Chapter 14
⚠️⚠️TRIGGER WARNING:⚠️⚠️
This chapter contains a sensitive about kidnapping and sexual abuse that may trigger one's anxiety.
THIS IS A CRIME FICTION and if you are not comfortable in reading such topics, kindly skip this chapter. I need to write such information for the story to progress.
──⊹⊱✫⊰⊹──
"Isang nagbabagang balita! Nakatanggap diumano ng isang death threat ang multi-millionaire na si Destiny Lauchengco kani-kanina lamang at ayon sa mga ilang empleyado, tila may kinalaman raw ito sa kaso ni Lena Madrigal."
Mabilis na pinaharurot ni Dei ang sasakyan nang marinig ang balitang iyon habang nag-uusap sila ni Xander kanina. Hanggang ngayon ay umaalingawngaw sa isipan niya ang balitang iyon at patuloy ang pagkabog ng dibdib niya. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela at binilisan pa ang takbo, ni hindi inaalintana kung lalagpas ito sa maximum speed limit. Ang importante'y makarating siya sa patutunguhan niya.
"Dei, baka hindi ka papasukin!" Xander warned her as she approached the front door.
It is being guarded by security, and reporters from several TV and radio stations are attempting to obtain an exclusive story about the tragedy. After all, it's not everyday that something unusual happens at Lauchengco Investments and Holdings.
Hindi nakinig ang dalaga, ang tanging nakita niya ay ang pinned Police I.D. ni Xander. Hinablot niya ito mula sa binata at ibinalandra sa Head of Security. Bago pa man makita ang mukha na nasa I.D. picture ay agad rin niya itong tinanggal. "Kasama kami sa mga nag-iimbestiga sa kaso. Nasaan si Ms. Lauchengco?" ma-awtoridad nitong tanong.
Nag-aalangan ma'y sumagot pa rin ito, ibinulong nito kay Dei kung nasaan ang nagmamay-ari ng kumpanya. "Nasa twentieth floor."
Kaagad na tinahak ni Dei ang elevator at pinindot ang number 20 at hinintay na marating ang palapag na iyon. Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Xander kung gaano kabalisa ang dalaga at bago pa man nila matungtong ang naturang destinasyon ay hinawakan niya ang kanang braso ng dalaga upang mapatingin ito sa kaniya. "Dei, ano'ng nangyayari?"
Napatitig ito sa kasamang binata. Alam niya sa sarili niyang mapagkakatiwalaan naman si Xander ngunit may kung ano'ng pumipigil sa kaniya upang idetalye ang mga nalalaman niya. "Look, I'm only trying to help. Pero hindi kita matutulungan kung bulag ako sa mga nangyayari."
Dei took a deep breath, and before she could say anything in response, the elevator door opened as they reached their destination. Hinila niya si Xander papalabas nang magsimulang pumasok ang mga empleyado dahil isa-isa na silang pinaaalis sa palapag na iyon. Tumigil sila sa isang sulok kung saan walang makakarinig sa kanila. "Destiny's in danger." Panimula niya. "Mahirap itong paniwalaan dahil siya ang tinuturong primary suspect pero maniwala ka... inosente siya sa kaso ni Lena Madrigal."
Before Xander could ask another question, they heard a familiar voice screaming not far from where they were standing. "DON'T TOUCH ME! GET OUT!" Kasunod ng paghiyaw ng dalaga ay isang tunog ng nabasag na kristal mula sa loob ng conference room ang narinig nila. Marahas na bumukas ang pinto at isang natatarantang Destiny Lauchengco ang nasilayan nila.
Destiny wears a white corporate suit, exuding elegance. Crisp lines and minimalist design define the ensemble, projecting professionalism with a touch of sophistication. Her long hair tied in a bun and her nude shade of make-up highlighted her natural beauty.
"DON'T FOLLOW, SIGGY! OR I SWEAR TO GOD, THIS IS THE LAST TIME YOU WILL LAY YOUR EYES ON ME!" Pagbabanta nito sa binatang parang tatlong araw nang hindi nakakatulog ng maayos. The man looked stressed!
Kahit mga security ay hindi rin niya pinasunod sa kaniya at dahil sa likas na katigasan ng ulo ni Dei, agad siyang pumasok sa elevator kasama si Xander. Nagtataka siyang tiningnan ni Destiny. "Didn't you hear me? I said..."
"Hindi mo kami empleyado." Dei cut her off. Sa taas ng takong ni Destiny, nagmukhang maliit si Dei dahil naka-flat shoes lamang ito. "We'll escort you out of this premises. Seems like you need a breath of fresh air."
──⊹⊱✫⊰⊹──
Xander drove Destiny's heavily tinted car. Parehong nagsuot ng cap at face mask ang mga ito upang hindi maisiwalat ang kanilang identity sakaling makuhanan sila ng litrato ng mga paparazzi na laging nakabantay sa milyonarya.
He drove the car to a private villa in Antipolo. The place is secluded among the woods. It is a three-storey house with an elevated backyard deck, three large bedrooms, equipped with a private pool area. It is cabin-inspired and one can enjoy an overlooking scene of the city's skyscrapers.
Namangha si Xander sa lugar. Hindi niya alam na may private villa sa lugar na iyon. Inilabas ni Dei ang isang automated key na may apat na pindutan. She pressed the open lock key and the gates opened. He parked the car near the entrance door.
Bumaba ang tatlo mula sa sasakyan. Napatitig si Destiny sa bahay at para bang bumabalik ang isipan niya sa nakaraan. She pictured herself in a white, floral dress, running towards the playhouse near the pool area where another young girl was already playing with her doll. Hindi niya maaninag ang mukha ng batang kasama niya ngunit buhay na buhay sa isipan niya ang halakhak ng daddy niya kasama ang magulang ng batang iyon. They are having an intimate day out na para bang matagal nang magkakaibigan ang mga ito. The adults' conversations were mostly about investments and future plans for their respective companies.
"I... I know this place..." malumanay ang boses ni Destiny nang banggitin niya iyon. "I think... I've been here before..."
Isang tipid na ngiti ang ginawad ni Dei nang marinig niya ito. She unlocked the entrance door and signalled them to go in. Naunang pumasok si Destiny, pinagmamasdan ang bawat sulok ng bahay, habang nagpahuli naman si Xander.
"I texted Knight the address in case we needed back up." Bulong niya kay Dei. Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang ngumuso at tumango. Saka lamang napagtanto ni Xander na pagmamay-ari ni Dei ang villa nang mapansin ang isang maliit na family picture sa gilid. "This property is yours?"
Parehong napatingin sina Dei at Destiny kay Xander nang mapalakas ang boses nito. Marahang tumango ang dalaga bilang tugon. "Pinamana sa akin ng yumao kong mommy." Malumanay na sagot ni Dei sa kaniya at ang mga mata niya'y tila naluluha nang maalala niya ang kaniyang ina. Humugot ito ng malalim na hininga at tumingala upang pigilan ang kaniyang nagbabadyang luha. "Make yourselves comfortable. I'll check for edible foods if there are any."
──⊹⊱✫⊰⊹──
The sky transforms into a stunning palette of warm hues as the sun sets towards the horizon. A gradient of gold, orange, and pink combines with touches of lavender and deepening blues to create a tranquil and mesmerising show that gently fades into the embrace of night.
Destiny sat comfortably on the recliner, watching the stars appear. She hasn't felt this calm in a long time. Lumabas mula sa loob ng bahay si Dei upang samahan ang dalaga. May dala itong photo album at umupo sa katabing recliner. "Paparating na si Knight at may dalang pagkain."
Tumango lamang si Destiny at napako ang tingin niya sa photo album na hawak ng kaniyang kausap. Something about it picked her curiosity. Pamilyar ito sa kaniya ngunit sigurado rin siyang ito ang unang beses na nasilayan niya ito. "That photo album..." itinuro niya ito ngunit hindi na rin niya naituloy ang sasabihin. Bagkus ay nakipagtitigan siya kay Dei. "Hindi ko maintindihan kung bakit panatag ang loob ko sa lugar na 'to at kung bakit pakiramdam ko nakarating na ako rito noon. I'm sure this is the first time I am setting foot in this villa."
Ngumiti si Dei na siyang ikinataka ni Destiny. "Tama nga ang sinabi nila. Your brain may forget but your feelings will always remember the familiarity of a place or a person." Kumunot ang noo niya sa tinuran nito at napatitig muli sa photo album nang ibigay ni Dei ito sa kaniya. "This might help you remember... or at least, it might give you an explanation."
Binuklat ni Destiny iyon at ang una nitong nakita ang isang drawing ng dalawang bata na magkaakbay at naglalaro. Lagpas sa guhit ang mga kulay nito at halatang gawa ito ng batang nasa anim o pitong taong gulang. Sa baba ng guhit ay ang salitang "Deiandra and Destiny: Best Friends Forever".
Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga lalo't pumasok ang samu't saring alaala mula sa kaniyang pagkabata na tila nalimutan niya. Naalala niyang nagtatakbuhan sila ni Dei sa backyard ng luma nilang mansyon pati na rin ang mga pagkakataon na palihim nilang kinukuha ang chocolates sa ref at kinakain iyon sa ilalim ng lamesa. She also remembered the last Christmas Eve she spent with Dei.
It was Christmas 2005, and their family had travelled to Mindoro for a magnificent celebration. Ayon sa kaniyang daddy, kailangan nilang um-attend upang makipaghalubilo sa mga possible business partners nila at para lumawak rin ang impluwensya ng kanilang negosyo. Naroon din ang pamilya ni Dei. Naglalaro sila ng tagu-taguan kasama ang iba pang mga bata na naroon ngunit at napili niyang magtago sa isang malawak ngunit madilim na opisina. Pinaghalo ang amoy ng alak, tabako, at lumang libro ang loob ng opisinang iyon. Aalis na sana siya ngunit hindi niya nagawa dahil narinig niya ang pagsita ng isang nakakatakot na lalaki sa mga kapwa niya bata.
Pinili niyang magtago na lamang sa ilalim ng lamesa at hintaying makalagpas ang mga lalaking iyon bago siya lumabas. Ngunit mukhang hindi niya kaibigan ang tadhana dahil pumasok ang mga ito sa opisinang iyon at galit na galit ang isang lalaking hindi niya maaninag ang mukha.
The next thing she knew, she woke up in a cemented, dim lit room, with no windows, begging for her life to be spared.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Destiny habang pinapasadahan ang bawat litratong naroon sa photo album lalo na nang maalala niya ang kaniyang mapait na nakaraan.
"D-Destiny..." Dei tried comforting the lass ngunit mas lalo lamang itong umiyak. "Nandito lang ako. Hindi ka na mag-iisa."
Humigpit ang hawak ni Destiny sa photo album, nanginginig ang bawat lamang loob nito dahil sa poot na naramdaman niya sa mga taong ginawan siya ng masama. They deprived her of a normal childhood and inflicted her with unimaginable pain. "Mga h-hayop sila..." bulalas ni Destiny. Pakiramdam nito'y mawawalan siya ng hininga nang mga sandaling iyon.
She's not the type to show her vulnerable side, and she receives help from pills to suppress her anxiety. Ngunit wala siya sa kaniyang balwarte, wala si Siggy upang painumin siya ng kaniyang gamot.
Maraming haka-haka ang narinig ni Dei tungkol sa pagkawala ni Destiny at sa sinapit niya noong natagpuan siya. She can't imagine the agony that her friend went through at that age. Naiintindihan rin niya kung bakit maging siya ay hindi na nakilala ng kaniyang kaibigan nang magkatagpong muli ang kanilang mga landas.
"Puwede mong sabihin sa akin kung ano ang nangyari at sisiguraduhin kong makakamit mo ang hustisyang nararapat para sa'yo." Determinadong saad ni Dei. Itinuring na niyang kapatid si Destiny noon pa man at ipinangako niyang tutulungan niya ang kaniyang kaibigan sa abot ng kaniyang makakaya kapag nabigyan siya ng pagkakataon.
Itinuwid ni Destiny ang kaniyang at pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang likod ng kaniyang mga palad. She hated crying. For her, it is a sign of weakness and weakness should never be revealed to anyone. Maaari kasi itong gamitin ng mga tao laban sa kaniya.
Panatag ang loob niya kay Dei at maaaring nadadala lamang siya sa kaniyang emosyon kaya naikwento niya ang mga naaalala niya. Sakto namang dumating si Knight at patungo na ang dalawang binata sa pool area nang marinig nilang magsalita si Destiny.
"Narinig ko silang may balak silang masama sa daddy ko." Panimula ni Destiny habang nakatanaw sa kawalan. "I was a child - a naive one. At dahil nasanay akong nakukuha lahat ng gusto ko kapag iniutos ko, iyon ang ginawa ko. I told them to leave my dad alone." Isang mapait na tawa ang pinakawalan niya pagkatapos sabihin ang bagay na iyon. "But what can a child do when she's up against older men with no conscience?"
Sinalubong ni Destiny ang mga nag-aalalang titig ni Dei at ibinalik niyang muli ang tingin sa pool area. She stood from the recliner and crossed her arms. "Nagising akong nakatali ang mga kamay at paa ko. Nakabusal rin ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Nasa loob ako ng maliit na kwarto at nasa gitna ang kama ko. Walang ilaw, walang bintana, at wala akong marinig na kahit na ano'ng sasakyan mula sa labas."
Destiny hugged herself as she reminisced about her dark past. "Isang lalaking nakamasmakara ang pumasok at piniringan ang mga mata ko tapos... t-tapos..." Napaupo ito sa kinatatayuan niya't napatakip sa magkabilang mga tainga, halos sabunutan niya rin ang sariling buhok nang maalala ang kawalanghiyaang sinapit niya sa mga dumukot sa kaniya.
Nais mang pigilan ni Dei ang kaibigan sa kaniyang pagkukuwento ay hindi niya nagawa. Kailangan niyang malaman ang katotohanan upang malaman kung paano niya matutulungan si Destiny.
"Piniringan nila ang mga mata ko saka pumasok ang tinatawag nilang 'Amo'. Iginapos nila ang kamay ko gamit ang posas at..."
"T-Tama na..." tila alam na ni Dei kung ano ang kasunod na sasabihin ni Destiny at ayaw niyang marinig iyon. Sobrang nadudurog na ang kaniyang puso sa mga puntong iyon at siya na mismo ang umaawat sa kaibigan upang huwag alalahanin ang mapati na sinapit.
Napapikit ng mariin si Destiny at pinunasang muli ang mga luha. She turned around and was surprised to see Xander and Knight standing at the entrance, overhearing the conversation she had with Dei. "What the hell?" sumigaw ito sa dalawang binata. "MGA CHISMOSO!"
Tumaas ang parehong kilay ni Knight at itinuro ang nakahandang pagkain sa dining table. "Tatawagin lang sana namin kayo upang kumain. Hindi na namin kasalanan kung napalakas ang boses mo." Tinalikuran niya ang dalawang dalaga at naupo na sa dining area at nagsimulang maglagay ng plain rice sa kaniyang plato at sinundan pa ng paglalagay ng lechong manok.
Katabi ni Knight si Xander habang katapat naman niya si Dei. Si Destiny ay tumabi sa kaibigan niya at nagsalo-salo sila sa ilang minutong katahimikan.
"Dito na tayong lahat magpaumaga." Knight declared.
"I have a meeting tomorrow at seven and..."
"Pinaghahanap ka pa rin ng press at maraming reporters ang nag-camping sa labas ng kompanya mo pati na rin sa mansyon ninyo." He cut her off. "We can definitely drop you off right now and be stressed with them or just enjoy a peaceful night for once in your life."
Destiny's grip on her utensils tightened while throwing death glares towards the lad.
Umaray naman si Knight nang sipain siya ni Dei sa ilalim ng mesa. "Umayos ka nga, dela Vega!"
Pinandilatan niya ng mata si Dei. "Ikaw ang umayos, Capistrano! Ako na nga itong bumili ng pagkain, ako pa 'tong sisipain mo?"
Destiny smirked while watching the two at nakaisip ng pang-asar sa binata. "Alam mo, Detective dela Vega? May kasabihan noon na kapag ang lalaki ay palaging inaaway ng babae, it's either may gusto ito sa kaniya o bading siya. So... alin ka sa dalawa?"
──⊹⊱✫⊰⊹──
Nais ko sanang i-promote ang aking short story.
Story title:
Let me be the One
Published na lahat ng chapters at sana ay mabasa niyo ang akda kong ito. 💖
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro