Chapter 08
A short update.
U N E D I T E D.
Expect some grammar errors and typos on this chapter.
──⊹⊱✫⊰⊹──
HOPE sat across Mr. Tolentino's desk. She was beaming confidently about the biggest article she will write and she is damn sure that this will change her career — for the better, she prays!
On her journal were crossed out words — working titles for her article, but there's one that she was sure to captivate any reader's attention. Destiny: A Case Unknown. Below were clues she has found during her investigation such as a month and a year, a question mark beside the word 'criminal', and a few names connected to the multi-millionaire, Destiny Lauchengco.
"I'm all ears." Mr. Tolentino grinned. Hope already gave him a slight preview about her article when she called him this morning and the mere mention of the term murder followed by the name of Destiny Lauchengco were music to his ears. Having an exposé on the one of the country's richest person connected to a crime will make their network rise to fame and it will surely get him the promotion he has been eyeing for.
She turned her journal upside-down for her boss to read what she wrote and Mr. Tolentino looked very pleased.
Destiny: A Case Unknown
Reported by Hope Montecillo
A multi-millionaire with a mysterious background, Destiny Lauchengco becomes the primary suspect for Lena Madrigal's murder case that happened on March 02, 2022.
A reliable source confirmed that her psychopathic attitude comes from a traumatic childhood experience.
Abot-langit ang ngiti ni Mr. Tolentino at nagniningning ang mga matang tiningnan si Hope. Maikli pa lamang ang naisusulat nito ngunit sigurado na siyang marami ang magkakaroon ng interest upang halungkatin ang buhay ng maalindog at mailap na milyonarya. Perpekto kasi ang pagkakakilanlan ng dalagang si Destiny at wala silang mahanap na ikasisira ng pangalan nito. Not until one of her former employees was found dead on Morville's territory.
Tatango-tango ito at hinimas pa ang bigote. May kapayatan si Mr. Tolentino at palaging naka-suit and tie sa tuwing pumapasok sa opisina. "Your article looks very promising! I'm pretty sure this will be the year's biggest news in the country." Buong kompyansa niyang sambit. "Lalo na kung makakapanayam natin mismo ang sinasabi mong reliable source." Binigyang-diin niya ang dalawang huling salita na sinambit niya.
Hope cleared her throat upon hearing Mr. Tolentino's last words. Alam niyang mahihirapan siyang kumbinsihin ang dalagang nadulas sa nakaraan ni Destiny — si Dei.
Napukaw ang atensyon nila nang makarinig sila ng komosyon sa labas ng opisina ni Mr. Tolentino. His office wall is made of full-length window kaya nakikita nilang pareho ang nangyayari sa kanilang department.
Two gentlemen showed their police badges. Dumapo naman ang tingin ng dalagang kasama nila sa gawi ni Hope at walang pag-aalinlangang tinungo ang opisina ni Mr. Tolentino.
His office door is never locked unless he has a meeting with their bosses. Dei barged in followed by Xander and Knight.
"This is trespassing!" Mr. Tolentino screamed but Dei couldn't care less.
Kaagad na hinablot ni Dei ang journal sa lamesa ni Mr. Tolentino lalo na noong mabasa niya ang pangalan ni Destiny. Aagawin pa sana iyon ni Hope ngunit pinigilan naman siya ni Knight habang si Xander naman ay humarap kay Mr. Tolentino.
"The case against Lena Madrigal is still on-going and any article connecting to the case is prohibited to be published." Paliwanag ni Xander. "Nakasaad ito sa huling panayam namin sa media!" Halatang pinapakalma nito ang sarili sa mga sandaling iyon at napakamot na lamang ng batok si Mr. Tolentino.
Tiim-bagang na tinitigan ni Dei si Hope. "Dalhin niyo siya." It wasn't a request but a demand. Hawak niya ang journal ng dalaga nang lumabas na ito sa opisina at hindi na rin nakapalag si Hope nang hilain siya ni Knight.
──⊹⊱✫⊰⊹──
NAGTUNGO sila sa isang munting parke malapit sa borderline ng Makati at Morville. Kaunti lamang ang tao roon dahil highway ito at may bangin sa 'di kalayuan. Ito rin ang nagsisilbing entrada para sa mga hikers at malapit rin dito ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Lena Madrigal.
Halos maidabog ni Dei ang pintuan ng sasakyan ni Xander nang lumabas ito. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Sumunod naman si Hope na lumabas mula sa likod.
"You have no right to take my journ—"
Isang malakas na sampal ang pumigil kay Hope sa pagsasalita. Isang sampal na gumulat sa kasama nilang binata lalo na't ito rin ang unang pagkakataon na nakita nilang galit si Dei.
Hawak-hawak ni Hope ang kanang pisngi nito na sigurado niyang namamaga na sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. Galit rin niyang ginantihan ng titig si Dei ngunit naiintindihan niyang may kasalanan naman siya kung bakit galit si Dei dahil may kaunting kasinungalingan ang drafted article niya. Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit ganito na lamang kagalit ang dalaga. Hindi naman siya si Destiny!
Hope took a step closer.
Xander was about to step in between the two ladies but Knight stopped him, shaking his head while mentally telling him to let the two ladies handle their issue.
Matatalim pa rin ang mga mata ni Hope ngunit hindi rin naman nagpatinag si Dei. "This article will open the eyes of many people that justice is being bought by millionaires! Oras na para gisingin ang mamamayan na ipaglaban ang kanilang karapatan sa hustisya!"
Dei scoffed. "Your article is a piece of trash!"
Hope looked insulted but Dei didn't care. "W-What do you mean trash?" She was trembling in anger.
"Trash. Basura!" Sarkastikong sagot ni Dei. "Walang katotohanan ang isinulat mo patungkol kay Destiny Lauchengco!" Halos magtaas na ng boses ang dalaga sa sandaling iyon.
Hindi makapaniwala si Hope sa kaniyang naririnig. Sigurado siyang may sira sa utak ang primary suspect sa kasong iniimbestigahan ngayon ng mga pulis base sa mga research niya. Napag-alaman niyang na-check up noong bata pa si Destiny sa isang Psychiatrist ngunit hindi naitala kung bakit at kung ano ang diagnosis.
Naglakad papalapit si Dei sa kaniya. "If that article goes out, sigurado akong hindi lang si Destiny ang manganganib ang buhay at baka sa susunod, ikaw na ang maipabalitang malamig na bangkay!"
That sent shivers to Hope's spine. Ngayon ay sigurado na siyang may nalalaman nga si Dei tungkol sa nakaraan ni Destiny. Ngunit ano? At bakit ayaw niyang halungkatin ito kung ang kapalit ay hustisya?
She became a journalist and a reporter with the hopes of exposing the truth and to seek justice. Wala siyang pakialam kung sino ang makakabangga niya basta ang importante ay mailabas ang katotohanan sa mga krimeng nangyayari ngayon sa bansa nila.
Inilabas ni Dei ang journal ni Hope mula sa kaniyang eleganteng sling bag at itinaas iyon ka-level ng kanilang mata. "Destiny is not a psychopath." Naging kalmado na ang boses ni Dei sa mga sandaling iyon. "She was a victim but she's not a psychopathic killer gaya ng gusto mong palabasin sa article mo."
Halos isaksak ni Dei sa baga ni Hope ang journal nito matapos niyang sabihin iyon at parang nakaramdam ng kaunting guilt si Hope sa mga sandaling iyon.
"Kung gusto mong malaman ang katotohanan, ask Destiny herself dahil ang mga records na narito sa Pilipinas ay peke kaya hindi kompleto ang mga ito." Tumalikod na siya sa dalaga at naglakad patungo sa sasakyan nang tumigil ito't nilingon muli si Hope na ngayo'y gulong-gulo na. "But I doubt Destiny will welcome you after that mini article of yours."
Kunot-noong tiningnan niya si Dei na ngayon ay nakalabas na ang cellphone. Lumapit siya rito at gano'n na lamang ang pagkabilog ng kaniyang mga mata nang makita ang pinublish na online article ng kaniyang boss na halos umabot na sa one hundred thousand shares across all social media platforms!
Destiny: A Case Unknown
An article by Hope Montecillo
Beauty, brains, and empowered with multi-million wealth, Destiny seems to be hiding a dirty secret from everyone.
Her involvement with the Lena Madrigal's murder case is brought by a very traumatic event that happened when she was a child and we have a reliable source to prove it!
Subscribe now and be updated about the biggest exposé of Lauchengo Investment and Holdings.
Napapikit ng mariin si Hope. Mabilis mag-memorize ang boss niya, isang skill na dapat mayroon ang isang field reporter.
Napasapo rin ito ng kaniyang noo.
"Watch your back, Ms. Montecillo. Some monsters from Destiny's past is coming for your head!"
──⊹⊱✫⊰⊹──
HAPPY NEW YEAR PO SA MGA MAMBABASA. ✨🎊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro