Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Magnet for Trouble

"T-Thank you for helping me," sabi niya.

"Don't mention it," walang kangiti-ngiting sagot ng lalaki. 

"If you don't mind me asking, why are you with that kind of guy?"

Umilap ang mga mata ni Becca. "B-Because I needed the money. My mom is in the hospital."

Reth eyed the masked woman with understanding. Hindi lahat ng tao sa mundo ay biniyayaan ng kapasidad para balikatin ang mga responsibilidad sa buhay. May mga taong wala ring naging choice kundi sumabak sa responsibilidad dahil sa pagmamahal sa pamilya. And this woman is not an exception.

Tingin niya ay hindi naglalayo ang edad nilang dalawa. Her voice sounded young but her eyes looked tired. Hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil natatabunan ng maskara. He felt a twinge of pity that he couldn't stop himself from reaching into his coat.

"Here," aniya at inabot ang isang calling card. "I'm not judging you but I think you might want to give this a try."

Tumingin sa kanya ang babae. "W-What is that?"

Hindi siya kumibo. Iginalaw ni Reth ang kamay, pilit kinukumbinsi ang babae na kunin ang hawak niya. Her hand moved slowly as she reached out to accept what he is offering.

"You seem to be a capable person. J.G. and Kale are looking for designers. They're based in Thailand and the pay is good, benefits too," paliwanag ni Reth.

"T-Thank you."

"If they asked who referred you, don't tell them it was some random stranger whom you met in a cruise. Don't even mention my name. The head HR looks down on people who wants to muscle their way into the company because of connections. Chances are, you won't even get to the second round of screening."

"I-I see. Thanks. Don't worry, I don't even know your name so there is no chance for my slip up."

Hindi sinasadyang tumikwas ang kilay ng binata. So she did not hear the conversation between him and the ship's staff? Good.

"Is there anything I can help you with? I'm in a good mood tonight so I'm feeling a little generous," alok ng binata.

Nag-isip si Becca. Tutal ay nag-alok naman ng tulong ang lalaki, bakit hindi niya samantalahin? Hindi naman siguro siya magmumukhang nagsasamantala.

"Is t-that alright?"

"I wouldn't ask other wise."

"T-Thanks. Uhmm...c-can I borrow your p-phone? I need to make a call to my manager."

Without question, Reth whisked out his cellphone and handed it to Becca. Lumayo na rin ito sa kanya, siguro para bigyan siya ng privacy sa pakikipag-usap. Tinalikuran ni Becca ang lalaki at nag-dial. Mabuti na lang at kinabisado niya ang number ni Raf.

"Hello?" Raf's tone was clipped.

Napalunok si Becca. Ngayong ligtas na siya, ngayon ulit nanumbalik ang panginginig ng tuhod niya.

"R-Raf..."

"Becca? Is that you? What happened? Galit na galit si Mr. Yao, tinakasan mo raw siya."

"R-Raf...hindi ko siya tatakasan kung..."

She found out she couldn't go on. Retelling someone of what she's been through felt like going through the experience again. She can picture the scene in her head in scary vividness.

Nag-iba ang tono ng boses ni Raf. Parang naging alerto ang kausap niya sa kabilang linya.

"May ginawa siyang salungat sa pinirmahan n'yong kontrata?"

"O-Oo eh."

"Damn it! Nasaan ka? Okay ka lang ba?"

"O-Okay ako." Sinulyapan niya ang nakatalikod na lalaki. "M-May tumulong sa akin. Pero hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Basta nasa isang cabin. Hindi ko kabisado itong cruise ship, eh." 

Inilibot niya ang mga mata pero hindi niya maaninag sa may kadilimang cabin kung ano ang numero nito.

"May kasama ka ba ngayon diyan?" muling tanong ni Raf.

"Oo, 'yong tumulong sa akin at hiniraman ko nitong cellphone."

"Good. Stay put. I'll find you, stay on the line."

"S-Sige."

"Subukan mong alamin kung ano ang cabin number."

"Okay."

Gaya ng bilin ni Raf ay hindi niya ini-off ang tawag. Dinig ni Becca ang paghinga ng kausap sa kabilang linya.

"Ummm...e-excuse me."

Nilingon siya ni Reth. Humakbang ito papalapit sa kanya.

"Yes?"

"I need the cabin number, my manager will come for me."

"Give me the phone," utos ng binata.

"O-Okay."

Saglit na nag-usap ang dalawang lalaki. Mayamaya ay ini-off na ni Reth ang telepono at binalingan si Becca.

"If you need to get off this ship, you can come with me." Sinilip nito ang suot na Rolex. "I'm leaving anytime now."

"Yes, if that's not too much to ask."

"It's not."

"Thank you." 

He waved his hand in the air, as if telling her it's not a big deal. Sa kabila ng panlalambot ng tuhod ay nagawa niyang ngumiti. Kahit hindi masyadong naiilawan ang cabin ay sigurado si Becca na guwapo ang lalaki. Masuwerte ang girlfriend o asawa nito.

Mayamaya ay nakarinig na sila ng katok. Akmang bubuksan ni Becca ang pinto pero pinigilan siya sa braso ni Reth. Takang napatingin siya sa lalaki pero sumenyas lang ito na huwag siyang maingay. Hinayaan na lang niya ang lalaki sa gagawin nito.

Sumilip muna si Reth sa peephole bago tuluyang pinagbuksan ang kumakatok. Nang lumitaw ang bulto ni Raf sa paningin ni Becca ay hindi niya mapigilang maluha. Pero agad niyang pinahid ang nabuong pamamasa ng mga mata. Hindi ito ang panahon para maging emosyonal siya.

"Becca! Are you alright?" 

Inilang hakbang ni Raf ang distansya nila. Tumango si Becca. Iyon lang naman ang magagawa niya para pigilan ang kagustuhang bumunghalit ng iyak. Kahit may kadiliman ang cabin ay sinuyod siya ng tingin ni Raf mula ulo hanggang paa.

"You should choose people you should deal with." Narinig nilang sabi ni Reth.

Noon lang parang naalala ni Raf na may kasama silang ibang tao. Akbay si Becca na lumingon si Raf kay Reth.

"Y-Yeah. Thank you for saving her."

"No worries." Muling napatingin si Reth sa relo niya. "I'm leaving."

"W-Wait!" Sambit ni Becca. Binalingan ng dalaga ang katabi at hinawakan sa braso si Raf. "Gusto kong umalis dito."

"How? Nasa gitna tayo ng laot."

"I don't know. He offered me a ride," aniya. Her eyes flicked towards Reth's direction.

"Really?"

"O-Oo."

"Sasamahan na kita."

"Are you coming?" Kay Becca patungkol ang tanong ni Reth.

"Yes. He's coming with me too. Is that okay?" 

Tumango si Reth. "I don't mind. Come along, you two. Where should I drop you off?"

Napatingin si Becca kay Raf. Tinapik naman ng lalaki ang kamay niya na para bang nagsasabing ito ang bahala.

"If my calculation is right, we're not that far off from Manila Bay. If it it's not too much to ask, can you drop us off at Fortaine Towers?"

"Okay."

Literal siyang nakahinga nang maluwag. Noon niya naalala si Nanette.

"Iiwan na lang ba natin si Nanette dito?"

"Nanette can take care of herself. Bukas makalawa ay magkikita rin kayo sa opisina," sabi ni Raf.

Wala na siyang nasabi pa. Sinundan na nila si Reth palabas ng cabin. Nang i-drop sila ng helicopter ng tagapagligtas niya ay agad din itong umalis. He said he has some urgent matters to attend to. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat sa tao.

She talked to Raf. Hindi niya kaya ang trabaho. Matagal-tagal bago mawala sa isip niya ang dinanas sa kamay ni David Yao.

"I promise you, makakaganti ka kay Yao. Sa tagal ko sa Fantasia, siya pa lang ang nagtangkang gawan ng masama ang talents ko," tiim-bagang na sambit ni Raf.

"Thank you. But I'd rather think of it as a nightmare. Kung magsasampa kayo ng kaso sa kanya, please leave me out of it."

"Rest assured. Hindi ka madadawit sa sitwasyong 'to. Pero kailangan ko ng statement mo tungkol sa insidente para sa report ko sa higher ups. Kung okay lang sa 'yo, daan muna tayo sa office?"

Pumayag siya. Napag-alaman niyang nasa Fortaine Towers lang din pala ang office ng Fantasia. Dinala siya ni Raf sa isang conference room. He took out a video cam recorder and set it up.

"Ano'ng gagawin ko?"

"Just talk. Balikan mo 'yong nangyari, kung okay lang? Don't leave a single thing out. Lahat ng nangyari, ikuwento mo. When I say don't leave a single thing out, every minute detail should be recounted."

She nodded.

"Ready when you are."

Becca started talking. And when she's done, she couldn't stop herself from shivering. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa cruise ship. She knew it's all in her head but everything is still vivid in her mind. Ini-off ni Raf ang camcorder. Without a word, he put his coat over her shoulders and led her out of the room.

She called in sick at work the next day. Pagbalik niya sa trabaho makalipas ang dalawang araw ay hindi sila nagkita ni Nanette. Agad siyang nag-file ng leave bago natapos ang araw. Tatlong linggo ang hiningi niyang leave na agad rin namang in-aapprove ng HR. 

Siguro ay nakatulong na simula nang mapasok siya sa trabaho ay hindi pa siya nagre-request ng vacation leave. Idineposito na muna niya ang pera sa isa pa niyang account. Ibinenta na rin niya ang sariling kotse para madagdagan ang pondo. She didn't get the three million for the job at Fantasia.

Pero ganoon pa man ay may maliit na porsyento siyang nakuha. Sabi ni Raf ay madadagdagan pa 'yon kapag naayos na ng Fantasia ang issue kay David Yao. Mag-antay lang daw siya. But her family cannot wait. Mahigpit ang pangangailangan nila kaya hindi siya pwedeng maghintay na lang. She must do everything she has to do to keep her family afloat.

Ang pinakauna niyang agenda ay ang malilipatan nilang magkapatid. So she went house hunting online for her and her sister. Nagtanong-tanong na rin siya sa mga kakilala. She wanted a house close to the hospital where her mother is confined. Hindi niya alam kung hanggang kailan sa ospital si Regina.

Mas mabuti na 'yong handa sila kung sakaling magising ito at pwede nang iuwi. After a thorough deliberation, may nahanap siyang isa. Malapit sa ospital, may easy access sa mga public commute at maayos ang security. 'Yon lang medyo mabigat sa bulsa sa kasalukuyang estado ng buhay nila.

Hindi bale, didiskarte na lang siya uli. Ang mahalaga ay may maayos na mauwian ang kapatid at ina niya. So she signed the lease and paid the required fee. Pagkatapos ay inasikaso naman niya ang job opening na sinabi ng tagapagligtas niya. Hindi naman siguro nagsisinungaling 'yong tao. At sa tuwa ni Becca ay mukhang legit nang puntahan niya ang website ng kompanya.

She immediately sent her application to the email address provided. Bukod pa doon ay naghanap na rin siya ng iba pang options. Tiningnan na rin niya ang schedule ng cruise na balita niya ay sasamahan ni Maxwell. And knowing Maxwell, hindi basta-basta ang taste nito.

Siguradong ginto and presyo ng ticket sa barkong 'yon. It was a week long cruise to Palawan, exclusive to people with money to burn.Hindi siya nagkamali. Halos seventy percent ng natitirang perang nasa kamay niya ang katumbas ng presyo ng ticket. Non-refundable.

"Damn! Saan ba gawa ang ticket, sa ginto? Grabe naman!" iritadong bulalas niya. 

Pero may pagpipilian ba siya? It is a luxury ship. Natural lahat ng amenities sa loob ay primera klase. So hindi nakapagtatakang ganoon ang presyo ng tiket. She eyed the web page again, finger hovering above her mouse. Pikit-matang pumindot si Becca. Pagkatapos ng ilang minuto ay nabili na niya ang ticket.

Bawas na rin ng malaking halaga ang pera niya. She hoped she did the right thing. Latag na ang dilim nang matapos siya. It was when she received a call from Joaquin. Nagyayaya itong lumabas. So she thought why not? Sa dami ng nangyari sa kanya, deserved niyang mag-break. Without much thought, Becca jumped on her feet to get ready.

Nang magkita sila ni Joaquin ay bagsak na bagsak ang mukha ng lalaki. Sinundo siya nito sa bahay dahil wala na siyang kotse. Sa isang bar sila humantong. It turned out he called her because he's miserable.

Tunay nga yatang totoo ang kasabihang misery loves company. Pero hindi niya ininda 'yon. Totoo namang miserable rin siya. At kailangan niya ng kaibigang makakausap.

"Why is she so fucked up?" himutok ni Joaquin habang yakap-yakap ang bote ng alak.

May tama na ang kaibigan. Siya naman ay paunti-unti lang ang inom kaya hindi siya lasing. Natawa na lang siya saka inagaw sa binata ang bote.

"Ayaw mo kasing magpaliwanag. Ano, tulungan kita? Though I can't promise I won't grab her hair once she made the first move to pull mine."

"Nah. Hayaan mo siyang manigas sa selos. But don't hurt my baby. She's fierce but she cannot win against you." Umiling si Becca." Hindi kita maintindihan. Heto ka nagpapakalasing dahil inaaway ka pa rin ng gf mo. Pero ayaw mo namang tulungan kitang magpaliwanag."

Hindi na nakasagot si Joaquin. Nakatulog na kasi ito. Iiling-iling ng humingi ng tulong si Becca sa staff ng bar para tulungan siyang alalayan si Joaquin sa kotse nito. Ipagda-drive na lang niya ang binata pauwi. She was about to close the door on the passenger side when someone grabbed her hair from behind. Wala sa loob na napatili siya at pilit na nilingon ang attacker.

"Bitch! I knew it! You're sticking to my boyfriend like a leech! I warned you pero hindi ka nakinig!" 

Napapikit si Becca nang sumigid ang sakit sa anit niya. Base sa boses, girlfriend ni Joaquin ang dumating. She grabbed the woman's wrist and squeezed hard. Sumigaw ang babae. Medyo lumuwag ang hawak ng babae. At iyon ang hinihintay niyang pagkakataon. She jabbed an elbow to the woman's side.

Narinig pa niya ang pag-igik nito pero hindi ito bumitaw.Inulit niya ang ginawa at sa pagkakataong ito ay sinabayan niya ng malakas na pagpadyak sa paa nito. Her heels dig on the woman's foot, earning her a pained scream. Doon bumitaw ang babae. She uttered an apology under her breath to Joaquin before she swung her fist.

Sapol ang babae sa panga, napaatras ito. Hindi na niya hinintay na makabawi ang babae dahil sinundan na niya 'yon ng isa pang tadyak. The woman dropped on the pavement with a sickening thud. Hindi na ito gumalaw, malamang nawalan ng malay. Becca sighed.

Ngayon siya nakaramdam ng panginginig. The adrenaline rush left her weak. Nakarinig siya ng mga yabag. Paglingon ni Becca ay nakita niya ang mga security staff ng bar, kasunod ang isang lalaki. She felt detached as she watched them check on the woman on the ground. And when one of them called for an ambulance, Becca knew she's in trouble. 

Huminga siya nang malalim. Ramdam na niya ang pagsigid ng panibagong sakit ng ulo. Mukha ng kapatid niya ang pumasok sa isip niya.Her sister will definitely throw a hissing fit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance