Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

⚠️‼️⚠️ WARNING: ⚠️‼️⚠️

This chapter includes R-18 (matured & disturbing) scenes not suitable for minors and close-minded readers.

Read at your own risk.

──⊹⊱✫⊰⊹──

DETECTIVE Knight dela Vega leaned against the velvet rope, observing the glamorous crowd swirling around him at the grand fashion party. Ang marangyang ballroom hall ay pinalamutian ng mga nakakasilaw na ilaw at mga magarang disenyo, na nagsisilbing backdrop para sa isang magarbong pagtitipon ng mga celebrity at fashion icons mula sa bansa. It was a night of sophistication and elegance, but beneath the glitz and glamour, a dark secret lurked.

Nagkagulo ang mga tao kanina nang makarinig sila ng isang kahindik-hindik na sigaw mula sa isang pribadong kuwarto. Malapit iyon sa hallway, papasok sa ballroom hall. The crowd parted as Knight and Xander entered the scene, revealing the lifeless body of a young model lying in her own pool of blood on the white carpeted floor. Samu't saring bulung-bulungan ang maririnig mula sa mga bisita habang ang ilang organisers naman ay sinusubukang awatin ang mga reporters na makakuha ng litrato.

Beneath the dimmed lights, Knight knelt beside the fallen model, his gloved hands carefully examining the body. Ang magandang mukha ng dalaga ay nabahiran ng takot. Her dark, smokey eye makeup had smudged, betraying the struggle she had endured before facing her untimely demise. At napansin ni Knight ang isang banayad na pasa sa kanyang leeg, na nagpapahiwatig ng pagkakasakal bilang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Sumenyas ito sa mga medics na nakaantabay upang dalhin na ang bangkay ng modelo. Nilalagyan na rin ng crime scene barricade tapes ang lugar at pinalabas na ang karamihan sa mga guests. Ang tanging natira na laman ang ang main organisers at nakilala niya kaagad ang isa rito – si Valentina.

Knight approached her with caution, his typically stoic demeanour showing a hint of tenderness. "Valentina," Knight began gently, "Naiintindihan kong ito'y isang nakababahalang sitwasyon ngunit kailangan ko ang iyong buong kooperasyon."

Hindi makatingin ng deretso si Valentina sa kaniya. Halatang nawala ang pagkalasing nito at bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Isang linggo na ang lumipas simula nang mahuli nila ang nagnakaw sa boutique niya at ngayon nama'y sangkot ang pangalan niya sa isang krimen. She drank the last drop of red wine in her glass, still not making any eye contact.

"May naaalala ka ba na maaaring makatulong sa amin na malutas ang pagpatay na ito?" Tanong ni Knight.

"Wala akong alam," mahinang sagot ni Valentina habang nakatingin sa mga medics na nasa labas at ipinapasok ang bangkay sa loob ng ambulansya bago niya sinalubong ang mga titig ni Knight. "Trabaho niyo'ng mag-imbestiga hindi mangusisa."

Napabuntong-hininga na lamang si Knight. He could see her internal struggle, torn between her desire to protect herself and her need for justice. "And that's precisely what I am doing. Nagtatanong ako upang matuklasan kung ano ang nanyari," sa kabila ng inis na naramdaman ay pinilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili lalo na't kailangan niya ang kooperasyon ni Valentina. "Ikaw ang main organiser ng event na ito at makatutulong ang kahit na ano'ng nalalaman mo upang matuklasan namin ang nangyari. Any small detail you can provide might..."

"Uulitin ko..." matulis ang mga matang ibinigay ni Valentina sa kaniya at bakas sa mukha nito ang pagkairita. "Wala akong alam." Naglakad na ito palayo at hindi na binigyan pa ng pagkakataon ang binata upang makapagtanong pang muli.

Naihilamos na lamang ni Knight ang palad sa sarili niyang mukha. Karamihan sa guests ay nakuhanan na nila ng pahayag at lahat sila ay halos iisa ang sinasabi, they were all drunk and having fun. Ang iba pa nga raw sa kanila ay nag-book ng kuwarto to fulfil their carnal desires.

Lumapit si Dei sa kaniya sa sandaling makalabas na ng tuluyan si Valentina. "Wala kang mapapala sa kaniya," Dei told him flatly while watching Valentina exit the crime scene. "Hindi siya magsasalita lalo na kung alam niyang ikasisira ito ng imahe niya." Dagdag pa ng dalaga nang magtama ang kanilang paningin.

"Knight! Dei!"

Agad na napalingon ang dalawa nang marinig ang pagtawag ni Xander sa kanila mula sa crime scene. Nakita nila ang binata sa gilid ng malaking kama, hawak nito ang isang tweezer at may maliit na bagay na nakaipit doon. Lumapit sina Knight at Dei at siniguradong nakasuot sila ng latex gloves upang hindi mabahiran ng kanilang fingerprints ang ebidensyang iyon.

"Ano 'yan? Pendant?" nagtatakang tanong ni Knight habang inilalabas ang isang evidence container.

"Parang nahulog na parte mula sa isang hikaw," sambit naman ni Dei. "Napakaliit nito para maging isang pendant."

Inilibot ni Knight ang kaniyang mga mata sa buong paligid. He was visualising what might have occurred. The bed was messy but there was no trace of sexual intercourse. Whoever killed the young model is a skilled murderer, based on how the blood splattered on the wall.

──⊹⊱✫⊰⊹──

TINUNGO ni Knight at Xander ang Morville Crime Laboratory kung saan dinala ang bangkay ng dalaga, habang si Dei naman ay naiwan sa reception area upang kumalap ng impormasyon tungkol sa naturang event.

Kasalukuyang ine-examine ng isang Forensic Pathologist ang bangkay ng biktima. Kumatok ang mga ito upang makapasok sa laboratoryo. Nakasuot sila ng latex gloves, laboratory gown, at face mask bilang protocol. Kaagad na nakilala ni Knight ang doktor na iyon.

"Mamaya mo na titigan si Doc," bulong ni Xander sa katabi niya at agad na nagsalubong ang mga kilay ni Knight.

"Strangulation and loss of blood ang ikinamatay ng pobreng biktima," pagbibigay-impormasyon ng doktor. Maiksi ang buhok nito ngunit nagawa pa rin niyang itali iyon upang hindi makasagabal sa kaniyang ginagawa. She discovered something hidden beneath the victim's fingernails while performing a post-mortem.

Kinuha ng doctor ang kaniyang magnifying glass at iniangat ang kanang kamay ng biktima. "Nakikita niyo ba 'to?"

Kumuha ng sari-sariling magnifying glass sina Xander at Knight upang tingnan ang tinutukoy ng doktora. Her perfectly gel-manicured nails caught what appeared to be skin. Kaagad na kinuha ng doktora ang kaniyang laboratory tweezers at evidence container. She scraped the evidence from the victim's fingernails. "I'll have this tested and determine with the database whose skin it is."

Tumango ang dalawa bilang pagsang-ayon. Lumabas na ang tatlo mula sa laboratory at sinigurado ng doktora na naka-lock ang pintong iyon. Tinanggal na nila ang kanilang protective gears, inilagay iyon sa isang malaking laundry basket upang ma-sterilise, at naglakad patungo sa reception area where Dei was waiting.

"Nakabalik ka na pala."

Napalingon si Xander upang masiguradong si Knight ang nagsalita. Napakalumanay kasi ng boses nito at malayo sa kilala niyang Knight na parang laging galit kapag nakikipag-usap. He slowly walked away from the two at pinuntahan si Dei na pinanonood rin ang dalawang nag-uusap.

"Erika..."

"It's good to see you too, Knight." Nakangiting sambit ni Dra. Erika Zalameda sa kaniya. "Mag-usap na lang tayo sa ibang pagkakataon. Kailangan ko pang asikasuhin ito," itinaas niya ang hawak na maliit na container na naglalaman ng ebidensyang nakuha nila kani-kanina lamang.

Wala nang nagawa si Knight kung hindi ang tumango at panoorin ang likod ng doktor habang naglalakad ito palayo sa kaniya habang si Dei naman ay nakatitig sa binata.

──⊹⊱✫⊰⊹──

I've been busy these past months but rest assured that I will finish writing this story. 😊

Please do follow me on my instagram account:
itswintermoonie_

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro