Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

U N E D I T E D.
Expect some grammar errors and typos on this chapter.

──⊹⊱✫⊰⊹──

⚠️‼️⚠️ WARNING: ⚠️‼️⚠️

This chapter includes R-18/matured scenes and profane words not suitable for minors and close-minded readers.

Read at your own risk.

──⊹⊱✫⊰⊹──

"TAONG 2004 nang mahuli ang suspek na si Eliseo Garces, o mas kilala bilang si Peitho sa underground society, dahil sa kasong multiple rape and murder." Knight was briefing his colleagues about the closed case of Black X. He was holding an old folder from their old cases.

He requested for the files to be delivered with importance. Mabuti na lamang at may koneksyon siya sa bawat Distrito kaya hindi sila nahirapang kumbinsihin ang mga kapwa nila pulis sa pamimigay ng impormasyong kinakailangan nila.

"Nakakulong siya ngayon sa Morville Penitentiary kasama ng ilan pa sa mga most notorious criminals in the country." Dagdag ni Xander habang binabasa ang isa pang file.

Patuloy na nagbasa ang dalawa sa mga kasong kaugnay sa taong iyon, naghahanap ng maaari nilang mai-ugnay sa kasalukuyang kaso na kanilang hinahawakan.

"The way Lena Madrigal was killed was the same with how Eliseo killed his victims." Pahayag ni Knight habang ipinapakita kay Xander ang lumang mga litrato na kasama sa files na inaaral nila. "Pero imposibleng si Eliseo ang gumawa ng mga krimen lalo na't mahigpit ang seguridad sa Morville Penitentiary."

Napamasahe ng sentido ang dalawa. Si Dei ay nasa mesa ni Xander kung saan binigyan siya ng pansamantalang access tungkol sa mga profiles ng mga kriminal sa kanilang bansa.

"Walang nailistang pamilya si Eliseo at hindi siya tumanggap ng bisita simula noong makulong ito." Hayag naman ni Dei habang binabasa ang profile ni Eliseo mula sa computer ni Xander. "Ngunit nagkaroon siya ng dalawang bisita two years ago!"

Agad na pumunta sina Knight at Xander sa likuran ni Dei upang basahin ang impormasyong nakalap ng dalaga. She clicked the link on that year to view the details but they were denied to access it.

"Kailangan ng password." Napakagat sa ibabang labi si Dei dahil sa pagkadismaya.

"Kailangan nating malaman kung sino ang bumisita sa kaniya. Maaaring sila ang maging susi sa kasong ito." Saad ni Xander na siyang sinang-ayunan nina Knight at Dei. "Kukuha ako ng appointment para pumunta sa Morville Penitentiary, baka sakaling ibigay sa akin ang impormasyong kailangan natin."

──⊹⊱✫⊰⊹──

IBINATO ng lalaki ang maliit na basong naglalaman ng Whiskey sa kaniyang fireplace, dahilan upang lumaki ang apoy pansamantala. Hindi ito natutuwa sa ibinalita ng kaniyang tauhan.

"Kailan ka pa naging walang silbi?" Mapanghasik ang boses nito.

Bumilis ng tibok ng puso ng kaniyang tauhan, pinagpapawisan ng malamig at malagkit. Ngayon lamang ito pumalpak sa ipinapagawa ng kaniyang amo. Kaagad itong lumuhod upang humingi ng tawad. "B-Bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon. P-Pangako... hindi ko kayo bibiguin!"

The man lit his tobacco once again and exhaled thick smoke. "Siguraduhin mong hindi ka na ulit mabibigo dahil kung hindi... ikaw ang susunod na pagpipiyestahan ng mga uod sa ilalim ng lupa!"

──⊹⊱✫⊰⊹──

KNIGHT was running some files on his computer when his mobile phone rang. Nagtaka pa ito nang makita niya ang pangalan ni Siggy, ang Secretary ni Destiny Lauchengco. "Hello?"

"I need your help." Iyon kaagad ang bungad ng binata sa kaniya. There was a slight pause on his end. "May files ka ba tungkol sa kidnapping incident noong December 31, 2005?"

Kaagad na tinipa ni Knight ang nabanggit na petsa sa kanilang database under kidnap cases at marami siyang files na nahanap. "Maraming kidnapping incident during that time." Sagot niya kay Siggy. "I can't give you any information unless you have a piece of evidence to open again the case." He informed him.

Those kidnapping cases are secret files to civilians. Hindi siya maaaring magbigay ng kahit na ano mang impormasyon lalo na kung walang bagong ebidensya ang ipapasa sa kanila.

He could hear Siggy breathing heavily from the other line. "N-Nevermind." Napakunot ang noo ni Knight sa narinig. "Thank you."

Napaisip si Knight kung bakit nagbago ang isip ni Siggy sa paghingi ng tulong ngunit minabuti nitong huwag nang kulitin ang binata dahil hindi rin naman siya sigurado kung nay hawak itong ebidensya tungkol sa kasong gusto niyang ipahanap.

Sakto namang pumasok si Dei sa opisina dala ang isang large sized, iced coffee. Nag-coffee break kasi ito dahil kailangan na raw niya ng kape sa kaniyang sistema. "Yes? Nakakita ka ulit ng Diyosa?" Pang-aasar ng dalaga sa kaniya.

Kaagad na kumunot ang noo ni Knight kasabay ang halos paglukot ng kaniyang mukha. "Babaan mo nga 'yang pagiging feeling maganda mo!" Sambit niya. "May alam ka bang kidnapping case na nangyari noong December 31, 2005?"

Napatigil si Dei sa kaniyang ginagawa at napalunok ng mariin. "D-December 31?" Pag-uulit niya. "2005?"

Knight was gazing at her. Baka sakaling may nalalaman si Dei lalo na't si Siggy ang tumawag sa kaniya. "Ano'ng nalalaman mo?"

Imbes na sumagot ay tumalikod sa kaniya si Dei at umupong muli sa mesa ni Xander. Binigyan kasi siya ng basic access upang malaya siyang makapag-research ng kahit na ano tungkol sa kasong hawak nila ngayon. "Noche vieja! Nasa Baguio kami ng pamilya ko no'n!" Halata sa boses nitong nagsisinungaling siya lalo na't hindi niya matignan ng deretso sa mata si Knight.

"One day, magsasabi ka rin sa akin ng mga nalalaman mo." Sagot ni Knight sa kaniyang isipan.

He mentally noted that date for future reference. Matalas ang memorya ni Knight pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi na niya inusisa pang muli si Dei dahil wala ring kabuluhan na pilitin niyang magsalita ang isang taong mas gustong maglihim.

Hindi pa man din nagtatagal ay nagambala na naman ang kanilang katahimikan nang may kumatok sa kanilang pintuan. Bumukas ito at pumasok ang isa sa kanilang Bomb Squad unit.

"Detective Dela Vega, may nag-report ng theft sa isang high end fashion store. Walang rumeresponde dahil halos lahat ay nasa Morville Bank robbery nakatutok."

Tinanguan ni Knight ang kasamahang pulis. Nagkakaroon ng shortage sa kanilang Distrito kaya naman wala siyang magawa kundi ang rumesponde.

"Sasama ako!" Pagpiprisinta ni Dei.

Hinayaan naman siyang sumama ni Knight dahil hindi naman mapanganib ang kasong theft. Inisip na lamang ni Knight na baka isa itong shoplifting case.

Knight and Dei arrived at Sun Crest Mall, a luxury mall found at the heart of Morville City. Doon tumatambay lahat ng mga mayayaman sa siyudad at naroon din ang mga high-end boutiques.

Pumanhik sila sa third floor kung saan naroon ang boutique na nag-report ng theft. Hile-hilera ang mga boutique ng mga kilalang designers sa palapag na iyon at napatigil sila sa isang boutique kung saan halos walang customer.

"T-Teka... familiar ang designs na 'to, ah!" Sambit ni Dei sa kaniyang sarili habang pumapasok sila sa loob ng boutique.

Hindi niya mabasa ang pangalan ng boutique kanina dahil sa gothic style font and colour ngunit ang mga damit na naroon ay pawang mga gowns at damit na napaka-weird ng disenyo. Mayroong Mermaid-tail gown na kulay gold na pinatungan ng black floral overlay na parang gawa sa crepe paper ang tela; mayroon ding suit and tie para sa mga kalalakihan ngunit short sleeve ang kanan habang long sleeve naman ang kaliwa; mayroon ding straight cut cocktail dress na abstract ang design ngunit hindi nagkakaisa ang mga kulay nitong lavender, neon orange, at mud gray na pinagsamasama. Lahat ng mga ito ay hindi bumabababa sa two hundred fifty thousand.

Hinayaan ni Dei na puntahan ni Knight ang opisina ng may-ari ng boutique habang siya naman ay palihim na kinukutya ang mga damit na nakikita niya.

"Sino naman ang magtatangkang magnakaw ng damit rito?" Wala sa sarili niyang naitanong.

"OH. MY. GOD!" Eksaherada ang babaeng may malaking red feather ang suot na dress. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kaniya. "MAY NAG-SHOPLIFT NG MGA DESIGNED CLOTHES KO. HU... HU... HU..." halatang pilit na pilit ang pag-iyak niya sa huli at tila sinasadya niyang lakasan ang kaniyang boses upang magtinginan ang mga taong napapadaan sa boutique niya. "WHO WOULD DO SUCH A THEEEEEEEEEEENG?" Maging ang accent niya ay pilit rin.

Napapatingin ang mga customers mula sa katabi nitong boutique sa lakas ng boses niya at maging ang mga dumaraan ay napapatigil rin.

"FIND THE KALPRIIIT, PUH-LEAZE!"

Dei rolled her eyes in disbelief and went to where Knight was. "Ma'am, kalma lang ho tayo kas..." hindi na niya naituloy ang pagsasalita nang lingunin siya ng babae.

Ang kaninang uma-acting na pagluha ng babaeng may malaking balahibo ang cocktail dress ay biglang nanlaki ang mga mata nang makita si Dei. "Deiandra? What the hell are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Nakikiusyoso." Sarkastikong sagot naman ni Dei bago nilingon si Knight na ngayon ay naguguluhan na sa nangyayari. "Detective, alis na lang tayo. Nagsasayang lang tayo ng oras rito!"

"NOOOO!" Sumigaw muli ang babae at halos yakapin pa si Knight para lang pigilan ang pag-alis nila. "M-MAY KASO PA AKONG ISASAMPA!"

Dei seemed unconvinced. "Walang magtatangkang magnakaw sa boutique mo, teh. Eh mas maganda pa 'yong mga nasa ukay-ukay, 'no!"

Halos panlisikan siyang muli ng tingin ng dalaga. "How dare you?" Dinuro niya si Dei. "KUNIN ANG CCTV FOOTAGE!" Utos niya sa isa sa mga tauhan niya.

Kinuha naman ng isa sa mga empleyada niya ang CCTV footage at ibinigay iyon kay Knight. Nakigamit ang binata ng laptop upang panoorin ang shoplifting na nangyari. Isang dalagang nakasuot ng leather jacket, facemask, at itim na sombrero ang nakita nilang nagnakaw ng isang pink sleeveless top na may sequins sa laylayan.

"THAT TOP COSTS THREE HUNDRED THOUZEND PEYZOWZ!"

Inilabas ni Knight ang radio transmitter na dala niya at tumawag ng back-up. He also coordinated with the mall's security para madaling mahanap ang dalagang nagnakaw habang diskumpyado pa rin si Dei sa mga nangyayari.

"Sir, may namataan kaming babae katulad ng nasa description." Maya't maya pa ay may nag-radyo rin sa kaniya. "Kasalukuyan namin siyang hinahabol dito sa may Parking Lot C."

"Get her. I'm on my way." Sagot ni Knight at saka nagsimulang humakbang papalabas ng boutique.

Susunod na sana si Dei nang hawakan siya ng dalagang nagmamay-ari ng boutique. "Buhay ka pa palang babae ka!" She hissed so no one else could hear.

Binawi ni Dei ang kanang braso nito saka nginisian ang babae. "Disappointed?" Pagmamatapang nitong tanong. "Or threatened?"

Dei did not wait for a response and was ready to leave the boutique nang makabanggaan niya ang isang binatang kadarating lang. He, too, was surprised upon seeing Dei.

She felt trapped. Ang tagal niyang iniwasan ang mga ito kaya para siyang nakakita ng mga multo ngayon.

"Deia!" Yayakapin na sana siya ng binata ngunit umiwas si Dei.

"Capistrano!" Rinig niya ang ma-awtoridad na boses ni Knight mula sa entrance ng boutique na nagpabalik ng kaniyang ulirat.

Iniwan niya ang dalawa sa loob ng boutique at sinundan si Knight. Nagmamadali na silang bumaba patungo sa Security Office dahil nahuli na raw nila ang magnanakaw.

"Greeting your old acquaintances should be your last priority when you're out on a mission, Capistrano!" Pangaral ni Knight sa kaniya habang tinutungo nila ang Security Office sa second floor.

"Ni sa imahinasyon, ayaw ko silang makita, Detective Dela Vega!" Depensa naman ni Dei. May halong bigat ang mga salitang iyon at mapapansin sa kaniyang mga mata na hindi ito natutuwa sa pangyayari kanina.

Knight gave a quick glance towards her. "Enemies?"

Napatigil si Dei at hinarap si Knight. "My sister and my ex fiancé."

──⊹⊱✫⊰⊹──

This novel is a cross-over collaboration with my friend's story. Siggy is one of the characters in the story Chained Destiny written by Velvet_Summers. Go and check that story too. May munting appearance din doon ang ilang characters ng Knight and Dei. 🥰💖

Preview for the next chapter:
"Marry JM or I will disinherit you!"

Your votes⭐️ & comments💬 are very much appreciated.

ALDUB YOU.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro