Chapter 06
⚠️⚠️⚠️ WARNING ⚠️⚠️⚠️
This chapter contains explicit languages and mentions of unforgivable crimes that may trigger one's anxiety. If you are not comfortable with such topics, please skip reading this.
READ AT YOUR OWN RISK.
──⊹⊱✫⊰⊹──
You can read Destiny Lauchengco's story on my friend's Wattpad account.
Unchained Destiny by Velvet_Summers
──⊹⊱✫⊰⊹──
"Pabayaan niyo kaming umalis o tatadtarin ko ng bala ang utak ng babaeng ito?"
Nangilabot ang buong katawan ni Dei nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang hostage taker. She was also mentally kicking herself! Wala naman kasi siyang iabng dapat sisihin ngayon kundi ang sarili niya dahil siya itong naglakas-loob na sumama sa manhunt operation na dapat ay sina Kngith at Xander lamang ang pupunta.
'Nagmamagaling ka kasi, self!' untag ng isipan niya.
Ilang beses niyang iniwasang mapahamak ngunit siya pa yata ang nagdadala sa kaniyang sarili sa kapahamakan. Kung hindi lang niya kailangan ang proteksyon ng Morville MetroPol ay hindi rin siya sasang-ayon sa inalok sa kaniya ni Xander.
Nakatutok rin ang mga baril nina Knight, Xander, at iba pang mga pulis sa lalaking nang-ho-hostage kay Dei. "Just let them go para ma-i-let go na rin ako, please..." pagsusumamo ni Dei dala ng kaba niya sa nangyayari sa kaniya.
Ngumisi si Knight na siyang nasa harapan nina Dei. "Pasensyahan tayo, pero hindi ako si Elsa para kumanta ng Let It Go."
Dei's eyes widened upon seeing Knight held the gun tighter and closer to his eye, targetting his prey. Parang nag-slow motion ang buhay ng dalaga sa mga sandaling iyon at nawala lahat ng tunog sa kaniyang kapaligiran. Iisa lamang ag sigurado niya - Knight fired his gun and did not even flinched.
Napasigaw na lamang si Dei lalo na nag maramdaman niya ang malapot at mainit na likidong tumalsik sa kaniyang pisngi. "SAN PEDRO, WALA PA SA BUCKET LIST KO ANG MAKILALA KO KAYO!"
Nanginginig si Dei habang naririnig ang malakas na hiyaw ng lalaking natamaan ng bala ni Knight. He fell on the ground while covering the wound of his hand. Pumalibot naman kaagad ang mga pulis sa mga magnanakaw na iyon. Mariing tinakpan ng dalaga ang kaniyang mga tainga habang ipinagdarasal ang kaniyang buhay na tumagal pa.
Pinosasan ni Knight ang suspek saka niya inutusan ang ang mga kasamahan upang dalhin ang mga ito sa presinto. Lumapit siya kay Dei na nanginginig pa rin. Gano'n rin si Xander na bakas ang pag-aalala sa dalaga.
"Dei, you're safe!" Maamong banggit ni Xander sa kaniya.
Saka lamang nagtaas ng tingin si Dei nang marinig ang boses ni Xander. Ngumiti ito sa gawi ng dalaga na halos naiiyak na sa sobrang kaba at takot.
"Sa susunod, h'wag ka nang sumama para hindi masira ang operasyon..."
Hindi natapos ni Knight ang kung ano mang sasabihin dahil sa lakas ng sampal na natanggap niya mula kay Dei. Ramdam niyang bumakat ang palad ng dalaga at ang pag-init ng kaniyang kaliwang pisngi kasama ng paghapdi nito.
"I know you don't like me." She told Knight, her fists are clenched. "Pero hindi sapat na dahilan 'yon para hayaan mo akong mamatay!" Dugtong nito saka sumakay sa kotse.
Xander chose to console Dei. Kahit paano'y nauunawaan niya kung bakit nagalit ang dalaga sa ginawa ni Knight. Alam naman niya na hindi nagpapatinag ang kasamahan niyang binata sa kahit na ano'ng laban kaya nga siya ang ni-request ng kanilang boss upang makasama nila sa pagresolba ng mga kaso.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Tatlong araw na ang nakalilipas at tatlong araw na ring hindi nagpapakita si Dei sa opisina ng Morville MetroPol. Abala ang mga kapulisan sa mga kasong natatanggap nila. Knight is reviewing the autopsy report on Lena Madrigal habang si Xander naman ay pabalik na sa kanilang opisina. Rinig na rinig ang kaniyang boses kaya naman napatingin si Knight sa gawi niya.
"The Lena Madrigal case is gaining a lot of attention from the citizens especially that a multi-millionaire is reportedly one of the suspects!" pagpupumilit ng isang mestisang babae, maganda ang pangangatawan, at makikitang hindi ito magpapatalo kay Xander. Hawak nito ay isang recorder na ginagamit lamang ng mga reporters.
The woman is wearing a black fitted shirt topped with dark green polo, skinny jeans, and white sneakers.
He has never seen Xander look so stressed.
Nilingon niya ang reporter at sinabing, "It's just a speculation. Wala pang napapatuyan at kasalukuyan pa rin naming inaaral ang kaso." Walang kagana-gana niyang sambit. "Puwede ba, Hope? Bumalik ka na lang sa ibang araw."
Halos ipagtulakan ni Xander ang babaeng nagngangalang Hope ngunit mabilis ang reflexes nito. Kaagad niyang nahawakan ang magkabilang pinto kaya naharangan niya ang ginagawa ng binata. "Special Agent Monasterio, hanggang kailan niyo ba balak itago sa publiko ang tungkol sa kasong ito? May bagong lead na ba kayo?"
Napahilamos si Xander gamit ang kaniyang sariling mga palad. He was frowning at Hope while the latter smirked. Pinatay niya ang kaniyang recorder at inilagay sa kaniyang bulsa. Lumapit ito at may ibinulong. Nagkasalubong pa ang mga mata nila ni Knight bago siya tuluyang umalis ng kanilang opisina.
Kunot ang noong lumapit si Knight kay Xander. "Reporter?"
Tumango si Xander bilang tugon. "And a very stubborn one." Sagot niya habang sinasara ng tuluyang ang pinto ng kanilang opisina. "Mag-ingat ka sa lahat ng sasabihin mo sa kaniya. Hindi siya katulad ng ibang reporters na slow pumick up."
"Noted." tanging sagot na lamang ni Knight bago ipinakita kay Xander ang autopsy report.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Dei spent her time at the library on Noctem Apartelle's ground floor. Nagbasa na lamang siya ng libro upang magpalipas ng oras. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari sa kaniya ilang gabi na ang nakalilipas. Bumalik sa alaala niya ang gabing muntik na siyang mamatay.
Pabalik na siya ng kaniyang apartment, iniisip kung dapat bang umalis na siya sa Noctem dahil tila wala na siyang balak tumulong sa kaso ni Lena Madrigal. She needs to find another place where she can be safe. Hindi 'yong maging kasamahan niya ay ipapahamak siya.
She was about to press the button when someone else did it for her. Napatingin siya rito, isang mestisang dalaga ang ngumit sa kaniya. "Are you new here?" tanong sa kaniya habang nakapamulsa ang kaliwang kamay nito.
Marahang tumango si Dei.
Ngumit ang dalaga. "Kaya pala ngayon lang kita nakita." sambit nito.
Dei got curious. "M-Matagal ka na rito sa Noctem?"
This time, it was the new girl's turn to nod her head. "I'm Hope. Hope Montecillo." Pagpapakilala niya sa sarili. "Sa first floor ako nakatira, unit 1-B."
"Sa unit 2-B naman ako." sagot ni Dei na may ngiti sa labi. Tila gumaan na ang pakiramdam sa dalaga. "Pero bakit ngayon lang kita nakita?"
Napangiti si Hope bago sagutin ang tanong ni Dei. "I was out of town." Maikling sagot niya. "Work purposes." Napatango na lamang ang kausap nito at tila wala na silang mapag-uusapan pa kaya naman nagtanong itong muli. "Have you heard about the recent murder case?" Kunwari ay kinakabahan siya ng tanungin iyon. "The, uhm... The Lena Madrigal Case?"
Hindi sigurado si Dei kung dapat ba niyang sagutin iyon kaya nanahimik na lamang siya at tumango bilang pagsagot sa katanungan ni Hope. Biglang nag-alert ang elevator at nabasa nilang inaccessible ito ngayon dahil under maintenance.
"Tara sa exit. Nandon ang hagdan." sambit ni Hope kaya walang nagawa si Dei kundi sundan ang dalaga para makaakyat sa unit niya. "Sa tingin mo ba toto 'yong mga bali-balitang si Destiny Lauchengco ang pumatay doon sa pobreng si Lena?" she opened the topic once again.
Napilitan naman si Dei na sumagot. "Destiny isn't the type of person to do such thing." Napatigil si Hope sa paglalakad at hinarap nang tuluyan ang kasama.
"Paano mo nasabi? Dahil milyonarya siya?" Hope interrogated Dei.
Sa unang pagkakataon ay umiling si Dei. "All I know is, Destiny Lauchengco doesn't want to be touched without her permission. And she doesn't want to be in close contact with anyone ever since she was kidnapped."
"What?" Nagkaroon ng mas matinding interest si Hope sa huling sinabi ni Dei. Napatakip naman ng bibig ang kausap nito ngunit huli na ang lahat. She took a step closer. "What do you mean kidnapped?" Pagka-klaro niya. "W-When?"
Napalunok si Dei at nag-iwas ng tingin. "Uhm... It's really not my story to tell. I-I'm sorry, I need to go. Gutom na rin ako eh." pagsisinungaling niya saka kumaripas ng akyat sa hagdan.
Sinundan na lamang siya ng tingin ni Hope. Inilabas niya ang recorder na kanina pang naka-on saka niya pinatay iyon. She pressed rewind then the play button. "...she doesn't want to be in close contact with anyone ever since she was kidnapped."
Inilabas niya rin ang kaniyang cellphone upang magtipa ng mensahe bago siya tumuloy sa kaniyang unit.
──⊹⊱✫⊰⊹──
End of Chapter 06.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro