hindi ba't nagtatampo ka sa akin?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ah. Ano bang sinasabi mo? Ayos naman tayo ah?"

"Hindi tayo ayos Janella."

"Baka ikaw ang hindi ayos Erick, kase honestly ako, ayos naman ako ei."

"Hindi ka nagtatampo?"

Umiling ako. "Wala naman akong magagawa kung gusto mo talaga sya kaya sige go lang susuportahan na lang kita tutal kahit ano namang pigil ko di ka rin naman nakikinig ei."

"Sorry."

"Ayos lang, that's what my role is, right? Dapat suportahan kita kase bestfriend tayo ei."

"Janella-----"

"Tara na sa loob baka magsimula ng magturo si Ma'am." Sabi ko saka tumalikod na at papasok na sana sa loob ng magsalita sya.

"Mahal mo na sya di ba?"

Natigilan ako saglit pero agad din akong tumango saka lumingon at ngumiti.

"Mahal ko sya higit pa sa pagmamahal na nararamdaman mo kay Erich." Sabi ko saka tuluyang pumasok sa loob.

*Cross finger* wag sana akong kidlatan.

Di naman ako nagsisinungaling pero heto at sinabi ko yun. It's white lies dahil alam kong soon darating din ako sa ganun.

Mamahalin ko rin si Carlos more than I love Erick.

Pagbalik ko sa upuan tahimik lang akong naupo saka nakinig kay Ma'am. Maya-maya bumukas ang pinto at niluwa nun sila Kris.

"Ba't ngayon lang kayo?!" Highblood na sigaw ni Ma'am saka lumapit sa table nya.

"Sorry po ma'am." Sabi nila.

"All of you go to detention room!" Galaiting sigaw ni Ma'am.

Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"With all due respect Ma'am, no need for that. Hindi naman sobrang bigat ng ginawa nila para i-detention pa sila."

"Ms. Salvador----"

"Let this be their first warning pag-naulit pa akong bahalang magparusa."

Walang nagawa si Ma'am kundi hayaan sila. Tuwang tuwa naman sila na naupo sa silya nila.

"Thank you Ms!" Sabi nila Kris

Tumango ako. "Just make sure hindi na mauulit."

Sumaludo sila saka sabay-sabay na nag-promise. Ngumiti lang ako saka bumaling kay Ma'am na nagtuturo sa harap.

"Yung mga late dyan sa likod! Sagutan nyo toh!" Sigaw ni Ma'am

"Ms, ayaw namin." Mahinang sabi nila.

"Hindi pwede. Sige na gawin nyo na, it's the consequences of what all of you done so face it."

"Pero-----"

"Nag-aral naman kayo di ba? Kaya nyo yan."

Napasimangot sila saka pumunta sa harap para magsagot pero dahil hindi ko rin naman matiis sila. Every time may mali, ako ang nagko-correction at tinutulungan ko sila. Kahit naman kase sinabi kong kaya na nila syempre hindi ko naman kaya silang pabayaan.

Matapos yun bumalik na sila sa upuan. Nang mag-uwian na nagulat ako ng bigla nila akong akbayan.

"Problema nyo?" Tanong ko.

Nakapalibot kase sila sa akin.

"Umamin ka insan anong himala ang nangyare?" Sabi ni Anna

"Huh?"

"Pano mo nalaman yun?" Tanong ni Winston

Ngumiti ako.

"Knowing you Jana hindi ka marunong sa math, nagpapaturo ka pa nga nung elementary ei!" Sabi ni Erick

"Nangongopya pa nga yan sakin dati nung elementary ei." Singit ni Kristel

Sinimangutan ko sila. "Di ba pwedeng magaling lang magturo yung tutor ko?! Grabe kayo!" Angil ko.

"Omyghad!" Sigaw ni Shiella.

Kunot noo kameng napatingin sa kanya.

"This the reason?" Tanong nya

"Reason?"

Tumango sya. "Ito yung dahilan kung bakit naabutan ko kayong nasa may kusina nung nakaraang araw! Nung nakabusangot si Carlos tapos tawa ka ng tawa!"

Kinagat ko ang labi ko, pakiramdam ko nag-init bigla ang mukha ko.

"Halaaa! Namula si Ms!" Sigaw ni Princess

"Shaatttaap! Grabe kayo sakin."

"Ibig sabihin nung gabing naging okey kayo at tumagal kayo sa library ibig sabihin nagpapaturo ka sa kanya?" Tanong ni Maria

Tumango ako. "Sabi ko naman sainyo nagpapaturo ako ei! Nag-aaral kame!"

"Ayieeeeee!"

"Sino nga ulit nagturo sayo Ms?" Tanong ni Kris.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Yung asawa ko! Bakit ba?!" Angil ko.

"Teka sino ba asawa mo?" Singit ni Andrei.

"Malamang si Carlos! Sino pa ba?!"

"Ayieeeeee!"

Pinagbabatukan nila si Carlos na tahimik lang sa may gilid ko.

"Dumadamoves ka bro!" Sabi ni Kuya

"Infairness! Natuto si Ms, nung si Erick nagtuturo di sya matuto-tuto pero nung ikaw nagturo na-gets na nya agad. Iba talaga pag-mahal mo nagturo ei matututo ka talaga." Sabi ni Kris.

"Believe me hindi yun basta ganun lang, hindi nya kase sinukuan kaya natuto sya." Depensa ni Carlos.

"So anong gusto mong sabihin? Na kaya hindi sya natuto sakin kase hindi nya ako mahal?!" Inis na tanong ni Erick.

Anyare dito? Ba't G na G?

Maangas na ngumisi si Carlos. "Ikaw ang nagsabi nyan hindi kame."

Akmang susugurin sya ni Erick ng gumitna ako.

"Enough." Seryosong sabi ko.

Tiningnan nya lang ako saka sya umalis.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Tara na nga." Aya ko sa kanila saka lumabas na din.

"Misis."

"Po?"

Nilingon ko sya.

"Sorry."

Huminto ako sa paglalakad.

"Ba't ka nag-so-sorry?"

"Muntik kameng mag-away ng bebe mo."

"Inaway mo sarili mo?"

"Huh?"

"Wala!"

Tinalikuran ko sya pero hinila nya ako pabalik.

"Anong ibig sabihin mo?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Sino ba kaseng tinutukoy mo?"

"Si Erick."

"Ah. Akala ko sarili mo ei."

Para syang tinubuan ng question mark sa ulo.

"Slow. Ikaw ang bebe ko di ba?"

Kumunot ang noo nya tapos maya-maya tumikwas ang gilid ng labi nya hanggang sa naging ngiti yun.

"Bebe mo ko?"

"At nag-bebe-han na nga ang mag-asawa, mag-anak na nga kayo ng magka-beybe na kayo." Singit nila Maria na dumaan sa gilid namin.

Natawa kame parehas ni Carlos.

"Tara na nga. May sumisingit sa moment ei!"

Hinila ko na sya pa-sunod sa kanila. Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at inintertwined yun. Patay malisya na lang ako.

"Nga pala bakit na-late kayo kanina?" Tanong ko ng makalapit kame sa kanila.

"Si Winston kase." Sabi ni Jerome na tinuro ang nananahimik na si Winston.

"Baket?"

"Kaninang break time kase nalaman namin na may usapan sila ni Barbie na ihahatid nya ito pauwi, half day lang kase pasok ni ate girl. Ayun sumama kame." Sabi ni Kristel

"Pinilit nila ako." Singit ni Winston.

"Ayun dapat saglit lang kaso itong lover boy natin nakalimutan atang may last class pa tayo, masyado atang nawili habang kasama si Barbie kaya nakalimutan." Sabi ni Shiella

"Kung hindi kayo namilit sumama edi di sana kayo late." Depensa ni Winston

"Andamot mo naman kase Papa Ton! Ayaw mong ipakilala samin yang special girl mo." Sabi ni Kris

Sumaltak lang si Winston.

Tapos nagsimula na namang mang-asar sila Andrei habang kinukwento yung sweetness daw ni Winston kay Barbie. Asus kaumay. Dati ko pa nakikita yun ei.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko. Nag-text si Mommy.

"Ah, guys. Mauna na pala kayo." Sabi ko dahilan para mapatingin sila sakin.

"Bakit bunso?" Tanong ni Kuya

"Nagtext si Mommy ei, puntahan ko daw sya sa principal office."

"Ah sigii kita na lang bukas Ms." Sabi nila

Tumango ako. "Ingat." Sabi ko.

Maglalakad na sana ako ng mapansing nakasunod sakin si Carlos.

"Mau-----"

"Ihahatid kita." Sabi nya

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Tahimik lang kameng magkasabay na naglalakad. Nang makarating sa office bumati lang sya kay Mommy tapos nagpaalam na ako.

"Text me pag-uuwi ka na, susunduin kita."

Ngumiti na lang ako saka tumango. Humalik lang sya sa pisngi ko saka umalis na.

"Mom tungkol saan po ba ito?" Tanong ko matapos bumati at magmano.

"Nawawala si Kennedy bunso."

"Po?"

"Kahapon pa sya nawawala. Ni-report ito sakin kanina after makita ng taga-linis ng condo nya ang sulat sa salamin."

Inabot sakin ni Mommy yung picture nung salamin.
Napa-poker face ako ng makita yun.

Blood is thicker than water
But I know when it comes to you
Kahit basura pinahahalagahan mo.
Hindi naman siguro kawalan kung mawawala sayo ang lalakeng ito.
Marami ka namang lalake sa buhay mo, sakin na lang sya hah?

Napairap na lang ako.

Hanggang ngayon malandi parin sya at higad pa din.

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko may tumatawag na unregistered number.
Sinagot ko yun.

"What do you need?" Bungad ko agad.

"Hi enemy! Wala man lang pagbati? Di mo ba ako i-we-welcome? It's nice to be back you know.."

"Crazy. Tell me what do you need?"

"Ouch ha! Tutal na-miss kita. Let's meet kung gusto mo pang makuha ang basurang lalakeng ito."

"Where?"

"Daling kausap ei?"

Tumawa sya, napasaltak na lang ako. Ibinaba ko ang tawag ng masabi na nya kung saan.

"Sino?" Tanong ni Mommy.

"Si Chelsea."

Napabuntong hininga sya.

"Pupuntahan mo?"

Tumango ako.

Kung bakit ba naman kase lapitin ng gulo at disgrasya itong si Kennedy ei! Palagi na lang napapa-trouble.

Nagpaalam na ako kay Mommy at nagtaxi na lang pauwi ng bahay. Itinext ko na lang si Carlos na may aasikasuhin pa akong iba kaya hindi na ako magpapasundo.

Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko. Nagpalit ako ng suot at kumuha ng mga kailangan ko saka umalis ulit.

Nagtaxi lang ako papunta sa place na sinabi ni Chelsea kanina.

Nagpababa ako sa tapat ng isang abandonadong building.
Naglakad ako palapit doon, pagtapak ko palang sa loob lumipad na agad ang maraming kutsilyo. Iniwasan ko lang lahat yun saka pinatamaan yung mga nagbato. Dumiretso ako paakyat sa hagdan ng may mahulog na malaking kabinet mabilis akong kumilos para hindi madaganan nun. Nang makaiwas ako dumiretso na agad ako sa taas.

Sinalubong ako ng sampung lalake na may hawak na mga kahoy. Napalunok ako ng sumugod sila.
Sampu sila tapos isa lang ako. Spell dehado? Syempre sila! Marami lang sila pero mas daig ng may strategy ang bilang noh!

Nilampasan ko sila at naglakad sa hallway ng mapatapat ako sa isang malaking silid.

"Nagustuhan mo ba ang warm up mo?" Rinig kong sabi nya.

Nang lumingon ako nakita ko ang retokada nyang mukha.

"Anong pakiramdam na hanggang ngayon kulang ka parin sa pansin?" Tanong ko.

Naglakad ako papasok ng silid.

"Hindi ka ba nagsasawa? Sa makalipas na taon paulit-ulit na lang na ganito. Sawang sawa na ko dai." Sabi ko pa.

Tinapunan nya ako ng tingin saka inutusan yung mga tauhan nya na wala namang palag sa akin.

"Kinakalawang na ba ang utak mo at di ka na makaisip ng ibang plano?"

Nanggigigil syang umalis sa likod ni Kennedy na walang malay habang nakaupo at nakatali sa silya. Lakas maka-teleserye di ba? Wala ei wala na syang maisip na iba pang twist.

"Hanggang ngayon mayabang ka parin!" Iritang sigaw nya saka sinugod ako.

Umiwas ako sa unang atake nya at hiniwa ko ang mukha nya.

"Arrgghh! My face!" Sigaw nya saka sumugod ulit.

Hiniwaan ko ang braso nya.

Habang sugod sya ng sugod hinihiwaan ko ang katawan nya.

"Ano? Yun na yun?" Nakangising tanong ko saka hinampas sya ng malakas dahilan para mawalan sya ng malay.

Napabuntong hininga ako saka pinunasan ang kamay ko at lumapit kay Kennedy.

"Hey Kag, wake up!" Tinapik ko ang pisngi nya.

Nagmulat sya ng mata saka tiningnan ako at ngumiti.

"Jewel...dumating ka." Nanghihinang sabi nya.

Ngumiti ako saka kinalagan ang tali sa kamay at paa nya.

"Tayo na dyan uwi na tayo."

Inalalayan ko syang tumayo saka inakay palabas ng building. Sumakay kame ng taxi at sinugod ko sya sa hospital para magamot ang mga sugat sa katawan nya dahil malamang sinaktan sya ni Chelsea.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro