Chapter 09
U N E D I T E D.
Expect some grammar errors and typos on this chapter.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Inside the dimly lit room sat a man, looking furiously at a news article. The smell of freshly burnt tobacco is slowly filling the enormous room when a knock echoed inside.
Bumukas ang malaking pintuan at pumasok ang isang lalaking may katandaan na ngunit tila malakas pa rin ang pangangatawan. Nakasuot ito ng itim na suit and tie, may makapal na salamin, bigote na bagong trim, at ang buhok at unti-unti nang nagkakaroon ng kulay pilak. Bakas sa mukha nito ang pangamba.
"Inuungkat na nila ang nakaraan." Seryosong banggit ng lalaking nakaupo sa isang one-seater, black leather sofa. He was smoking his freshly-lit tobacco while watching the fire in his office's fireplace.
Napalunok ang ginoong kapapasok lamang. Sinigurado niyang nakasarado ang pintuan upang walang makarinig sa pag-uusapan nila ng kaniyang amo.
"Find this Hope Montecillo." His voice was calm but his eyes were deadly. "Hanapin mo siya at alamin mo kung ano ang nalalalaman niya saka mo iligpit!"
"Masusunod." He placed his right fist to his chest and half-bowed. It has been more than a decade since he was last sent on this type of mission and his lips formed a grin.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Umupo si Hope sa isang bakanteng upuan sa isang coffee shop. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi at naramdaman ang munting pagkirot nito. Malakas ang pagkakasampal sa kaniya ni Dei!
"That bitch!" Magkahalong inis at pagtataka ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Inis dahil bukod sa hindi niya natapos ang kaniyang artikulo ay nasampal siya; at pagtataka dahil hindi niya lubos maisip kung bakit tila apektadong-apektado si Dei sa kasong kinasasangkutan ni Destiny Lauchengco.
"Whatever your secret is, Dei, I will find it out!" She told herself through gritted teeth. Inubos na niya ang kaniyang in-order na milktea bago tinungo ang kaniyang kotse sa parking lot. Alas nuwebe na rin ng gabi at nais niyang magpahinga ng maaga ngayong gabi at marami pa siyang nais gawin kinabukasan.
Kaunti lamang ang mga taong dumaraan ngayon sa kalye lalo na't natatakot ang karamihan sa mga mamamayan na baka sila ang susunod na mabiktima.
The street lamp flickered until it completely turned off. Hindi naman takot si Hope sa dilim ngunit nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa mga oras na 'yon.
Pinakiramdaman niya ang buong paligid. Nanginginig ang mga kamay niyong hinuhugot ang susi ng kaniyang kotse mula sa kaniyang bag. Bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso sa bawat segundo lalo na noong may isang rumaragasang kotse ang papalapit sa kinaroroonan niya!
Napatili ito at nabitawan ang susi ng kaniyang sasakyan. Pinilit niyang makatayo at tumakbo dahil pumailalim ang susi ng kaniyang kotse at wala siyang oras upang abutin pa iyon!
"T-TULONG!" Sumigaw ito habang tumatakbo ngunit tila walang nakakarinig sa kaniya. She was panicking! Papalapit na ang kotseng humahabol sa kaniya at may isa pang paparating mula sa harapan kaya naman napatigil ito.
Naaalala niya ang sinabi ni Dei kanina...
"Some monsters from Destiny's past is coming for your head!"
Ito na nga kaya iyon? Are these the monsters from Destiny's past? Ngunit bakit?
She ran as fast as she could towards the dark alley, missing the car coming in front of her. She heard the car tires screech against the cemented grounds while she ran for her dear life.
Nakarinig siya ng isang putok ng baril kaya mas binilisan niya ang tumakbo hanggang sa makalabas siya sa eskinitang iyon. Halos mabangga siya ng isang sasakyan.
"Montecillo!" Tawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses. "SAKAY!"
Ilang segundo rin siyang nanatiling nakatitig kay Dei. Her half body was outside the car windows and on the driver's seat was Knight.
"ANO? TUTUNGANGA KA NA LANG BA O SASAKAY KA?"
Tumakbo si Hope tungo sa sasakyang minamaneho ni Knight at sumakay ito sa likod.
"Xander, kasama na namin siya." Saad ni Dei habang hawak-hawak ang cellphone nito. "Magkita na lang tayo sa Noctem Apartelle."
Ginawaran siya ni Dei ng isang makahulugang tingin na siyang iniwasan niya. Ramdam niyang may kasamang panunumbat ang mga titig na iyon at nagpapasalamat na lamang siya dahil hindi na iyon isinatinig ng dalaga bagkus ay iniligtas siya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago sila makarating sa Noctem Apartelle, isang gusali kung saan sila tumutuloy. Naroon sila ngayon sa unit ni Hope. Kulay asul ang dingding, puti naman ang kaniyang two-seater sofa at ang mga libro sa kaniyang bookshelf ay tungkol sa creative writing. May koleksyon rin siya ng mga diyaryo ng Morville.
Dei was sitting pretty at the sofa, roughly turning the pages of a lifestyle magazine she took in between Hope's newspaper collection. Naroon na rin si Xander at lahat sila'y pinagsasaluhan ang katahimikang bumabalot sa kanilang paligid.
Nakatayo si Knight sa pintuan papunta sa balcony ng unit ni Hope, pinagmamasdan ang kanilang munting siyudad.
"Hindi mo man lang ba nakita ang plate number ng sasakyan?" Nag-aalalang tanong ni Xander upang basagin ang katahimikan.
Umiling si Hope. Sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang nangyari at inakala talaga niyang magiging katapusan na ng kaniyang buhay ang nangyari kanina kung hindi lamang dumating sina Dei.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Xander. "Well, it's a good thing na nakinig pala kami kay Dei kanina. Tama ang hinala niya na may magtatangka na sa buhay mo."
"Pero... bakit?" Nagtatakang tanong ni Hope saka tumingin kay Dei na tila wala pa ring pakialam sa kaniya. "I'm sure may alam ka rito!" Pagpaparatang niya sa dalaga ngunit hindi pa rin siya nito kinikibo. "Dei!"
Dei gently closed the magazine she was barely reading and gazed upon Hope. Ni hindi siya natinag rito. "Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Some monsters from Destiny's past is coming to hunt you." Pag-uulit nito sa sinabi niya. Tumayo na si Dei mula sa kaniyang kinauupuan at nakapamewang na hinarap ang mga kasamahan niya. "This is not the first and the last time na susubukan ka nilang dukutin. There's also a possibility na kung sino man ang pumatay kay Lena Madrigal ay may kinalaman sa nangyari sa 'yo ngayon."
Sa unang pagkakataon ay tinapunan siya ng pansin ni Knight. Ilang linggo na rin simula nang mapunta sa kanila ang kasong iyon at hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead kung sino ang talagang pumatay sa kaniya. Hindi rin naman nakikipag-cooperate sa kanila si Destiny na siyang primary suspect sa nangyaring iyon. "Paano ka nakasisiguro?" Tanong niya sa dalaga, salubong ang mga kilay at bakas sa mga mata nito ang kagustuhang matapos na ang kasong iyon.
Umiwas ng tingin si Dei. Nagbalik-tanaw siya sa isang pangyayari sa nakaraan at isinalaysay iyon sa kaniyang mga kasama.
"May isang kaso noon na halos katulad rin ng nangyari kay Lena Madrigal..." pag-uumpisa niya habang inaalalang mabuti ang tungkol sa pangyayaring iyon. "Natagpuan ang bangkay ng isang high school student malapit sa ilog — katulad na katulad kung paano natagpuan si Lena!" Paliwanag pa niya.
"That doesn't prove anything." Mabilis na ipinagsawalang-bahala ni Knight ang mga sinasabi ni Dei ngunit mapilit ang dalaga.
"Ang high school student na 'yon ay isang witness sa isang kidnapping incident!"
"What?" Hindi makapaniwala si Xander. "Ano'ng kaso 'yon?"
"It happened in the early 2000s..." sagot ni Dei. "Mayroong kaso noon tungkol sa mga kabataang babae na dinudukot at natatagpuang wala nang buhay matapos silang..." halos hindi maituloy ni Dei ang kaniyang kuwento dahil sa mga karumaldumal na nangyari sa mga biktimang iyon. "...they were sexually abused." Her voice trailed off.
Pamilyar ang kasong iyon sa pandinig nina Xander at Knight. Inaral nila ang mga malalaking krimen na nangyari noon upang makatulong sa profiling. "Ang Black X serial case." Pagsasatinig ni Xander at tumango naman si Dei.
"Matagal nang sarado ang kasong iyon at nasa kulungan na rin ang may sala!" Pagpapaalala ni Knight sa kasamahang pulis. "Habang buhay na pagkakakulong ang parusa sa kaniya at..."
"At posibleng may mga kasamahan pa siyang gumagala at gumagawa ng krimen sa panahon ngayon!" Pagtutuloy ni Dei. "Bago namatay ang estudyanteng iyon, isinalaysay niya kung paanong hinabol ng mga masasamang loob ang kaklase niya at pareho iyon sa nangyari kay Hope. If you want to solve Lena's case, I suggest we start comparing it to that old case." Suhestiyon ni Dei. "Baka magkaroon din tayo ng suspect kung sino ang nagtangka sa buhay ni Hope."
Tumingin si Knight sa gawi ni Xander at isang tango ang iginawad ng binata sa kaniya. Naisip nitong walang masama kung mag-iimbestiga sila mula sa bagong anggulo at baka makatulong ito sa pag-usad ng kaso.
──⊹⊱✫⊰⊹──
New book cover for Knight and Dei.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro