Chapter 13
Nakapalibot sina Dei, Knight, at Xander sa maliit na mesa kung saan nakapatong ang cellphone ni Xander na naka-loudspeaker. Nasa kabilang linya ay si Dra. Erika Zalameda, ang kanilang Resident Forensic Pathologist.
"Sigurado ka ba sa pangalang sinambit mo?" nagtatakang tanong ni Xander habang nakatitig sa tablet na hawak ni Dei. Naroon ang isang death registry ng isang bata.
"Oo." Maikling sagot ni Erika. "The test came back and it matched Erwin Garces' profile." There was a long pause from the trio and Erika finds it puzzling. "Bakit?"
"According to the National Registry of Birth, Death, and Marriages, Erwin Garces died when he was five back in the early nineties." Paliwanag naman ni Dei. "He died because of pneumonia."
"W-What?" Naibulalas ni Erika mula sa kabilang linya at narinig nila itong nagtitipa ng kaniyang keypad. "Ipinadala ko sa inyo ang file kung saan naka-rehistro si Erwin Garces. Isa siyang tattoo artist. His business and home addresses are there."
Binuksan si Knight ang email mula sa laptop ni Xander. It was an internal link that redirected him to Morville City's official registry website. Singkit ang mga mata ng lalaking nasa larawan, tila nasa trenta y dos anyos na ito, at seryoso ang pagkakatitig sa kamera. May silver lip ring ito sa bandang kaliwa ng kaniyang ibabang labi, semi-kalbo ang buhok nitong nakulayan ng kulay abo, at makikita ang isang parte ng kaniyang tattoo sa kaniyang kanang leeg.
"Patingin ng nasa Registry of Death," pakiusap nito kay Dei at iniabot naman sa kaniya ng dalaga ang tablet na hawak niya. Ipinagkumpara niya ang mga data mula sa magkaibang website. "The name, the birth date, and even the place of birth... they all match."
Nilapitan siya nina Xander at Dei upang tingnan ang mga impormasyon at ipinagkumpara ang dalawa. Halos paalisin ni Dei sa kinauupuan si Knight at walang nagawa ang binata nang maging si Xander ay halos itulak siya palayo sa upuan.
"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Tanong ni Dei sa dalawa. Itinuro niya ang isang impormasyon na ikinalaki ng kanilang mga mata.
"Eliseo Garces?" Hindi makapaniwalang saad ni Xander nang mabasa ang pangalang naka-rehistro bilang birth father ng dalawang taong iyon.
"Eliseo Garces." Pagkumpirma ni Dei habang tatango-tango mula sa kaniyang kinauupuan. "Ang prime suspect ng Black X case na ngayon ay nakakulong sa Morville Penitentiary." Nilingon niya ang dalawang kasama habang nanatili sa kabilang linya si Erika, nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. "Sa tingin ko naman, sapat na rason na ito upang i-reopen ang kaso and to pay him a visit."
──⊹⊱✫⊰⊹──
Naghintay si Knight at si Xander sa visiting area. Narito sila ngayon sa Morville Penitentiary. Their petition to visit Eliseo Garces was granted in less than an hour when they presented evidence that could help them solve the recent crime.
May dalawang pulis na nakaalalay kay Eliseo nang ilabas siya sa visiting area at nanatili sila sa magkabilang gilid ng pintuan papasok sa mismong kulungan, iba pa ang mga pulis na nagbabantay sa pinto papalabas.
Nasa pribadong visiting area sila ngayon at isang salamin ang naghahati sa kinaroroonan ng suspect at ng kaniyang mga bisita. Eliseo looked grim and wrinkles were visible on his face as well as his greying hair. Halos bente anyos na siyang nakakulong rito at mula noon ay piling-pili lamang ang pinili niyang pagbigyang makita ngunit iba ang sitwasyon ngayon, hindi siya binigyan ng ibang choice kundi ang makipagkita sa dalawang detectives.
"Eliseo Garces," tawag ni Knight sa kaniya. The old man's expression remained unchanged, as if he was oblivious to the intense gaze directed at him. Parang wala itong pakialam sa mundo. "Nais ka naming makausap tungkol sa anak mong si Erwin Garces."
Maamo ngunit mapanuri ang mga tingin ni Knight sa mga ikinikilos ng kaniyang kausap. Napansin niya ang munting pagpitlag nito at bahagyang pagkabigla nang banggitin ang pangalang iyon.
"Erwin?" Bumilis ang paglihis ng mga mata ni Eliseo at may pagtataka sa kaniyang mukha bago kaagad ito kumalma. He clenched his fists, hidden under the concrete table, as if he was trying to suppress an emotional reaction.
"Oo, si Erwin, ang anak mo," Xander interjected. "Napag-alaman naming isa na siyang tattoo artist ngayon."
Kaagad na inilihis ni Eliseo ang kaniyang mga titig. Nahimigan nila ng pagsisisi ang kaniyang mga mata ngunit kaagad ring napalitan iyon. Nawalan muli ng ekpresyon ang kaniyang mga mata habang nagsasalaysay. "Iniwan ko siya noong siya'y limang taong gulang pa lamang," pag-amin niya. "Matapos ang araw na iyon, noong 1991, hindi ko na siya kailanman nakita pa at wala na akong alam tungkol sa kaniya ngayon."
Nagpalitan ng tingin ang dalawang detectives, may pakiramdam sila na hindi nagsasabi ng buong katotohanan ang kausap nila. Umaasa silang magbibigay ito ng impormasyon ngunit tila hindi iyon ang plano ni Eliseo.
Knight's determination to uncover Erwin's role in the case was fueled by his insatiable curiosity. He was prepared to go to any lengths necessary, including extracting information from Eliseo, in order to crack the case wide open.
"Eliseo..."
Naputol ang kung ano man ang sasabihin ni Knight nang bigla itong tumayo. Nakaposas pa rin ito at nanatiling nakatitig ang dalawang detective sa kaniya. "Nais ko nang bumalik sa aking selda." Hindi na ito naghintay ng sagot at tinalikuran na niyang tinalikuran ang kaniyang mga bisita at walang nagawa sina Xander kung hindi ang umalis na lamang at bumalik sa kanilang opisina.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Nagkita sina Dei at Xander sa library ng Noctem Apartelle. Nasa ground floor ito ng kanilang tinutuluyang building malapit sa kanilang opisina. Walang ibang tao roon kundi silang dalawa lamang dahil tanging mga tenants ng Noctem Apartelle lamang ang mayroong exclusive access rito.
"It feels like we've hit another wall with this case," panimula ni Xander. Kunot ang kaniyang noo at hinilot pa iyon dahil sa sakit. "Sa tuwing may kaso, parang dead end lagi!" Dagdag pa nito at napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad.
Tumago lamang si Dei sa mga narinig. Simula nang maging parte siya ng kanilang grupo ay wala pa silang naso-solve na kaso, lalo na iyong kaso ni Lena Madrigal kung saan si Destiny ang pangunahing suspect. "Nakakadismaya nga pero hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa."
Pinakatitigan ni Xander ang dalagang kaharap. May halong kalungkutan ang mga mata nito ngunit hindi niya mawari kung bakit. Isang taon na niyang sinusubaybayan si Dei simula nang malaman niya ang angking talento nito sa profiling at matagal na niya itong gustong aluking maging miyembro ng kaniyang naunang pangkat ngunit nabuwag iyon isang taon na ang nakalilipas.
Noong una'y gusto niyang magpadala sa sinasabi ni Knight na scammer ang dalagang ito ngunit habang tumatagal ay napapatunayan niyang tama ang hinala niya sa dalagang ito, Deiandra Capistrano can be a valuable asset to their group.
Xander leaned towards the table, watching Dei as she took a sip of her mocha latte while turning a page of the book she was reading. Hindi tuloy niya maiwasang isiping muli ang una nilang kaso kaya hindi na ito nag-alinlangan pang nagtanong, "Regarding Lena Madrigal's case... Ano'ng kinalaman ng Black X case rito maliban sa parehong-pareho ang sinapit ng mga biktima?"
Dei completely froze upon hearing the question dahil hindi niya iyon inaasahan. This was the first time she was meeting Xander's gaze. Napaka-seryoso nito at ramdam niyang hindi siya makakapagsinungaling rito.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Nakatayo si Knight malapit sa dalampasigan at pinanonood ang papalubog na araw kasabay ng malakas na alon ng dagat at malamig na kumpas ng hangin. Tatlong taon na simula nang huli silang magkita at sila'y nagkatagpong muli dahil sa isang kaso.
"Nakakainis!" bulalas ni Knight habang ibinabato ang maliliit na bato sa karagatan. "Ayaw magbigay ng kahit na ano'ng impormasyon ni Eliseo patungkol kay Erwin. Mas lalo akong nagdududa ngunit hindi naman ako makahanap ng kasagutan!"
Napabuntong-hininga si Erika habang pinapanood at pinakikinggan niya ang mga hinaing ni Knight. Kilalang-kilala na niya ito lalo na kapag naiinis ito. Ikinuwento na sa kaniya ng binata ang buong pangyayari sa kanilang pagbisita sa Morville Penitentiary at kanina pang nakakunot ang noo ng binata. Pinili niyang hayaan ang binata na ilabas lahat ng kaniyang pagkainis.
"Baka naman may pino-protektahan lamang siya." Sa 'di kalaunan ay nasambit ni Erika kaya naman napalingon sa kaniya sa Knight. She was looking at the pastel-coloured skies. "Baka natatakot rin siyang may matuklasan kayo tungkol sa kaniya o kay Erwin mismo."
Napabuntong-hininga si Knight. Iyon rin ang iniisip niya kanina pa simula nang makaalis sila mula sa Morville Penitentiary. Tinawagan niya si Erika at nakipagkita rito, matapos ay dumeretso sila sa pinakamalapit na beach sa Morville City.
Knight nodded in agreement, considering the possibility that Eliseo might be protecting his son. He turned to her and made his way towards the young lass who was enjoying the sunset and the fresh breeze of air embracing her. Tumabi siya kay Erika na ngayon ay nakapikit habang hinahayaan niyang hagkan siya ng simoy ng hangin.
"Bakit ka bumalik?"
Unti-unting naglaho ng mga ngiti ni Erika at binuksan ang kaniyang mga mata. She slowly turned to Knight, his face was serious and his eyes were full of longingness. Her eyes flickered with emotions, her heart torn between opening up and keeping guard. Ilang segundo rin niyang pinakatitigan ang mga mata ng binatang dati niya minahal bago ibinalik ang mga tingin sa kalangitan. "I had my reasons, Knight. Personal reasons that I thought were best dealt with alone and I didn't want to burden you with it."
Knight reached out and gently turned her face to meet his, a mix of pain and longing in his eyes. "Kahit kailan, hindi ko inisip na pabigat ka o dagdag suliranin kita." He gently caressed her face, "Erika, I..."
Hindi na naituloy ni Knight ang kaniyang sasabihin nang tumunog ang kaniyang cellphone at mukhang hindi titigil ang caller hangga't hindi siya sumasagot. He fished out his phone from his pocket and answered it half-heartedly.
"Hello?"
"Knight! I need your help!" It was Xander. "Si Dei!"
──⊹⊱✫⊰⊹──
Hello, nais ko po sana kayong anyayahan na basahin ang iba pa sa aking mga akda lalong-lalo na ang "The Modern Filipina Series: Melchora" na tiyak kong kayo'y iiyak, kikilgin, at tatawa sa bawat kabanatang inyong mababasa.
Sana po ay mabasa ninyo ito.
P.S.: There is a possibility that my AlDub fanfiction "This Way to Tadhana" will be published as a book. Sana po ay inyo ring masuportahan sakali mang ito'y magkatotoo.
Maraming salamat po,
Wintermoonie
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro