Chapter 04
⚠️⚠️⚠️ WARNING ⚠️⚠️⚠️
This chapter contains explicit languages and mentions of unforgivable crimes that may trigger one's anxiety. If you are not comfortable with such topics, please skip reading this.
READ AT YOUR OWN RISK.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Destiny, Siggy, and Ms. Madrigal are not my original characters. Maaari po ninyong basahin ang kwento ni Destiny sa akda ng sissy kong si Velvet_Summers na pinamagatang "Chained Destiny" sa kaniyang Wattpad account. May special appearances din doon sina Knight at Dei.
──⊹⊱✫⊰⊹──
NAMILOG ang mga mata ni Dei nang pumarada ang sasakyan nila sa harap ng isang napakataas na gusali. Nais niyang tanungin kung nasa tamang lugar ba sila ngunit hindi na niya iyon nagawa nang magtuloy-tuloy si Knight patungo sa entrada, kinausap ang guard na nagbabantay, at nag-aalangang patuluyin ito.
Lauchengco Investments and Holdings is the highest tower in Makati City and it is currently run by the walking pheromone, Destiny Lauchengco.
'She can't be the suspect.' untag ng isipan ni Dei habang pinapanood ang likuran ni Knight at sinusundan ito papasok na napakagarang gusali. Sahig pa lang ay parang salamin na sa sobrang kintab. Si Destiny lang naman ang kakilala niya rito at imposibleng ang tinutukoy na suspect kanina ay si Siggy, ang assistant nitong workaholic at palaging nakabuntot sa boss niya.
She followed Knight and mentally hoping that her gut-feeling is wrong. She somewhat know Destiny Lauchengco. Sopistikada at nakukuha ang lahat ng gusto. While she is considered a bitch by most people around her, Dei thinks it's only a facade para pagtakpan ang masalimoot nitong nakaraan.
"Tatanga-tanga ka na lang ba riyan?" Napukaw ang iniisip nito nang marinig ang boses ni Knight. Nasa loob na ito ng elevator, ang isang kamay ay nakahawak sa pintuan upang hindi tuluyang magsara.
Nakakuniot na naman ang noo nitong nakatingin sa kaniya. He is slowly getting into her nerves! At para naman makaganti, she flipped her long hair at marched towards the elevator as if she was a runway model. "Bumubuwelo lang ako. Chill."
Napairap na lamang si knight sa tinuran niya. He doesn't need to say anything because his actions speaks that he dislikes Dei.
"Sino ba ang suspect pala?" hindi naiwasan ni Dei ang magtanong habang sinusubukang silipin ang file na hawak ni Knight na siya namang inilalayo ng binata mula sa kaniya.
"You'll know who when we get to her office." istrikto ang boses nitong sumagot. Akala mo'y isa itong professor na sinasabihan ang isang makulit na estudyante.
Her suspicion grew when they reached the thirtieth floor. Minsan na ring nabanggit ni Destiny that she doesn't allow anyone on that particular floor because it's her personal space inside their corporate building. Dei know for a fact that the suspect is a female so she crossed out Siggy. Other than that, she could not come up with any other female employees.
The elevator bell rings, signalling that they have reached their desired floor. And as soon as the elevator door opens, Dei had the sudden urge to go to the bathroom. This is her body telling her how anxious, stress, or nervous she is at the moment. Kaya naman imbes na sundan si Knight ay pumunta ito sa kabilang direksyon.
"Oh, saan ka pupunta?" magkasalubong ang mga kilay ni Knight nang tanungin ang dalagang nagpipigil ng kaniyang ihi. He pointed at the large entrance door that they could only think of as Destiny's office. "Doon ang opisina ng pupuntahan natin!"
"H-Ha? A-Ano..." the lass was hesitant. Magpapaalam sana itong pupunta na muna ng banyo nang lumabas ang isang binata mula sa malaking pintuan.
"Detective dela Vega?" napaka-pormal nito nang lapitan niya ang dalawa at iniabot ang kamay. "I'm Siggy. My boss is currently in a meeting with the boardmembers. She will attend to you in half an hour." pagbibigay-impormasyon nito sa kaniya habang tinitingnan ang gawi ni Dei na kanina pang sumusulyap kung saan-saan.
Siggy gestured them towards an outer office where they could comfortably wait for Destiny. Halatang bago ang mga kagamitan doon at kumikinang. Whoever cleaned the office did a great job.
The lad offered them a warm cup of coffee each. Dei couldn't hold her pee anymore. She raised her right hand and both Siggy and Knight looked at her confusingly. Para kasi itong mag-o-oral recitation.
"Yes, Miss?" takang tanong ni Siggy sa kaniya.
"M-Magme-may I go to the bathroom to make wiwi lang sana ako." Nag-peace sign kaagad ito nang makita ang nanlilisik na mga mata ni Knight na nauubusan na ng pasensya sa kaniyang presensya. "Kanina ko pa pinipigilan kaso hindi na talaga kaya ng powers ko. Saan ba ang pinakamalapit na ladies' room dito?"
Napasapo na lamang ng noo si Knight habang iiling-iling sa tinuturan ng dalaga. 'She can't be part of my team!' pangungumbinsi ng utak niya.
Napangiti lamang si Siggy bago sumagot. "There is a private washroom in this floor but, unfortunately, it can only be accessed by my boss. You would have to either go at the thirty-first floor or at the twenty-ninth floor." Paliwanag niya.
Tumayo kaagad ito at tinungo ang pintuan. "You can't be serious?!" Knight exclaimed watching Dei leaving her post behind.
Si Dei naman ngayon ang salubong ang mga kilay na humarap sa binata. "Mukha ba akong nagbibiro?" nakangusong tanong nito. "Puputok na 'yong pantog ko! It's either magkaka-gallstones ako o hahayaan mo akong umihi in peace!"
Wala na ring nagawa si Knight kundi ang hayaan itong humanap ng ladies' room habang hinihintay nitong matapos ang meeting ni Destiny Lauchengco, the primary suspect of his first murder case with Morville MetroPol.
──⊹⊱✫⊰⊹──
HALOS mawala si Dei kakahanap sa banyo kanina. Kinailangan niyang bumaba hanggang twenty-seventh floor dahil kasalukuyang nililinis ang mga banyo sa twenty-eighth at twenty-ninth floor. Nakisabay ito sa ilang mga empleyadong papaakyat rin.
"Narinig niyo na ba?" tanong ng isa sa mga empleyada sa mga kasamahan nito. Nasa likuran niya ang mga ito at ayaw na sana niyang makinig sa kung ano mang pagchi-chismisan nila ngunit wala rin naman siyang choice dahil sa boses nito.
"Ang alin?" tanong ng isa pa.
"May mga pulis mula sa kabilang siyudad ang naparito upang makausap si Ms. Lauchengco."
Namilog nang husto ang mga mata ni Dei. Nagkatotoo ang kutob niya kanina kaya siya kinabahan ng husto. Hindi man sila close ni Destiny ay masasabi niyang hindi nito maaatim na pumatay ng isang tao. 'Ipapahiya lang ni Knight ang sarili niya at ang buong Morville Metropolitan Police kapag ipinagpilitan niyang si Destiny ang pumatay kay Ms. Madrigal.' saad ng isipan nito.
"Tungkol ba ito sa pagpatay kay Ms. Lena?"
Hindi na tinapos pa ni Dei ang pakikinig sa mga empleyadong nag-uusap tungkol doon. Nalaman na niya ang nais niyang malaman.
Mabilis niyang tinahak ang outer office kung saan niya iniwan si Knight kanina ngunit wala na ito roon nang buksan niya ang pintuan. She was about to check the other meeting room when she heard Destiny's voice nearby. "That's Impossible! You think I would kill someone for the sake of money?" Hindi makapaniwalang tanong nito and Dei could only imagine how the woman looks at this very moment. "Yes, I fired her and it's not about the money dahil marami na akong pera." she confidently added.
Nanatili munang nakikinig sa labas ng pintuan Si Dei upang marinig ang salaysay ni Destiny. "Ayaw kong niloloko ako ng mga tauhan ko. I trusted her to handle my charity account and all she did was to embezzle and gamble the money! Ano'ng gusto mong maging reaksyon ko? Matuwa? Mag-celebrate?" her voice was full of sarcasm.
"She was raped and then murdered!" untag naman ni Knight at siguradong-sigurado si Dei na nakakunot pa rin ang noo nito.
May narinig itong bagay na bumagsak sa lamesa. Parang isang stack ng mga papel. "Here's the evidence of her stealing from the company and the proof that I am innocent. You're a detective, do your fucking job!"
Kahit na nasa labas itong si Dei ay ramdam na ramdam na niya ang tensyon na namamagitan kina Destiny at Knight. Bago pa man ding may masabi ang kasamahan nitong detective ay nagpasya na itong pumasok at inilabas ang kaniyang tab. Tatlong pares ng mga mata ang nakatutok sa kaniya sa mga sandaling iyon. Destiny looked at her, minumukhaan siya. "She's not the culprit! I can prove that Ms. Lauchengco is innocent."
Tumaas ang kilay ni Knight sa pagkakataong iyon. Hindi na niya pinansin pa ang bulungan nina Siggy at Destiny dahil napunta sa kasamahan niyang detective ang kaniyang atensyon nang magsalita ito. "Siya lang ang nakaalitan ni Ms. Madrigal at siya lang ang may rason para gumanti." saad nito sa kaniya habang iminu-muwestra ang folder na ibinagsak ni Destiny kanina sa lamesa.
Umiling-iling si Dei. "Ms. Lauchengco does not allow other people to touch her without permission, She's the living proof of social distancing."
"Agree!" singit naman ni Destiny sa usapan nilang dalawa.
"Ano'ng connect?" naguguluhang tanong ni Knight na hindi naman masagot ng deretsahan ni Dei. "What makes you so sure?"
Sa halip na sumagot si Dei ay hinila niyang palabas si Knight hanggang sa makarating sila sa elevator. Ni hindi man lang napansin ang posas na nalaglag dahil sa kamamadali nila. "Sa presinto na ako magpapaliwanag!" sagot na lamang niya at tuluyan niyang hinila paalis si Knight. Kinuha rin nito ang ebidensyang tinutukoy kanina ni Destiny tungkol sa pagnanakaw sa kaniya ni Ms. Madrigal.
Narating na nila ang parking lot at nakapasok na rin sa sasakyan. Hindi maipinta ang mukha ni Knight sa mga sandaling iyon. Never in his entire career was he dragged and humiliated like that. "You better have a good reason for dragging me out, Capistrano! I don't leave cases unsolved!"
Nakabalik na silang pareho sa Morville City at panay ang dabog ni Knight nang naroon na sila sa loob ng opisina. "Explain!" tanging sambit lang niya habang nakatitig kay Dei na parang kakatayin any moment.
Nasa gitna nila si Xander, nagtataka kung bakit galit na naman si Knight. May naririnig na siyang haka-haka tungkol sa binata, na mainitin ang ulo kapag may kaso itong hindi siya kayang resolbahin pero isa siya sa pinakamagagaling na pulis sa buong siyudad ng Morville kaya hinahayaan lang nila ito.
"Destiny Lauchengco is not the culprit."
"That's not the answer I want to hear."
Dei sighed and dropped the embezzlement proof they obtained from Destiny. "Are you familiar with a kidnapping case that happened in Mindoro way back in the year 2005? The daughter of a multi-millionaire went missing during Christmas season and was ready to give millions to whoever can bring back his child?"
Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Knight ng mga sandaling iyon habang namilog namana ng mga mata ni Xander. "But the child was found, right? The information regarding that case was never fully disclosed to the public para hindi sila pag-piyestahan at ang tanging nakakaalam lang ay ang mga dating humawak ng kaso who swore to secrecy."
Tumango si Dei sa gawi ni Xander.
"And what does that have to do with Destiny?" tanong ni Knight kahit may kutob na ito kung saan patungo ang sinasabi ni Dei.
The young lass crossed her arm and looked straight into Knight's eyes. "Destiny Lauchengco was the child who was kidnapped. She developed a certain trauma because of what happened and ever since then, she never allows people to touch her." paliwanag niya. "She's not the culprit and I'm a thousand percent sure about it!"
Tumayo si Xander mula sa kaniyang kinauupuan at tuluyang pumagitna sa dalawa. "Kung totoo ang sinasabi ni Dei, na hindi si Destiny Lauchengco ang pumatay kay Ms. Madrigal, then we need to conduct another investigation and look on a different angle. Our Team Chief will be reporting back to duty tomorrow. I'm sure he will help us out with the case." he reassured them both before facing Dei. He fished out a keycard from his pocket and handed it to her. "Unit 2-B is yours. Noctem Apartments is just up the hill."
Kung gaano kasaya si Dei ay gano'n naman ang simangot ni Knight. Whether he likes it or not, parte na talaga ng team na ito si Deiandra Capistrano.
──⊹⊱✫⊰⊹──
End of Chapter 04.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro