Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

⚠️⚠️⚠️ WARNING ⚠️⚠️⚠️

This chapter contains explicit languages and mentions of unforgivable crimes that may trigger one's anxiety. If you are not comfortable with such topics, please skip reading this.

READ AT YOUR OWN RISK.

──⊹⊱✫⊰⊹──

MADILIM ang gabi at napakatahimik ng kapaligiran. Tanging tahol ng aso mula sa kabilang kanto lamang ang maririnig. Sabagay, sino ba naman ang mag-iingay kapag dis-oras na ng gabi?

Pumasok nang tuluyan si Dei sa kaniyang maliit na apartment at ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang masaksihan kung gaano kagulo ang kaniyang kagamitan pagkabukas niya ng ilaw.

She reached for her phone inside her bag to call the police, ngunit bago pa man siyang makatawag ay may pumulupot nang manipis na tela sa kaniyang leeg. Unti-unti siyang nawawalan ng hininga dahil sa ginagawang pananakal sa kaniya. She can see her reflection right from her window glass. Malas lamang niya at nakasuot ng maskara ang taong sumasakal sa kaniya at unti-unti na ring lumalabo ang paningin niya. It was a man who's trying to murder her!

Nagpupumiglas ito upang makawala mula sa taong nais siyang patayin!

Hinalungkat niya ang kaniyang fountain pen sa kaniyang bag saka isinaksak iyon sa tagiliran ng taong nais siyang patayin gamit ang kaniyang natitirang lakas. Lumuwag ng bahagya ang pagkakasakal sa kaniya sa mga sandaling iyon. She took that as an opportunity to escape.

Halos nahihilo pa siya dahil sa suffocation ngunit mas nanaig sa kaniya ang layuning makatakas. "T-TULONG!" sigaw niya habang kinakatok ang mga pintuan ng kaniyang mga katabing units sa kanilang condominium building, hanggang sa marating niya ang pinakahuling unit, na siya ring nagbukas ng kaniyang pintuan.

She lost consciousness after that. She was not able to see who opened the door for her but she's thankful. Because of that person, she is still alive.

──⊹⊱✫⊰⊹──

NAPABALIKWAS si Dei mula sa pagkakahiga. Dinalaw na naman siya ng kaniyang near-to-death experience sa kaniyang panaginip. Nilibot niya ang kaniyang paningin. Her peach-coloured bedroom wall was the first thing she saw. Mula sa kaniyang kaliwa ay may malaking tinted glass at kitang-kita mula rito ang bubong ng Morville Police Station. She somehow felt at ease.

Bumangon ito ng tuluyan. Simula kasi nang gabing iyon ay hindi na siya nagpapatay ng ilaw. Takot na siya sa dilim. Pakiramdam niya'y susugurin siyang muli ng lalaking iyon at tuluyan na siyang patayin. Kung ano man ang rason kung bakit siya nais kitilan ng buhay nang gabing iyon ay isa pa ring misteryo sa kaniya magpahanggang ngayon.

Lumabas ito sa kaniyang kuwarto. The unit that Noctem provided her on the third floor is decent and with complete amenities. Maliit lamang ito at tamang-tama para sa isang tao. She have a small kitchen with dining, and enough space for her living area.

Napatingin siya sa relong nakasabit sa kaniyang pader. "Ala una pa lang." banggit niya sa kawalan habang kinukuha ang remote ng kaniyang maliit na telebisyon upang buhayin iyon. Inilapag niya ang baso ng tubig sa coffee table na gawa sa kahoy at sinubukang ipikit nang muli ang kaniyang mga mata.

"Another corpse was found in the city but the Morville MetroPol are silent on their investigation which worries the citizens."

She exhaled and was about to turn the television off when the siren of the police car was heard from below and the flashing lights can be seen from where she is. Nakarinig siya ng isang malakas na pagbukas ng pinutan mula sa katabing unit nito.

Agad niyang tinungo ang pintuan upang silipin kung ano ang nangyayari. She can see from the peephole that Knight came out of his unit in a hurry. Gulong-gulo pa ang kaniyang buhok, naka-suot ng black shirt na itina-tuck in niya habang mabilis na naglalakad sa hallway patungo sa hagdan.

Nagmadali itong pumasok sa kaniyang kuwarto upang isuot ang kaniyang pantalon, white jacket, at leather boots. Nag-lipstick pa ito ng pula bago tuluyang tumakbo papalabas upang sundan si Knight. Ilang beses niyang pinindot ang elevator button hnggang sa bumukas ito.

"KNIGHT!" Ilang beses niyang isinigaw ang pangalan ng binata ngunit tila wala siyang naririnig kaya naman minabuti niyang sundan ito hanggang sa labas ng Noctem gate.

Naroon din si Xander na tila hindi pa nakakauwi mula kanina. Nakasuot ito ng bullet proof vest at may dalawang baril sa tagiliran nito. Salubong ang kaniyang mga kilay habang binabasa ang isang police report. Kausap naman ni Knight ngayon ang isa sa mga pulis. Ang uniporme nito ay may bahid ng dugo at doon lamang naramdaman ni Dei ang kaba. Tila nais niyang bumalik sa kaniyang unit ngunit nakita na siya ni Xander.

"Dei, what are you doing here?" Tanong nito sa kaniya kaya maging si Knight ay napatingin sa gawi niya. Lumapit si Xander sa kaniya ng mga sandaling iyon.

Sandaling napatingin si Dei sa gawi ni Knight na mariing nakatitig sa kaniya, isinusuot ang bullet proof vest. ?Ano nga ba ang ginagawa ko rito?' Tanong niya sa kaniyang sarili. Napalunok ito bago sumagot. "Narinig ko kasi ang police siren at si Knight na nagmamadaling lumabas kaya..."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil lumapit sa kaniya si Knight at para siyang nililitis ng mga tingin niya. "A shootout took place in the Morville Bank. Dalawang pulis ang napuruhan, isang kritikal ang kondisyon at isa naman ay patay na." Napalunok si Dei sa kaniyang naririnig. "We are going to manhunt for the criminals who tried to rob the bank tonight. Sama ka?" Mapanukso ang boses ni Knight sa kaniyag tanong. Para bang hinahamon niya ito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Matatalim ang tingin na ipinukol niya kay Knight lalo na't alam niyang nakikinig si Xander. Pakiramdam niya ay kumukuha ito ng isang examination na kailangan niyang pumasa kung hindi ay mapapalayas siya sa Noctem Apartelle.

"G!" mariing sagot niya.

Nagpalitan ng tingin sina Knigth at Xander. "G?" sabay na tanong ng dalawa pagkabaling ng tingin sa kaniya.

She rolled her eyes. "G. As in GAME!" sagot niya sa dalawa na tila naliwanagan naman. "Gen Z slang." dagdag pa niya.

"T!" sabi naman ni Knight.

"Ha?· naguguluhang sambit ni Dei habang sinusundan siya.

"T!" pag-uulit nito. "As in tara na at baka hindi natin mahuli ang mga kriminal!"

Sumakay ang tatlo sa itim na sasakyan, si Dei ang nasa likuran. Mabilis ang pagpapatakbo ni Xander habang si Knight naman ay nakikipag-coordinate sa mga kasamahan nilang pulis sa pamamagitan ng walkie talkie.

"Namataan na namin ang sasakyan ng mga kriminal patungo sa Alabang." sambit ng kasamahan nila mula sa ibang kotse.

Mas binilisan ni Xander  ang kaniyang pagmamaneho at halos humiwalay na ang kaluluwa ni Dei sa kaniyang katawan. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa grab handle ng sasakyan. "Taragis! Hindi nga ako namatay noon, pero mukhang madi-deads naman ang beauty ko sa pa-Fast and Furious mo!"

Ngumisi lamang ang binata sa narinig at mas binilisan pang lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya ganoon na lamang din ang pagtili ni Dei. Halos hindi na maramdaman ng dalaga ang kaniyang pintig ng puso sa sandaling matunton nila ang sasakyan ng kriminal. Limang kotse ng pulis ang humahabol sa itim na 2021 Kia Sorento.

"Walang plaka ang sasakyan." obserbasyon ni Xander.

"Maaaring ninakaw ang sasakyan." sagot ni Knight.

"Maaari ding kusa nilang tinanggal ang plate number upang hindi ninyo sila ma-identify." tugon naman ni Dei.

"Posible." sambit ni Xander habang inilabas niya ang kaniayng kaliwang kamay at sumenyas sa mga kasamahan nilang pulis. Inilabas naman ng isang armadaong lalaki na nakamaskara ang kalahati ng kaniyang katawan mula sa sasakyang hinahabol nila. Itinutok nito ang isang armalite sa gawi nila at nagsimulang magpaputok.

Umalog ang sasakyan habang sinusubukan ni Xander na iwasan ang mga balang pilit na ipinatatama sa kanila. Buong tapang namang inilabas ni Knight ang kalahati ng kaniyang sasakyan upang makipagbarilan sa mga kriminal. Pinuruan niya ang dalawang gulong ng kanilang sasakyan at nawalan ito ng balanse.

"Dito ka lang." mariing bilin ni Xander kay Dei.

Isang tanog naman ang naging sagot niya rito dahil sa sobrang kaba. Hindi tuloy niya maiwasang mainis sa sarili dahil pumayag pa siyang sumama sa kanila gayong alam naman niyang delikado ang gagawin nila.

Ang kabang naramdaman niya ay napalitan ng inis dahil tumama sa mukha niya ang mabigat na bulletproof vest na inihagis ni Knight sa kaniya. "What the f---"

Hindi na natapos ni Dei ang nais sabihin dahil sa bilin ni Knight. "Isuot mo kung gusto mo pang mabuhay ng medyo matagal! Pero kung ayaw mo..." Akmang babawiin na sana nito ang vest nang isuot naman iyon ni Dei.

"Doncha worry! Matagal-tagal mo pang masisilayan ang aking angking kagandahan!"

Knight rolled his eyes and slammed the car door, leaving Dei with nothing but fear. She heard gunshots from from every place. She prayed that God protects them from the hands of the criminals.

And yet, her fear grew stronger when someone opened the car door and dragged her out of the vehicle with a gun pointed at her head. "Pabayaan niyo kaming umalis o tatadtarin ko ng bala ang utak ng babaeng ito?"

──⊹⊱✫⊰⊹──

End of Chapter 05.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro