Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hope Springs Eternal

"Hello, si Jan Marie Cordova ba 'to?"

Pinanood ni Becca ang pulis habang kausap nito ang kapatid niya. Humantong siya sa presinto dahil sa insidente sa bar. Pinahatid na lang niya si Joaquin sa isang staff ng bar pagkatapos niyang tawagan ang admin ng building nito.

Saglit na tumigil sa pagsasalita ang pulis. Mayamaya ay nagpatuloy ito.

"Ah, si PO3 Palma po 'to ng Manila Police District, Ma'am. Kakausapin daw kayo ng kapatid n'yong si Miss Rebecca."

She reached for the phone. Landline ng police station ang gamit niya dahil sira na ang sarili niyang cellphone. It must have fallen from her pocket while she was fighting Joaquin's girlfriend. Ngayon ay basag na ang screen nito at ayaw na gumana.

"Hello, Jan? Sunduin mo ako dito, tawagan mo si Attorney."

"Ano'ng ginagwa mo d'yan, Ate?!" Matinis na matinis ang boses ng kapatid niya.

"Mahabang kuwento. You still have the money, right? Kausapin mo si Attorney, ilabas kamo niya ako dito. There is no way I'm sleeping here tonight!"

"A-Ate, bawas na po 'yong pera. Ipinambayad ko sa kalahati ng bills ni Mommy."

"Okay lang. Kailangan ko lang bayaran 'yong piyansa."

"Sige. Hintayin mo kami d'yan."

Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinalik niya sa pulis ang telepono. She felt stares drilling on her back. Paglingon niya ay matalim ang tingin sa kanya ng lalaking kasama ng girl friend ni Joaquin.

She flipped him the bird. Lalong nagdilim ang mukha ng lalaki. Akmang susugod ito sa kanya pero pinigilan ito ng isang pulis. Becca scoffed.

"Jerk."

"Bitch," ganting pasaring ng lalaki.

She rolled her eyes.

"How original. Tell me something I don't know."

Walang naisagot ang lalaki.

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ni Becca. Dumating and abogado niya at ito ang nakipag-usap para sa kanya. She kept her mouth shut against the accusations and stared at her fingernails instead.

Dumating si Jan Marie habang kausap ng abogado nila ang isang pulis at abogado ng kabilang partido. Kasunod ng kapatid niya si Menchu. Her sister doesn't know shit about commuting so she was thankful that Menchu is there for her.

Hangos na lumapit sa kanya si Jan Marie.

"Ate! Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Your sister is charged with assault. Nasa ospital ang nakaaway niya," sabi ng abogado nila.

"Assault, my ass! It was self-defense!" pagtatama niya.

"My client suffered multiple injuries. Hindi mukhang self-defense 'yon. Anyway, magkakaalaman naman 'pag na-review na ang CCTV ng establishment. Gusto kong ipaalam sa inyo na hindi kami magdedemanda kung sasagutin n'yo ang bayarin sa ospital. And of course, hindi na tayo aabot sa korte. Pwede naman nating pag-usapan nang maayos."

"Sinasabi ko na nga ba! Peperahan lang kami ng babaeng 'yon! Kunwari siya ang biktima. My god!" bulalas ni Rebecca.

Hindi siya pinansin ni Jan Marie. Bagkus ay sa abogado ito nakipag-usap.

"Attorney, ibig bang sabihin papayag kayo sa isang amicable settlement?"

"Yes. Ayaw din ng kliyente ko na umabot pa sa korte 'to. It is a waste of time sa part n'yo, sa totoo lang. Maraming witness ang client ko na ang kapatid mo ang nagpasimuno ng gulo."

"No! Hindi ako papayag!" tanggi ni Becca.

Helpless na napatingin kay Jan ang abogado nila. Tumango ito sa kapatid niya.

"Sige po, papayag kami sa settlement," sabi ni Jan.

"Jan! Halika nga muna dito sandali."

Tumayo siya at hinatak ang kapatid. Dinala niya ito sa sulok malapit sa bintana.

"Bakit ka ba nangingialam? Peperahan lang tayo ng babaeng 'yon!"

"Kaysa naman mag-drag on pa sa korte. Saan tayo kukuha ng pambayad sa abogado?"

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Pero saglit lang 'yon. Matigas siyang umiling.

"At ano'ng gusto mong gawin ko, hayaan na lang ang babaeng 'yon na ubusin ang natitirang pera natin?"

Jan crossed her arms over her chest.

"May pagpipilian ba tayo, Ate?"

Walang naisagot si Rebecca.

"Okay lang kahit hindi mo gampanan ang pagiging panganay. 'Wag mo na sanang dagdagan ang problema natin kasi nakakapagod na."

Jan Marie turned and left her.

*****

"Damn it! Nasayang lang 'yong pera ko!"

It turned out na hindi rin naman pala matutuloy si Maxwell sa cruise. Sa society pages pa ng newspaper niya nalaman 'yon. May dadaluhan itong convention overseas.Sa inis ay naibalibag niya ang binabasang newspaper. Tuloy ay hindi niya narinig ang notification sa cellphone niya.

Nakabili siya ng bagong phone. 'Yon lang hindi kasing ganda ng dati niyang ginagamit. Kailangan niyang magtipid sa ngayon dahil puro na lang gastos at walang pumapasok na pera sa kanila.

Kung hindi pa nag-text sa kanya ang HR nila ay hindi niya mapapansin ang email na pumasok. It was a surprise because it came from J.G. and Kale, the company her savior referred to her. Ang isa naman ay galing sa kompanya nila.

Despite her excitement, Becca restrained herself. Inuna niyang basahin ang galing sa kompanya nila. The email informed her that her cash advance has been approved. Natuwa naman siya. Kailangang-kailangan talaga niya ng pera. May pandagdag na siya sa iniwan niya kay Jan Marie.

To her surprise, the one from J.G. and Kale is an interview schedule. Ang maganda pa, hindi niya kailangang magpunta ng Bangkok para sa interview. It can be done through video call.

Much better, she thought. Dahil sa sitwasyon niya ngayon, mapipilitan siyang tanggihan 'yon kung sakali kung kinakailangan pa niyang bumili ng airfair papuntang Thailand.

Sinagot niya ang email ng J.G. and Kale. Hindi naglipat-oras ay may sagot na rin ang kompanya. Kung maaari raw ay mismong araw ding 'yon ang interview. Magbigay lang siya ng oras na convenient para sa kanya.

Becca looked at the time. Alas diyes pa lang ng umaga. Sa loob ng isang oras ay kaya niyang mag-ayos para sa interview. Philippines is one hour ahead of Thailand. Puwede.

Pagkatapos niyang sagutin ang email ay nagkasundo na sila ng HR. Mabilis siyang naligo, nagbihis at nag-make up. She chose the minimalist approach by keeping her make up and hair simple and clean.

And when the people from J.G. and Kale came to interview her through web conference, Becca gave it her all. Pakiramdam kasi niya iyon na ang opportunity na hinahanap niya.

"Let me ask you one last question, Miss Cordova. How did you know about J.G. and Kale?" tanong ng isang babae mula sa panelist ng interviewer. Lima ang naroon.

Nakapakagat-labi siya. Naalala niya ang sinabi ng tagapaglitas niya. Mabilis na gumana ang isip niya. She must improvise. 'Yong medyo malapit sa katotohanan para hindi naman siya halatang nagsisinungaling. Becca breathe out.

"Some may call it coincidence, some may call it fate. But for me, I'd like to call it timed intervention."

Tumaas ang kilay ng nagtanong sa kanya.

"Pray tell expound further?"

"About three weeks ago or so, I was in a cruise ship. I found a calling card that belongs to the head of the HR and Recruitment Department, Mr. Klaew Kla Watakeekul. My curiosity prompted me to search online for J.G. and Kale."

"I see. Thank you, Miss Cordova. This ends the interview." Lumingon ang babae sa katabi nitong lalaki. "Any thoughts, sir?"

The one asked looked at Becca for a few seconds. Pagkatapos ay tumango ito.

"Welcome to J.G. and Kale, Miss Rebecca Cordova. We were very impressed with your CV. How soon can you travel to Bangkok?"

Becca pinched her thigh under the table to keep herself from jumping up. Kailangan niyang i-maintain ang professional attitude sa harap ng mga kausap.

"To be honest I am currently connected with the company I work at. Please give me a month to process my resignation and to ease them into the transition of me leaving my post."

"No problem. We will send you the contract to your e-mail. The terms are stipulated there as well as the benefit packages you are entitled to avail. Let us know if you have any questions so we can discuss it. Alright?"

"Yes, Sir. Thank you."

"You're welcome. And welcome aboard."

When the call disconnected, Becca squealed like a five-year old. 

***

"What's this?" kunot-noong tanong ni Patty, ang direct supervisor niya.

"My notice of resignation, Boss. Effective after one month. 'Wag kang mag-alala, naayos ko na lahat ng dapat ayusin. Iti-train ko na rin si Mia para maging kapalit ko."

Umiling si Patty. "Hindi ko ito matatanggap."

"Wala ho kayong magagawa. Na-approved na ho ng HR 'yan last week pa."

Napamulagat si Patty. "Last week mo pa pala binalak, hindi mo man lang sinabi sa akin?"

She bit her lip. "Alam ko kasi na hindi ka papayag."

"Natural!" Hinagis pabalik ni Patty sa kanya ang notice. "Those people," sumenyas ito sa labas, "are incompetent."

"Hindi naman siguro. Kulang lang sila sa guidance at tamang training," depensa ni Becca sa mga kasama.

May tatlo pang Interior Decorator sa team nila maliban sa kanya. Nataon lang na mas huli niya ang wika nga ay kiliti ng Boss nila. At kilala na rin siya ni Patty, alam nito kung ano'ng klase siyang empleyado.

Napabuga ng hangin si Patty. "Seriously, Becca, pag-isipan mo. You're in line for promotion next month, magiging team leader ka na. Ngayon ka pa ba aalis? Paano na ang Mommy mo? Ang gastusin sa ospital? Ang pag-aaral ng kapatid mo? Ano na ang gagawin mo 'pag umalis ka dito?"

"Sa totoo lang, Boss, may mas magandang offer kasi," pagtatapat niya.

"Saan naman? Sino'ng gago ang sumulot sa 'yo?"

Natawa siya. Kahit boss niya si Patty Silava ay kaibigan din niya ito sa labas ng opisina.

"Hindi ako pinirata ng kakumpitensya ng kompanya, Boss. Suntok sa buwan nga lang talaga ang pag-a-apply ko sa lilipatan ko. Pero sinuwerteng nakapasa. Kaya sabi ko, grab ko na 'to."

Sandaling hindi nakaimik si Patty. Mayamaya ay tumango ito.

"Sigurado kang okay sa bago mong lilipatan? Maayos ba ang compensation at benefits?"

Tumango siya. "Super." Hindi niya napigilan ang pag-ahon ng excitement sa dibdib. "Sagot din ng company pati bahay at sasakyan ko. Plus, extended sa family members ang health benefits. Maililipat ko na si Mommy sa mas magandang ospital overseas."

"Wait, what? Overseas?" Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Patty.

"Yes. Based sila sa Bangkok, Thailand."

"Ano'ng pangalan ng kompanya? Paano mo sila nakilala?"

"J.G. and Kale." Pagkaalala sa binatang tumulong sa kanya ay napalunok si Becca. "Actually ni-recommend lang siya ng isang k-kaibigan. Subukan ko daw kasi mas malaki ang sweldo."

Nanunuri ang tinging ibinigay sa kanya ni Patty. Para bang hinahanapan siya nito ng indikasyon kung nagsasabi nga ba siya ng totoo.

"Sigurado kang hindi ka mapapahamak d'yan?"

Tumango siya. "Sigurado."

Sumandal si Patty sa upuan. Saglit na nag-isip. Makalipas ng ilang sandali ay nagsalita ito.

"Beach front ba ang property?"

Unti-unting nagkahugis ang ngiti sa mukha ni Becca. Mahilig ang boss niya sa dagat.

"Hindi, nasa sentro ng Bangkok. Pero may beach front hotel na pag-aari ang company sa Phuket."

"Okay. In my next vacation, sagot mo ang accomodations ko."

"Sure!"

At sabay pa silang nagkatawanan.

***

Isang linggo pagkatapos maipasa ang resignation letter ay dumaan sa isang flower shop malapit sa ospital si Becca. Marami siyang kailangang gawin para sa paghahanda sa pag-alis niya sa bansa, pero nakaramdam siya ng kagustuhang unahing puntahan ang ina. Bitbit ang bulaklak ay tinungo ng dalaga ang kuwarto ng inang si Regina, pigil ang isang malaking bara sa lalamunan nang masilayan ang maputlang mukha ng ginang.

Tuloy ay parang naninigas ang mga binti niya sa pagkakatayo sa pinto, pinapanood ang nurse na naroon sa pag-aasikaso sa ina. Ganoon pa man, huminga siya nang malalim at tuluyang pumasok sa silid. 

"Hello, Ma'am," bati ng paalis na nurse na umasikaso sa ginang.Ginantihan ni Becca ng maliit na ngiti ang babae. 

"Kamusta si Mommy?"

"Ganoon pa rin po, walang progress. Stable naman ang vitals niya."

Tumango-tango si Becca. "Maraming salamat sa pag-aasikaso sa kanya."

"Tungkulin ko po 'yon."

"Ganoon pa man, salamat pa rin."

Ngumiti ang nurse. "Walang anoman po. Mauna na po ako."

"Sige."

The flower vase beside Regina's bed still contains the previous day's flowers. Ibinaba muna niya ang bag sa paanan ng kama ni Regina bago binitbit ang vase papunta sa banyo. Doon ay inalis niya sa vase ang lumang bulaklak at ipinalit ang bagong dala niya. Mayamaya pa ay inilapag na niya sa ibabaw ng mesa sa gilid ng higaan ni Regina ang bagong palit na mga bulaklak.

Regina loves flowers. Kung kaya naman regular niyang pinapalitan ang bulaklak sa kuwarto nito sa ospital. Becca wanted her mother to open her eyes to the sight of those beautiful flowers. Hindi bale nang hindi sila ng kapatid niya ang unang masilayan nito. Importante ay magising na ito para makahinga na sila nang maluwag. And of course, to free them from further slipping down the slope of debt, to which Regina's running hospital bill is a big part of.

Higit sa takot na tuluyang mabaon sa utang, nangingibabaw kay Becca ang takot na mawala pati ang ina. It was hard enough to lose their father. Baka tuluyan na siyang masiraan ng bait 'pag sumunod si Regina. Malaking bagay na alam niyang naroon pa rin ang ina nila ni Jan, kahit sabihin pang comatose ito sa ngayon. In her heart of hearts, Becca is fervently hoping their mother could survive this ordeal.

Nanunubig ang matang hinawi niya ang buhok ng ina palayo sa mukha nito. Ilang araw pa lang sa ospital si Regina pero kapansin-pansin na kaagad ang malaking inihulog ng katawan nito. Dahil hindi rin masyadong nasisikatan ng araw ang ina, kaunti na lang ay kakulay na nito ang papel. Idagdag pang natural na maputi ang kutis ni Regina. 

"'My, aalis muna ako ha? I am going to build a life for us, away from all of this. 'Pag okay na, kukunin ko kayo ni Jan." Becca caressed her mother's pale face. "Please wait for me, I promise it won't be long."

Wala man siyang natanggap na sagot mula sa ina ay okay lang sa kanya. Ang mahalaga ay kasama pa nila ito. Hindi rin siya bumibitaw sa pag-asang darating ang araw ay magigising si Regina, ngingiti sa kanila ni Jan Marie kagaya ng kung paano ito ngumiti sa kanila sa tuwing daratnan nila sa bahay ang ginang. Oh, how she missed her mother's home cooked meals.

Pagkatapos magpaalam sa ina ay hindi na rin nagtagal si Becca. May lakad pa siya. Kailangan niyang masigurong may malilipatan ang kapatid niya bago pa man matapos ang palugit na binigay sa kanina ni Maxwell Quintanar. Hindi niya puwedeng iwanan ang kapatid na walang matitirhan. Hindi sanay sa hirap si Jan Marie dahil lumaki itong sheltered ng mga magulang nila.

Siya? It doesn't matter. Kahit sabihin pang lumaki rin siyang hindi kailanman nagkulang sa mga materyal na bagay ay hindi siya kagaya ng kapatid. Pero hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Her family comes first. Saka na niya iisipin ang sarili. 'Pag puwede na. 'Pag maayos na pareho sina Jan Marie at Regina.

For now, Becca, focus.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance