Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01

MADILIM at masukal ang eskinitang dinaanan ng dalawang taong naghahabulan -- ang isa'y suspect sa isang pagnanakaw habang ang humahabol nama'y isang pulis na hangga't maaari'y ayaw nitong paputukin ang dalang baril. Nais nitong mahuli ang magnanakaw ng buhay at humihinga.

May kalaliman na rin ang gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang naghihisterikal na residente dahil sa nangyaring pagnanakaw sa kanilang bahay kaya hindi na nag-atubili ang mga pulis na rumesponde sa kanila.

Ito ang pangatlong kaso ng pagnanakaw na natanggap nila sa loob ng dalawang linggo at hinihinala nilang iisang tao lamang ang nasa likuran nito sapagkat pareho ang modus operandi ang ginamit nito - hihintaying makatulog ang mga tao sa loob ng bahay at sa likod ng bahay sila dumaraan.

Isang maliit na papel ang nakita ng mga kapulisan sa may lock ng bawat pintuan kaya't madaling napapasok ang kanilang mga bahay.

Umaalingasaw ang amoy ng creek na natambakan ng basura ang napuntahan nila. Puno rin ng iba't ibang metal at barong-barong na bahay ang kapaligiran ng tinatahak nila.

Inakyat ng magnanakaw ang bakod na gawa sa rehas upang matakasan ang humahabol sa kaniya. Wala itong balak magpahuli ngunit mukhang minamalas talaga siya ngayong gabi dahil maliksi ang pangangatawan ng pulis na ito.

Napamura siya ng malutong dahil mauubos na ang kaniyang enerhiya katatakbo ngunit hindi nagpapaawat ang humahabol sa kaniya. Napatigil na lamang ito nang kamuntikan itong malaglag sa bangin dahil nilingon niya ang pulis. They both reached a dead end.

"Itaas mo ang mga kamay mo kung ayaw mong mapuruhan ng bala ko." His voice was soft but his tone was deadly. Walang nagawa ang magnanakaw kundi ang itaas ang kaniyang mga kamay tanda ng pagsuko. Hindi na rin ito nanlaban nang marinig niya ang pagkasa ng baril mula sa kaniyang likuran.

──⊹⊱✫⊰⊹──

NASA presinto na sila at sinalubong ang mga ito ng mga reporters. Gustong umirap ng binatang pulis na nakahuli sa magnanakaw, 'ang bilis talagang kumalat ng balita!' puna ng isipan nito habang hinahawi ang mga reporters upang makapasok na sila.

Tinalukbungan nila ang mukha ng magnanakaw bago ilabas sa police van. They don't want to disclose any personal information about the suspect lalo na't hindi pa sila sigurado kung siya nga ang matagal na nilang hinahanap.

Lahat ng mga mata'y napako sa binatang patubo na ang balbas at magulong buhok na halos tinatakpan na ang kaniyang mga mata habang dinadala ang kaniyang nahuling suspect sa kaniyang lamesa. Pinaupo niya ito at marahas na tinanggal ang police jacket na nagtatakip sa mukha nito.

Nasa late forty's na ang lalaking nahuli, nag-uumpisa na ring mamuti ang ilang hibla ng kaniyang buhok, may kaitiman ang balat na tila babad sa araw. Maaaninag mo sa kaniyang mukha ang kaniyang pagkadismayang nahuli siya ngayong gabi.

District 4, or the Northern Region of the country, is the easiest place to rob. Maraming bahay-bakasyunan rito ang mga mayayaman dahil sa angking ganda ng lugar na ito na halos walang tumitira kapag hindi vacation season.

The Northern Region is composed of beautiful beaches and seas. Ito ang pinaka-kalmadong lugar sa bansa kaya halos bumaliktad ang mundo ng mga mamamayan nang maging talamak ang pagnanakaw at halos tatlong buwan ring hindi matukoy ng kapulisan kung sino ang nagnanakaw. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming reporters ang nakaabang sa labas kanina.

"Arnel Dimasalang." binasa nito ang pangalan mula sa ID ng suspect. He grinned before looking back at the man who was displeased. "Naubos ang suwerte mo ngayong gabi."

Umiwas ng tingin si Arnel. Ang mga mata nito'y galit na galit. He was dubbed as The Invisible Man for almost a year dahil wala ni isang CCTV footage ang nakakuha sa kaniyang pagpasok sa mga bahay upang magnakaw.

"After tonight, The Invisible Man will be visible to the public!" dagdag pa ng binatang pulis. Nanatiling walang imik suspect at sumagot lang ito sa mga itinanong sa kaniya na may kinalaman sa pagnanakaw. Apparently, he works at Northern Security Office kung saan sila mismo ang nag-i-instala ng mga security camera kaya alam niya kung paanong manipulahin ang mga ito at alam niya kung ano'ng bahay ang papasukin nang hindi siya mahuhuli.

Minalas lamang talaga itong si Arnel dahil hindi niya inaasahang may tao sa pinasok niyang bahay-bakasyunan at agad na napindot ng taong iyon ang emergency call button na siya rin ang nag-instala. Kaagad na naalerto ang kapulisan kaya naman mabilis ang pagrespondeng nangyari ngayong gabi.

"Lock him up, boys!" utos ng binatang pulis matapos ang kaniyang interrogation.

Dalawang pulis ang umakay sa suspect na si Arnel at inilipat sa detention cell ng presinto nila. He knew that he will be found guilty for theft lalo na't may witness na nakakita sa kaniyang inilalabas ang mga mamahaling alahas mula sa secret vault.

The police officer who caught him raised the simple gold necklace inside a transparent, ziplock bag with the label 'Evidence', on eye level and stared at it for quite a while. Hindi niya lubos maisip na may mga taong handang gumawa ng kasalanan makuha lamang ang mga ganitong bagay.

Napabalik na lamang siya sa reyalidad nang makarinig ito ng munting palakpak. He looked up to who it was and saw his superior, along with his other colleagues, looking happy and satisfied. They're all clapping for him for a job well done.

"You wrapped up this case sooner than we all thought!" nakangising sambit ng kaniyang superior na si Chief Inspector Carbonel. Kitang-kita rin sa mga mukha ng iba niyang kasamahan ang pagkasaya habang ang iba naman ay kamot-ulong nagbibigay ng pera.

Umiling-iling na lamang ito at napangisi. "Pinagpustahan niyo ba ako?" natatawang tanong nito na hindi makapaniwala.

Nag-peace sign ang mga kasamahan nitong guilty sa paratang ng binata at ang ilan naman ay iwinagayway ang dalawang libong pera na nakuha nila sa kanilang pagkapanalo.

"Turns out, hindi namin kailangang tumaya sa lotto para manalo ng ilang libo!" natatawang sagot ng isa sa mga kasamahan niya sa opisina na siyang tinawanan ng lahat.

Chief Carbonel tapped his shoulder and sighed heavily. Nakuha kaagad ang atensyon nito kaya kunot-noo niyang tinitigan ang kaniyang superior na mukhang may dalang bad news.

"As much as we want to keep you here in District 4, you are being requested at District 1 - sa Morville City." hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. Pilit ang mga ngiting iginawad sa kaniya ng kaniyang mga kasamahan.

"Sa anong kadahilanan, chief?" seryosong tanong nito.

Sumenyas si Chief Carbonel at kaagad na lumapit ang isang lalaking nasa trenta anyos na ang edad upang ibigay ang isang makapal na folder. The chief placed in on his desk. Binuklat niya ang folder at kaagad na nawala ang mga ngiti sa labi at titig na titig sa mga larawan at detalyeng nakalakip rito.

"With all the cases you have solved, the higher ups from the main region are requesting for your immediate transfer. Magiging parte ka ng isang specialised group upang ma-solve ang mga kasong ito. Naniniwala silang isang serial killer ang gumagawa nito at natatakot ang ibang distrito na baka sila ang susunod na salakayin nito. Kung hindi siya takot sa main district, most likely ay hindi rin siya matatakot pasukin ang iba pang rehiyon."

Isang mabigat na paghinga ang tanging naisagot ng binata. He just came here almost a year ago to help with the arson case between Districts 3 and 4. The case he solved tonight was his second.

Hinawakan ni Chief Carbonel ang kanang balikat nito bago nagpatuloy sa pananalita. "Mas kailangan ka ng District 1 ngayon kaysa rito sa District 4. Buhay ang mga mamamayan ang nakasalalay rito att hindi natin ito puwedeng ipagsawalang bahala."

Ilang segundong nanatiling tahimik ang binata bago ito unti-unting tumnago, tanda ng kaniyang pagsang-ayon sa sinabi ng kaniyang superior na ngayo'y nakangiti ng husto sa naging desisyon nito.

Chief Carbonel fished out his mobile phone from his side pocket and dialed a number. "Good evening, Chief Viloria. This is Chief Carbonel from District 4. I would like to inform you that our agent, Knight dela Vega, will be transferring to your branch effective tomorrow."

──⊹⊱✫⊰⊹──

End of Chapter 01.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro