Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Evil Sister

"How could you!" Namumula ang mga matang sumbat ng kapatid niyang si Jan Marie kay Rebecca Grace.

Umismid siya. Ngumuya siya habang patuyang nakatingin sa babae. Pagkatapos ay bumuo siya ng bilog mula sa bubble gum at pinalobo 'yon. Hinintay niyang pumutok ang bubble gum bago sumagot sa akusasyon ng kapatid.

He likes me, ganoon lang kasimple."

"Ikaw ang lumapit kay Lance, ikaw ang nang-akit! Iniiwasan ka na nga, para ka pa ring lintang kapit na kapit na rin! My god, Ate! Pinatunayan mo lang na kaladkarin ka nga talaga!"

"It's not my fault that Lance finds me prettier than you," kulang sa interes na pagtatama niya sa kapatid. "At pwede ba? Malandi lang ako pero hindi ako bobo. Marunong akong makaintindi 'pag sinabi ng lalaking ayaw niya. Umiwas kamo si Lance? Kailan? Eh, ni hindi ko man lang narinig na inayawan niya ako. Ang narinig ko lang, 'yong mga ungol niya."

 Sinundan niya 'yon ng pagkindat. Lalong namula ang mukha ng kapatid niya. 

"Becca, stop provoking her," saway ni Lance na kararating lang.

Itinuro ni Becca ang sarili na para bang nagtatanong "bakit ako?" Natigilan ang kapatid niya nang makita si Lance. Nangilid na ang luha sa mga mata ni Jan Marie. Inabot ni Lance ang babae sa mukha at pinahid ang mga luha nito. Napangisi si Becca.

"L-Lance."

"Jan, tama na. Please stop crying," mababa ang boses na alo ni Lance sa babae. 

Niyakap ni Jan Marie ang binata pero nanatiling nakatayo doon si Lance, hindi gumaganti ng yakap.

"B-Bakit siya pa?" basag ang boses na tanong ni Jan Marie.

Napapalatak si Becca. "Because I'm hot."

"Becca," saway ni Lance.

Ngumisi ang dalaga. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid, partikular sa mga taong nakikiusyoso. Pumalakpak si Becca para kunin ang atensyon ng mga nanonood.

"Show's over folks! Walang happily ever after. Amen. Pwede na kayong umalis." Sinadya niyang lakasan ang boses.

Nagsitalikuran na ang mga tao. 'Yong mga ayaw pa umalis ay diretsong tinitigan ni Becca, mata sa mata. Nakaramdam naman ng hiya ang mga 'yon at nagsimulang umalis.

"Grabe 'no? Alam naman niyang si Jan ang gusto ni Lance noong una pero inakit pa rin niya. Hindi man lang nahiya. Kawawa naman si Jan."

Lihim na napailing si Becca sa sarili. Alam niyang hindi maganda ang reputasyong mayroon siya sa eskuwelahan. Sa edad na disi otso, kilala siya sa buong campus ng St. Xavier University kung magbilang ng boyfriend. Wala siyang pakialam kahit siya ang pinakamasamang babae sa balat ng lupa sa paningin ng iba. Hinding-hindi siya magpapaapekto sa kakitirin ng isip ng lipunan.

Bago siya tumalikod ay nagtama ang paningin nila ni Lance. Wala siyang sinabi pero sapat na ang isang tingin para ipaabot sa binata ang mensahe ng mga mata niya. Isang mahinang tango ang isinagot ni Lance bago ibinaling ang atensyon kay Jan Marie.

Pasipol-sipol na tumalikod si Becca. Nilagpasan niya ang ilang kalalakihang sadyang nagpaiwan para hulihin ang atensyon niya. Pero hindi siya interesado. Isang tipid na ngiti lang ang iginanti ng dalaga sa mga pagbati ng mga ito.

Diretso siya sa Communication Arts building. Medyo malayo iyon nang kaunti mula sa pinanggalingan niyang High School Department pero hindi niya ininda ang lakarin. Tuloy-tuloy siya sa rooftop. May mga lumang upuan at mesa ang nakatambak doon. Tanging ang janitor at maintenance personnel ng eskuwelahan ang may access sa lugar na 'yon. Kinaibigan niya ang mga ito para bigyan siya ng access.

Sa ibabaw ng magkakadikit-dikit na lumang mesa, nahiga si Becca. Nasa kalagitnaan na ng pagbaba nito ang araw, unti-unti na nitong iniiwan ang bughaw na kalangitan. Dalawang oras pa at tuluyan nang mababalot ng takip-silim ang buong paligid.

Umihip ang hangin, ginulo nito ang buhok niyang nakakalat sa ibabaw ng mesa sa kanyang pagkakahiga. Bumalik sa alaala niya ang nangyari sa baba kanina. Isa lang 'yon sa mga bagay na kailangan niyang gawin para protektahan ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya. At hindi siya magsisisi sa kahit na anong gawin niya para sa taong 'yon.

Tumagilid siya ng higa, naglalaro sa isipan ang luhaang mukha ng kapatid. Prospective boyfriend Jan Marie si Lance. Pangatlo na rin ang lalaki sa mga nagpakita ng interes sa kapatid niya na napagtagumpayan niyang maibaling sa kanya ang atensyon.

Kung tatanungin siya kung nakokonsensya ba siya sa ginagawa, ang sagot ay hindi. Paulit-ulit niyang gagawin 'yon kung kinakailangan.

"Hey."

Kasunod ng bulong na 'yon sa tainga niya ay ang paggapang ng isang kamay sa hita ng dalaga. Paglingon niya ay nakahiga na si Lance sa likod niya, naglilikot ang mga kamay sa ilalim ng palda niya.

"Behave," saway ni Becca sa lalaki.

Imbes na makinig ay pumisil ang kamay ni Lance sa hita ni Becca. Pagkatapos ay lumipat ang kamay ng lalaki sa bandang tiyan niya.

"I missed you," bulong ni Lance.

Natawa siya. Humarap si Becca sa lalaki. 

"We saw each other like, minutes ago?"

Ngumiti si Lance, nawala ang mga mata. At seventeen, malaking tao si Lance sa tangkad nitong five eleven. Miyembro ito ng swimming team ng university nila. He's easy on the eyes, too.

"Lagi naman kitang na-mi-missed."

Inabot ni Becca ang batok ng lalaki para maglapit ang mga mukha nila.

"Iba ang na-missed mo, umamin ka."

Lalong lumapad ang ngiti ni Lance. "Obvious ba?"

"Masyado mong pinapahalata."

Lance sighed. "What can I do? Masyadong lethal ang charms mo."

"Bolero."

Nawala ang ngiti ng lalaki. Titig na titig si Lance kay Becca na ikinailang ng dalaga.

"Becca, the thing I told you about last week, have you thought about it?"

Natigilan ang dalaga. Mabilis na umasim ang mukha niya. Bumangon si Becca at matalim na tinitigan ang lalaki.

"Must you ruin this moment, Lance?"

Naisuklay ni Lance ang mga daliri sa sariling buhok. "I-It's just that—"

"I told you, hindi ako ang tipo ng babaeng papasok sa komplikadong relasyon. We're complicated enough, gusto mo pang dagdagan? Tama na ang ganito lang."

"Pero—"

Hindi na niya hinayaang makapagsalita si Lance. Sinelyuhan niya ang mga labi nito ng isang halik. Ramdam niya ang pagkagulat ng binata. Ni minsan hindi siya nag-initiate ng halik sa pagitan nilang dalawa.

"Becca..." habol ang hininga ng binata nang tumigil siya. Nanlaki ang mga mata nito nang maramdaman ang mga daliri niya sa buckle ng sinturo nito. 

"It's my turn," bulong niya, pilya ang ngiting nakaguhit sa mga labi.

***

Makalipas lang ng ilang buwan, wala na sila ni Lance. Kagaya ng dalawa pang inagaw niya sa kapatid, hindi rin sila nagtagal. Para ano pa? They're just passing fancy after all. Ngayon ay iba na naman ang pinupuntirya ni Becca. 

Kararating lang ng kapatid niya. Kita niya si Jan Marie sa labas ng gate, may kausap na isang lalaki. Simula nang mabaling sa kanya ang atensyon ng mga lalaking lumalapit kay Jan ay natuto na ang kapatid niya.

Pagkatapos ni Lance, may ilan pang nanligaw kay Jan Marie. Pero lahat binasted nito. Lahat ng binasted ng kapatid niya ay hindi niya pinag-interesan. Bakit pa? Hindi interesado si Jan kaya hindi rin siya interesado. Itong isa lang ang napapansin ni Becca na panay ang hatid sa kapatid niya.

Siyempre, hindi niya ipinaalam sa kapatid na nakikita niya ang paghatid-sundo ng lalaki dito. Her sister tries very hard to hide the guy from her. Isa lang ang ibig sabihin, gusto ni Jan Marie ang lalaking naghahatid sa kanya.

She smirked as she watch them from her window. Walang may alam nasa bahay na siya. Nag-cutting classes siya dahil hindi niya type ang professor sa Statistics class. Naaalibadbaran siya sa paraan kung paano siya tingnan ni Mr. Altar.

Bago pa umalis ang lalaki ay mabilis na kumilos si Becca. Tinakbo niya ang closet at naghanap ng midriff top, 'yong kulay pula para lumitaw pa lalo ang kaputian niya.Pinalitan na rin niya ng tattered denim shorts ang leggings na suot. Nagsuot na rin siya ng sombrero. Saktong-sakto ang ponytail ng dalaga sa siwang sa likod ng snapback.

Nang masigurong nasa gate pa ang dalawa ay mabilis siyang bumaba. Inilagay niya sa bulsa ang cellphone at isinuot ang headphones. Diretso siya sa likod-bahay kung saan naroon ang kulungan ng mga alaga nilang aso. Pinili niya si Heather, ang two year old Shitzu nila. Inilabas niya sa kulungan ang aso at tinalian. 

"Sorry, girl. Kailangan ko ang tulong mo ngayon," aniya sa aso.

Parang nakakaintinding kumahol si Heather at pagkatapos ay dinilaan ang mga daliri niya sa paa. Napangiti si Becca. Kapagkuwa'y tumayo siya, in-adjust ang shorts at top.

It's show time, Becca.

Sinadya niyang lagyan ng kendeng ang balakang habang naglalakad. Mula sa siwang ng gate nila ay nakikita ni Becca na hindi pa umaalis ang lalaking kausap ng kapatid. Walang halong pagmamadaling naglakad papuntang gate si Becca. Sumasabay naman sa lakad niya si Heather. 

Wala siyang balak i-announce ang presensya. Si Heather ang bahala doon. True enough, Heather let out a glad yip when she saw Jan Marie. Napalingon ang dalawa sa gate. Patay-malisyang hinatak niya ang leash ni Heather.

"Calm down, girl. 'Eto na, lalabas na tayo."

Saglit niyang inilipat sa kaliwang kamay ang tali ng aso. Gamit ang kanang kamay ay inabot ni Becca ang gate para buksan 'yon. Hindi niya pinansin ang pagkukulay-suka ng mukha ni Jan Marie. Ni hindi siya sumulyap sa kasama nitong lalaki. Pero pasimple siyang gumilid sa kinatatayuan ng lalaki.

Siniguro niyang masasagi ng braso niya ang dibdib nito, sapat na distansya para masigurong maaamoy nito ang pabangong ini-spray niya. At hindi siya nabigo. Mula sa gilid ng mga mata niya ay kita ni Becca ang paghagod nito ng tingin sa kabuuan niya. Good.

"A-Ate..."

"Padaan please," aniyang hindi ngumingiti.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Becca ang pagsulyap ni Jan Marie sa lalaking kasama. Pati na ang paglatay ng sakit sa mukha na ng kapatid nang makita nitong sa kanya nakatuon ang pansin ng kasama nito. Lihim siyang natuwa. Mukhang magtatagumpay na naman siya sa misyon niyang agawin ang lalaki kay Jan Marie.

Nilagpasan niya ang dalawa. Pero hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang marinig niya ang boses ng lalaki.

"Hi! I'm Benj. Hinatid ko lang ang sister mo."

Dahan-dahan siyang lumingon. She flipped her hair back and eyed him with mild interest.

"Thanks, Benj. I'm Becca." Tinapunan niya ng tingin si Heather. "Iwan ko na muna kayo, maglalakad lang kami ni Heather."

"Sabayan na kita, paalis na rin naman ako."

Tumikwas ang kilay ni Becca. Tiningnan niya si Jan Marie. Nagtama ang mga mata nila ng kapatid. Maarteng inikot niya ang hintuturo sa hibla ng buhok, kunwari nag-iisip.

"Mukhang may pinag-uusapan pa kayo ni Jan."

"No. Nagpapaalam lang ako sa kanya." Bumaling si Benj sa kapatid niya. "I better get going, Jan. I guess see you tomorrow?"

Walang boses na lumabas sa kapatid niya. Jan Marie visibly swallowed before nodding her head. Ngumiti si Jan kay Benj, halatang pinipilit lang nitong itinatago ang disappointment.

"See you. Ingat ka."

"I will."

Becca had seen enough. Tinalikuran na niya ang dalawa at nagpatiunang maglakad. Alam niyang hahabol at hahabol si Benj. Lihim siyang napaismid.

***

Isang linggo pa ang lumipas, boyfriend na niya si Benj. And that same night, she heard her sister cry herself to sleep.

"Ano na naman ba ang ginawa mo sa kapatid mo, Rebecca?" 

Kinaumagahan ay 'yon agad ang salubong sa kanya ng ina sa hapag-kainan. Wala na ang Daddy nila, siguradong pumasok na ito sa trabaho. Hindi muna siya sumagot. Patamad na hinila ni Becca ang silya para maupo. 

Agad na lumapit sa tabi niya ang katulong at sinalinan ng orange juice ang baso niya. Matalim ang mga matang sinulyapan ni Becca ang katulong.

"Tomato juice, ayoko ng orange."

Dinig niya ang maingay na buntong-hininga ng Mommy niya. "Sige na, palitan mo na."

"Opo, Ma'am. Sorry po."

"Stupid," bulong ni Becca. Dumampot siya ng tinapay mula sa bread basket.

"Rebecca, nakikinig ka ba?"

"Yes, 'My."

"Hindi 'yan ang gusto kong marinig sa 'yo. Ano na naman ang ginawa mo kay Jan Marie? Ayaw bumaba hangga't nandito ka."

Patay-malisyang sinalubong niya ang tingin ng ina. 

"My, walang bago. Maarte pa rin ang paborito n'yong anak. Ayaw niya akong makita, problema n'ya 'yon."

"Hindi na ba talaga kayo magkakasundo? Dalawa lang kayo, ano ba?"

Umiling si Becca. Kahit nakakaramdam siya ng inis nang ganito kaaga ay siniguro niyang hindi tumataas ang boses."

"'Yang anak n'yo ang kausapin n'yo. Masyado siyang kontrabida sa lahat ng ginagawa ko."

"You should—"

"Mommy, saka n'yo na ako pagalitan. Kailangan ko nang kumain. Para makalayas na at nang makalabas na sa lungga niya ang anak n'yo."

Walang ng nasabi ang Mommy niya. Iiling-iling na itinuloy nito ang pagkain. 

"Saan ka na naman pupunta?"

"Diyan lang 'My. Hang-out lang kasama ng mga kaibigan."

"Baka naman puro lakwatsa na lang ang atupagin mo? Wala ka bang bagsak sa eskuwela? Hindi ko na nakikita ang report cards mo ah."

Paano n'yo makikita, busy kayo sa paborito n'yong anak.

Nagkibit-balikat siya. "Ga-graduate ako 'My. Sigurado 'yan."

Hindi na niya idinugtong na consistent siya sa Dean's list simula nang mag-college siya. Ni minsan ay hindi pa siya nalalaglag doon. Ang isyu naman sa report cards niya, sa opisina ng Daddy nila sa Makati niya in-address 'yon. Gusto niyang ang ama ang unang makakita ng mga grades niya. After all, her father appreciates her effort.

Hindi siya inabot ng sampung minuto sa pagkain. Mabilis siyang umakyat sa kuwarto para maligo at magbihis. Ilang sandali pa ay pinaglalaruan na niya sa daliri ang susi ng kotse niya. Nadaanan niya ang ina sa garden na nag-i-spray ng mga orchids nito.

"Alis na po ako, 'My."

Hindi ito lumingon. "Sige. Mag-iingat ka."

Becca smiled bitterly to herself. Sanay na siya sa kakarampot na atensyon pero bakit nasasaktan pa rin siya? Ipinilig niya ang ulo. 

Makaalis na nga lang.

Habang nagmamaneho ay lumilipad ang isip niya. Nagsinungaling siya sa ina na makikipagkita siya sa mga kaibigan. Ang totoo, wala siyang kaibigan kahit isa. Lapitin siya ng lalaki pero hindi ng kaibigan. 

Karamihan ng babae sa klase nila ay galit sa kanya. Kasalanan ba niya kung crush siya ng karamihan sa mga lalaki sa klase nila? Madalas kaysa hindi, agawan ang mga kaklase niyang lalaki sa pag-o-offer ng assistance sa mga classrooma activities nila.

Hindi siya ang tipo ng taong tatanggi sa inaalok na tulong. Lalo na kung alam niyang mag-be-benefit siya doon. Binigyan siya ng magandang mukha at matalas na pag-iisip ng Diyos. And using her gifts to her advantage is not a sin. Binigay sa kanya eh, bakit hindi niya gamitin?

Halos isang oras din siyang paikot-ikot sa vicinity ng village nila. Wala siyang maisip na puntahan. Hanggang sa mahagip ng tingin niya ang isang grupo ng mga kindergarten pupils. Nakapila ang mga 'yon sa gilid ng daan, dilaw ang kulay ng mga uniporme. Parang may tour ang mga ito dahil nangunguna ang dalawang babaeng may bitbit na maliit na tour flag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance